WEBVTT

00:11.000 --> 00:12.666
Hindi ka aalis!

00:12.750 --> 00:15.208
Subukan mong lumabas ng pinto,
at di ka na makakabalik.

00:15.291 --> 00:17.583
Leyla.

00:18.416 --> 00:19.958
Good morning.

00:22.166 --> 00:23.375
Good morning.

00:23.458 --> 00:26.500
'Yong plano, iiwan natin siya kay Ali,
pero pupunta si Ali sa US.

00:26.583 --> 00:29.416
Iiwan ko siya kay Ömer.
Nandoon si Ms. Gülnaz.

00:29.500 --> 00:30.666
-Sige.
-Sige?

00:32.500 --> 00:34.083
Magkita na lang tayo sa korte.

00:34.666 --> 00:35.791
Gising ka na ba?

00:35.875 --> 00:36.916
Tingnan mo 'ko.

00:37.625 --> 00:39.375
Gising ka na ba? A, oo. Mabuti 'yan.

00:39.458 --> 00:41.458
-Sige na. Buddy. Sige na.
-Tara na.

00:42.791 --> 00:43.875
Leyla…

00:43.958 --> 00:44.791
O?

00:45.333 --> 00:46.583
Ngayong araw na 'yon.

00:47.083 --> 00:48.625
Ngayon na ang big day, ha?

00:49.125 --> 00:50.708
Halika dito, halika.

00:50.791 --> 00:53.041
Sabihin mo rin. Ngayon ang big day.

00:53.125 --> 00:53.958
Halika.

01:02.208 --> 01:03.333
Ngayon na ang araw.

01:04.458 --> 01:07.833
THANK YOU, NEXT

01:28.125 --> 01:30.875
Edis! Edis!

01:32.250 --> 01:35.750
Edis! Edis!

01:41.791 --> 01:43.041
Pahingi ng whiskey.

01:43.750 --> 01:44.833
Salamat.

01:51.750 --> 01:52.666
Hello.

01:55.000 --> 01:56.125
Wag kang mag-alala.

02:00.541 --> 02:03.083
Dapat nasa stage na kayo
sa loob ng five minutes.

02:05.000 --> 02:07.708
Ikaw naman,
umalis ka na sa loob ng one minute.

02:13.958 --> 02:15.291
Welcome sa inyo.

02:19.250 --> 02:20.791
Wala siya, nasa Izmir pa.

02:20.875 --> 02:23.041
Mas malaki pala ang kaso
kaysa sa inakala namin.

02:23.541 --> 02:26.041
Pinalitan ang buong management
ng record company.

02:26.125 --> 02:28.416
Inaayos niya.
Malaking operasyon ang ginagawa niya.

02:28.500 --> 02:29.500
Dito po tayo.

02:38.916 --> 02:41.166
-Salamat sa lahat.
-Wala 'yon.

02:41.250 --> 02:42.333
The best ka.

02:42.958 --> 02:44.958
Sige na. Pangangahin mo sila. Go!

03:00.666 --> 03:04.625
Kahit saan ako tumingin, nakikita kita
Di ko kayang tiisin ang pangungulilang 'to

03:05.708 --> 03:08.208
Kung di ko makikita ang mukha mo
Kahit ni isang segundo

03:08.291 --> 03:10.375
Parang mamamatay na ako
Lintik naman, o

03:10.458 --> 03:14.208
Nakakahumaling pati mga talukap mo
Paano mo ako nabihag?

03:21.041 --> 03:22.916
O! Timing ang tawag mo.

03:23.000 --> 03:24.625
Di kita naririnig.

03:24.708 --> 03:26.375
Papunta na ako.

03:26.458 --> 03:28.166
Iniwan mo ako nang mag-isa.

03:28.250 --> 03:31.958
Ilang oras na lang, nand'yan na 'ko.
Wag kang mag-alala. Papunta na 'ko, ha.

03:39.291 --> 03:41.083
Maraming salamat, ha. Salamat.

04:02.416 --> 04:03.250
Leyla.

04:03.333 --> 04:04.208
Hi.

04:05.916 --> 04:07.750
Sa wakas, nandito na siya.

04:07.833 --> 04:10.583
Medyo nahuli ako ng dating, pero…

04:15.208 --> 04:16.125
Ayos ka lang?

04:18.208 --> 04:19.375
Ayos lang ako.

04:19.458 --> 04:21.208
-Welcome.
-Salamat.

04:21.708 --> 04:23.958
Nawalan na kami ng pag-asang
makakarating ka.

04:24.041 --> 04:26.250
Di ako makaalis kanina.

04:29.458 --> 04:31.291
Marunong ka palang mag-piano?

04:34.750 --> 04:35.750
Welcome.

04:36.333 --> 04:37.166
Salamat.

04:39.000 --> 04:42.375
Leyla, sobrang nagustuhan ko
'tong regalo mo.

04:43.416 --> 04:44.500
Maraming salamat.

04:44.583 --> 04:48.708
Halata namang hindi galing sa akin 'yan.

04:48.791 --> 04:51.791
Kay Cem 'yan. Ito ang regalo ko.

04:54.791 --> 04:56.208
Ang sweet mo.

04:56.791 --> 04:57.916
-Cem.
-O?

05:00.166 --> 05:03.416
-Maraming salamat.
-Wala 'yon. Happy birthday ulit.

