WEBVTT

00:12.220 --> 00:13.847
Pagdating ko sa kuwarto,

00:13.930 --> 00:16.015
hinanap ko siya, pero wala siya.

00:16.099 --> 00:17.100
Hello!

00:17.684 --> 00:22.147
Lumapit siya sa likod ko.
Paglingon ko, nakita kong naka-mask siya.

00:23.898 --> 00:25.608
Anong klaseng mask?

00:26.901 --> 00:27.736
Black 'yon.

00:29.154 --> 00:30.530
Na may tuka.

00:31.114 --> 00:32.490
Mga mata lang 'yong nakita ko.

00:32.574 --> 00:33.908
Tapos ano'ng nangyari?

00:36.953 --> 00:40.623
Mabait siya sa akin. Malambing.

00:40.707 --> 00:42.292
Hinawakan namin ang isa't isa.

00:42.375 --> 00:45.253
Malambing siya, pero bigla na lang niyang…

00:46.046 --> 00:47.672
Hinawakan niya ako sa leeg…

00:47.756 --> 00:52.552
Malakas siya, inilubog niya ako sa tubig.
Niyakap niya ako at sinubukang lunurin.

00:54.012 --> 00:55.388
Nakatitig siya sa akin,

00:55.472 --> 00:58.391
kaya sinamantala ko ang pagkakataon
para itulak siya at tumakas.

01:00.185 --> 01:01.352
Tulong!

01:04.981 --> 01:06.232
'Yong camera.

01:07.233 --> 01:09.235
-Nakita mo ba?
-Anong camera?

01:09.319 --> 01:11.780
Pagdating ko roon, nagre-record siya.

01:11.863 --> 01:13.573
CAMERA

01:18.703 --> 01:20.997
FAKE PROFILE

01:28.963 --> 01:30.507
Umalis ka na, pwede?

01:33.259 --> 01:34.636
Susunduin ko pa si Tebi.

01:38.973 --> 01:40.141
Pwede kitang samahan.

01:40.225 --> 01:42.143
Wag. Ako lang 'yong pupunta.

01:48.775 --> 01:50.401
Bakit di natin 'to subukan?

01:53.363 --> 01:55.365
Kasi di na magiging tulad ng dati.

01:58.159 --> 02:00.119
Siguro nga, pero…

02:01.371 --> 02:03.206
pwede pa ring maging maganda.

02:04.207 --> 02:05.834
Pwede bang umalis ka na?

02:13.007 --> 02:17.971
Nakita ng mga taga-tech na galing nga
'yong video sa IP address niya,

02:18.054 --> 02:22.142
pero posibleng may na-download lang siya
na file na di niya alam.

02:22.225 --> 02:24.853
Kaya hindi siya makakasuhan.

02:26.062 --> 02:27.272
Hindi nga?

02:27.355 --> 02:31.234
Di napatunayang galing 'yon sa computer,

02:31.317 --> 02:33.695
email, o social media niya.

02:34.612 --> 02:36.865
-Seryoso talaga 'to.
-Seryoso nga.

02:36.948 --> 02:40.368
May pumasok sa bahay mo
para i-frame ang anak mo. Seryoso talaga.

02:47.417 --> 02:49.419
-Detective…
-Martínez.

02:49.502 --> 02:51.254
Martínez.

02:51.337 --> 02:53.840
Kakausapin ka agad ng mga abogado ko.

02:53.923 --> 02:55.717
Sige. Papuntahin mo sila rito.

02:56.509 --> 02:58.011
Maghintay ka lang.

02:58.094 --> 02:59.095
Tara na.

03:04.100 --> 03:05.518
Ang guwapo mo.

03:05.602 --> 03:09.772
Gusto ko 'yong new look mo.
Gumaguwapo ka sa divorce natin, 'no?

03:09.856 --> 03:11.566
Oo. Siguro tama ka.

03:11.649 --> 03:12.901
At ikaw din.

03:12.984 --> 03:15.445
Kahapon, ibang-iba 'yong itsura mo.

03:32.212 --> 03:33.379
David, nakakahiya talaga.

03:33.463 --> 03:37.508
-Bigla kitang nakita, pero—
-Sorry. Kasalanan ko 'yon.

03:37.592 --> 03:40.970
Lagi akong nagkakamali.
Pumasok ako nang walang pasabi.

03:41.054 --> 03:43.973
Di mo kailangang magpaliwanag.
Wala kang obligasyon sa akin.

03:44.057 --> 03:45.183
Wag kang mag-alala.

03:45.266 --> 03:47.810
Hindi naman seryoso 'yon, kaya…

03:47.894 --> 03:49.687
Pwede bang atin-atin na lang?

03:49.771 --> 03:52.482
Gaano katagal na
'yong open relationship n'yo ni Miguel?

03:52.565 --> 03:56.819
Komplikado, e.
Di talaga 'yon open relationship.

03:58.488 --> 04:02.450
Anyway, pinuntahan kita kahapon
dahil oras na para magkabati tayo.

04:02.533 --> 04:05.954
Wag nating isiping galit tayo
sa isa't isa, di gano'n.

04:06.037 --> 04:07.997
Hindi, di ako galit sa 'yo.

04:08.081 --> 04:10.917
Kabaliktaran nga, mahal na mahal kita.

04:11.000 --> 04:14.629
Binili ko 'yong rights para i-franchise
'yong club kung saan ako nagtrabaho,

04:14.712 --> 04:18.633
at magbubukas ako
ng sarili kong club dito, sa Cartagena.

04:18.716 --> 04:20.009
Oo!

04:20.093 --> 04:22.679
-Cheers sa mga bagong simula.
-Oo.

04:22.762 --> 04:23.596
Mag-ready ka!

04:23.680 --> 04:27.725
-Isa, dalawa…
-Dalawa, tatlo!

04:27.809 --> 04:29.560
-Ang galing mo!
-Halika rito.

04:30.353 --> 04:33.439
Cami, mahal kita.

04:33.523 --> 04:36.943
At kahit di pa tayo matagal na nagkasama…

04:41.364 --> 04:42.699
Will you marry me?

