WEBVTT

00:18.208 --> 00:19.208
Kumusta ka?

00:21.375 --> 00:22.458
Kumusta ako?

00:26.750 --> 00:28.208
Sirang-sira.

00:33.166 --> 00:35.000
Pero sinasabi ko, okay lang ako.

00:40.375 --> 00:46.291
Kasi kahit ako, nahihirapan sa pag-iisip
ng isasagot ko tanong na 'yon.

00:47.416 --> 00:51.041
Sawang-sawa na rin ako
sa paghahanap ng tama.

00:51.125 --> 00:54.500
Di ko nga alam kung meron talaga no'n.

00:56.916 --> 00:58.041
Di ko mahanap, e.

01:06.416 --> 01:08.791
Gusto ko lang maging masaya.

01:11.250 --> 01:14.500
Gusto kong matapos na 'yong pakiramdam
na hanggang dito lang ako.

01:47.458 --> 01:49.625
Tinatakasan ko 'yong mga tanong.

01:50.291 --> 01:52.916
Kasi natatakot ako sa isasagot ko.

01:56.458 --> 01:57.541
"Kumusta ka?"

01:59.875 --> 02:00.875
Tumatakas.

02:01.750 --> 02:02.958
'Yon ang sagot ko.

02:05.625 --> 02:06.625
Leyla!

02:17.375 --> 02:20.458
THANK YOU, NEXT

02:30.958 --> 02:33.041
Kinakabahan ako lagi.

02:35.250 --> 02:36.916
Iniisip ko lagi

02:38.041 --> 02:40.708
na may mangyayaring masama.

02:42.125 --> 02:42.958
Masama?

02:45.416 --> 02:46.416
Oo.

02:48.916 --> 02:50.875
May lalaki.

02:55.666 --> 02:57.083
Ano…

02:57.666 --> 02:59.708
Hindi kami gano'n, pero…

03:00.541 --> 03:02.666
Walang nangyari sa aming dalawa.

03:07.708 --> 03:08.541
Hello?

03:09.166 --> 03:11.125
Dahil natakot ako.

03:11.208 --> 03:13.416
-Di ba siya sasama?
-Nandito siya.

03:13.500 --> 03:15.791
-Saan ka ba galing, ha?
-Nandito na 'ko.

03:29.625 --> 03:33.166
Noong una,
inis na inis talaga ako sa kanya.

03:33.666 --> 03:35.500
Para sa akin, mapanganib siya.

03:35.583 --> 03:38.666
Marami siyang red flags.

03:41.416 --> 03:46.000
Sasabihin niya na, "Pahihirapan kita"
kahit na ang layo mo pa sa kanya.

03:49.666 --> 03:51.166
Sasabihin niya, "Narcissist ako."

03:51.791 --> 03:53.875
"Abot-langit 'yong ego ko."

03:53.958 --> 03:58.041
"Tuso ako. Mayabang ako. Seloso ako."

03:59.125 --> 04:02.000
Sabi ng red flags,
"Sanay akong makuha 'yong gusto ko."

04:02.083 --> 04:03.166
Pero?

04:03.250 --> 04:08.166
Walang pero. Magnetic attraction 'yon.

04:08.250 --> 04:10.125
Di 'yon mapipigilan.

04:11.916 --> 04:14.333
Ni di ko nga siya gustong kilalanin.

04:15.083 --> 04:19.125
'Yong mga gano'ng lalaki,
di naman kaibig-ibig pag nakilala mo na.

04:20.875 --> 04:26.291
Pag nakita mo na 'yong kahinaan at flaws,
gugustuhun mo pa rin ba siya?

04:26.375 --> 04:27.541
Tingin ko, hindi.

04:28.041 --> 04:30.041
Dapat consistent ang relationship.

04:30.125 --> 04:33.166
'Yon ang pinakaimportante sa 'kin.

04:33.750 --> 04:37.083
Dapat pareho 'yong importante sa inyo.

04:37.166 --> 04:39.208
Pati mga parangap.

04:40.333 --> 04:43.666
Wala kaming pagkakapareho.

04:46.916 --> 04:51.541
Unang araw pa lang,
alam ko na kung ano siya.

04:51.625 --> 04:53.291
Problematic.

04:54.500 --> 04:57.000
Tatlong beses na siyang
nagpakasal at nakipag-divorce.

04:57.791 --> 05:00.500
At lahat sila, nasa buhay pa rin niya.

05:04.708 --> 05:07.833
'Yong first wife niya,
second wife, third wife…

05:07.916 --> 05:09.291
Laging umaaligid.

05:10.541 --> 05:12.916
Collector talaga siya.

05:26.875 --> 05:31.791
Ayokong maging isa sa mga babae niya.

05:32.708 --> 05:35.875
Di naman puwede, e. Imposible 'yon.

05:35.958 --> 05:40.166
Baliw ako kung ako
'yong magiging pang-apat na biktima niya.

05:40.666 --> 05:44.916
Kaya di ako masyadong lalapit sa kanya
o makikipagrelasyon sa kanya.

05:46.750 --> 05:49.000
'Yong mga narcissistic,

05:49.083 --> 05:51.708
madali lang nilang maloko ang target nila.

05:51.791 --> 05:53.250
Sa isang iglap, na-seduce ka na.

05:54.291 --> 05:57.583
Sa pagkahumaling mo sa kanya,

05:57.666 --> 06:02.125
bago mo pa malaman, ikinakasal na kayo.

06:02.208 --> 06:03.916
Tapos…

06:04.916 --> 06:06.041
Kasado na.

06:06.541 --> 06:07.833
Talo ka na.

06:10.666 --> 06:13.333
Nakikita ko
'yong relationships sa paligid ko.