05:04.333 --> 05:06.583
Birthday mo na daw in 15 days.

05:06.666 --> 05:08.708
Oo, pero wala akong planong mag-celebrate.

05:08.791 --> 05:10.166
Bakit naman?

05:10.250 --> 05:12.291
Ayoko ng surprise party.

05:14.291 --> 05:16.375
Gutom ka ba? Ipagluluto ka nila.

05:17.208 --> 05:19.458
Wag na, nagmeryenda ako sa eroplano.

05:20.416 --> 05:23.000
Di ka naka-attend.
Sobrang saya kanina, Leyla.

05:23.083 --> 05:25.916
-Mukha nga.
-Sobrang saya.

05:26.000 --> 05:28.500
Pinasaya talaga ako ni Cem ngayong gabi.

05:28.583 --> 05:31.458
Pinaramdam niya na sobrang special ko.

05:33.416 --> 05:36.833
Ang galing. Masaya ako.
Masaya akong masaya ka.

05:36.916 --> 05:39.791
Happy birthday ulit.

05:39.875 --> 05:41.250
Happy birthday to me.

05:44.291 --> 05:46.500
Simulan ulit natin ang party.

05:47.000 --> 05:50.125
-Nandito na si Leyla. Simulan natin ulit.
-Defne, wag.

05:50.208 --> 05:53.000
-Sige na, Leyla.
-Magsasaya tayo ngayon.

05:53.958 --> 05:55.541
Kukuha ako ng champagne.

05:56.416 --> 05:57.250
Ayos ka lang?

06:12.416 --> 06:13.833
Huwag mo 'kong iwan.

06:14.541 --> 06:17.250
-Nandito na tayo, Defne. Nandito na.
-Cemo.

06:18.625 --> 06:19.458
Oo.

06:20.333 --> 06:21.166
Ayan na, Defne.

06:21.250 --> 06:24.125
-Leyla.
-Nandito kami. Nandito kami pareho.

06:24.208 --> 06:25.250
Nandito kami.

06:27.416 --> 06:30.083
Oo. Ganyan.

06:30.166 --> 06:31.958
Matutulog siyang suot 'yan?

06:33.208 --> 06:34.791
Magiging okay lang siya.

06:36.583 --> 06:40.416
Okay. Matulog ka nang mahimbing.
Mag-usap tayo mamayang hapon, ha?

06:44.416 --> 06:46.000
Di mo kami mapaghihiwalay.

06:50.041 --> 06:52.125
Kahit si Selim, di kami napaglayo.

06:55.500 --> 06:57.375
Hindi kami mapaghihiwalay.

07:04.333 --> 07:06.875
Buddy bunny. Baby ko!

07:07.375 --> 07:08.958
-Buddy boy.
-Kumusta, boy?

07:09.458 --> 07:12.125
-Kumusta? Ano'ng pinagkakaabalahan mo?
-Kape?

07:12.208 --> 07:13.166
Sige.

07:13.250 --> 07:15.916
Naglaro ka ba? Naiinip ka ba, baby?

07:16.000 --> 07:17.375
Ano'ng plano mo ngayong araw?

07:17.458 --> 07:19.125
Pupunta ako sa opisina.

07:19.791 --> 07:21.708
May ilang meeting pa ako.

07:21.791 --> 07:24.250
-Wala nang iba.
-Malay mo naman.

07:24.333 --> 07:27.833
Baka sumugod ka na naman sa apoy
para lang malutas ang problema.

07:30.500 --> 07:33.041
Importanteng client si Edis, Cem.

07:33.125 --> 07:35.125
Kinailangan kong pumunta sa Izmir.

07:36.791 --> 07:38.583
Alam ko, honey. Alam ko, pero…

07:39.875 --> 07:43.791
Parang may kakaiba kasi last minute
na ninyong inayos ang lahat,

07:43.875 --> 07:46.791
tapos, buong management
ang pinalitan ninyo.

07:49.875 --> 07:53.875
Di naman talaga 'yon last minute.
Matagal na naming tinatrabaho 'yon.

07:53.958 --> 07:57.250
Ayaw lang naming maapektuhan
ang concert at 'yong tour

07:57.833 --> 07:59.500
kaya tahimik naming ginawa.

08:00.791 --> 08:02.458
Pati ako, di mo sinabihan?

08:04.250 --> 08:07.875
Hindi ko alam na sobrang importante pala
ng birthday ni Defne.

08:07.958 --> 08:10.666
Pupunta naman talaga ako,
pero natagalan lang.

08:11.166 --> 08:14.500
Maayos ko pa ring nagawa.
Di kami nagkaproblema.

08:15.291 --> 08:16.625
Walang insidente.

08:17.125 --> 08:18.125
Congratulations.

08:22.666 --> 08:24.500
Kahit tapos na no'ng dumating ako,

08:24.583 --> 08:27.625
nakasali pa rin ako
sa importanteng parte ng party.

08:27.708 --> 08:28.958
Maraming salamat, ha.

08:30.708 --> 08:31.833
Namimilosopo ka na.

08:35.416 --> 08:37.208
Sinusubukan ko lang na intindihin.

08:38.791 --> 08:40.541
Hindi, namimilosopo ka na, e.

08:41.625 --> 08:43.500
Binabawian mo 'ko, Cemo.

08:52.041 --> 08:54.500
-Pagod ka na.
-Siyempre, pagod.