04:44.200 --> 04:45.201
I do.

04:50.915 --> 04:52.959
Mahal na mahal din kita, Cami.

04:53.042 --> 04:55.336
Kaya may business proposal ako.

04:55.420 --> 04:59.757
Naisip kong makipagsosyo sa 'yo,
'yong club mo at hotel ko.

04:59.841 --> 05:02.719
Ipadala mo sa akin ang clients mo,
ipapadala ko ang guests ko.

05:02.802 --> 05:03.845
Di nga?!

05:04.971 --> 05:08.558
Oo naman. Di ko naisip 'yan,
pero magandang idea nga.

05:08.641 --> 05:09.934
Ayos.

05:10.018 --> 05:13.062
Tequila? Para mag-toast tayo
sa bago nating partnership?

05:13.146 --> 05:14.856
-Sige.
-Talaga?

05:14.939 --> 05:15.815
Waiter!

05:20.778 --> 05:23.656
-Sorry.
-Pahingi ng dalawang tequila.

05:23.740 --> 05:26.284
-Hello?
-Galit ka pa rin ba sa akin?

05:26.367 --> 05:29.287
Wala akong dahilan
para magalit sa 'yo, Miguel.

05:29.370 --> 05:31.956
Tama ka diyan, wala ngang dahilan.

05:32.040 --> 05:33.291
Gusto mong tumakas?

05:33.374 --> 05:36.544
Saglit lang.
Tayong dalawa lang, gaya ng dati.

05:37.128 --> 05:41.090
Magandang idea 'yan.
Ite-text kita maya-maya.

05:41.674 --> 05:43.885
-Sige, babe.
-Ingat, sige.

05:45.428 --> 05:47.764
-Ayos lang ba ang lahat?
-Oo. Ayos lang.

05:51.059 --> 05:53.478
A, shit. Di ko alam na may ex-husband ka.

05:54.395 --> 05:55.772
Pasensiya na kagabi.

05:56.356 --> 05:58.316
Ayos lang. Paano mo naman malalaman?

05:58.399 --> 06:00.818
Sinabi mo ba kay Miguel o…?

06:03.071 --> 06:06.240
Sasabihin ko rin sa kanya, pero…

06:06.991 --> 06:08.910
Pwedeng humingi ng pabor?

06:08.993 --> 06:13.122
Pwede bang mag-ingat kayo ni Juanita
hanggang makausap ko si Miguel?

06:14.040 --> 06:15.333
Oo naman.

06:16.334 --> 06:19.629
Sana balang araw maging open siya
at mag-experiment.

06:19.712 --> 06:23.174
Kasi di ko itatanggi, Cami, sa isip ko…

06:24.425 --> 06:27.053
Di pa ako tumitigil magpantasya.

06:27.136 --> 06:28.304
Tungkol saan?

06:28.388 --> 06:30.473
Sa pakikipag-sex sa 'yo buong gabi.

06:35.645 --> 06:36.646
Sorry.

06:39.899 --> 06:41.067
Hi, Tom. Kumusta?

06:42.944 --> 06:43.778
Ano?

06:46.906 --> 06:50.827
Ganito, gusto lang ni Oliver,
makabawi sa panahong nawala sa inyo.

06:50.910 --> 06:53.412
Kumustahin ang pamilya niya, mga anak mo.

06:53.496 --> 06:54.789
Di mangyayari 'yan.

06:55.498 --> 06:56.332
A.

06:57.125 --> 06:58.668
Alam mo, tama ka.

06:58.751 --> 07:02.171
Sadya 'yong bakasyon.
Hinanap ka ni Oliver online.

07:02.255 --> 07:03.256
Alam ko 'yon.

07:04.757 --> 07:07.718
Sinubaybayan niya 'yong social media mo
para magkita kayo.

07:07.802 --> 07:09.679
Importante ka talaga sa kanya.

07:11.264 --> 07:12.932
Ikaw lang 'yong kamag-anak niya.

07:14.559 --> 07:16.352
Pero wala kang pakialam do'n.

07:16.436 --> 07:19.856
Lumaki ka kasama 'yong pamilyang umampon
sa 'yo na mahal na mahal ka.

07:21.899 --> 07:25.027
Nirespeto ka no'ng pamilya mo, pinag-aral.

07:25.111 --> 07:26.237
Pero di si Oliver.

07:27.697 --> 07:29.907
Lumaki siya sa hirap.

07:29.991 --> 07:32.910
Una sa ampunan,
tapos palipat-lipat na ng bahay.

07:33.911 --> 07:35.663
Bubog niya 'yon habambuhay.

07:37.874 --> 07:40.126
-Wala akong kinalaman doon.
-Tama.

07:41.794 --> 07:43.462
Walang gustong manakit sa 'yo.

07:44.505 --> 07:47.133
Miguel, mabait kami ng kapatid mo.

07:47.216 --> 07:50.219
-Wag mo akong hawakan.
-Desente kami.

07:54.098 --> 07:56.642
-Sabi ko, wag mo akong hawakan.
-Okay.

07:58.477 --> 08:01.022
Walang problema.
"Chill" lang, gaya ng sinasabi n'yo.

08:01.105 --> 08:04.692
Pero akala ko, medyo mas open-minded ka.

08:04.775 --> 08:05.860
Gaya ni Cami.

08:07.236 --> 08:09.697
Kagabi, ang sarap ng halikan namin.

08:12.491 --> 08:14.243
Iiwan na kita. Sige.

08:34.889 --> 08:35.723
Hello?

08:35.806 --> 08:38.184
Hello? Sino ito?

08:41.395 --> 08:42.605
Sino 'yon?

08:43.189 --> 08:44.273
Hindi ko alam.

08:51.072 --> 08:51.906
Hello?

08:52.573 --> 08:54.116
Lucas, sino 'yong sumagot?

08:54.200 --> 08:55.284
A…

08:55.368 --> 08:57.453
Hindi ko alam, wala.

08:57.536 --> 08:59.247
Nakauwi na ako. Gusto kitang makita.

08:59.330 --> 09:02.750
Wag mong ipagsabing nakabalik na ako,
kahit sa kapatid mo.

