WEBVTT

00:11.000 --> 00:12.083
-Barbo!
-O?

00:12.166 --> 00:13.791
-'Yong pinto.
-Ano'ng meron?

00:13.875 --> 00:14.750
Buksan mo!

00:15.250 --> 00:16.791
-Okay. Sandali lang.
-Okay?

00:16.875 --> 00:18.958
-Napaano ka?
-Okay. Ayos lang ako.

00:19.041 --> 00:20.875
-Itabi mo 'yong bag.
-Sige.

00:21.833 --> 00:23.875
Leyla! Hahabol ako sa inyo.

00:23.958 --> 00:25.583
-Sa Courthouse.
-May flight pa tayo.

00:25.666 --> 00:27.750
-Aabot tayo. Wag kang mag-alala.
-Sige.

00:32.000 --> 00:35.416
THANK YOU, NEXT

00:38.083 --> 00:41.250
#CATCHMEIFYOUCAN

00:44.958 --> 00:45.791
Buddy!

00:55.166 --> 00:57.208
Boy! Buddy!

01:00.625 --> 01:01.458
Kain na!

01:07.375 --> 01:08.208
Buddy!

01:13.083 --> 01:14.750
Kain na! Sige na, boy!

01:16.875 --> 01:17.833
Lintik.

01:20.708 --> 01:22.833
Buddy! Boy!

01:24.375 --> 01:25.208
Buddy!

01:27.708 --> 01:29.958
Buddy! Boy!

01:31.583 --> 01:33.208
Ang lintik na 'to…

01:35.250 --> 01:36.166
Buddy!

01:41.583 --> 01:43.916
Chineck mo ba ang park
at compound sa tabi?

01:44.000 --> 01:47.791
Kung saan-saan na kami naghanap. Wala.
Pati sa mga garden sa dalampasigan.

01:47.875 --> 01:48.875
Buddy naman, o!

01:49.375 --> 01:51.375
Puwede din kayong maghanap.

01:52.041 --> 01:56.875
Di ako makakalabas. May foot injury ako.

01:56.958 --> 01:59.208
Magpagaling kayo.
Uuwi din 'yon. Matalino 'yon.

02:00.666 --> 02:04.041
Salamat. Pero hanapin n'yo pa rin.
Dalhin n'yo na rin 'to.

02:04.833 --> 02:07.000
-Lilitaw din 'yon. Di 'yon maglalayas.
-Salamat.

02:07.083 --> 02:08.375
-Sige po.
-Sige po.

02:15.875 --> 02:16.708
O, Balım?

02:18.708 --> 02:20.750
Hindi. Wala pa rin siya.

02:22.083 --> 02:23.500
Pupunta ka ba dito?

02:26.000 --> 02:28.666
Di ko pa siya nasabihan.
Tatawagan ko, okay.

02:32.083 --> 02:33.208
Sige, pumunta ka dito.

02:38.791 --> 02:41.125
Putik naman, Buddy! Buwisit!

02:42.750 --> 02:45.333
Paano mo nagawa sa 'kin 'to?
Ngayon pa? Mababaliw na 'ko.

02:55.500 --> 02:57.791
CALLING…

03:06.375 --> 03:07.791
-Ayos ka lang ba?
-Sorry.

03:10.791 --> 03:13.375
-Hindi mo pinatay?
-Pinatay ko, pero…

03:13.458 --> 03:16.083
Naku, ano ba 'tong ginagawa ko?

03:16.166 --> 03:17.750
Sorry. Pinatay ko na.

03:18.250 --> 03:21.708
CALLING…

03:26.041 --> 03:28.333
-Okay na. Nandito na 'ko ulit.
-Welcome back.

03:28.416 --> 03:29.916
Solong-solo mo na ako.

03:30.000 --> 03:31.625
Parang di ako makahinga.

03:31.708 --> 03:34.375
-Bawal. Wag mong i-on.
-Di ko na kaya.

03:37.916 --> 03:39.125
Pambihira.

03:41.083 --> 03:42.833
-Ms. Nil?
-Nil?

03:42.916 --> 03:44.583
-Cem?
-Mr. Cem?

03:44.666 --> 03:46.750
Hello. Gaano na katagal ang relasyon n'yo?

03:46.833 --> 03:49.791
-Ano ba 'yang ginagawa mo?
-Excuse me! Di puwede 'yan!

03:50.666 --> 03:52.750
A! Di ako makakita.

03:54.375 --> 03:55.458
Okay lang ako.

03:55.541 --> 03:57.000
Ma'am, tama na.

03:58.500 --> 04:01.125
Pambihira. Nagpi-picture ka pa rin.

04:01.208 --> 04:03.583
Wag na n'yo na po kaming kunan.

04:03.666 --> 04:04.666
Tama na 'yan.

04:14.041 --> 04:16.833
Magandang material 'to
para sa pangalawang book.

04:21.125 --> 04:23.375
Ipagkakalat niya 'yong picture.

04:23.458 --> 04:24.583
Hayaan mo siya.

04:24.666 --> 04:27.500
Ba't sobrang kalmado ka? Di kita gets.

04:27.583 --> 04:29.625
'Yong second wife mong
galit na galit sa 'yo,

04:29.708 --> 04:32.291
kasama si Hande Berkant,
'yong tabloid queen.

04:32.375 --> 04:33.750
Ipapahiya nila tayo.

04:33.833 --> 04:35.750
May ginawa ba tayong nakakahiya?

04:36.375 --> 04:37.750
Kakain na sana tayo.

04:37.833 --> 04:41.208
Sinabi kong mahal kita
bago nag-ring 'yang phone mo.

04:41.291 --> 04:44.541
-Hahalikan na sana kita. 'Yon lang.
-Wag kang mang-asar.

04:44.625 --> 04:46.458
Di ako nang-aasar. Seryoso ako.

04:49.416 --> 04:52.125
Wag mong sagutin.
Baka reporter 'yan, Cem. Wag.

04:53.166 --> 04:54.000
Hello?

04:56.083 --> 04:57.458
Murat? Ikaw ba 'yan?

04:57.541 --> 04:59.041
Si Murat? Friend ko?

04:59.125 --> 05:00.375
May problema ba?

05:01.833 --> 05:03.041
Ano'ng nangyari?

05:09.041 --> 05:10.125
Ömer!

05:10.208 --> 05:11.458
Leyla, kalma lang.