08:56.500 --> 09:00.958
Alam mo, puwedeng doon ako natulog,
tapos, umaga na lang ako bumalik.

09:01.458 --> 09:04.458
Pero bumalik ako para sa 'yo.
Di para kay Defne.

09:04.541 --> 09:05.583
Salamat.

09:08.666 --> 09:11.083
-Ayan ka na naman.
-Hindi.

09:11.166 --> 09:13.041
-Maliligo ako.
-Ako rin.

09:30.375 --> 09:32.875
Unang araw pa lang,
nasa buhay na nila ako.

09:36.166 --> 09:41.250
Patraydor at pasekreto kong nilason
ang pagsasama nila.

09:43.875 --> 09:46.000
Sobrang mapanganib siya, Leyla.

09:47.583 --> 09:48.916
Gusto niya si Cem.

09:51.041 --> 09:53.791
Marami tayong di alam,
pero malalaman natin.

10:01.791 --> 10:03.875
Di mo kami mapaghihiwalay.

10:08.000 --> 10:08.916
Napa'no ka?

10:17.375 --> 10:18.750
Nanaginip ako.

10:19.833 --> 10:20.875
Tungkol saan?

10:24.708 --> 10:26.666
Sinabon ako ni Tuba,

10:26.750 --> 10:29.833
tinalunan ako ni Defne
nang parang si Chucky…

10:29.916 --> 10:31.250
Siyempre, di ko sinabi 'yon.

10:31.333 --> 10:33.541
Nag-imbento ako. Nagkuwento ng kalokohan.

10:33.625 --> 10:36.583
Nagkuwento ng kalokohan
tungkol sa plane crash.

10:36.666 --> 10:37.791
Ang lala.

10:37.875 --> 10:39.958
Ewan ko, pero…

10:41.041 --> 10:44.500
nababaliw na yata ako kagaya ni Tuba.

10:44.583 --> 10:48.750
Mare, normal lang 'yon
kasi sinasadya niya.

10:48.833 --> 10:51.166
"Di mo kami mapaghihiwalay." Boba siya.

10:51.250 --> 10:52.916
-Di ba? Oo.
-Ang tanga-tanga niya.

10:53.000 --> 10:56.125
Sasabihin lang niyang lasing lang siya.
Wag mo siyang tatanungin.

10:57.125 --> 10:59.916
-Tinanong mo ba siya, Leyla? Ano ka ba?
-Talaga?

11:01.291 --> 11:03.000
Di si Defne ang tinanong ko…

11:07.041 --> 11:08.833
Kumusta kayo ni Selim?

11:09.666 --> 11:11.583
Aba, hindi halata, ha. Joke.

11:14.583 --> 11:18.333
-Ano'ng sinabi niya?
-Magkasundo daw sila. Ano pa ba?

11:19.041 --> 11:23.375
Alam mo na, 'yong nangyari kay Defne.
Okay lang ba sila? Magkasundo naman?

11:25.375 --> 11:26.708
Ano’ng meron?

11:27.291 --> 11:29.375
Wala. Gusto ko lang malaman.

11:31.458 --> 11:34.291
Hindi ka basta-bastang magtatanong.
Ano'ng meron?

11:37.750 --> 11:38.833
Ano…

11:39.458 --> 11:41.708
May sinabi si Defne.

11:41.791 --> 11:43.750
Siyempre lasing siya, pero…

11:45.000 --> 11:47.666
parang sinadya niya kasi.

11:49.416 --> 11:52.000
"Walang makakapaghiwalay sa amin."

11:52.083 --> 11:54.000
"Kahit si Selim, di kami napaglayo."

11:57.666 --> 11:59.250
Ikaw din?

12:00.166 --> 12:03.083
Ano'ng sinasabi mong, "Ikaw din?"
May sinabi siya…

12:03.166 --> 12:04.875
Wag mong gawin 'to, Leyla.

12:08.666 --> 12:10.083
Wala akong ginagawa, Cem.

12:10.166 --> 12:13.166
Gusto ko lang malaman
kung ano ibig sabihin ng narinig ko.

12:13.250 --> 12:14.750
Walang ibig sabihin 'yon.

12:15.291 --> 12:17.125
Napasobra ang inom, nalasing.

12:17.208 --> 12:19.666
Tapos, nagsalita ng kalokohan. Gano'n.

12:24.916 --> 12:26.375
Wag kang maniwala sa mga gano'n.

12:27.750 --> 12:29.875
Ngayon lang siya umasta nang gano'n.

12:31.041 --> 12:33.166
Pustahan, ganito ang ginawa niya.
Panoorin mo.

12:33.250 --> 12:36.000
Ganito. Itong ginagawa ko.
Kuha ko ba? Ganito.

12:36.708 --> 12:39.208
Hindi, Esra. Nagalit talaga siya ngayon.

12:39.291 --> 12:41.416
-Nag-away kayo?
-Wag ka ngang tanga.

12:41.500 --> 12:45.458
Si Cem Murathan, parang hero sa comics.
Mang-aaway ba 'yon?

12:45.541 --> 12:48.916
Tinapunan ng sandamakmak na pera
ang bakuran niya, pero tahimik lang siya.

12:49.000 --> 12:51.500
Ni hindi nag-react.

12:51.583 --> 12:53.208
Hanggang do'n lang siya.

12:54.958 --> 12:56.875
-Ayaw niyo kay Cem, 'no?
-Ano?