06:14.083 --> 06:16.250
Mabilisan lang magsimula.

06:17.041 --> 06:21.250
Maraming pangako, minamadali 'yong kasal.

06:21.333 --> 06:24.916
Pag mas mababa ang confidence,
mas maingay.

06:25.416 --> 06:29.833
"Magkasama habambuhay.
I do, till death do us part."

06:29.916 --> 06:31.083
Tapos?

06:32.333 --> 06:36.041
Nagtataka talaga ako
kung ano talaga ang nangyayari

06:36.125 --> 06:39.916
pag ganito na kalaki
ang pagkainis namin sa isa't isa.

06:40.833 --> 06:43.208
Bakit ba natin niloloko 'yong isa't isa?

06:44.958 --> 06:48.500
Alam mo 'yong love stories
na naka-embed sa DNA natin?

06:48.583 --> 06:50.000
Di totoo 'yon.

06:50.625 --> 06:54.041
Kasi wala sa mga 'yon
ang malapit sa katotohanan.

06:54.125 --> 06:55.583
Nakakapagod na, ha.

06:55.666 --> 07:01.083
Bakit ba lahat nabibiktima,
e, halata naman 'yong patibong?

07:01.166 --> 07:02.125
Ewan ko ba.

07:02.625 --> 07:04.791
Nagpapakasal
para maging malapit sa isa't isa.

07:04.875 --> 07:05.875
Sige, gawin mo!

07:06.500 --> 07:10.541
Pero imbes na magkalapit, mas nagkakalayo.

07:18.083 --> 07:20.708
Walang totoo. Walang sincere.

07:21.250 --> 07:25.708
Parang pinretoke ang lahat ng wrinkles.

07:25.791 --> 07:29.041
Pinapalibutan tayo ng mga plastic,
puro wrinkles sa loob,

07:29.125 --> 07:30.958
pero puro Botox sa labas.

07:31.041 --> 07:34.791
Hay! Baka dapat
'yong mas cheerful 'yong pinili mo.

07:34.875 --> 07:36.583
WALANG PLANET B

07:36.666 --> 07:38.708
Lahat, tinitingnan ko.

07:38.791 --> 07:42.375
Pagsama-samahin mo pa sila,
di nila mapapantayan si Ömer.

07:42.458 --> 07:45.166
Mas maraming ganito
'yong nakikita ko araw-araw.

07:45.250 --> 07:48.750
Hindi, girl. Seryoso.
Di mo puwedeng balikan 'yong ex mo.

07:48.833 --> 07:52.166
Gaya nga ng sabi
ng sikat na thinkers, "Thank you, next."

07:52.250 --> 07:53.333
Funda!

07:54.375 --> 07:55.541
Uy, love!

08:00.166 --> 08:05.166
Grabe 'yong kapit natin sa illusion
kasi ayaw nating sabihin, "Nagkamali ako."

08:05.250 --> 08:06.625
E, kung black? Hindi.

08:06.708 --> 08:09.916
'Yong may pagka-ecru na nude,
mas sexy, di ba?

08:11.166 --> 08:14.083
Puwedeng tingnan 'yong ecru at black?

08:14.166 --> 08:17.500
Itinatago natin 'yong tunay nating sarili
para hindi tayo mag-isa.

08:17.583 --> 08:19.708
Tapos tinatawag 'yong
"long-term relationship."

08:19.791 --> 08:22.333
Pero long-term death 'yon, gano'n lang.

08:22.416 --> 08:24.750
Girl, ano'ng pinagsasasabi mong death?

08:24.833 --> 08:26.791
Two weeks pa nga lang kayo.

08:26.875 --> 08:29.250
Pupunta ba siya sa party?
Makikilala na namin siya?

08:29.333 --> 08:31.000
Siyempre, hindi. Di ko ininvite.

08:31.083 --> 08:33.583
Two weeks pa lang.
Ayokong sumali siya sa 'tin.

08:34.083 --> 08:35.625
Di rin naman ako bumili ng regalo.

08:35.708 --> 08:39.625
Ha? Bakit? Bumili ka kahit maliit lang.
Siguro, libro o kung ano.

08:39.708 --> 08:40.791
E, kung binilhan ka ng…

08:40.875 --> 08:43.833
Natatakot akong
tanggapin na lang 'yong ordinaryo.

08:44.791 --> 08:45.791
Oo.

08:46.833 --> 08:48.791
Natatakot ako na pagtingin ko sa salamin…

08:48.875 --> 08:50.000
Salamat.

08:50.083 --> 08:53.666
…makikita ko
na wala na'ng kislap ng mga mata ko.

08:54.166 --> 08:59.708
Takot ako na 'yong choices ko,
ipapahamak ako balang araw.

08:59.791 --> 09:01.291
Takot akong magsisi.

09:03.125 --> 09:08.708
Ten! Nine! Eight! Seven! Six! Five…

09:08.791 --> 09:13.208
"Ayokong mangako.
Ayaw kong akuin ang responsibilidad."

09:13.291 --> 09:16.458
"Gusto kong makipag-sex sa lahat
ng makikilala ko, tapos sumibat."

09:16.541 --> 09:18.583
Ganyan ang relationship ng mga tao ngayon.

09:20.166 --> 09:25.083
May mga lalaking umaalis,
di man lang nag-iiwan ng message.

09:25.625 --> 09:28.250
Gano'n ang ikinukuwento ng friends ko.

09:31.750 --> 09:34.375
Siyempre, di na naghahabol
'yong mga babae.

09:36.166 --> 09:37.916
Tapos, 'yong loneliness…

09:41.375 --> 09:43.791
'Yon na lang ang natitira sa 'kin.