09:05.628 --> 09:06.462
Mama?

09:18.558 --> 09:19.934
Welcome home, Mama.

09:20.017 --> 09:23.646
Salamat. Masaya akong makita ka.

09:24.480 --> 09:26.148
Sino'ng sumagot ng phone mo?

09:28.150 --> 09:30.778
Baka maling number 'yong natawagan mo at—

09:30.861 --> 09:32.697
Wag, Lucas.

09:32.780 --> 09:34.991
Wag kang magsinungaling sa akin, ha?

10:22.038 --> 10:23.372
Good morning.

10:24.206 --> 10:25.750
Bumili ako ng almusal.

10:26.667 --> 10:27.501
Okay.

10:28.085 --> 10:29.503
-Pero…
-Oo.

10:29.587 --> 10:30.588
Di ba?

10:32.423 --> 10:34.258
-Okay.
-Magbibihis na ako, sige.

10:35.301 --> 10:36.552
May maitutulong ba ako?

10:36.636 --> 10:38.679
-Gusto mong tumulong?
-Oo.

10:38.763 --> 10:42.016
Talaga? Kailan ka pa nagsimula
na magluto para sa babae?

10:42.808 --> 10:44.060
Ha?

10:44.143 --> 10:45.436
Ano?

10:46.854 --> 10:50.483
Bakit mo sinasabi 'yan?
May narinig ka ba tungkol sa akin?

10:50.566 --> 10:53.069
Oo. Kung anu-ano 'yong narinig ko.

10:53.653 --> 10:54.487
Okay.

10:55.863 --> 10:58.199
Gets ko. Narinig mo
'yong tungkol sa past ko?

10:58.991 --> 11:00.201
Pati 'yong ngayon.

11:01.035 --> 11:03.371
Puwes, kung gusto mo,

11:03.454 --> 11:05.665
ako'ng magkukuwento sa 'yo.

11:05.748 --> 11:06.957
Kung interesado ka.

11:07.041 --> 11:09.919
Magkukuwento ka sa akin?
Sige, magkuwento ka na.

11:10.002 --> 11:14.548
Matagal akong naging… escort.
Malaki 'yong kinita ko.

11:14.632 --> 11:18.344
At wala talaga akong pinagsisisihan.

11:18.427 --> 11:22.264
Basta di ako nagsisisi
na naningil ako para ro'n, pero…

11:22.890 --> 11:24.642
Siguro nagsisisi ako…

11:26.018 --> 11:27.019
na nag-drugs ako

11:27.103 --> 11:30.689
at nakasakit ng maraming tao
na sinubukan akong tulungan.

11:30.773 --> 11:32.400
At saka… Teka.

11:36.529 --> 11:37.363
Hello?

11:39.448 --> 11:41.909
Oo, kasama ko siya ngayon.

11:45.037 --> 11:49.750
Sige… Oo, sige. Pupunta na kami.

11:50.960 --> 11:53.546
Sige, magkita tayo do'n. Okay.

11:54.964 --> 11:56.132
Sige.

11:56.215 --> 11:57.091
Ano'ng problema?

11:58.718 --> 12:00.469
Nasa ospital si Moira.

12:00.553 --> 12:02.596
-Ano?
-May umatake sa kanya.

12:02.680 --> 12:03.848
Shit.

12:11.439 --> 12:15.359
Narinig ko 'yong tungkol sa sex games n'yo
nina Rodrigo at Juanita.

12:20.448 --> 12:22.158
Di ko alam kung ano'ng narinig mo,

12:22.241 --> 12:26.287
pero kung ano man 'yon,
promise, walang ibig sabihin.

12:31.917 --> 12:34.295
Wala ka nang pakialam sa relasyon natin.

12:35.629 --> 12:37.256
Wag mong sabihin 'yan.

12:39.759 --> 12:41.051
Tapos na 'to.

12:44.138 --> 12:45.473
Sayang din talaga.

12:46.599 --> 12:47.933
Hindi ka ganito dati.

12:48.517 --> 12:50.352
Ikaw 'yong klase ng babaeng…

12:50.436 --> 12:53.314
medyo mainitin 'yong ulo,
oo, pero maprinsipyo.

12:54.440 --> 12:56.609
Nagbago ka, di ko alam kung bakit.

12:56.692 --> 12:58.569
'Yong Camila na nakikita ko ngayon…

13:03.324 --> 13:04.992
di siya 'yong minahal ko.

13:08.287 --> 13:10.748
Labing-anim na taon kang kasal.

13:12.666 --> 13:15.628
May asawa ka no'n, mga anak,

13:15.711 --> 13:19.256
at nagkaroon ka ng magandang idea
na gumawa ng fake profile

13:19.340 --> 13:21.133
para makipag-sex sa mga babae.

13:21.217 --> 13:24.428
Tapos pinapangaralan mo ako
tungkol sa mga prinsipyo?

13:24.512 --> 13:26.764
Mahal kita nang buong puso.

13:28.599 --> 13:30.976
Pero walang dudang distansiya lang…

13:32.770 --> 13:34.522
'yong makakaayos sa atin.

13:59.797 --> 14:00.673
Camila.

14:02.174 --> 14:03.175
Camila.

14:04.385 --> 14:08.430
Tinatanong ko kung ano'ng nararamdaman mo
pagkatapos ng pagtatalo n'yo ni Miguel.

14:08.514 --> 14:10.432
Oo.

14:10.516 --> 14:11.350
Sorry.

14:15.145 --> 14:16.564
Sa totoo lang,

14:17.356 --> 14:18.190
hindi ko alam.

14:18.274 --> 14:22.570
Tingin mo ba, 'yong nangyari sa inyo
ni Miguel noong bakasyon,

14:22.653 --> 14:25.948
nabago no'n
'yong pananaw mo sa buhay at lahat?

14:26.949 --> 14:28.701
Siguro.

14:28.784 --> 14:31.245
Kaya nga ako nagpapa-therapy sa 'yo, 'no?

14:31.328 --> 14:36.375
'Yong problema,
di ko na alam kung ano'ng gusto ko,

14:37.126 --> 14:38.752
kung saan ako pupunta,

14:39.628 --> 14:41.797
'yong gusto ko at ayaw ko.