12:56.958 --> 12:58.500
-Ano ka ba?
-Ayaw n'yo sa kanya.

12:58.583 --> 13:01.416
-Hindi gano'n! Wag kang ano.
-Sigurado, ayaw n'yo sa kanya.

13:01.500 --> 13:04.500
Oo. Mula no'ng lumipat ako kina Cem,
hindi kayo bumisita.

13:04.583 --> 13:05.500
Ayaw n'yo sa kanya.

13:05.583 --> 13:08.250
-Hindi.
-Mare, wala ka naman do'n.

13:08.333 --> 13:10.833
-Lagi kang nagta-travel.
-Wala ka kada weekend.

13:10.916 --> 13:13.125
Niyayaya ko naman kayo tuwing aalis kami.

13:13.208 --> 13:15.750
Pero lagi kayong may dahilan.

13:15.833 --> 13:18.375
-Masama lang siguro ang timing.
-Lumaki na si Doruk ko.

13:18.458 --> 13:20.875
-Alam mong nag-iba na ang ugali niya.
-Oo.

13:20.958 --> 13:22.916
Okay. Ikaw, may Doruk. E, ikaw?

13:23.000 --> 13:25.541
Naghiwalay kayo ni Tuan,
tapos ilang beses kitang niyaya.

13:25.625 --> 13:28.666
-Ni isang beses, di ka pumunta.
-Pumunta ako. Doon ako natulog.

13:28.750 --> 13:32.166
Oo. Isang beses. Pumunta ka no'ng gabi,
tapos, wala ka na no'ng umaga.

13:32.250 --> 13:36.416
Kinailangan kong pumunta sa parents ko.
Ano ba dapat ang ginawa ko, Leyla?

13:37.541 --> 13:39.250
Sobrang okay pa natin no'n.

13:39.333 --> 13:40.541
-Naku.
-Mars!

13:40.625 --> 13:42.500
-Pupunta kami.
-Madalas tayo magkita dati.

13:42.583 --> 13:44.375
Siyempre, bibisita kami ulit.

13:44.458 --> 13:47.250
Okay. Sige. Ngayong weekend, ha?

13:47.333 --> 13:50.208
Murat, Sarp. Pupunta kayo.
Mag-barbecue tayo ngayong weekend.

13:50.291 --> 13:51.541
-Okay?
-Wala si Cem?

13:53.583 --> 13:54.666
Kasama siya!

13:55.583 --> 13:58.708
Pero… may ime-meet ako. May date ako.

13:58.791 --> 14:01.958
-Di ba may lakad tayo?
-Meron. Kailangan naming pumunta.

14:02.041 --> 14:05.875
Ano? Ano'ng lakad? Wala kayong kahit ano.

14:05.958 --> 14:08.916
Nagsisinungaling kayo. Wala kayong lakad.
May ginawa ba si Cem?

14:09.000 --> 14:12.000
-Di sa gano'n.
-Wala siyang ginawa. Siyempre hindi.

14:12.083 --> 14:14.083
-May kung ano. Nagsisinungaling kayo.
-Leyla.

14:14.166 --> 14:16.541
May kung ano.
Magtapat na kayo. Ano'ng nangyari?

14:17.041 --> 14:19.291
-Di ako komportable kay Cem.
-Ano?

14:20.708 --> 14:23.250
Mare, hindi komportable si Cem sa amin.

14:23.333 --> 14:25.375
Napipilitan siyang makisama.

14:25.458 --> 14:28.666
Paano naman?
Wag ka ngang magbiro. Gusto niya kayo.

14:28.750 --> 14:32.208
Hindi. Mahal na mahal ka niya
kaya gusto siya namin.

14:32.291 --> 14:34.666
Walang may gusto sa kanya.
Wag na tayong maglokohan.

14:34.750 --> 14:38.041
Napipilitan lang siyang makisama sa amin.

14:38.125 --> 14:41.791
Iba ka kung kasama mo si Cem.

14:42.375 --> 14:43.791
-Ano?
-Oo.

14:43.875 --> 14:49.625
Halos lahat, ginagawa mo na
para lang maging magkaibigan kami.

14:49.708 --> 14:52.208
Kung mas pinipilit mo, mas napapagod kami.

14:53.666 --> 14:54.791
Talaga?

14:55.291 --> 14:59.541
Gano'n din kay Tuan.
Kaya alam ko ang pakiramdam.

15:05.625 --> 15:06.875
Cem, bumalik ka rito.

15:09.625 --> 15:10.791
Cem, please.

15:25.541 --> 15:26.375
Hello, Leyla?

15:26.458 --> 15:28.250
Hello. Libre ka ba?

15:28.833 --> 15:31.666
Oo. Kakatapos lang ng meeting ko.
Papunta ako sa site.

15:31.750 --> 15:34.250
Niyaya ko ang friends ko
na mag-brunch sa Sunday.

15:35.500 --> 15:39.833
-May special occassion?
-Wala. Bonding lang.

15:39.916 --> 15:41.500
Baka puwedeng mag-barbecue tayo.

15:41.583 --> 15:44.625
Niyaya ko rin sina Tito at Cihan.
Pupunta din sila.

15:44.708 --> 15:46.875
Siguro dapat limasin namin
ang wine cellar mo.

15:47.625 --> 15:49.166
Okay, sige.

15:54.250 --> 15:58.250
Nag-organize ako bago kita tinanong.
Wala ka namang plano, 'no?