09:49.166 --> 09:51.083
Nami-miss ko 'yong pandemic.

09:52.500 --> 09:54.083
'Yong pandemic o si Ömer?

09:56.500 --> 09:58.458
Hindi, hindi gano'n.

09:59.333 --> 10:01.583
Iba ang lahat no'ng pandemic.

10:03.083 --> 10:05.916
Parang magtatapos na 'yong mundo.

10:07.291 --> 10:09.458
Lahat, nagdadamayan.

10:11.541 --> 10:13.916
Nag-live in na kayo ni Ömer
no'ng pandemic, di ba?

10:15.625 --> 10:16.625
Tama ba?

10:21.333 --> 10:22.333
Di na masama.

10:25.416 --> 10:27.000
Bravo!

10:29.458 --> 10:30.625
Nagulat siya.

10:31.500 --> 10:33.583
Sige. Ano'ng dinner mamaya?

10:35.333 --> 10:40.041
Nagbabago ang realidad ng tao
depende sa sitwasyon nila.

10:40.583 --> 10:42.250
Noon,

10:42.333 --> 10:44.875
takot kaming maglaho
'yong mga pangarap namin,

10:44.958 --> 10:47.041
na di namin magawang mangarap ulit.

10:52.958 --> 10:55.208
Lahat, iba no'ng umpisa.

10:55.291 --> 10:59.041
Buong mundo,
naka-focus lang sa iisang problema.

10:59.125 --> 11:04.375
Lahat, takot sa iisang bagay,
at iisa lang 'yong kalaban.

11:04.458 --> 11:06.333
Sobrang nakaka-encourage 'yon.

11:20.041 --> 11:22.000
-Leyla.
-Love.

11:22.083 --> 11:24.250
I love you so much.

11:26.125 --> 11:30.083
-Ano'ng napanaginipan mo?
-Parang di panaginip. Parang totoo, e.

11:31.083 --> 11:32.083
Namatay ba 'ko?

11:33.000 --> 11:34.208
Naka-wedding dress ka.

11:34.958 --> 11:35.791
Tapos?

11:36.666 --> 11:39.333
Suot mo 'yong wedding dress ng lola mo.

11:39.916 --> 11:43.208
-'Yong buhok ko? Nakalugay ba?
-Ang ganda-ganda mo.

11:44.333 --> 11:45.666
Pero si Sarp 'yong groom.

11:46.416 --> 11:47.500
Hindi nga!

11:48.333 --> 11:50.333
Ako 'yong witness sa kasal.

11:50.416 --> 11:53.666
Sinubukan kong magsalita,
pero nawawala 'yong lips ko.

11:54.291 --> 11:58.125
Tumingin ka sa 'kin, sumigaw ka,
"Magkasama habambuhay!"

11:58.208 --> 11:59.208
Naku, Ömer.

11:59.291 --> 12:02.291
Ayokong ikasal sa kanya.
Ikaw 'yong gusto ko.

12:02.375 --> 12:03.750
-Di ba?
-Oo!

12:04.625 --> 12:05.500
Tapos?

12:08.625 --> 12:09.583
Hinalikan ka niya.

12:10.333 --> 12:12.041
Ang sama no'n. Grabe 'yong iyak ko.

12:13.166 --> 12:14.916
Sobrang frustrating.

12:15.458 --> 12:16.458
Gagong 'yon.

12:16.958 --> 12:18.958
Hay, Ömer.

12:19.041 --> 12:22.041
Kawawa ka naman!
Wag kang umiyak, sweetheart.

12:22.125 --> 12:24.583
Natalo ka ni Sarp?

12:25.958 --> 12:29.666
Baka nagka-amnesia ako.
Ba't naman kita iiwan?

12:38.791 --> 12:40.541
-Ganito.
-Ano?

12:45.833 --> 12:46.666
Pakasal na tayo?

12:48.791 --> 12:49.708
Ha?

12:49.791 --> 12:53.500
-Para di ako maagaw ni Sarp?
-Seryoso ako. Pakasal na tayo?

12:55.916 --> 12:56.750
Okay.

12:57.875 --> 12:58.708
Talaga?

12:59.708 --> 13:00.791
Yes! Aray!

13:02.666 --> 13:04.833
Engaged na ba tayo?

13:04.916 --> 13:07.625
-Sasabihin ko na sa parents ko.
-Sige.

13:09.083 --> 13:12.041
Tapos na 'yong pandemic,
pati 'yong pangarap.

13:12.791 --> 13:17.916
Gumawa kami ng decisions na, normally,
di namin gagawin nang biglaan.

13:18.416 --> 13:23.541
Nagdadalawang isip pa 'ko no'n
tungkol sa pagli-live in namin.

13:23.625 --> 13:26.333
Bigla siyang lumipat,
at tapos na 'yong usapan.

13:26.416 --> 13:29.000
Pero may sariling routine ang bawat tao.

13:29.083 --> 13:34.833
Puwede kang magsawalang-bahala.
Pero mapupuno ka rin.

13:35.416 --> 13:38.375
Kung iisa lang 'yong banyo sa apartment,

13:38.458 --> 13:41.458
wala na gaanong intimacy.

13:42.916 --> 13:45.083
Leyla, iha. Sa relationship…

13:47.500 --> 13:50.541
dapat tanggapin mo ang partner mo.

13:54.625 --> 13:57.166
Mga lalaki lang ang kaya 'yon.

13:58.375 --> 13:59.708
Kayo ni Mama.

14:10.125 --> 14:10.958
Malas lang,

14:12.041 --> 14:16.083
ang taas ng standards ko
dahil sa iyong dalawa.

14:24.958 --> 14:27.375
Super in love ka pa rin kay Mama, di ba?