14:43.257 --> 14:46.760
Mahirap talaga
pag di mo kilala 'yong sarili mo, 'no?

14:46.844 --> 14:48.846
Pag wala kang direksiyon.

14:48.929 --> 14:51.640
Bukod do'n, noong namatay ni Salome

14:51.724 --> 14:53.392
at nakita ko siyang gano'n…

14:55.060 --> 14:56.478
nasa gano'ng kondisyon…

14:56.562 --> 14:57.521
Normal 'yan.

14:57.605 --> 15:00.566
Kasuklam-suklam 'yon,
kaya binago no'n kung paano ka mag-isip.

15:01.901 --> 15:02.818
Oo.

15:05.779 --> 15:08.866
Tapos tumakbo ako
na parang baliw sa hotel.

15:08.949 --> 15:11.452
Sigaw lang ako nang sigaw,
"Tulong, tulungan n'yo ako!"

15:11.535 --> 15:12.453
Pero wala, e.

15:12.536 --> 15:15.664
Di ko alam kung paano ako napunta
sa lobby, nakahubad pa.

15:15.748 --> 15:20.169
Tapos 'yong security guard,
lumapit sa akin at tinulungan ako…

15:20.252 --> 15:23.005
Natakot talaga ako.
Meron ba ditong pwedeng matulog sa bahay?

15:23.088 --> 15:24.048
Good evening.

15:25.215 --> 15:26.925
Noa García?

15:28.385 --> 15:29.303
Para sa 'yo.

15:30.638 --> 15:31.930
Excuse me.

15:32.014 --> 15:33.641
Wag kang tsismosa.

15:34.433 --> 15:38.187
Saan niya kaya nakuha 'yong pera?
Baka inubos niya 'yong sahod niya diyan.

15:39.396 --> 15:41.106
Sige, tara na.

15:41.190 --> 15:44.777
GOOD LUCK SA SHOW. MAG-SHINE KA LANG
GAYA NG NAKASANAYAN MO. MAHAL KITA.

15:54.787 --> 15:55.871
Nagustuhan mo ba?

16:00.042 --> 16:02.086
Ang ganda nito. Maraming salamat.

16:03.754 --> 16:05.422
Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?

16:06.924 --> 16:10.010
-Bakit hindi?
-Ewan. Ano, maganda naman.

16:10.594 --> 16:12.888
Pero sobrang mahal. Kaya ba ng budget mo?

16:13.722 --> 16:18.102
Totoo, mahal nga,
pero deserve mo 'yong mamahaling bulaklak.

16:18.185 --> 16:19.311
Ano'ng magagawa natin?

16:25.234 --> 16:26.652
E, itong note?

16:28.028 --> 16:30.280
-Nabasa mo ba?
-Siyempre binasa ko.

16:34.368 --> 16:38.205
"Good luck sa show.
Mag-shine ka lang gaya ng nakasanayan mo.

16:38.288 --> 16:39.957
"Mahal kita.

16:40.040 --> 16:41.125
"Inti."

16:41.208 --> 16:42.334
"Mahal kita?"

16:42.418 --> 16:43.669
Oo.

16:43.752 --> 16:45.379
Inti naman.

16:45.462 --> 16:47.548
Ilang araw pa lang tayo magkakilala.
Imposible.

16:48.507 --> 16:51.719
Ano? Hindi kita pwedeng mahalin?
Bilang kaibigan lang.

16:51.802 --> 16:52.886
Bilang kaibigan.

16:56.348 --> 16:58.308
Nabalitaan ko 'yong nangyari kay Miguel.

16:58.934 --> 17:01.687
Sorry talaga.

17:03.689 --> 17:05.149
Ano'ng sabi niya?

17:05.232 --> 17:07.025
Wala, na…

17:07.109 --> 17:11.113
Ano, ayokong isipin mo
na sinadya kong itsismis ka,

17:11.196 --> 17:13.615
at lalong di ko sinadyang saktan ka.

17:13.699 --> 17:15.951
Hindi, alam ko 'yon.

17:16.034 --> 17:19.413
Di lang kasi ako sanay na magsinungaling.

17:19.496 --> 17:22.082
'Yong nangyari sa ating tatlo…

17:22.166 --> 17:23.625
natural lang sa akin.

17:24.585 --> 17:28.130
Walang marumi o mali ro'n.

17:29.381 --> 17:30.841
Oo, alam ko.

17:30.924 --> 17:34.553
'Yong problema,
di ganoon 'yong tingin ni Miguel.

17:34.636 --> 17:35.554
Oo.

17:35.637 --> 17:40.684
Paano kayo nagdesisyon ni Rodrigo
na magkaroon ng open relationship?

17:42.186 --> 17:46.065
Ganito, kahit laging sinasabi
ng mga lalaki

17:46.899 --> 17:48.901
na makabago at liberal sila,

17:48.984 --> 17:50.986
mahirap para sa kanila
na ipatikim ka sa iba.

17:51.070 --> 17:53.322
Palagi silang nagbibilang.

17:53.405 --> 17:56.658
Mukhang wala kang gano'ng problema
kay Rodrigo, 'no?

17:57.910 --> 18:01.205
Wala, si Rodri ko… Iba siya.

18:03.373 --> 18:06.251
-Talagang matalino siya, alam mo 'yon?
-Oo.

18:06.335 --> 18:09.338
Pero kahit ganoon, lalaki pa rin siya.

18:10.380 --> 18:11.256
Oo.

18:24.728 --> 18:25.687
Hi.

18:27.106 --> 18:29.316
-Hi.
-Di ko sinasadyang istorbohin ka.

18:30.567 --> 18:32.986
Good morning.

18:33.070 --> 18:37.908
Alam kong phase lang ito,
'yong pinagdadaanan natin.

18:39.827 --> 18:42.329
Para sa akin…

18:42.996 --> 18:44.206
hamon lang ito…

18:45.541 --> 18:47.042
na malalampasan natin.

18:47.584 --> 18:48.502
Nang magkasama.