16:01.500 --> 16:02.916
Bibisita si Mama sa Linggo.

16:03.708 --> 16:04.541
O?

16:05.958 --> 16:07.083
Bakit di mo sinabi?

16:08.250 --> 16:10.958
Di naman siya mananatili dito.
Di 'yon magiging problema.

16:11.041 --> 16:12.416
Buong linggo siyang nandito.

16:12.500 --> 16:15.333
Pero baka gusto mong makasama siya.

16:16.666 --> 16:19.458
Sasabihan ko sila na ire-reschedule
sa susunod na linggo.

16:19.541 --> 16:20.375
Hindi.

16:21.000 --> 16:22.916
Pupunta tayo sa Nice sa susunod na Sabado.

16:24.125 --> 16:24.958
O?

16:27.000 --> 16:28.416
Bibili ako ng bangka.

16:33.541 --> 16:34.375
Alam mo?

16:36.333 --> 16:38.083
Ilagay kaya natin 'yong kalendaryo

16:38.166 --> 16:40.875
sa lugar na makikita natin
para alam natin ang plano natin?

16:40.958 --> 16:44.083
Pinapaalam mo sa 'kin dati,
pero ngayon hindi na.

16:45.500 --> 16:48.041
-Ayaw mo bang sumama?
-Di gano'n ang sinabi ko.

16:48.125 --> 16:51.333
Ang sinabi ko, gusto kong malaman
ang mga plano mo nang mas maaga.

16:53.708 --> 16:54.708
Tama ka.

16:55.833 --> 16:59.333
Mula ngayon, dapat mag-usap tayo
bago tayo magplano.

16:59.416 --> 17:00.416
Ayos lang ba?

17:01.708 --> 17:04.000
Kapag naubos na 'to, Ömer,
tatanggalin natin 'to.

17:04.083 --> 17:06.416
Pero hindi ganito ang pagkabit. Baliktad.

17:06.500 --> 17:09.250
-Ganito. Okay, Ömer?
-Okay.

17:09.333 --> 17:12.208
Wag nating ilagay ang plato
sa mesa. Okay, Ömer?

17:12.291 --> 17:13.625
-Ha?
-Okay.

17:14.375 --> 17:15.833
Ano'ng gagawin natin?

17:15.916 --> 17:17.625
Iisipin natin ang priorities natin.

17:17.708 --> 17:20.916
Magtitipid tayo hanggang magkatrabaho ka.

17:21.000 --> 17:22.875
-Ayos lang ba 'yon, Ömer?
-Oo.

17:25.166 --> 17:26.166
Okay.

18:10.166 --> 18:12.708
O. Baby ko.

18:13.375 --> 18:16.458
Nagising din ba kita, ha? Nagising kita?

18:17.041 --> 18:18.916
Sa labas tayo? Tara.

18:19.000 --> 18:21.083
Halika, baby. Halika.

18:23.708 --> 18:26.833
Wag kang umihi kung saan-saan.
Doon ka sa tabi.

18:31.916 --> 18:34.083
Mga bisita lang tayo dito.

18:52.958 --> 18:56.500
Ngayon, hindi ko pa napag-aralan
ang mga problemang pinagdadaanan namin.

18:59.625 --> 19:03.125
Halos tatlong buwan na
mula nang lumipat ako.

19:06.125 --> 19:07.125
Alam mo…

19:11.125 --> 19:13.750
Hindi pa ako komportable sa bahay na 'yon.

19:13.833 --> 19:16.708
Hindi physically, ha. Spiritually.

19:19.458 --> 19:22.333
At madali akong makibagay.

19:22.416 --> 19:24.208
SARP: NAND'YAN NA AKO
SA LOOB NG 10 MINUTO.

19:24.291 --> 19:26.666
Palipat-lipat ako sa loob ng ilang taon,

19:27.333 --> 19:29.875
pero ngayon lang ako nakaramdam
na hindi ako belong.

19:30.708 --> 19:32.750
-Dahil?
-Dahil…

19:36.625 --> 19:39.666
Wag mong isiping
mareklamo lang ako, please, Pa.

19:39.750 --> 19:41.000
Siyempre naman hindi, 'nak.

19:41.083 --> 19:42.708
Ilabas mo ang nararamdaman mo.

19:44.000 --> 19:44.833
Ano…

19:45.583 --> 19:48.291
Kahanga-hanga si Cem.

19:48.375 --> 19:49.708
Siyempre naman.

19:49.791 --> 19:52.500
Sa sobrang perfect niya,
tatanungin mo ang sarili mo,

19:52.583 --> 19:55.416
"Ano pa ba ang gusto ko?
Humihingi ba ako ng gulo?" Pero…

19:56.875 --> 19:58.333
Posible ba 'yon?

19:59.458 --> 20:01.708
Posible ba talaga? Ha?

20:03.208 --> 20:07.916
Kahapon, sinabi ni Esra
na hero daw siya sa comics.

20:08.416 --> 20:10.666
Tinatawag din nila siyang Batman dati.

20:11.500 --> 20:14.500
Alam mo 'yon?
Pakiramdam ko, lagi siyang nakamaskara.

20:14.583 --> 20:15.416
LEYLA HOME

20:15.500 --> 20:21.250
Parang superhero siya
na hindi pa naging ganap na tao.

20:21.333 --> 20:23.833
Laging kumikilos nang ayon sa nararapat.