14:29.375 --> 14:32.000
Mahirap i-describe 'yong sa amin.

14:32.083 --> 14:34.291
Hay, Papa! The best talaga kayo ni Mama.

14:36.500 --> 14:37.958
-Alam mo kung ano?
-Ano?

14:38.041 --> 14:40.666
Natutuwa ako
na nagkuwento ka na tungkol kay Ömer.

14:42.958 --> 14:46.666
Medyo madaldal ako lately.

14:47.375 --> 14:50.958
Puto salita, walang relationship.
Nagde-detox ako.

14:53.750 --> 14:55.500
Puntahan natin sila.

14:56.375 --> 14:57.416
Nandito na kami.

14:57.500 --> 14:59.791
Buddy, baby! Love ko!

15:03.250 --> 15:05.750
Pinag-usapan n'yo na naman ako, 'no?

15:05.833 --> 15:07.708
Hindi, di pa kami nagsisimula.

15:07.791 --> 15:09.583
-Gano'n ba kalala?
-Oo.

15:09.666 --> 15:11.583
Kain na tayo. Handa na 'yong mesa.

15:11.666 --> 15:13.291
Sige. Susunod na kami.

15:16.125 --> 15:18.125
May bisita raw tayo.

15:18.208 --> 15:20.250
Talaga? Sino?

15:23.666 --> 15:24.666
Seryoso?

15:24.750 --> 15:27.583
Seryoso. Ininvite ako ng uncle mo.

15:29.333 --> 15:30.333
Sige, dear.

15:33.666 --> 15:35.041
-Hello, Mr. Cem.
-Hello.

15:35.125 --> 15:35.958
Akin na.

15:36.041 --> 15:38.416
-Welcome, Cem.
-Hello. Di naman ako late, di ba?

15:38.500 --> 15:40.333
Hindi, on time ka. Lagi naman.

15:40.416 --> 15:42.791
Siya ba 'yong professional serial killer?

15:42.875 --> 15:44.500
No problem. Magandang nakapunta ka.

15:44.583 --> 15:46.291
-Happy birthday.
-Maraming salamat.

15:46.375 --> 15:49.250
Reyhan, Mahir,
ipakikilala ko sa inyo si Cem Murathan.

15:49.333 --> 15:51.458
Nasa katabing office.
Client din namin siya.

15:51.541 --> 15:54.000
-Kapatid ko, si Reyhan Taylan.
-Nice to meet you.

15:54.083 --> 15:55.458
-Welcome.
-Salamat po.

15:55.541 --> 15:57.125
-Bayaw ko, si Mahir.
-Mr. Mahir.

15:57.208 --> 15:58.250
Nice to meet you.

15:58.875 --> 16:01.000
-Nagkita na tayo no'n.
-Talaga?

16:01.083 --> 16:04.500
Sinubukan ko po talagang magkita tayo.

16:04.583 --> 16:06.416
Ba't di ko alam 'to?

16:09.333 --> 16:10.958
-Tara.
-Sige na.

16:11.625 --> 16:14.083
Can, galing sa auction 'tong mga wine.

16:14.166 --> 16:16.583
No'ng '72 pa 'to. Magka-edad na kayo.

16:21.208 --> 16:24.458
Ang bongga ng regalo mo.
Salamat. Di ka na dapat nag-abala.

16:24.541 --> 16:26.958
Wala 'yon. Happy 50th.

16:28.333 --> 16:29.375
-Enjoy.
-Enjoy.

16:29.458 --> 16:30.458
Enjoy.

16:34.333 --> 16:37.666
-Ang sarap no'ng wine.
-Ba't di mo tikman, Mahir?

16:38.458 --> 16:42.500
Kahit tikim lang, sasakit 'yong tiyan ko.
Wag na lang.

16:42.583 --> 16:44.333
Kay Reyhan na lang 'yong parte ko.

16:44.416 --> 16:45.791
Di ako tatatanggi, ha.

16:47.041 --> 16:49.708
Ano nga 'yong kanina, Cem?

16:50.208 --> 16:54.291
Nagtataka kasi ako
kung ano 'yong sa inyo ni Papa.

16:54.375 --> 16:57.541
A, oo. Kung paano kami nagkita.

16:58.916 --> 17:01.083
Nag-aral ako ng architecture sa Milan.

17:01.166 --> 17:03.000
Panelist po kayo ro'n.

17:03.500 --> 17:06.208
Excited kayo sa bagong project n'yo.

17:07.875 --> 17:08.958
Noong 2009.

17:09.833 --> 17:11.875
A, 2009.

17:11.958 --> 17:14.666
'Yong psychology ng buildings.

17:15.958 --> 17:20.250
Grabe 'yong sinabi n'yo sa gawa n'yo,
parang babae 'yon na in love kayo.

17:21.083 --> 17:22.333
Oo, naaalala ko.

17:24.458 --> 17:25.833
Di ko maalala.

17:26.375 --> 17:29.458
Iha, nasa uncle mo ka na no'n nakatira.

17:29.541 --> 17:32.208
May naaalala ako. Unang summer natin 'yon.

17:32.291 --> 17:34.541
Hinabol kita, nagka-panic attack ako.

17:34.625 --> 17:37.750
Di ko alam 'yong gagawin
kasi sobrang energetic mo.

17:37.833 --> 17:39.375
Parang yaya mo 'ko no'n.

17:42.750 --> 17:44.500
Aling project 'yon, Pa?

17:45.833 --> 17:47.208
Di 'yon natuloy.

17:47.291 --> 17:50.166
Maraming masamang nangyari.
Kinailangang i-cancel.

17:50.250 --> 17:52.041
A, sayang naman.

17:52.666 --> 17:53.791
Nakakalungkot.