18:51.088 --> 18:56.135
Ayoko na sa mga phase,
hamon, hadlang na dapat lagpasan,

18:56.218 --> 18:58.011
lahat no'ng nabanggit mo.

18:58.095 --> 18:59.054
Ayoko na.

19:02.724 --> 19:07.187
Miguel, kung may nasabi ako
na nakasakit sa 'yo,

19:07.271 --> 19:09.022
sorry talaga.

19:10.858 --> 19:12.818
Hindi ko sinasadyang saktan ka.

19:16.905 --> 19:19.950
Kinailangan ko talagang marinig 'yon.

19:31.336 --> 19:32.462
Mahal kita.

19:35.424 --> 19:37.509
E, 'yong dancer mo? Kumusta siya?

19:39.261 --> 19:41.013
Takot na takot.

19:41.096 --> 19:45.267
-Siyempre.
-Pero buhay siya, at 'yon ang importante.

19:45.976 --> 19:51.732
Kailangan ko lang talagang mahanap
'yong taong gumagawa ng lahat ng ito.

19:57.696 --> 20:00.282
-Morning. Pwedeng pumasok?
-Indira, hello!

20:00.365 --> 20:02.034
Pasok ka, bukas 'yan.

20:02.117 --> 20:03.118
Salamat.

20:05.120 --> 20:08.248
-Kumusta?
-Ayos lang ako. Sana di ako nakakaistorbo.

20:08.332 --> 20:09.750
Ano'ng meron?

20:13.212 --> 20:15.797
Gusto kong makausap 'yong mga bisita mo.

20:15.881 --> 20:16.924
Sige.

20:17.007 --> 20:18.133
Good morning.

20:20.010 --> 20:21.511
-Morning.
-Good morning.

20:21.595 --> 20:24.765
Pwede ba tayong mag-usap, Mr. Rodrigo…?

20:24.848 --> 20:26.058
Portales.

20:26.141 --> 20:27.142
Portales.

20:28.769 --> 20:31.188
Pwede n'yo ba kaming iwan?

20:31.271 --> 20:33.357
Oo. Oo naman.

20:33.440 --> 20:34.316
Aalis muna kami.

20:41.031 --> 20:43.951
Mr. Rodrigo, Miss Juanita,

20:44.034 --> 20:48.664
gusto kong ipaalala sa inyo
na may fraud case pa kayo sa Argentina

20:48.747 --> 20:51.166
mula sa taong 2021 hanggang 2024.

20:51.250 --> 20:55.754
Ganito, Detective. Maniwala ka,
walang saysay ang kasong 'yon.

20:55.837 --> 20:58.757
-Inaasikaso na ng mga abogado namin.
-Sige.

20:58.840 --> 21:01.260
Wag kayong mag-alala, isa lang ang fraud.

21:01.343 --> 21:06.390
Iba pa 'yong pagpasok n'yo sa Colombia
gamit ang mga pekeng passport.

21:06.473 --> 21:10.644
Inaaresto namin kayo para sa paggamit
ng mga pekeng public documents

21:10.727 --> 21:12.521
at identity theft.

21:16.149 --> 21:19.736
Kumusta 'yong trabaho, 'yong buhay mo?

21:21.029 --> 21:22.030
Ayos naman.

21:22.823 --> 21:23.740
Bakit?

21:24.533 --> 21:26.451
Kumusta 'yong assistant mo? Sino nga 'yon?

21:26.535 --> 21:27.953
-Si Victoria?
-Victoria.

21:29.121 --> 21:30.247
Ayos naman siya.

21:30.330 --> 21:31.164
Ganito.

21:32.666 --> 21:34.418
Bago ako naaresto,

21:35.210 --> 21:36.420
nag-research ako

21:37.004 --> 21:41.883
at nalaman kong 'yong bank transfer
na natanggap ni Alonso,

21:41.967 --> 21:43.885
connected sa phone number.

21:45.053 --> 21:46.888
Ni Victoria,

21:46.972 --> 21:48.098
'yong assistant mo.

21:49.933 --> 21:54.563
Di ko alam kung bakit, pero siya
'yong nagbayad sa kanya para akitin ka.

21:56.231 --> 21:57.232
Sorry.

22:09.453 --> 22:12.497
Tingin mo,
gaano katagal mo akong maloloko?

22:15.000 --> 22:16.918
-Laura—
-Ikaw 'yong nag-transfer!

22:17.002 --> 22:19.379
Na-trace namin. Galing sa phone mo 'yon.

22:23.258 --> 22:25.886
Ako… Ako 'yong nag-bank transer, pero—

22:25.969 --> 22:28.013
Pero ano? Bakit? Para saan?

22:28.096 --> 22:31.016
-Kasi inutusan ako.
-Sino'ng nag-utos sa 'yo?

22:31.099 --> 22:33.685
Si Alberto, 'yong ex-husband mo.

22:44.863 --> 22:47.991
Guys, pwedeng humingi ng pabor?
Pwede bang iwan n'yo muna kami?

22:56.708 --> 22:58.335
Naging kami ni Alberto.

22:59.628 --> 23:02.214
Humingi siya ng pabor
habang magkasama kami.

23:03.632 --> 23:06.385
Sabi niya,
kumuha ako ng gigolo para akitin ka,

23:06.468 --> 23:08.428
dapat daw walang trace.

23:08.512 --> 23:10.764
At bakit n'yo gagawin 'yon? Para saan?

23:10.847 --> 23:12.140
Para pahirapan ako?

23:12.724 --> 23:14.059
Para saktan 'yong puso mo.

23:14.935 --> 23:16.311
Para balikan mo siya.

23:21.483 --> 23:23.860
Di alam ng babaeng 'to
kung sino'ng binabangga niya.

23:23.944 --> 23:25.153
Tingin ko, alam ko.

23:25.237 --> 23:30.742
Juanita del Carmen Edwards ang pangalan mo
sa passport mo pagpasok mo sa bansa,

23:30.826 --> 23:34.579
pero di talaga ikaw 'yon,
at krimen 'yon sa bansang ito.

23:34.663 --> 23:38.542
Dinala mo ako rito para ituro sa akin
kung ano'ng pangalan ko.