20:26.333 --> 20:30.625
Kitam? Tumatawag siya ngayon.
Parang alam niyang pinag-uusapan siya.

20:30.708 --> 20:31.583
Kitam?

20:33.500 --> 20:36.291
The person you've called
is on another line. Please…

20:43.375 --> 20:48.708
Siyempre, maalaga at mapagmahal siya.
Maganda namang gano'n.

20:49.375 --> 20:51.458
Pero may kakaiba

20:52.375 --> 20:55.291
na passive-agressive siyang side
na di ko maipaliwanag.

20:55.916 --> 21:01.541
Ngayon mas naiintindihan ko na
'yong gustong sabihin no'ng ibang babae.

21:02.166 --> 21:03.708
Narcissist ba siya?

21:06.541 --> 21:08.250
Sabihin nating perfectionist.

21:10.125 --> 21:12.791
Lagi niya akong nila-lovebomb.

21:12.875 --> 21:14.583
Di niya ako pinagpapahinga.

21:14.666 --> 21:17.875
Kung sinusubukan mong gisingin siya
para matauhan,

21:17.958 --> 21:19.500
todo kaagad ang reaction niya.

21:19.583 --> 21:21.625
Kumusta? Hinihintay ko si Sarp.

21:21.708 --> 21:24.083
Ayos lang. Baka magkasakit.
Sa taas ka maghintay.

21:24.166 --> 21:26.666
Hindi na. Darating na 'yon.
Maraming salamat.

21:30.375 --> 21:31.375
Ano'ng sinasabi ko?

21:31.458 --> 21:33.583
Sabi mo, "Parang ang peke ni Cem."

21:34.541 --> 21:35.375
O?

21:35.458 --> 21:36.833
Parang gano'n.

21:37.333 --> 21:42.208
Alalahanin mo kung paano mo siya nilarawan
bago mo pa binanggit ang pangalan niya.

21:42.708 --> 21:44.208
Narcissist ang gano'n.

21:44.291 --> 21:46.541
"Kung makikilala mo talaga siya,

21:46.625 --> 21:50.250
kung makikita mo ang lahat ng kamalian
at kahinaan niya, di ka magkakagusto."

21:51.375 --> 21:53.166
Pero mahal ko si Cem.

21:53.666 --> 21:57.041
Minsan ang passion,
napagkakamalang matinding pagmamahal.

22:02.166 --> 22:03.166
Ibig sabihin…

22:05.125 --> 22:06.750
'Yon na?

22:06.833 --> 22:11.166
Alam mo naman
kung gaano ako kahanga kay Cem, di ba?

22:11.250 --> 22:14.416
Successful siya. Matinong lalaki.
Parang gano'n siya sa malayo.

22:14.916 --> 22:17.166
Pero si Leyla ang lagi kong susuportahan.

22:17.958 --> 22:21.333
Kahit sino pa ang kalaban,
si Leyla ang lagi kong susuportahan.

22:24.166 --> 22:27.291
Tandaan mo
ang sinabi mo sa 'kin noong una.

22:28.166 --> 22:33.166
May pagkakapareho ba
ang mga pangarap at problema n'yo?

22:34.208 --> 22:36.291
Pag-isipan mo. Huwag kang magmadali.

23:07.083 --> 23:09.333
Ms. Leyla, ayos ka lang?

23:10.375 --> 23:12.250
Diyos ko. Hindi ka okay.

23:12.333 --> 23:14.125
Ikukuha kita ng tubig, ha?

23:14.833 --> 23:15.833
Leyla?

23:19.333 --> 23:20.625
Ayos ka lang ba?

23:22.000 --> 23:25.541
Leyla, ayos lang 'yan. Hinga.
Nandito lang ako, ayos lang.

23:26.250 --> 23:28.083
Leyla, ayos lang 'yan.

23:28.583 --> 23:30.500
Akin na ang kamay mo.

23:35.291 --> 23:37.625
Eto. Inumin mo 'to. Eto.

23:50.833 --> 23:54.458
Tinawagan mo 'ko.
Nasa meeting ako kaya di ako nakasagot.

23:55.166 --> 23:58.291
-Nasa meeting?
-Oo. Bakit? May problema ba?

23:58.791 --> 24:00.250
Tumawag lang ako para magtanong

24:01.000 --> 24:03.250
kung may gusto kang gawing special
ngayong Linggo.

24:04.166 --> 24:06.625
Wala. Ano… Ikaw na ang bahala.

24:07.375 --> 24:08.583
Ayos ka lang ba?

24:09.083 --> 24:11.583
Ayos lang ako. Medyo busy lang.

24:12.208 --> 24:14.291
Okay. Magkita tayo mamayang gabi.

24:14.375 --> 24:16.458
Sige, bye. Ingat.

24:22.750 --> 24:24.958
Wala ako sa kondisyong magpaliwanag.

24:25.041 --> 24:26.916
Magtatanong 'yon kung bakit ako nandito.

24:27.000 --> 24:29.666
Di ko masabi
na pumunta ako kasi na-miss ko.

24:31.291 --> 24:33.458
'Yon ba ang nag-trigger sa 'yo? Ha?

24:37.541 --> 24:39.250
Leyla, nagka-panic attack ka.

24:40.333 --> 24:42.291
Umaasta kang parang walang nangyari.