17:54.583 --> 18:00.541
Ang hirap kasi no'ng project.

18:00.625 --> 18:02.708
Mas exciting sa papel.

18:02.791 --> 18:06.708
Tapos na-assign si Reyhan sa Tokyo,
kaya lumipat kami.

18:07.958 --> 18:12.083
Pero hinayaan kitang mag-decide.
Lagi naman, darling.

18:12.166 --> 18:13.708
Di mo naman kinailangang sumama.

18:13.791 --> 18:17.250
Pero 'yong tahahan ko,
laging nasa tabi mo, mahal ko.

18:19.958 --> 18:22.416
May di kaya yata kayo ikinukuwento.

18:22.500 --> 18:24.333
A! Oo. Kuwento ba?

18:24.416 --> 18:29.416
Maraming kuwento kahit saan.
Di ba, darling?

18:30.708 --> 18:33.333
-E di, cheers tayo para ro'n.
-Inom tayo.

18:35.166 --> 18:36.750
-Enjoy.
-Enjoy.

18:44.750 --> 18:47.666
Happy birthday, Tito!

18:48.958 --> 18:52.333
Happy birthday to you!

18:57.958 --> 18:59.416
Halika nga. Halika.

19:00.291 --> 19:03.083
50 na ba talaga siya? Ipaliwanag mo nga.

19:03.166 --> 19:05.958
Wag mo nang ipaalala sa kanila.
Hihipan ko na 'yong kandila.

19:14.541 --> 19:16.666
Salamat sa pagpunta.

19:16.750 --> 19:18.500
-Cheers para sa 'yo.
-Cheers.

19:33.166 --> 19:34.458
Tahimik ka yata ngayon.

19:35.583 --> 19:36.916
Puno 'yong bibig ko.

19:40.333 --> 19:42.625
Maglakad-lakad tayo.
Gusto kong mag-usap tayo.

19:43.583 --> 19:45.666
Kung tungkol sa book ni Mrs. Tuba,

19:46.166 --> 19:49.791
di lalabas 'yon.

19:50.291 --> 19:52.708
Magbibigay kami
ng legal notice sa publisher.

19:55.083 --> 19:58.125
Di 'yon, pero magandang balita 'yan.

19:59.416 --> 20:02.583
Di lalabas 'yong secrets mo.
Wag kang mag-alala.

20:03.375 --> 20:05.708
May isa pang na-expose kanina.

20:07.291 --> 20:09.916
Ba't di mo sinabing
kilala mo pala si Papa?

20:11.625 --> 20:14.916
Ay, oo nga pala.
Di kasi tayo masyadong nakakapag-usap.

20:15.000 --> 20:16.125
Tama ka naman.

20:22.208 --> 20:23.208
Galit ka sa 'kin.

20:24.750 --> 20:25.583
Alam ko 'yon.

20:26.208 --> 20:27.625
Di ako galit.

20:27.708 --> 20:28.833
Di sa 'yo.

20:28.916 --> 20:31.291
'Yong pagiging galit,
expression 'yon ng emotion.

20:32.333 --> 20:36.166
Wala akong feelings para sa 'yo.

20:37.208 --> 20:40.583
Nandito ka man o wala, walang magbabago.

20:40.666 --> 20:44.541
Kaya nga okay lang.

20:44.625 --> 20:46.666
Happy ako na di ako nagsayang ng oras.

20:47.250 --> 20:48.875
Nagpapasalamat pa nga ako.

20:49.416 --> 20:52.750
Attracted nga tayo sa isa't isa.
Curious nga tayo.

20:54.208 --> 20:55.875
Wag na natin isipin 'yong what ifs.

20:58.583 --> 20:59.708
Tapos na.

21:00.291 --> 21:03.250
At least, memorable 'yon.

21:04.208 --> 21:06.291
Fling lang 'yon.

21:07.791 --> 21:10.791
Kaya, wag ka nang mag-alala.

21:11.833 --> 21:16.875
Wala lang 'yon sa 'kin.

21:21.291 --> 21:25.625
Ayoko nang pag-usapan pa 'yon.
Pupuntahan ko na 'yong parents ko.

21:57.916 --> 22:01.666
FAMILY ALBUM KO

22:15.708 --> 22:18.291
-Wag mo ngang gamitin maging demogogue.
-Di naman, a.

22:18.875 --> 22:21.041
Trabaho mo 'yon, di ba?
Ikaw 'yong demagogue.

22:21.125 --> 22:24.125
Tuwang-tuwa kang maging hero ni Leyla,

22:24.208 --> 22:26.083
ni di mo alam 'yong pinsalang dinulot mo.

22:26.166 --> 22:28.041
Di lang ako nagsasalita kasi ayaw mo.

22:28.125 --> 22:30.250
Okay lang sa 'kin.
Lahat, masasabi ko sa kanya.

22:30.333 --> 22:33.125
'Yong masasabi mo lang,
kung gaano ka ka-feminist.

22:33.208 --> 22:36.750
Sabihin mo ring apelyido ko ang gamit mo
dahil sa utang ng tatay mo.

22:36.833 --> 22:38.833
Akala mo ba, di ko sasabihin 'yon?

22:38.916 --> 22:41.625
E, 'yong under treatment ka sa alcoholism?

22:41.708 --> 22:42.916
Ba't mo ba itinago 'yon?

22:43.000 --> 22:45.208
Ikuwento mo rin 'yong buwisit na babae mo.

22:45.291 --> 22:49.375
Mataas daw 'yong standards niya.
Sabihin mo kung gaano kataas.

22:57.208 --> 22:58.458
Sino kayo?

23:01.000 --> 23:03.583
Lumabas na lahat.