05:11.541 --> 05:14.333
Bakit nangyari 'to?
Bakit di mo siya binantayan?

05:14.916 --> 05:17.583
Lahat kami, naghahanap.
Mahahanap din siya.

05:17.666 --> 05:19.458
Ano'ng nangyari? Paano nangyari 'to?

05:19.541 --> 05:22.083
Baka naiwan ni Mama
na bukas ang pinto no'ng umalis siya.

05:22.166 --> 05:23.416
Nasa banyo ako no'n.

05:24.000 --> 05:26.458
Hindi kita mapapatawad
kung may mangyari kay Buddy.

05:26.541 --> 05:28.208
Alam ko. Okay, tama ka.

05:28.291 --> 05:31.000
Nag-post kami sa socmed
at nag-email sa mga vet.

05:31.083 --> 05:32.125
Mahahanap siya. Relax.

05:34.291 --> 05:35.333
Hello?

05:35.416 --> 05:37.833
Ms. Leyla, si Kaan Volga po 'to
ng Çekirdek Magazine.

05:38.458 --> 05:39.458
Ano daw?

05:40.583 --> 05:42.125
Hindi tungkol kay Buddy.

05:45.041 --> 05:48.208
Ano na? Ano'ng nangyari?
Kailan nangyari, Ömer?

05:48.291 --> 05:50.500
NAHULI NG EX

05:50.583 --> 05:52.125
Kalat na kalat na 'yong pics!

05:53.583 --> 05:56.166
Pustahan, binigay ni Nil
'yong number ko sa mga tabloid.

05:56.250 --> 05:57.166
WALANG CALLER ID

05:57.250 --> 06:00.083
Kitam? Grabe.
Ilang beses na silang tumawag.

06:01.500 --> 06:04.750
Makikita mo.
Tatawag din 'yong ibang mga ex-wife mo.

06:05.250 --> 06:09.000
Grabe. Ang ganda na sana ng gabi natin,
pero nasira lang.

06:09.583 --> 06:11.750
Makakalimutan din nila 'yon.
Wag kang mag-alala.

06:13.750 --> 06:16.375
Leyla, kalma lang. Sige na.

06:16.458 --> 06:17.458
Naisip mo ba

06:17.541 --> 06:20.541
na sunod-sunod ang disgrasya
kapag magkasama tayo?

06:20.625 --> 06:22.291
-Wag mong sabihin 'yan.
-Pero totoo!

06:22.791 --> 06:26.291
'Yong nangyari kay Defne
noong unang big date natin.

06:26.375 --> 06:27.500
Ngayon, si Buddy.

06:28.416 --> 06:29.416
Tapos, si Nil.

06:33.750 --> 06:34.833
Ganito na lang.

06:36.125 --> 06:37.958
Wag na muna tayong magkita.

06:38.458 --> 06:40.708
-Bakit? Ang labo naman no'n.
-Please.

06:40.791 --> 06:43.250
Wag muna tayong magkita habang magulo pa.

06:49.500 --> 06:50.583
O, Şeyyaz?

06:52.583 --> 06:54.750
Oo. Sabihin mo pa. Alam ko.

06:55.250 --> 06:56.625
Lumayas kina Ömer.

07:00.166 --> 07:02.791
Oo. Nag-post na kami kung saan-saan.

07:02.875 --> 07:04.166
Wag kang mag-alala.

07:04.750 --> 07:06.541
Di ko alam kung may magagawa ka,

07:06.625 --> 07:09.000
pero magpapasalamat ako
sa kahit anong tulong.

07:10.375 --> 07:11.375
Maraming salamat.

07:14.666 --> 07:16.041
Buddy!

07:17.250 --> 07:18.416
Nasaan ka?

07:19.916 --> 07:22.625
May pasabog kami,
mga mahal naming manonood.

07:22.708 --> 07:25.333
Ang pangalawang ex-wife ni Cem Murathan,

07:25.416 --> 07:27.750
ang sikat na winemaker
na si Nil Katmanoğlu,

07:27.833 --> 07:30.333
ay nahuli ex-husband niya
kasama ang bago nitong GF.

07:30.416 --> 07:33.083
Pero eto ang interesting.

07:33.166 --> 07:35.666
Hindi kung sino lang
ang bagong girlfriend.

07:35.750 --> 07:40.375
Walang iba kundi si Attorney Leyla Taylan,
ang abogado ng ex-wife niya

07:40.458 --> 07:42.041
sa pinakahuling divorce case…

07:43.125 --> 07:43.958
Tungkol kay Buddy?

07:44.041 --> 07:45.875
-Ngayon, ang tanong…
-Hindi.

07:45.958 --> 07:47.291
…may relasyon na ba sila…

07:47.375 --> 07:49.250
Ibang aso pala.

07:49.333 --> 07:51.458
May dalawa pang tumawag.
Chine-check na nila.

07:52.583 --> 07:53.500
Nasaan ka?

07:53.583 --> 07:57.083
Nasa park kung saan siya naaksidente.
'Yong malapit sa inyo.

07:57.791 --> 08:01.291
May crush siyang babaeng aso.
Hinabol niya.

08:02.000 --> 08:03.875
May address ka ba no'ng aso?

08:03.958 --> 08:04.958
Siyempre, wala!

08:05.041 --> 08:06.416
Nakakahiya.

08:06.500 --> 08:07.583
Wala.

08:07.666 --> 08:09.791
Mukhang noon pa…

08:09.875 --> 08:12.166
Nga pala, usap-usapan 'yong mahal mo.

08:13.125 --> 08:14.125
Congrats.

08:18.541 --> 08:20.333
Nakaiwas ka sa problema, 'nak.

08:20.416 --> 08:23.916
Sinabi ko na sa 'yong
di siya makakabuti sa 'yo, di ba?

08:24.000 --> 08:26.208
Wag mo nang gatungan, Nurhal.

08:26.291 --> 08:29.666
Diyos ko naman!
Hindi ko ba puwedeng kausapin ang anak ko?

08:40.250 --> 08:41.250
Buddy!

08:45.041 --> 08:46.250
Buddy!

08:50.333 --> 08:51.583
Buddy!

08:51.666 --> 08:54.041
Buddy! Saan ka ba nanggaling?

08:54.125 --> 08:56.833
Saan ka ba galing, baby?

08:56.916 --> 08:59.291
Ilang beses akong tumawag,
pero binababaan n'yo 'ko.