24:42.375 --> 24:44.583
Sarp naman. Tumahimik ka nga muna.

24:45.291 --> 24:46.875
Dahil ba late ako, ha?

24:46.958 --> 24:50.625
Tumahimik ka na, Sarp. Kahit sandali lang.
Ipapahinga ko ang mga mata ko.

25:15.333 --> 25:16.541
Leyla.

25:17.958 --> 25:19.416
Ano'ng nangyayari?

25:23.125 --> 25:25.708
-Aalis na 'ko.
-Saan ka pupunta?

25:28.458 --> 25:30.833
Aasahan ko kayong lahat sa Linggo.

25:30.916 --> 25:34.041
May kotse ka?
Di ka pwedeng mag-isa. Sasamahan kita.

25:55.041 --> 25:59.375
O? Ms. Dilara,
bakit mo nililinis ang mesa?

25:59.458 --> 26:02.916
Hindi maghahapunan si Mr. Cem.
Kakatawag lang ng assistant niya.

26:04.583 --> 26:05.583
A.

26:06.583 --> 26:08.375
Bakit di niya sinabi sa akin?

26:28.875 --> 26:30.250
Gaya nang gusto mo.

26:30.916 --> 26:33.375
Juicy sa loob, malutong sa labas.

26:40.875 --> 26:42.125
Salamat.

26:48.708 --> 26:52.458
LEYLA: GAGABIHIN KA? NAG-AALALA AKO.
BAKIT DI KA TUMAWAG?

26:52.541 --> 26:54.500
Ihahanda ko ba ang hapunan n'yo?

26:55.625 --> 26:59.333
Wag na. Aalis naman ako. Maraming salamat.
Sana maganda ang gabi mo.

27:02.583 --> 27:05.625
Salamat na di mo na pinatagal
ang tensiyon sa pagitan natin.

27:11.625 --> 27:15.166
LEYLA: SOBRANG BUSY MO SIGURO.
LALABAS KAMI NI FUNDA.

27:15.250 --> 27:16.541
TAWAGAN MO 'KO PAG TAPOS KA NA.

27:30.666 --> 27:35.208
Di ka pa rin pumapalag
do'n sa kung anumang 'yon kay Defne.

27:36.083 --> 27:37.833
Parang naduduwag ka yata, Leyla.

27:37.916 --> 27:41.708
Hindi 'yon kaduwagan.
Ayokong gumawa ng cliché na.

27:41.791 --> 27:44.750
Hinihintay pa rin ni Defne
na mahulog ako sa bitag niya.

27:45.750 --> 27:47.375
Naaalala mo ang pustahan natin?

27:47.458 --> 27:48.708
Wag ka nga.

27:50.291 --> 27:51.916
Sa dulo ng kwentong 'to,

27:52.000 --> 27:54.500
magkahawak-kamay tayong aalis.

27:54.583 --> 27:55.416
Ano ka ba?

27:55.500 --> 27:58.416
Tingnan mo 'to. Tingnan mo.
Dapat i-ban na 'yong mga filter, e.

27:58.500 --> 28:01.625
Parang scamming, e.
Tingnan mo. Siya ba 'yan?

28:02.916 --> 28:06.583
Kung tatantanan mo 'yang phone mo,
marami ka pang makikita.

28:06.666 --> 28:07.916
Ito, parang pagkain.

28:08.000 --> 28:10.583
Gutom ka, bubuksan mo ang ref,
kukuha ka ng pagkain.

28:10.666 --> 28:12.333
Kuha mo? Dapat gano'n.

28:12.416 --> 28:14.208
Pero processed food naman.

28:14.291 --> 28:16.791
Tama na 'yan. Kadiri kayo.

28:16.875 --> 28:18.791
Kitam? Wala pa rin.

28:18.875 --> 28:20.833
Di man lang niya binasa ang message ko.

28:20.916 --> 28:23.083
Alam mo ba kung sino
'yong nasa Fade In kahapon?

28:23.166 --> 28:25.166
-Sino?
-Si Yon Richards.

28:25.750 --> 28:28.416
-Sino 'yon?
-Ex-husband ni Defne.

28:29.708 --> 28:32.875
May digital arts expo.
Grupo silang pumunta.

28:32.958 --> 28:34.375
Alam ba niya ang tungkol sa'yo?

28:34.458 --> 28:37.791
Hindi. Nagpakilala ako bilang may-ari.
Inasikaso ko sila.

28:37.875 --> 28:40.083
Wala kaming panahon magtsismisan.

28:40.791 --> 28:42.708
Hulaan mo kung sino ang sponsor.

28:42.791 --> 28:44.708
-Sino?
-Si Nil Katmanoğlu.

28:45.291 --> 28:47.166
Sino ang nag-recommend ng restaurant ko?

28:47.250 --> 28:49.041
Si Nil Katmanoğlu.

28:49.125 --> 28:51.750
Sineseryoso niya talaga ang laban.
Grabe siya.

28:51.833 --> 28:52.875
Mismo.

28:55.458 --> 28:57.083
Ano? Si Tuan.

28:57.166 --> 28:59.416
-Si Tuan?
-Sino? May kasamang babae?

29:00.291 --> 29:01.958
Wag! Wag, Funda! Wag!

29:02.041 --> 29:04.125
-Wag, mare. Wag.
-Funda!

29:05.875 --> 29:08.166
Wow, nagbu-burger ka, ha?