23:06.250 --> 23:08.541
Welcome sa totoong mundo, girl.

23:08.625 --> 23:11.625
Leylos, ano ba'ng nangyari no'ng 2009?

23:12.916 --> 23:15.833
Nagka-affair si papa
sa babaeng kasama niya sa project.

23:17.208 --> 23:20.291
-Talaga?
-Nagsisi siya at umamin siya kay Mama.

23:20.375 --> 23:22.125
Malaking pagkakamali 'yon.

23:22.833 --> 23:25.791
Kaya pumunta si Mama sa Tokyo.
Tumakas, actually.

23:26.375 --> 23:28.458
-Siyempre. Tama lang 'yon.
-Oo.

23:29.125 --> 23:33.666
Kung ako, pinutol ko na 'yong bayag niya
bago pa 'ko umalis. 'Yon.

23:35.125 --> 23:35.958
Sige na.

23:36.666 --> 23:37.833
Salamat.

23:37.916 --> 23:39.333
Ano'ng ginawa ng papa mo?

23:40.041 --> 23:44.083
Ano pa ba? Iniwan niya 'yong project,
tapos hinabol si Mama.

23:44.166 --> 23:48.000
Pinatira ka nila sa uncle mo
para di ka maapektuhan, tama?

23:50.583 --> 23:51.583
Mismo.

23:53.000 --> 23:53.875
Ano…

23:54.375 --> 23:56.500
Di pa yata naghihilom 'yong sugat.

23:56.583 --> 24:00.250
Guilty pa rin si Papa.
Galit pa rin si Mama.

24:00.791 --> 24:03.750
Konting kalabit lang, magkaka-delubyo.

24:03.833 --> 24:06.166
Pero matagal na silang magkasama.

24:06.250 --> 24:08.916
Dapat nag-divorce na sila
kung gusto nila, di ba?

24:09.000 --> 24:09.958
Oo nga.

24:10.541 --> 24:12.958
Di yata sila nag-divorce dahil sa 'kin.

24:13.458 --> 24:15.208
'Yon lang ang paliwanag.

24:15.291 --> 24:17.208
-Di siguro.
-Iba rin 'yong naiisip ko.

24:19.541 --> 24:21.625
Tingin ko, si Papa…

24:23.458 --> 24:26.750
Di na siya umalma kasi ayaw niyang
bumaba 'yong tingin ko sa kanya.

24:26.833 --> 24:30.250
Saka, si Mama, allergic sa failure.

24:30.833 --> 24:32.833
Ayaw makipag-divorce dahil sa pride niya.

24:34.708 --> 24:37.416
-Sakto'ng timing.
-Mama mo?

24:39.958 --> 24:43.083
"Leyla, iha. Uuwi na kami sa Miyerkules."

24:43.166 --> 24:45.333
"Sana magkita tayo bago kami umalis."

24:45.416 --> 24:48.166
"Sabihin mo sa 'min
kung kailan ka available."

24:48.250 --> 24:49.541
"Mahal ka namin."

24:49.625 --> 24:51.875
Mahal ka namin. Aalis kami.

24:51.958 --> 24:54.041
"Namin" raw, "kami" raw…

24:54.125 --> 24:56.333
Kita n'yo? Team pa rin sila.

24:56.833 --> 24:59.666
Ang taas pa rin
ng tingin nila sa sarili nila.

24:59.750 --> 25:01.750
Wag mo nang masyadong isipin. Naku naman.

25:01.833 --> 25:04.500
Pati patay, magre-react kung ganyan ka.

25:04.583 --> 25:06.500
Grabe ka, ha.

25:06.583 --> 25:07.833
Wag mo na lang patagalin.

25:07.916 --> 25:10.500
Hayaan mong gawin nila
'yong gusto nila. Buhay nila 'yon.

25:10.583 --> 25:12.416
-Sarp, tumatawag 'yong mama mo.
-O?

25:12.500 --> 25:15.375
-Si Mama ko naman.
-Salad, gusto mo?

25:15.458 --> 25:16.458
Excuse me.

25:18.541 --> 25:19.833
Hello, Ma?

25:20.541 --> 25:21.541
Salamat, mare.

25:23.041 --> 25:24.041
Ha?

25:26.083 --> 25:28.541
-Saang ospital?
-Ospital?

25:29.291 --> 25:30.708
Okay, papunta na.

25:31.708 --> 25:32.833
-Ano'ng nangyari?
-Sarp?

25:34.666 --> 25:37.291
Inatake sa puso si Papa. Nasa ICU.

25:37.833 --> 25:38.916
-Ha?
-Talaga?

25:40.416 --> 25:43.583
-May i-o-off ba 'ko?
-Ewan. Teka.

25:43.666 --> 25:45.833
-Laro talaga ang buhay.
-Babalik ako.

25:45.916 --> 25:49.833
Akala mo, marami kang buhay.
Tapos, naubos na pala.

25:50.333 --> 25:52.708
-Pag naisip mong naubos na, ding!
-'Yong susi ko?

25:52.791 --> 25:55.208
-See you, Buddy!
-May isa pa pala.

25:57.875 --> 25:59.208
Pag naisip mong tama na,

25:59.291 --> 26:03.000
ipapaalala sa 'yo
'yong ending na akala mo di na mangyayari.

26:06.833 --> 26:09.833
'Yong paghihirap mong
parang childish dati.

26:10.541 --> 26:14.291
Mahihiya ka kasi na-o-overhelm ka na
ng mga problema.

27:16.916 --> 27:21.666
Kung mauubusan ng oxygen ang puso,
makakaramdam ka raw ng matinding sakit.

27:21.750 --> 27:25.333
'Yon daw yata ang senyales
na inaatake ka na.