08:59.375 --> 09:01.000
Talaga?

09:02.125 --> 09:04.500
Playboy ka, ha!

09:04.583 --> 09:06.625
Na-miss talaga kita.

09:07.750 --> 09:11.083
Akala ko, reporter 'yong tawag nang tawag.

09:11.166 --> 09:13.750
Binlock ko 'yong mga number
na di ko kilala.

09:14.416 --> 09:16.750
Number ni Ömer 'yong nasa post, di ba?

09:16.833 --> 09:21.416
Oo, pero akin 'yong nasa chip niya.
Nakalimutan ko talaga ang tungkol do'n.

09:21.500 --> 09:23.041
Paano naman siya nakarating do'n?

09:23.125 --> 09:26.291
Nilalakad siya ni Ömer araw-araw,
sa parehong oras.

09:26.958 --> 09:31.166
No'ng di siya mailabas ni Ömer,
umalis siya at naglakad nang mag-isa.

09:31.250 --> 09:32.833
Nandoon din si Luna. Naglaro sila.

09:32.916 --> 09:35.125
Naku, Buddy. Tinakot mo kami.

09:35.708 --> 09:37.541
Di na niya ako tinatahulan, o.

09:38.708 --> 09:40.458
Tahimik! Ang kulit, a!

09:41.125 --> 09:42.125
Baby ko!

09:42.208 --> 09:46.291
-Tapos?
-Sinundan niya si Luna pauwi.

09:46.375 --> 09:48.458
Di siya pinaalis ng amo ni Luna.

09:48.541 --> 09:50.958
Pinapunta niya 'yong dog walker
para kontakin tayo.

09:51.041 --> 09:54.000
Di niya tayo matawagan,
kaya doon natulog si Buddy.

09:55.625 --> 09:57.916
Love bandit ka na?

09:58.000 --> 10:01.125
Sinusunod mo ang puso mo, ha?
Maganda 'yan!

10:01.750 --> 10:02.750
Sabihin mo pa.

10:02.833 --> 10:05.458
Nabangga 'yan dahil sa first love niya.

10:05.541 --> 10:08.250
Pangalawa na 'to.
Ayokong isipin 'yong sunod.

10:08.333 --> 10:11.041
Ingat, Buddy. Kung gala ka nang gala,
makakatapak ka ng tae.

10:11.125 --> 10:13.291
I-breed natin,
para makalaro natin ang mga tuta.

10:13.375 --> 10:14.708
Ang cute naman.

10:15.666 --> 10:17.458
Gano'n din ang naisip ni Ömer.

10:18.500 --> 10:20.625
Akin 'yong isang puppy.

10:21.333 --> 10:23.833
Para mas madaling tiising
di ko makita si Buddy.

10:23.916 --> 10:26.041
Para di na tayo masyadong magkita.

10:26.125 --> 10:26.958
Ano sa 'yo?

10:27.541 --> 10:28.791
Tama ka.

10:30.708 --> 10:33.916
Sige, kitakits na lang. O wag na. Ewan.

10:37.791 --> 10:38.875
Tara.

10:38.958 --> 10:40.833
Tara. Takbo na.

10:41.833 --> 10:43.916
Tanggap na niya ang sitwasyon n'yo?

10:44.625 --> 10:45.458
Oo.

10:45.958 --> 10:47.750
May magagawa pa ba siya?

10:48.250 --> 10:52.041
Sabi ni Mama, "Umiyak siya, tumawa,
at nahanap niya kung saan siya nararapat."

10:52.625 --> 10:53.625
Ano?

10:54.208 --> 10:56.000
-Esra, kunin mo nga 'to.
-Okay.

10:56.583 --> 10:57.958
And'yan na!

10:59.416 --> 11:00.375
Welcome!

11:00.458 --> 11:03.500
Sunod-sunod na nakakagulantang na pasabog!
Kailan ba 'to matatapos?

11:03.583 --> 11:07.291
Nakauwi na si Buddy,
'yong tumakas na loverboy.

11:08.166 --> 11:09.875
Tapos na ba? Siyempre, hindi.

11:09.958 --> 11:13.166
Kilalang abogadong si Sarp Korkuter,

11:13.250 --> 11:15.458
iniwang luhaan ng asawa niya!

11:15.541 --> 11:18.666
-Tumahimik ka nga!
-Aray naman. Ang dami ng pinagdaanan mo.

11:18.750 --> 11:22.291
Unang gabi pa lang,
pinalayas na 'ko kaya may maleta ako.

11:22.375 --> 11:24.166
Wag kang mag-alala. Welcome.

11:24.250 --> 11:25.458
Nakakalungkot, pare.

11:25.541 --> 11:27.916
Simula ngayon, lagi na kitang kasama.

11:28.000 --> 11:30.958
-Ang sama siguro ng loob mo.
-Wag mo nang alamin.

11:31.458 --> 11:32.375
O, Mr. Ekan.

11:32.458 --> 11:34.791
-May basura ba kayo?
-Wala ho. Salamat.

11:34.875 --> 11:37.625
May mga reporter sa baba.
Baka hinahanap ka.

11:38.875 --> 11:39.875
Seryoso?

11:45.250 --> 11:47.250
-Ms. Leyla, gaano katagal…
-Ms. Leyla.

11:49.041 --> 11:50.416
Nandito nga sila.

11:50.500 --> 11:51.958
Baka sinundan siya.

11:52.041 --> 11:54.458
Nagpa-interview si Nil.
Puro siya ang nasa balita.

11:54.541 --> 11:56.166
-Talaga?
-Seryoso?

11:56.250 --> 11:57.791
Teka, titingnan ko.

11:57.875 --> 11:59.875
-Hindi. Wag mong i-on.
-Bakit hindi?

11:59.958 --> 12:01.208
Şeyyaz!

12:01.291 --> 12:04.416
Wag kang titingin sa labas.
Kukunan ka nila. Lumayo ka d'yan.

12:04.500 --> 12:05.666
Ano'ng kinalaman ko dito?

12:05.750 --> 12:07.416
Si Cem, si Defne, ikaw…

12:07.500 --> 12:09.291
Kakalabas pa lang ng balita.

12:09.375 --> 12:12.000
-Kumusta na 'yong main character?
-Nasa London.

12:12.708 --> 12:13.708
Ows?

12:14.541 --> 12:16.833
Alam niyang nakita na si Buddy, di ba?