23:38.625 --> 23:39.668
Parang ganoon.

23:40.252 --> 23:42.963
Joanna Genoveva Miranda.

23:43.046 --> 23:45.799
Galing sa Almería, Spain.

23:47.300 --> 23:50.929
-Wala naman kaming sinaktan.
-Batas 'yong magpapasiya diyan.

23:51.012 --> 23:53.098
Simulan na natin 'yong mga papeles.

23:53.181 --> 23:54.516
Teka, please lang.

23:54.599 --> 23:56.476
Rodrigo, magsalita ka naman.

23:56.560 --> 23:58.019
Hindi na kailangan.

23:58.603 --> 24:00.647
Ginagawa lang ng detective
'yong trabaho niya.

24:02.732 --> 24:06.445
May isang linggo kayo
para ayusin 'yong immigration status n'yo.

24:06.528 --> 24:09.239
Kung hindi, aarestuhin namin kayo.

24:10.031 --> 24:11.783
Ibig sabihin, pwede na kaming umalis?

24:12.576 --> 24:14.411
Oo, pwede na.

24:16.371 --> 24:17.664
Salamat, Detective.

24:17.747 --> 24:20.208
Makatwiran kang babae.

24:20.292 --> 24:23.086
Siguro nga,
pero ayos din 'yong paningin ko.

24:23.170 --> 24:25.922
Alam kong kapatid ka ni Miguel Estévez.

24:27.340 --> 24:30.177
Nice to meet you, Oliver. Magandang araw.

24:40.854 --> 24:42.647
Bakit mo sila pinakawalan?

24:42.731 --> 24:45.192
Parang mas may pakinabang sila sa labas.

24:46.318 --> 24:50.238
Sa gano'ng background,
di sila pumunta rito para magbakasyon.

24:57.245 --> 25:01.708
Uy, gusto mong lumabas para i-celebrate
'yong malaking app launch natin bukas?

25:01.791 --> 25:02.834
Naku.

25:03.877 --> 25:07.005
Salamat sa imbitasyon,
Harry, pero pagod ako.

25:07.589 --> 25:09.549
-Talaga?
-A, oo.

25:09.633 --> 25:13.261
Sige, kakain na lang ako
ng microwave food sa bahay.

25:13.345 --> 25:16.014
-Kumuha ka ng mister na chef.
-Mister? Di…

25:16.097 --> 25:17.807
Wala ka bang napupusuan?

25:17.891 --> 25:20.727
Wala. Ngayon, ni hindi ako nakikipag-date.

25:20.810 --> 25:22.354
Bakit?

25:22.437 --> 25:25.440
-Takot ka sa commitment? Ganyan ako dati.
-Talaga?

25:26.316 --> 25:27.734
Tapos ano'ng nangyari?

25:27.817 --> 25:29.361
Gumawa ako ng maling desisyon.

25:29.444 --> 25:31.696
Nagpakasal ako
kahit di ko mahal 'yong tao.

25:32.697 --> 25:35.408
Noong na-realize ko 'yon,
16 taon na 'yong lumipas.

25:35.992 --> 25:38.578
Nabuhay ako sa kasinungalingan
sa loob ng 16 taon, pare.

25:38.662 --> 25:40.205
Paano mo na-realize?

25:43.875 --> 25:44.876
Nakilala ko si Camila.

25:46.002 --> 25:50.048
Promise, minahal ko na siya
noong unang kita ko pa lang sa kanya.

25:59.683 --> 26:02.435
Sana mangyari rin sa akin 'yong gano'n.

26:02.519 --> 26:04.062
Hanapin mo sa Honeymoon.

26:04.938 --> 26:09.442
Di na, dapat mag-focus ako sa pag-polish
ng ilang detalye no'ng event bukas.

26:09.526 --> 26:10.694
Talaga.

26:18.285 --> 26:21.246
Ikaw na lang 'yong pumunta sa party.
Wala ako sa mood.

26:22.455 --> 26:24.708
Ano'ng problema? Nawala na ang galing mo?

26:25.709 --> 26:29.045
Wala na 'yong superpowers mo?
Mas naging malapit sina Camila at Miguel.

26:29.129 --> 26:31.631
Magiging malapit din ako sa kanya.
Makikita mo.

26:31.715 --> 26:34.884
Tingin ko, dapat itigil na natin 'to.
Umalis na tayo.

26:36.136 --> 26:36.970
Ano?

26:38.346 --> 26:40.056
-Ulitin mo nga.
-Di bale na.

26:40.140 --> 26:42.726
-Pero masyado na 'tong lumalaki.
-May usapan tayo.

26:42.809 --> 26:45.020
-Nakalimutan mo na?
-Kaya mas may dahilan tayo.

26:45.103 --> 26:48.231
Umalis na tayo sa Colombia
bago mahuli ang lahat.

26:48.315 --> 26:49.649
Hindi! Sabi ko, hindi!

26:49.733 --> 26:52.569
Gagana 'to! Sigurado ako.
Kahit ano, itataya ko.

26:53.153 --> 26:55.113
Ganito, Oliver, darling.

26:55.196 --> 26:57.699
Hindi interesado si Camila sa 'yo.

26:57.782 --> 27:00.410
Mas gusto niya ang kapatid mo. At gets ko.

27:00.493 --> 27:03.788
Dahil mas madaling paamuhin
'yong mga simpleng lalaki.

27:06.333 --> 27:09.419
Saan ka pupunta?
May party tayong pupuntahan!

27:11.004 --> 27:12.630
Ang tigas ng ulo, parang bata.

27:16.051 --> 27:17.135
Pwedeng pumasok?

27:17.218 --> 27:18.303
Sige.

27:20.388 --> 27:21.306
Wow.

27:22.098 --> 27:25.644
Sobrang ganda.
'Yan ba 'yong dress mo? Ang ganda.

27:25.727 --> 27:28.938
Baka sobra para sa event ni Miguel,
sa totoo lang.

27:29.022 --> 27:31.524
Hindi naman. Nakapili ka na ba ng alahas?

27:31.608 --> 27:34.319
Oo. Gold 'yong naisip ko.