27:26.083 --> 27:30.291
Importante palang makaramdam ka ng sakit
para may pag-asa kang mabuhay.

27:30.375 --> 27:31.541
Angina pectoris.

27:32.125 --> 27:34.583
Angina pectoris,
gano'n 'yon kung sa medicine.

27:34.666 --> 27:37.166
-Alam mo na ba 'yon?
-Siyempre, hindi.

27:37.250 --> 27:38.125
Kawawa ka naman.

27:39.750 --> 27:43.375
Hindi arteriosclerosis
o nicotine, o kulungan

27:43.458 --> 27:47.041
Iyon ang dahilan, mahal kong Doctor
Kaya ako may angina pectoris

27:49.416 --> 27:50.500
Poem ni Nâzım Hikmet.

27:51.583 --> 27:56.000
'Yon ang panuyo niya sa inyo, di ba?
Mga poet at poem.

27:57.125 --> 28:00.375
Nagkikita kami sa bench na 'to
kada Miyerkules, saktong 2:00 p.m.

28:01.583 --> 28:04.541
Galing si Mahir sa university niya,
sakay ng 1:15 na biyahe.

28:04.625 --> 28:07.583
'Yong class ko, matatapos ng 1:30 p.m.

28:08.791 --> 28:13.125
Tapos nandito na siya,
may bitbit na sandwich galing Hisar Kiosk.

28:13.666 --> 28:14.958
Magpi-picnic kami.

28:15.041 --> 28:17.583
-Konting chilli.
-Maraming pickles.

28:17.666 --> 28:20.041
-Hot dogs.
-Hot dogs.

28:22.000 --> 28:24.666
-Laging gano'n.
-Maraming oras kami kung mag-usap.

28:24.750 --> 28:27.041
Nagbabasa kami ng poems, books.

28:28.500 --> 28:31.250
Nanonood ng movies, minsan nagtatalo rin.

28:32.875 --> 28:34.833
Pero palagi kaming nagtatawanan.

28:35.958 --> 28:37.750
'Yon 'yong pagkakaalala ko sa inyo.

28:37.833 --> 28:39.541
-Laging…
-Teka.

28:39.625 --> 28:41.291
Alam ko kung saan na papunta 'to.

28:41.375 --> 28:44.833
Wag mo nang banggitin 'yong "bar", ha?
Walang gano'n sa relationship.

28:44.916 --> 28:47.791
Dapat maintindihan n'yo 'yong isa't isa.

28:47.875 --> 28:48.875
Dapat may empathy.

28:49.541 --> 28:50.750
Dapat may patience.

28:51.750 --> 28:53.000
Dapat nagpapatawad.

28:54.875 --> 28:57.625
Patience. Pagpapatawad.

28:59.041 --> 29:04.875
Leyloş, baka mawalan ka ng interest
sa partner mo pag nagtagal. Gano'n.

29:05.791 --> 29:07.625
Baka ma-distract ka.

29:07.708 --> 29:11.208
Baka pakiramdam mo, walang pinatutunguhan.

29:11.291 --> 29:13.708
Baka maramdaman mong pinapabayaan ka.

29:15.291 --> 29:17.416
Di madaling magmahal.

29:17.916 --> 29:21.000
Mas mahirap magmahal
kung di perpekto 'yong tao.

29:21.083 --> 29:23.916
Pero meron bang perfect sa mundo?
Ipakilala mo nga sa 'kin.

29:24.000 --> 29:25.458
Ipakilala mo, sige na.

29:28.416 --> 29:31.125
Lahat ng pinagdaanan namin
ng 40 years, totoo 'yon.

29:31.208 --> 29:34.458
Experience namin 'yon.
Tanggap naming gano'n.

29:35.916 --> 29:39.041
Hindi laro 'yon. Di lang 'yon para
may maipakita kami sa' yo.

29:40.375 --> 29:41.833
'Yong pagmamahalan namin,

29:43.583 --> 29:47.916
mas importante kaysa sa pagkakamali namin,
kaya magkasama pa rin kami.

29:49.333 --> 29:50.625
Magkaibigan kami.

29:51.916 --> 29:54.041
-Magka-ibigan din.
-Magka-ibigan din.

29:54.916 --> 29:56.666
-My love.
-Darling.

29:58.333 --> 29:59.625
Baby ko.

30:01.333 --> 30:02.750
Baby ko.

31:15.833 --> 31:17.250
Dear Ömer.

31:17.333 --> 31:22.041
Ang sakit na di na tayo nag-uusap
nitong huling dalawang buwan.

31:22.125 --> 31:23.291
Naiintindihan kita.

31:23.375 --> 31:25.041
Sinusubukan mong lumayo

31:25.125 --> 31:27.125
kasi may respect ka sa partner mo.

31:27.208 --> 31:28.875
Tama 'yon. Tanggap ko 'yon.

31:28.958 --> 31:32.458
Pero kung di kita nakakausap,
mas naaalala ko 'yong mga sinabi mo.

31:33.291 --> 31:37.416
Kaya nag-decide akong magsusulat ako
imbes na maghintay.

31:37.916 --> 31:40.458
Maraming nangyari nitong nakaraan.

31:40.958 --> 31:43.791
Nagbago ang pagkakakilala ko
kina Mama at Papa.

31:43.875 --> 31:47.625
Hinarap ako ni Papa,
at inilabas 'yong totoong sarili niya.

31:47.708 --> 31:50.083
First time ipinakita ni Mama
'yong mga tiniis niya.

31:51.083 --> 31:54.041
Totoong tao pala sila, akalain mo 'yon?

31:54.708 --> 31:57.750
Reality check din 'yon para sa 'kin.