12:23.958 --> 12:27.375
Di coincidence na nando'n ka rin
no'ng gabing 'yon, di ba?

12:28.625 --> 12:30.375
Nando'n ka kasi alam mong nando'n ako.

12:31.083 --> 12:34.083
Kasama mo pa 'yong sikat na taga-tabloid.
Si Hande Berkant.

12:35.041 --> 12:38.333
Mali. Sine-celebrate namin
'yong pangalawang libro ko.

12:38.916 --> 12:40.708
Novel naman ngayon.

12:41.208 --> 12:43.291
Magandang lawyer 'yong bida.

12:47.500 --> 12:48.416
Nil.

12:50.416 --> 12:51.666
Ano ba'ng kailangan mo?

12:59.250 --> 13:02.041
Gusto kong madurog ang kaluluwa mo.

13:03.250 --> 13:04.875
Kagaya ng mga biktima mo.

13:06.166 --> 13:08.041
Gusto kong matanggal ang maskara mo

13:09.458 --> 13:12.375
at makita ng lahat
ang itinatago mo sa likod no'n.

13:19.333 --> 13:21.125
Nag-doorbell ako. Di binuksan.

13:22.791 --> 13:25.458
Akala namin, isu-surprise niya ako.

13:28.708 --> 13:31.000
Sige lang, tawa na. Wag kang magpigil.

13:31.083 --> 13:32.791
Ilabas mo 'yan.

13:32.875 --> 13:34.958
Pumasok kami. Walang tao.

13:35.708 --> 13:37.458
Pati mga gamit ko, wala na.

13:37.541 --> 13:39.375
Akala ko ayaw niya sa surprise.

13:39.458 --> 13:43.250
Ba't niya ginawa 'yon?
Di ko talaga inasahan. Nagulat talaga ako.

13:43.750 --> 13:45.500
Todo effort din siya.

13:45.583 --> 13:49.000
Paano ka nagkaoras na umuwi
saka mag-alsa-balutan, girl?

13:49.083 --> 13:52.958
Nahiya pa siya.
Sana dinala niya pati 'yong doorknob.

13:54.125 --> 13:55.750
Parang chill naman siya.

13:55.833 --> 13:59.250
-Di ba? Parang anghel!
-Kalmado. Ang sweet. tapos, tahimik lang.

13:59.916 --> 14:01.250
Saan siya nagpunta?

14:01.333 --> 14:02.958
Tinawagan ko. Di sumagot.

14:03.041 --> 14:05.458
Nakausap ko 'yong papa niya.
Nalilito din daw.

14:06.125 --> 14:08.125
Kuhang-kuha ang style ni Defne, a.

14:08.208 --> 14:10.708
Nilipat niya sa magkahiwalay na warehouse
ang mga gamit.

14:10.791 --> 14:12.250
Nakausap ko 'yong mama niya.

14:12.333 --> 14:14.250
Di siya mahagilap.

14:14.833 --> 14:17.833
-Baka nasa kaibigan niya.
-Kaibigan?

14:17.916 --> 14:19.333
May kaibigan ba 'yon?

14:20.500 --> 14:22.375
-Gagi!
-Guys.

14:22.458 --> 14:25.583
Ano ba? Ang saya ko
na mata-trashtalk na natin si Beliz.

14:25.666 --> 14:27.583
Nagpipigil lang ako. 'Sensiya na.

14:27.666 --> 14:29.125
O, ano na?

14:29.208 --> 14:31.208
Hintayin natin ang gagawin ni Ms. Beliz.

14:31.291 --> 14:32.666
Beliz?

14:32.750 --> 14:34.291
A! Si Surprisella 'ka mo.

14:34.375 --> 14:35.875
Tama na nga 'yan!

14:37.500 --> 14:39.500
Patamisin natin 'yang bibig mo.
Eto, wasabi.

14:59.208 --> 15:00.708
Sana magtiwala ka na sa 'kin.

15:02.625 --> 15:04.250
Dinala ko si Cem sa 'yo.

15:04.833 --> 15:07.083
Ano ba ang kailangan mo kay Cem, Beliz?

15:07.791 --> 15:10.333
Wala akong problema kay Cem.

15:13.500 --> 15:16.958
Umuwi 'yong yaya namin sa kanila,
kaya kasama namin 'yong parents ko.

15:17.041 --> 15:19.125
Sa amin si Sarp sa susunod.

15:19.208 --> 15:22.000
Isa lang ang kuwarto ko, guys.
Alam n'yo 'yon.

15:22.083 --> 15:24.208
Buong apartment mo na 'yong kuwarto.

15:25.666 --> 15:28.208
Alam n'yo namang nandoon muna
si Tuan sa akin.

15:28.291 --> 15:29.791
"Muna", ha?

15:30.291 --> 15:33.791
Ay, sorry. Nag-move in na pala.

15:36.416 --> 15:39.416
Wag kang magalit.
Hahanap ako kaagad ng malilipatan.

15:39.958 --> 15:42.166
Puwede kang dumito hanggang gusto mo.

15:42.250 --> 15:45.875
Hoy, wag mong alagaan. Di na 'yan aalis.
Baka ikaw pa ang paalisin.

15:45.958 --> 15:47.583
Di naman nakakaabala si Sarp.

15:47.666 --> 15:49.416
Ano pala ang inaalala mo?

15:57.708 --> 15:59.458
Dito tayo.

16:00.500 --> 16:01.500
Uy. Tigil.

16:03.875 --> 16:06.166
Wala nang tao sa baba. Relax na.

16:06.250 --> 16:08.500
Baka umalis na kasi walang nangyayari.

16:09.166 --> 16:12.708
Buddy, wag kang mambababae ngayong gabi.
Dito lang tayo sa bahay, ha?

16:12.791 --> 16:14.875
Sige na. Tulog na. Sige.

16:18.958 --> 16:21.833
Nga pala, di ko sinabi kay Mama
na umalis si Beliz.

16:21.916 --> 16:23.083
Tandaan mo 'yon.

16:23.166 --> 16:24.000
Sige.

16:27.750 --> 16:28.583
Hoy, hoy, hoy!

16:29.500 --> 16:32.291
Bakit d'yan ka naghuhugas ng kamay?
Dapat sa banyo!

16:34.125 --> 16:37.750
Wag mong pag-iinitan nang ganito
si Cem Murathan. Iiwan ka no'n.