27:35.195 --> 27:36.196
Pwede nga.

27:36.780 --> 27:39.949
Kung male-late si Miguel,
pwede kang sumabay sa amin ni Rodrigo.

27:40.033 --> 27:42.744
-Sige.
-Di na kailangan, Juanita.

27:42.827 --> 27:44.621
Salamat na lang.

27:44.704 --> 27:46.122
-Hi, babe.
-Hi, honey.

27:46.206 --> 27:49.167
Mabilis lang ako.
Ready na ako, magbibihis na lang.

27:49.250 --> 27:50.377
Wag kang magmadali.

27:50.460 --> 27:54.798
-Pero baka hinihintay ka na nila.
-Hayaan mo sila. Hihintayin kita.

27:54.881 --> 27:56.675
Babe, gusto kong malaman mo,

27:56.758 --> 28:02.305
kahit may mga problema at pagtatalo tayo,
lagi akong nandito para sa 'yo.

28:02.389 --> 28:05.767
Lalo na sa mga ganitong araw
na sobrang importante sa 'yo.

28:05.850 --> 28:06.935
Salamat, honey.

28:42.345 --> 28:47.016
Gusto kong malaman mo, walang saysay
ang lahat ng ito kung wala ka.

28:47.100 --> 28:49.853
-Promise.
-Sigurado akong maganda 'yong kalalabasan.

28:49.936 --> 28:53.106
Siyanga pala,
sino'ng nakaisip ng see-through dresses?

28:53.189 --> 28:56.693
Sinusubukan mo bang agawin
'yong mga suki ko sa Golden Lips?

28:56.776 --> 28:58.945
A, si López 'yon.

28:59.028 --> 29:01.239
-Magugustuhan mo siya.
-Gusto ko siyang makilala.

29:01.322 --> 29:02.907
-Tingnan mo.
-Kailangan kong makita…

29:02.991 --> 29:04.534
-Eto 'yong team ko.
-Okay.

29:04.617 --> 29:07.203
Guys!
Gusto ko kayong ipakilala kay Camila.

29:07.287 --> 29:09.080
-Welcome, kumusta?
-Brenda.

29:09.164 --> 29:10.498
-Nice to meet you.
-Ikaw din.

29:10.582 --> 29:12.625
-Camila, nice to meet you.
-Hi.

29:12.709 --> 29:16.004
-Sobrang ganda ng red dress mo. Wow.
-Maraming salamat.

29:16.087 --> 29:18.548
-Ang ganda niya, 'no?
-Sobra.

29:23.470 --> 29:28.183
Di ko alam kung saan ka naglalasing,
pero umayos ka at balitaan mo ako.

29:28.850 --> 29:30.643
Okay? Nasa party na ako.

29:31.644 --> 29:35.523
Sige, babe, hahayaan na kita
na ayusin ang lahat dito.

29:35.607 --> 29:37.108
-Okay, babe.
-Good luck.

29:37.192 --> 29:38.943
-Mahal kita.
-Ako ang bahala sa kanya.

29:39.027 --> 29:40.153
Nice to meet you!

29:40.236 --> 29:41.279
Ikaw din.

29:41.362 --> 29:42.530
Surprise.

29:44.407 --> 29:45.241
Salamat naman.

29:45.325 --> 29:48.161
Akala ko, iniwan mo na ako sa gulong ito.

29:48.244 --> 29:49.329
Anong gulo?

29:50.371 --> 29:54.083
Makukuha natin 'yong gusto natin,
gaya ng pinlano natin. Makikita mo.

29:54.667 --> 29:55.793
Pero pa'no?

29:55.877 --> 29:58.963
Ano'ng gagawin mo
para mabawi 'yong tiwala ni Camila?

30:01.132 --> 30:02.425
Manood ka…

30:04.260 --> 30:05.595
para matuto ka.

30:08.348 --> 30:11.976
Kumusta ang Honeymoon ngayong gabi?

30:55.228 --> 30:56.729
Gusto kitang makausap.

30:56.813 --> 30:58.648
Tamang-tama, kapitbahay,

30:58.731 --> 31:01.484
bibisita dapat ako sa 'yo
para yayain kang uminom.

31:03.528 --> 31:04.362
Malala ka na!

31:04.445 --> 31:07.448
Binayaran mo si Alonso para paibigin ako!

31:07.532 --> 31:09.784
Miserable kang gago ka!

31:09.868 --> 31:13.037
-Umalis ka sa bahay ko. Ngayon na.
-Laura, may rason—

31:13.121 --> 31:16.082
-Wag mo akong hawakan!
-Okay! Oo. Oo!

31:16.666 --> 31:18.835
Binayaran ko siya.
Pero para sa pagmamahal 'yon.

31:18.918 --> 31:22.005
Para bumalik ka sa akin
at mabuo 'yong pamilya natin.

31:22.088 --> 31:23.590
Baliw ka! Sira-ulo!

31:23.673 --> 31:26.301
Okay, inaamin ko.
Inaamin kong nagkamali ako.

31:26.384 --> 31:30.471
Itinapon ko ang 18 taong pagsasama natin
para sa libog.

31:30.555 --> 31:34.434
Pero nagkamali rin ako sa akala ko

31:34.517 --> 31:38.396
na pag nasaktan ko 'yong puso mo,
babalik ka sa akin.

31:38.479 --> 31:42.775
Babalik pa ba ako sa 'yo pagkatapos ko
sa tunay na lalaking gaya ni Alonso?

31:44.861 --> 31:46.946
Nakikita mo ang nagagawa ko dahil sa 'yo?

31:49.115 --> 31:50.199
Ano?

31:50.283 --> 31:51.326
Ha?

31:51.909 --> 31:53.161
Ano?

31:57.916 --> 31:59.292
Gago!

32:14.265 --> 32:18.436
Gusto kong magpasalamat
sa bawat isa sa inyo

32:18.519 --> 32:20.855
sa pagsama sa amin
sa espesyal na gabing ito.