29:08.250 --> 29:10.791
Di ka na pala kumakain ethically.
Kumakain ka ng karne!

29:10.875 --> 29:12.958
Sinabi ng doktor na kulang ako sa B12.

29:13.041 --> 29:15.291
-Congrats. Magsaya ka.
-Sumpa man!

29:15.375 --> 29:17.041
Uy. 'Yon ang sinabi ng doktor.

29:17.125 --> 29:18.708
Isang beses sa isang linggo…

29:18.791 --> 29:21.750
-Naaawa ako sa bata. Di maganda 'yon.
-Oo nga. Naaawa rin ako.

29:21.833 --> 29:25.250
Vegan din ang kapatid ko.
Hindi naman gano'n.

29:25.333 --> 29:27.666
Literal na tinerrorize niya ako
nang ilang buwan.

29:27.750 --> 29:29.333
Bawat kagat ko, may kasamang hiya.

29:29.416 --> 29:32.541
-Di mo naman pinost 'yong picture, 'no?
-Hindi.

29:32.625 --> 29:33.916
Cem, bakit di ka sumama?

29:34.000 --> 29:35.416
Imbitado siya, pero…

29:36.166 --> 29:37.666
Huli ko na nalaman.

29:38.250 --> 29:40.041
Nag-text ako sa kanya.

29:40.125 --> 29:43.208
Kung binasa lang niya,
alam niya sana. Pero hindi, e.

29:43.291 --> 29:44.916
Di bagay sa 'ting ganito.

29:45.416 --> 29:47.791
Kaya, guys,
unang beses kaming nag-away kagabi.

29:49.291 --> 29:53.208
"Nasaan ka? Ba't di ka tumawag?
Ba't di ka sumagot?" 'Yong gano'n.

29:53.291 --> 29:55.708
Lahat-lahat na lang, pinag-uusapan n'yo.

29:55.791 --> 29:59.458
Mismo. Gano'n kami dati, e.
Di magbabago 'yon.

29:59.541 --> 30:00.833
-Masanay ka na.
-Barbecue na!

30:00.916 --> 30:02.833
-Sige. Magluluto na 'ko.
-Sige na.

30:02.916 --> 30:04.166
Handa na ang pagkain.

30:05.458 --> 30:06.500
Ano?

30:07.750 --> 30:09.083
Paanong handa na?

30:09.166 --> 30:10.708
Di ba mas mabuting gano'n?

30:11.500 --> 30:13.125
Para di mag-amoy usok 'tong lugar.

30:16.458 --> 30:17.458
Pero bakit?

30:17.541 --> 30:22.166
Masaya kung nag-uusap
habang nagba-barbecue.

30:23.791 --> 30:26.083
Sorry. Di ako pamilyar
sa mga ginagawa n'yo.

30:27.333 --> 30:28.333
Okay lang. Mabuti nga.

30:28.416 --> 30:29.750
-Handa na ang lahat.
-Oo.

30:33.083 --> 30:35.000
Nagba-bruch kayo nang wala ako?

30:35.083 --> 30:37.208
Dagang nilalaro ang bayag ng pusa.

30:37.291 --> 30:39.666
-Esra!
-Ano? Dapat lang sa kanya 'yon.

30:39.750 --> 30:42.041
Aba, nandito na ang lahat.

30:42.125 --> 30:43.583
-Welcome.
-Enjoy kayo sa pagkain.

30:43.666 --> 30:45.125
-May nakaupo ba dito?
-Upo ka.

30:45.208 --> 30:46.375
Kumusta ka, Defne?

30:46.458 --> 30:49.416
Ayos naman.
Di ako nakapagpasalamat no'ng isang gabi.

30:50.375 --> 30:52.791
-Ang gulo ko, 'no?
-Okay lang.

30:52.875 --> 30:54.416
Gagawin mo rin 'yon para sa 'kin.

30:54.500 --> 30:56.625
Kasama mo daw si Feyyaz kagabi.

30:58.291 --> 31:00.458
Oo, kasama namin si Şeyyaz.

31:00.541 --> 31:03.541
Magkakasama kaming lahat.
Nandoon din siya.

31:03.625 --> 31:07.583
Ang nasa balita, "Sexy na abogado ni Edis,
gumagala kasama ang maharot na chef."

31:07.666 --> 31:08.875
'Yong mga tabloid talaga…

31:08.958 --> 31:12.250
Hindi naman mali
'yong mga sinasabi nila tungkol sa 'kin.

31:12.333 --> 31:15.416
Abogado naman ni Edis,
tapos, 'yong chef natin si…

31:18.666 --> 31:19.666
Leyla.

31:28.416 --> 31:31.416
Narinig ko ang buong kuwento
galing sa ex-husband ni Defne.

31:44.791 --> 31:47.416
Sapat na ba ang mga dokumentong 'to
bilang patunay?

31:50.000 --> 31:51.333
Sapat na siguro 'to.

31:52.791 --> 31:55.458
'Yong witness natin, si Yon Richards.

31:55.541 --> 31:57.250
-Salamat sa pagpunta, Yon.
-Wala 'yon.

31:57.333 --> 31:59.375
Masaya kaming nandito ka.

31:59.458 --> 32:01.500
Ang nasasakdal, si Cem Murathan!

32:01.583 --> 32:04.208
Ang abogado ng nasasakdal, si Beliz Temur!

36:00.125 --> 36:05.125
Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso
mur!