16:38.333 --> 16:41.291
Ha! Bakit kaya umalis si Beliz, 'no?

16:41.375 --> 16:44.458
Nahuli ka ba sa Fingir? Ba't ka iniwan?

16:46.041 --> 16:49.250
Surprise! Mukhang iniwan na niya ako.

17:12.958 --> 17:14.375
Ang bingi niya talaga.

17:16.708 --> 17:18.250
Hindi niya ako naririnig.

17:18.875 --> 17:21.958
Mga single-celled na lalaki lang
ang pinapansin niya.

17:23.166 --> 17:24.500
Si Ömer, si Cem…

17:26.041 --> 17:27.416
Ako hindi.

17:30.125 --> 17:32.625
Baka may dahilan.

17:32.708 --> 17:34.000
Hindi, wala.

17:34.083 --> 17:37.250
Unang araw pa lang, giyera na kami.

17:37.333 --> 17:41.416
Baka sumuko ka na sa unang araw pa lang,
pero minahal ka bi Beliz.

17:41.500 --> 17:44.166
Oo. Nang naka-gloves, mula sa malayo.

17:45.291 --> 17:47.500
Hindi ako madaling pakisamahan, ha.

17:47.583 --> 17:48.666
Di nga?

17:48.750 --> 17:51.750
Ang sama mo sa sarili mo.
Wag mong sabihin 'yan.

17:52.250 --> 17:53.083
Okay.

17:53.583 --> 17:56.416
Wag din natin siyang maliitin.

17:57.083 --> 17:59.541
Simula pa lang,
kilalang-kilala na namin ang isa't isa.

17:59.625 --> 18:02.541
Nakakita lang ng singsing sa bulsa ko,
nagpa-surprise wedding na.

18:02.625 --> 18:04.083
Walang makakatalo do'n.

18:04.166 --> 18:07.166
Si Beliz lang ang nakakaalam
kung paano ka pakikitunguhan,

18:07.250 --> 18:08.750
pero sumuko siya kaagad.

18:08.833 --> 18:11.833
Ako, para fun lang.
Hindi ako 'yong tipong pinapakasalan.

18:11.916 --> 18:14.916
Mabuting alam mo 'yan!

18:15.000 --> 18:17.250
Magandang kilala mo ang sarili mo.

18:17.333 --> 18:18.208
Oo nga.

18:19.000 --> 18:21.250
Eto o, kung lamigin ka.

18:21.333 --> 18:23.916
Eto ang tubig mo.
May malinis na tuwalya sa banyo.

18:24.000 --> 18:26.791
Tsinelas… Parang di mo na kailangan 'yon.

18:26.875 --> 18:28.000
Good night na.

18:29.125 --> 18:30.250
Good night.

18:30.333 --> 18:32.041
Matulog na tayo! Tara.

18:32.125 --> 18:33.875
Ang galing. Good boy.

18:33.958 --> 18:35.958
Ano'ng gusto mong marinig ni Leyla?

18:36.583 --> 18:37.791
Wala.

18:40.666 --> 18:43.708
Gusto ko lang na makasama siya. 'Yon lang.

18:44.291 --> 18:45.291
Dito.

18:56.458 --> 18:57.708
Beliz.

18:59.791 --> 19:02.583
Di na 'ko magsisinungaling. Unfair sa 'yo.

19:04.750 --> 19:05.916
Maghiwalay na tayo.

19:09.416 --> 19:11.750
High ka, Sarp. Wala ka sa sarili mo.

19:11.833 --> 19:14.500
Kaya nga nasasabi ko 'to
nang walang pakialam.

19:17.833 --> 19:18.958
Beliz, sige na.

19:21.083 --> 19:22.416
Mag-divorce na tayo.

19:23.083 --> 19:23.958
Sige na.

19:25.500 --> 19:26.500
Ano…

19:29.250 --> 19:30.250
Ano…

19:49.625 --> 19:51.958
"Pinilit niya akong makipag-divorce."

19:52.041 --> 19:54.750
"Na-divorce na kami bago ko pa namalayan."

19:54.833 --> 19:57.083
"Iba pala ang plano niya."

19:57.166 --> 19:58.833
"Dismayado talaga ako."

19:58.916 --> 20:02.291
"Kung di mapagkakatiwalaan ang abogado mo,
kanino ka pa magtitiwala?"

20:02.375 --> 20:06.500
Oo. Gano'n mismo ang sinabi
ni Tuba Tepelioğlu noong tinawaga ko siya,

20:06.583 --> 20:10.166
tapos, sinabi niyang tinraydor siya
ng abogado niya.

20:10.250 --> 20:14.083
Hindi dito nagtatapos
ang mga scandal ni Leyla Taylan.

20:14.166 --> 20:17.500
Si Ms. Leyla, na nakatakda sanang ikasal
kay Ömer Cenker,

20:17.583 --> 20:20.041
ay iniwan ang fiancé niya
sa araw ng kasal nila.

20:20.125 --> 20:21.750
'Tang ina.

20:22.500 --> 20:24.958
Sumosobra na ang babaeng 'yon, Cem.

20:25.041 --> 20:28.166
Ginugulo mo ako, sige.
Pero bakit dinamay si Ömer?

20:28.250 --> 20:31.333
-Seryoso, magwawala na talaga ako.
-Okay. Ako na ang bahala.

20:31.416 --> 20:35.166
Hindi, nakapagdesisyon na ako.
Idedemanda ko silang lahat.

20:35.250 --> 20:39.041
Si Nil, si Tuba at 'yong babae.
Si Hande Berkant.

20:39.125 --> 20:41.666
Kung gagawin mo 'yon, mas tatagal pa 'to.

20:42.375 --> 20:44.208
Matatapos na 'to ngayong araw. Pangako.

20:44.291 --> 20:46.166
FIve minutes, ready na 'ko. Five.

20:46.250 --> 20:47.250
Bilisan mo.

20:48.333 --> 20:49.166
Sino 'yon?

20:49.250 --> 20:51.625
Si Sarp. Nag-away sila ni Beliz.

20:51.708 --> 20:53.125
Sa akin siya nakikitira.

20:53.833 --> 20:55.500
Iniwanan ako!

20:55.583 --> 20:57.666
-Naiintindihan ko.
-Naiintindihan namin.

20:58.625 --> 21:00.708
Sige na. Aalis na 'ko, Cem.