32:20.938 --> 32:23.483
Para sa akin,
at sa team na pinamumunuan ko,

32:23.566 --> 32:25.360
ang Honeymoon, di lang negosyo

32:25.443 --> 32:29.989
na magbabago sa mundo ng dating app.

32:30.073 --> 32:31.991
Parte rin ito ng history namin.

32:32.075 --> 32:34.619
Dalawang taon ang nakaraan,
sa ganitong app,

32:34.702 --> 32:37.455
nakilala ko ang pinakamamahal ko.

32:37.538 --> 32:39.165
Nakilala ko si Camila.

32:39.248 --> 32:41.334
At masasabi ko sa inyo,

32:41.417 --> 32:44.087
mula noon,
habambuhay nang nagbago ang buhay ko.

32:44.170 --> 32:49.509
Patunay kami ni Camila
ng posibilidad na dala ng Honeymoon.

32:49.592 --> 32:51.886
Isang gabi
ng kapusukan, pakikipagsapalaran,

32:51.969 --> 32:56.140
o pagkilala sa tao
na makakasama mo habambuhay.

32:56.224 --> 32:59.727
Ang Honeymoon, para sa akin,
ang kuwento at pangarap namin.

32:59.811 --> 33:05.108
Kung mas marami pang tao ang magkakaroon
ng connection dito gaya namin,

33:05.191 --> 33:08.361
magiging sulit ang lahat ng ito.

33:09.195 --> 33:11.948
Kaya mag-toast tayo para sa Honeymoon,

33:12.031 --> 33:14.242
sa pagmamahal, at sa inyong lahat.

33:14.325 --> 33:16.452
-Salamat sa pagpunta.
-Cheers!

33:16.536 --> 33:17.912
Cheers para sa pagmamahal!

33:17.995 --> 33:20.081
-Cheers tayo diyan.
-Enjoy.

33:20.164 --> 33:21.124
Cheers.

33:22.417 --> 33:24.252
Mag-enjoy lang kayo. Salamat.

33:27.922 --> 33:29.298
Ang ganda ng speech mo.

33:32.343 --> 33:34.053
-Congratulations.
-Salamat.

33:34.137 --> 33:35.930
-Magiging maganda 'to.
-Amen, babe.

33:43.146 --> 33:44.480
Bravo.

33:45.398 --> 33:46.315
Sandali lang.

33:48.818 --> 33:51.612
Bravo.

33:51.696 --> 33:53.573
Ángela, ano'ng…

33:55.867 --> 33:57.702
Ano'ng ginagawa mo rito?

34:00.830 --> 34:02.331
Bakit di mo sinabi sa akin?

34:02.415 --> 34:03.499
Surprise, e.

34:05.752 --> 34:09.005
Binawi nila 'yong preventive detention ko
hanggang sa trial.

34:11.174 --> 34:13.718
Maraming journalist 'yong nandito, Ángela.

34:14.594 --> 34:15.803
Di ka dapat pumunta.

34:16.554 --> 34:18.014
Bakit hindi?

34:18.097 --> 34:20.725
Kung wala kang itinatago,
wala kang dapat ikatakot.

34:20.808 --> 34:22.351
At malaya na ako, Miguel.

34:22.435 --> 34:26.272
Di ba ako pwedeng dumaan
para batiin 'yong ex-husband ko,

34:26.355 --> 34:28.483
na successful businessman na ngayon?

34:32.904 --> 34:34.405
Camila!

34:34.489 --> 34:35.907
Ángela.

34:39.494 --> 34:42.830
Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo.

34:42.914 --> 34:44.123
Parang gano’n.

34:44.207 --> 34:45.208
Talaga?

34:46.042 --> 34:48.461
Di ko kayo kilala. Nice to meet you.

34:48.544 --> 34:49.754
Ángela Ferrer.

34:49.837 --> 34:52.924
Ex-wife ako ng magaling na lalaking 'to.

34:53.007 --> 34:55.927
-Juanita Edwards. Nice to meet you.
-Ikaw din.

34:56.010 --> 34:58.930
-Rodrigo. Nice to meet you.
-Ikaw din.

34:59.013 --> 35:03.101
Hindi ka nag-aksaya ng oras, Miguel.
Ang galing mo.

35:03.684 --> 35:07.605
Lahat ng investor mo,
kaibigan ng tatay ko.

35:08.189 --> 35:09.816
Excuse me, babatiin ko lang sila.

35:12.693 --> 35:14.612
Naku, nice to see you!

35:14.695 --> 35:15.947
Pwede ba tayong mag-usap?

35:17.115 --> 35:17.949
Oo naman.

35:18.908 --> 35:19.784
Sandali lang.

35:20.368 --> 35:21.285
Ayos ka lang?

35:21.369 --> 35:23.704
Walang kuwentang tanong 'yan, Miguel.

35:29.836 --> 35:31.671
Pwede mo bang sabihin sa akin…

35:33.673 --> 35:34.507
bakit ka nandito?

35:35.424 --> 35:38.344
Una, sinubukan mong sirain
'yong relasyon namin ni Camila.

35:38.427 --> 35:40.346
Ngayon gusto mong sirain 'yong negosyo ko?

35:41.222 --> 35:43.015
Bakit kita sasaktan?

35:43.099 --> 35:46.519
Kasi kinamumuhian mo ako. Alam mo 'yon.

35:47.770 --> 35:50.565
Tingin mo ba,
may dahilan ako para kamuhian ka?

35:51.691 --> 35:54.360
Kayong dalawa,
pag di kayo umalis, magkakaproblema tayo.

35:54.443 --> 35:57.363
-Binabalaan kita.
-Sandali lang.

35:59.448 --> 36:01.617
Sabihin mo nga,
ano'ng problema n'yong dalawa?

36:03.494 --> 36:04.871
-Wala.
-Wala?

36:04.954 --> 36:06.330
Bakit kayo nagtatalo?

36:08.249 --> 36:10.001
Kami ng lalaking 'to…

36:11.544 --> 36:12.879
wala kaming pagkakapareho.

36:13.921 --> 36:15.548
Kundi mama at papa.

36:18.426 --> 36:20.052
Kapatid ko ang tangang ito.

38:22.800 --> 38:26.679
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol
ma tayo.