31:57.833 --> 32:00.583
Naisip ko 'yong mga nangyari
nitong mga huling taon.

32:01.708 --> 32:05.708
Na-realize ko na marami akong assumptions.

32:05.791 --> 32:07.333
-Gusto mo?
-Na di ko pinag-isipan.

32:07.416 --> 32:09.416
Binalewala ko lang.

32:10.041 --> 32:13.458
Di ako nakinig,
sarili ko lang 'yong inisip ko.

32:15.291 --> 32:18.458
Di ko inintindi nang buo 'yong mga bagay.
Mabilis akong manghusga.

32:19.041 --> 32:22.875
'Yong pinakamalala,
di ako nag-effort na ayusin 'yong nasira.

32:23.416 --> 32:26.958
Hinayaan ko na lang.
Nagsiiyakan ang mga 'yon na parang baby.

32:29.958 --> 32:35.041
Nasa pinangyarihan pa rin ako,
gumagala sa gitna ng trahedya.

32:35.125 --> 32:38.250
Naisip ko na malaki ang kasalanan ko
sa pagkasirang naiwan natin.

32:38.916 --> 32:40.416
Iniwan siya ni Ömer sa baba.

32:41.916 --> 32:44.000
-Salamat, Mr. Dursun.
-Wala 'yon.

32:48.125 --> 32:50.958
Naintindihan ko na di importante
na ikaw ang may huling salita.

32:51.708 --> 32:56.083
Na nilalason ng pagkapanalo at pagkatalo
ang relationship.

33:27.083 --> 33:28.750
Kapag may nawala sa 'yo,

33:28.833 --> 33:31.041
mamamanhid ka muna sa sakit.

33:31.541 --> 33:34.166
Tapos, unti-unti mo 'yong mararamdaman.

33:34.250 --> 33:37.916
Magiging galit ang pagsisisi mo,
tapos maiintindihan mo,

33:38.666 --> 33:40.625
tapos hahanap-hanapin mo.

33:42.708 --> 33:46.666
Hindi pala sulit
na mawalan ka ng minamahal.

33:46.750 --> 33:48.291
Alam ko na 'yon ngayon.

33:48.833 --> 33:52.333
Ömer ko, mahalaga ka sa akin.

33:58.875 --> 34:00.500
Best friend kita,

34:01.000 --> 34:04.291
at ikaw 'yong taong minahal ko
at laging mamahalin.

34:05.666 --> 34:07.666
Anuman ang mangyari sa atin,

34:07.750 --> 34:09.791
kahit sino pa ang kasama natin,

34:10.375 --> 34:12.666
ayokong mawala ka sa akin.

34:13.583 --> 34:15.625
Kahit kailan.

34:15.708 --> 34:17.541
Gusto kong malaman mo 'yon.

34:25.000 --> 34:27.583
-Salamat.
-Isama ko kaya si Buddy?

34:27.666 --> 34:31.416
Dadalas kasi 'yong pagdalaw mo kay Sarp.
Sa akin muna siya, okay?

34:32.666 --> 34:33.833
-Okay, sige.
-Okay.

34:48.541 --> 34:50.708
Buddy! Halika, boy. Aalis na kayo.

34:53.041 --> 34:54.041
Eto.

34:59.083 --> 35:01.958
-Gusto mo ng kape?
-HIndi, ayos lang ako.

35:02.500 --> 35:07.000
Binili ko 'to kahapon.
Mabango, saka mas mura.

35:08.833 --> 35:09.875
Talaga?

35:15.541 --> 35:17.125
Salamat sa sulat mo.

35:19.041 --> 35:20.625
Paulit-ulit kong binasa.

35:23.083 --> 35:25.958
Itinapon mo na dapat.
Baka mapahamak ka pa.

35:27.500 --> 35:29.791
Hindi, a. Wala namang magagalit.

35:30.458 --> 35:31.666
Ha? Tapos na kayo?

35:33.458 --> 35:35.166
Oo, kasi…

35:36.708 --> 35:38.625
importante ka rin sa 'kin.

35:39.666 --> 35:41.916
Sobra. Ikaw 'yong pinakaimportante.

35:43.083 --> 35:45.458
Kung picture ka,
nasa akin pa rin 'yong negative.

35:46.250 --> 35:47.708
Di puwedeng i-share.

35:47.791 --> 35:49.208
Di puwedeng ipa-copy.

35:49.291 --> 35:50.458
Walang duplicate.

37:54.583 --> 37:56.833
Naku naman, Buddy!

37:57.500 --> 37:58.750
-Naku po!
-Naku po!

38:00.000 --> 38:02.125
Nand'yan na. Di kita matitiis.

38:06.083 --> 38:07.458
Okay, tara na.

38:14.208 --> 38:15.208
Leyla!

38:15.916 --> 38:16.958
Leyla!

38:18.250 --> 38:20.041
-Nasaan si Leyla?
-Kalma, pare.

38:21.541 --> 38:23.125
-Ömer…
-Ano ba! Ömer!

38:23.208 --> 38:24.083
Walang hiya ka!

38:24.166 --> 38:26.583
-Papatayin kita!
-Teka, ano'ng ginagawa mo? Teka.

38:26.666 --> 38:28.125
-Papatayin kita!
-Tingnan mo 'ko.

38:28.208 --> 38:30.208
-Ano'ng ginagawa mo, pare?
-Papatayin kita!

38:30.291 --> 38:31.625
-Tama na.
-Uy.

38:51.208 --> 38:52.958
Di mo na ako maloloko ulit.

38:53.541 --> 38:55.000
Kinamumuhian kita.

38:57.375 --> 39:00.875
Ömer. Gusto mo, maglaro tayo?

42:32.500 --> 42:34.708
Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso
kita!