21:00.791 --> 21:02.958
Ikumusta mo 'ko
kina Defne at sa mama mo, ha?

21:03.041 --> 21:04.875
Hindi puwede. Wala ako sa London.

21:05.458 --> 21:06.750
Talaga?

21:06.833 --> 21:09.416
Hinihintay ko lang na matapos
ang sentensiya ko.

21:09.500 --> 21:11.166
Wag mo namang tawaging "sentensiya".

21:11.250 --> 21:14.333
Hindi gano'n. Kita mo na?
Kada araw, may bago.

21:14.416 --> 21:17.083
Ako na ang bahala. Wag ka nang mag-alala.

21:18.458 --> 21:19.291
Okay.

21:20.375 --> 21:22.000
Ingat ka. Bye.

21:29.833 --> 21:32.208
Bilis! Male-late na 'ko sa hearing
dahil sa 'yo.

21:32.291 --> 21:33.375
And'yan na.

21:34.333 --> 21:37.875
Paanong mas magtagal ka pang maghanda
kumpara sa 'kin?

21:39.750 --> 21:41.041
Nasaan 'yong hairspray?

21:41.125 --> 21:42.500
Paano ko malalaman?

21:42.583 --> 21:43.916
Di ako gumagamit no'n.

21:46.541 --> 21:48.083
-Ms. Leyla.
-Pa-interview naman.

21:48.166 --> 21:49.958
'Tang ina.

21:50.041 --> 21:51.583
Five minutes lang po.

21:51.666 --> 21:54.208
Leyla, pupunta na ako sa opisina.
Magta-taxi ako.

21:54.708 --> 21:59.166
-Ms. Leyla, sige na!
-Ano'ng masasabi mo sa mga paratang?

21:59.250 --> 22:01.541
Gaano katagal na kayo ni Cem Murathan?

22:07.916 --> 22:10.875
Puwedeng tumabi kayo? Harrassment na 'to.

22:13.541 --> 22:17.250
Pinapatagal nila 'yong trial
nitong tatlong hearing

22:17.333 --> 22:19.958
sa pamamagitan ng di pagkumpleto
ng mga dokumento.

22:20.041 --> 22:21.958
Pasensiya na kung magsasalita ako.

22:22.041 --> 22:24.500
Baka dahil sa stress na nararanasan niya,

22:24.583 --> 22:27.416
nakalimutan na
ng kagalang-galang kong kasamahan.

22:28.208 --> 22:30.833
Kumpleto ang lahat ng dokumento namin,
Your Honor.

22:40.291 --> 22:42.000
Bangon na. Parating na ang mga pulis.

22:43.541 --> 22:45.291
Ayoko, bro. Hindi.

22:47.500 --> 22:48.458
Ayoko sa 'yo.

22:48.541 --> 22:50.333
-Ano ba'ng sinasabi mo?
-Ayoko!

23:01.958 --> 23:03.291
Kukuha ako ng ibang abogado.

23:04.000 --> 23:05.791
Iba na lang ang ipagtanggol mo, pare.

23:07.041 --> 23:08.750
Si Cem Murathan.

23:08.833 --> 23:11.416
-Bata ka ba?
-Ipagtanggol mo 'yong boyfriend ni Leyla.

23:11.500 --> 23:14.625
Bata ka ba?
Sige na. Tumayo ka na. Parating na sila.

23:14.708 --> 23:16.500
Bakit ako nasa tabloid?

23:18.041 --> 23:20.208
Nandito na sila. Sige na. Tumayo ka na.

23:21.791 --> 23:22.958
Naglagay ako ng harang

23:24.416 --> 23:25.958
para di maglayas si Buddy.

23:27.375 --> 23:28.625
May harang na.

23:30.500 --> 23:31.625
Pero wala si Buddy dito.

23:32.750 --> 23:33.750
Pati si Leyla.

23:41.375 --> 23:43.041
Ang laki mong tanga, Ömer.

23:45.208 --> 23:47.791
MR. AHMET

23:49.875 --> 23:51.416
-Good morning.
-Good morning.

23:51.500 --> 23:53.041
-Welcome po.
-Salamat.

23:55.291 --> 23:56.416
-Tuloy kayo.
-Salamat.

23:57.000 --> 24:01.125
Nandito po ako, mga sir.
Suot ko din 'yong "alarm system".

24:02.416 --> 24:04.166
-Kung gusto n'yong pumasok…
-Sige.

24:11.458 --> 24:12.875
MAMA: OKAY KA LANG?
PAPA: TAWAGAN MO KAMI.

24:12.958 --> 24:14.875
MURAT: KUMUSTA KA?
FUNDA: DI KITA MAKONTAK.

24:14.958 --> 24:16.958
ESRA: NAG-AALALA AKO SA 'YO.
SARP: TAWAGAN MO 'KO.

24:19.500 --> 24:20.666
Di ba siya 'yong abogado?

24:23.583 --> 24:24.416
Hello?

24:24.500 --> 24:27.166
-Leyla?
-Hindi na ako si Leyla.

24:27.250 --> 24:29.875
"'Yong abogado" na ang tawag sa 'kin.
'Yong pang-tabloid.

24:29.958 --> 24:32.333
'Yong "sunod-sunod
na nakakagulantang na pasabog".

24:32.416 --> 24:33.666
Ano, Chef?

24:33.750 --> 24:36.583
Magugulantang ka din sa ibabalita ko.

24:37.166 --> 24:38.250
Naku!

24:38.333 --> 24:40.125
Nag-check ako ng reservations.

24:40.208 --> 24:43.166
May 20 na nagpa-reserve
para mamayang gabi.

24:43.250 --> 24:45.166
May event si Nil Katmanoğlu.

24:45.750 --> 24:46.583
Okay, guys.

24:46.666 --> 24:49.291
Parating na ang sixth edition
ng unang libro.

24:49.375 --> 24:52.875
Saka sasabihin ko na ding
baka may isa pang librong lalabas.

24:53.833 --> 24:56.250
-Salamat.
-Congratulations.

24:56.333 --> 24:59.333
Nasa bagong restaurant kami
ng sikat na chef na si Feyyaz Sivri.

24:59.416 --> 25:01.416
Sa Fade In Bosphorus.

25:02.416 --> 25:05.875
Sasabihin ko lang, ha.
Sobrang guwapo ng chef.

25:05.958 --> 25:08.916
Mukhang pareho yata sila
ng taste nila ni Cem Murathan.

25:12.125 --> 25:12.958
Hello, Ms. Nil.

25:13.916 --> 25:15.291
Hello, Leyla.

25:17.375 --> 25:21.958
Nasa Article 134 ng Penal Code
na sinumang lalabag sa right to privacy

25:22.041 --> 25:23.583
ng isang tao

25:23.666 --> 25:27.041
ay maaaring makulong
ng isa hanggang tatlong taon.

25:27.833 --> 25:30.375
Kung nilabag ang privacy

25:30.458 --> 25:32.958
sa pamamagitan ng mga picture
o sound recording,

25:33.041 --> 25:35.416
doble ang ipapataw na parusa.

25:37.958 --> 25:39.208
TINIGIL ANG LIVE STREAM

25:46.416 --> 25:48.333
Hindi ako celebrity o artist.

25:49.083 --> 25:50.708
Siguradong hindi rin ako pulitiko.

25:51.500 --> 25:54.625
Kaya sasabihin ko na
sa harap ng lahat ng witness dito

25:54.708 --> 25:57.125
na ebidensiya ang footage na nilabas n'yo.

25:57.208 --> 25:58.708
Kaya gusto kong ipaalam sa inyo

25:58.791 --> 26:02.750
na nag-file ako ng criminal complaint
alinsunod sa Article 134.

26:03.250 --> 26:06.833
Nag-file din ako ng petition
para humingi ng danyos

26:06.916 --> 26:08.500
dahil sa mental stress.

26:10.250 --> 26:14.208
Hindi kasimpangit ng pinalalabas ninyo
ang mga nangyari sa buhay ko.

26:15.125 --> 26:17.916
E di, magpa-interview ka kaagad.
Sabihin mo sa lahat.

26:21.208 --> 26:22.250
Ms. Nil.

26:22.750 --> 26:25.416
Natapos na ang divorce
bago ako ma-in love kay Cem.

26:26.500 --> 26:28.708
Mas nakilala ko siya pagkatapos no'n.

26:29.750 --> 26:31.458
Hindi mo pa kilala si Cem.

26:32.666 --> 26:34.375
Pero makikilala mo rin siya.

26:35.041 --> 26:36.291
Malapit na, Leyla.

26:38.583 --> 26:39.416
Siya nga pala,

26:40.375 --> 26:42.375
congratulations sa bagong libro.

26:42.458 --> 26:43.958
Aabangan ko talaga 'yon.

26:45.125 --> 26:49.333
Alam mo nang willing na willing akong
idemanda ka dahil do'n kung kinakailangan.

26:49.958 --> 26:51.083
Abogado ako, e.

26:55.791 --> 26:56.750
Mag-enjoy kayo.

26:58.125 --> 26:59.125
Magandang gabi.

27:09.208 --> 27:11.416
MR. AHMET

28:01.625 --> 28:04.750
Sandali, wag. Teka.

28:08.166 --> 28:09.000
Loko-loko ka!

28:09.083 --> 28:11.250
Ihahagis ko na!

28:16.666 --> 28:18.541
CALLING…

28:18.625 --> 28:20.208
Hinay-hinay lang, ha.

28:20.291 --> 28:24.791
-Sige na. Tara na.
-The subscriber cannot be reached…

28:33.250 --> 28:35.083
Wala nang tao sa baba.

28:35.166 --> 28:37.250
Ang galing mo, girl.
Nasolusyunan mo din 'yon.

28:37.333 --> 28:39.666
Siyempre naman.

28:40.166 --> 28:41.833
Amoy sausage, a.

28:42.500 --> 28:43.708
Sausage 'yan?

28:43.791 --> 28:46.166
-Hindi, itlog na may sausage.
-Ay, wow!

28:46.958 --> 28:49.083
Kuha tayo ng konting yellow…

28:49.833 --> 28:52.083
-Good morning.
-Ayan ka na pala!

28:52.166 --> 28:55.500
Sorry talaga, guys. Akala ko,
nandito na naman 'yong mga reporter.

28:55.583 --> 28:58.833
Nag-park ako sa likod.
Ginamit ko 'yong back door.

28:58.916 --> 29:02.291
Grabe. Mas mapayapa 'yon
kumpara noong magkasama kami ni Beliz.

29:02.375 --> 29:03.375
Ano?

29:09.666 --> 29:11.375
Guys. Doon tayo sa office ko.

29:11.458 --> 29:14.041
-Sige. Tara.
-Wag na, please.

29:14.125 --> 29:17.291
Alam naman ng lahat ang nangyari.
Wala kaming tinatago.

29:17.375 --> 29:20.041
Sarp, hinanda ko na ang divorce petition.

29:21.500 --> 29:24.125
Di ba dapat mag-usap muna tayo
bilang formality?

29:24.208 --> 29:26.041
Sapat na 'yong napag-usapan natin.

29:26.125 --> 29:28.416
O baka mas tamang sabihing
sapat na ang narinig ko.

29:28.500 --> 29:29.583
Leyla.

29:30.583 --> 29:32.666
Kasama ka na namin mula sa simula.

29:32.750 --> 29:34.958
Mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

29:35.666 --> 29:37.041
Ano…

29:37.541 --> 29:38.916
Witness ka sa kasal namin.

29:39.833 --> 29:41.625
Nilagay din kitang witness sa divorce.

29:45.208 --> 29:47.166
A. Gano'n ba?

29:50.666 --> 29:51.500
'Yon lang.

29:54.125 --> 29:56.291
-Sana maging okay ang lahat. Di ba?
-Oo.

29:58.208 --> 30:00.583
Aalis ka na rin sa firm?

30:00.666 --> 30:04.333
Hindi. Walang magbabago.
Walang magbabago sa buhay natin.

30:04.416 --> 30:07.791
Oo, magkakatrabaho pa rin tayo
kagaya ng dati.

30:08.375 --> 30:10.041
-Maganda 'yan.
-Ayos.

30:10.875 --> 30:14.000
Kagaya ng dati? Araw-araw, magkikita tayo.

30:14.083 --> 30:17.583
Kung makikipag-divorce ka,
mag-resign ka na rin, di ba?

30:17.666 --> 30:18.791
Bakit niya gagawin 'yon?

30:18.875 --> 30:21.125
No'ng pumasok siya,
ang kapal ng portfolio niya.

30:21.208 --> 30:23.875
-Pati si Cem Murathan, client niya.
-The subscriber cannot…

30:24.375 --> 30:25.208
Di ba?

30:25.708 --> 30:26.541
Oo.

30:33.333 --> 30:35.666
-Good morning. Kaya n'yo 'yan.
-Salamat.

30:37.541 --> 30:38.541
Mama.

30:41.000 --> 30:43.541
Bigla na lang tumahimik ang lahat.

30:43.625 --> 30:45.916
Pero sobrang tahimik naman.

30:47.041 --> 30:51.625
Walang balita kay Cem Murathan.
Sinabi niyang wala akong dapat gawin.

30:52.750 --> 30:55.833
Baka nagalit 'yon
kasi kinasuhan ko ang babaeng 'yon.

31:00.541 --> 31:02.958
Mama, tatawagan kita ulit. Ibababa ko na.

31:17.583 --> 31:18.875
Bakit ka nandito?

31:19.583 --> 31:20.583
Hinihintay ka.

31:23.000 --> 31:24.833
Di kita nakita nitong nakaraan.

31:24.916 --> 31:26.666
Akala ko, ayaw mo munang magkita tayo?

31:29.250 --> 31:30.291
Sige, sakay na.

32:14.166 --> 32:15.875
Ano ba 'yan? Bam, bam, bam.

32:27.125 --> 32:28.125
Mr. Ahmet?

32:29.250 --> 32:30.916
Ayos lang. Makakaalis ka na.

32:36.083 --> 32:37.500
Ay. Sorry po.

32:42.125 --> 32:44.666
Alam mo kung bakit Golden Horn
ang tawag sa inlet na 'to?

32:47.291 --> 32:49.125
Si Zeus, ang hari ng mga diyos,

32:49.208 --> 32:53.250
na-in love siya sa magandang si Io,
ang anak ng diyos ng ilog.

32:54.791 --> 32:57.000
Sabi na nga ba, si Zeus. Tapos?

32:57.083 --> 32:59.666
Noong nalaman ng asawa niyang si Hera…

33:00.166 --> 33:02.291
A, kasal din pala siya?

33:05.708 --> 33:10.375
Sa selos niya, naghiganti siya.
Ginawa niyang bakang may sungay si Io.

33:10.958 --> 33:12.958
Pinasundan din niya ng langaw para mainis.

33:14.625 --> 33:18.041
Para mapaalis ang langaw,
hinampas ni Io ang ulo niya,

33:18.833 --> 33:20.958
tapos nagkaroon
ng malalalim na bitak sa lupa.

33:22.000 --> 33:23.333
Isa doon ang Golden Horn.

33:26.083 --> 33:27.500
Ang ganda ng kuwento.

33:28.291 --> 33:30.791
Siyempre, doon sa kuwento, ikaw si Zeus.

33:32.333 --> 33:34.625
Gwapo. Malandi.

33:34.708 --> 33:36.125
Hari ng mga diyos.

33:37.708 --> 33:38.541
Salamat.

33:40.791 --> 33:43.083
Kawawa naman ako.
Ako si Io, pinepeste ng langaw.

33:43.875 --> 33:45.250
Si Tuba si Hera, 'no?

33:45.833 --> 33:48.375
Ay, mali. Si Tuba, si Nil,

33:49.041 --> 33:51.291
at 'yong iba pang mga babae sa buhay mo.

33:52.083 --> 33:54.416
Oo, in love ako sa napakagandang babae.

33:55.458 --> 33:57.666
Pero kung may mananakit sa kanya,

33:58.333 --> 34:00.541
gagawin ko ang lahat
para maprotektahan siya.

34:03.083 --> 34:04.916
Basta may tiwala siya sa akin.

34:07.041 --> 34:08.541
May tiwala ako sa 'yo.

34:32.041 --> 34:34.916
Mabulok kayo ng shares mo
at partnership mo…

34:35.000 --> 34:36.791
Hindi ko kayo kailangan.

34:36.875 --> 34:38.416
Umalis kayo sa buhay ko.

34:38.916 --> 34:41.041
Buwisit na 'to…

34:43.666 --> 34:45.125
Tingnan mo tayo.

34:45.208 --> 34:48.625
Naging impiyerno ang buhay natin
dahil sa isang picture.

34:51.375 --> 34:52.916
Tapos,

34:54.458 --> 34:56.666
totoo pa lahat ng sinabi nila.

34:57.541 --> 34:59.791
Oo, abogado nga ako ni Tuba.

34:59.875 --> 35:02.666
Tumulong akong makapaghiwalay kayo.

35:03.583 --> 35:07.583
Pero ibang-iba ang kuwento
sa pananaw nila.

35:10.291 --> 35:12.708
Bakit ba importante ang sinasabi ng iba?

35:19.000 --> 35:20.125
Kasi…

35:22.208 --> 35:24.916
nakokonsensiya din ako.

35:28.291 --> 35:32.000
Kasi mula noong una kitang nakita,

35:33.166 --> 35:35.500
di ka na maalis sa isip ko.

35:38.083 --> 35:40.916
Siyempre, hindi ko alam
na magiging ganito, pero…

35:41.875 --> 35:43.208
Na-attract ako sa 'yo.

35:44.125 --> 35:45.958
Nagpadala ako sa nararamdaman ko.

35:51.791 --> 35:52.625
Ako…

35:53.750 --> 35:55.541
na-in love noong nakita kita.

36:02.041 --> 36:03.916
Gusto kitang pakasalan.

36:12.291 --> 36:13.375
Ano'ng nangyayari?

36:18.125 --> 36:21.541
Magbibigay kami ng impormasyon
sa tamang oras.

36:22.041 --> 36:24.541
-Nandito na si Leyla Taylan.
-Ms. Leyla!

36:24.625 --> 36:27.541
Leyla, nandito ang mga reporter.
Wag kang mag-alala, okay?

36:27.625 --> 36:29.750
-Kalma lang.
-Ms. Leyla!

36:29.833 --> 36:32.458
-Ms. Leyla!
-Ms. Leyla!

36:32.541 --> 36:34.250
Hello. Welcome. Hello.

36:40.833 --> 36:43.375
Leyla. Leyla! Dito ka na.

36:46.291 --> 36:48.000
Ayos, nakalusot tayo.

40:45.583 --> 40:50.583
Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso
ang mag-alala, okay?
