WEBVTT

00:11.720 --> 00:15.265
Camila, nandito ka
dahil isang taon at kalahati ang nakaraan,

00:15.348 --> 00:16.933
pinapunta ka sa Cartagena

00:17.017 --> 00:20.645
para tapusin ang pagsasama
nina Ms. Ferrer at Mr. Estevez.

00:21.771 --> 00:26.317
Nagkakilala kayo, nagkaibigan.
Pero kahapon, nagpakasal ka sa iba.

00:27.068 --> 00:30.530
Samantala, may tao
na nakikipag-usap sa mga lalaki

00:30.613 --> 00:34.784
gamit ang Tinder profile mo
at pinapatay sila sa kakaibang paraan.

00:34.868 --> 00:37.203
Paanong kakaiba, Detective?

00:37.287 --> 00:41.291
Pinatay silang tatlo
sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

00:42.083 --> 00:44.085
Inatake silang lahat sa puso.

00:44.169 --> 00:45.754
May ilang pagkakaiba,

00:45.837 --> 00:50.759
pero naniniwala kami
na iisang tao ang pumatay sa kanila.

00:50.842 --> 00:52.802
Okay. Tama na.

00:52.886 --> 00:56.347
Dito ka lang sa siyudad.
Aabalahin ka pa namin.

01:05.023 --> 01:07.358
May hindi siya sinasabi sa atin.

01:08.026 --> 01:10.361
-Ano'ng gagawin natin?
-Tara na.

01:12.572 --> 01:15.116
FAKE PROFILE

01:21.873 --> 01:24.375
Base sa mga marka
sa mga kamay at paa niya,

01:24.876 --> 01:26.628
ang maskara at posisyon niya…

01:27.128 --> 01:30.507
pumayag siyang igapos.

01:31.382 --> 01:32.801
-Pumayag?
-Oo.

01:33.885 --> 01:36.179
Interesado ba ang kapatid mo

01:36.262 --> 01:38.556
sa mga sadomasochistic na bagay?

01:38.640 --> 01:40.475
Hindi. Diyos ko, hindi.

01:42.185 --> 01:43.103
Hindi ko alam.

01:43.812 --> 01:47.148
Sa kanya na 'yon.
Di ko malalaman 'yong ganoon.

01:47.941 --> 01:50.026
Kahit na…

01:51.319 --> 01:53.196
sobrang malapit kami ni Adrian…

01:54.697 --> 01:57.325
di ko alam kung nagkainteres siya
sa mga weird na bagay.

01:58.326 --> 02:03.373
Ang alam ko, naging malungkot siya,
at sobrang saya niyang babalik na ako.

02:04.332 --> 02:07.544
-Nagkausap kami tatlong araw ang nakaraan.
-Madalas ba kayong nagkita?

02:08.127 --> 02:09.087
Oo.

02:10.797 --> 02:11.881
Sa loob ng 18 buwan,

02:11.965 --> 02:16.094
tatlong beses ka lang niya binisita
sa kulungan, ayon sa records namin.

02:16.636 --> 02:22.267
Masasabi mo bang malapit ka sa kapatid mo?

02:23.309 --> 02:24.227
Sobra.

02:26.312 --> 02:28.857
Nag-iisa kong kapatid si Adrian.

02:29.440 --> 02:31.484
Nag-iisa? Sabi mo, si Cristobal…

02:31.568 --> 02:33.528
Lumaki ako kasama si Adrian.

02:34.320 --> 02:37.824
At di ko inakala
na magkakahiwalay kami nang ganito.

02:44.247 --> 02:47.167
Angela, kinuha na nila
'yong katawan ni Cristobal.

02:48.251 --> 02:50.962
Wag kang mag-alala, sanay na ako.

02:51.045 --> 02:53.882
Sabi ng mga tao sa TikTok,
sinumpa 'yong pamilya natin.

02:55.758 --> 02:58.887
Salamat sa pagpapaunlak
sa kabila ng pinagdadaanan ninyo.

02:58.970 --> 03:00.972
-Mauuna na ako.
-Sige.

03:04.684 --> 03:06.561
Wag mong uulitin…

03:06.644 --> 03:11.441
Wag ka nang magsalita nang ganoon.
Naiintindihan mo?

03:11.524 --> 03:12.775
Mama, tama si Eva.

03:13.651 --> 03:15.778
Kumikita sila
sa mga tsismis tungkol sa atin.

03:15.862 --> 03:17.363
Makinig kayo sa akin!

03:18.072 --> 03:21.534
Di natin hahayaan
na lasunin tayo ng kahit ano.

03:21.618 --> 03:24.913
Mula ngayon, nandito tayo
para sa isa't isa. Kuha n'yo?

03:24.996 --> 03:27.040
Nandito na 'yong kotse. Tara na.

03:40.011 --> 03:43.056
Mag-relax ka at huminga nang malalim.

03:44.974 --> 03:47.810
Pumikit ka
para maging blangko ang isip mo.

03:47.894 --> 03:49.020
Huminga ka.

03:50.021 --> 03:52.982
Pagkatapos kong magbilang,
sabihin mo ang lahat ng nakikita mo.

03:54.067 --> 03:54.901
Isa,

03:55.526 --> 03:56.361
dalawa,

03:57.111 --> 03:57.946
tatlo.

04:01.783 --> 04:03.785
Takot akong mawalan ng kontrol.

04:12.752 --> 04:13.670
Delikado.

04:18.257 --> 04:19.717
Ano'ng delikado?

04:23.596 --> 04:26.391
'Yong pakiramdam
na makikita ko si Miguel, na…

04:26.474 --> 04:29.686
Na malapit siya sa akin.
'Yong amoy at boses niya.

04:32.814 --> 04:34.691
Kaya sinusubukan ko siyang iwasan.

04:36.067 --> 04:38.569
Pero alam niya
kung ano'ng pinaparamdam niya sa akin.

04:39.821 --> 04:42.156
Alam mo rin, pero ayaw mong makita.

04:42.240 --> 04:47.453
Tapos nakikita ko ang mga taong patay na,
at nagiging magulo na ang lahat.

04:51.916 --> 04:54.544
Walang sisira sa kasal natin, mahal.

04:55.586 --> 05:00.133
Isa, dalawa, tatlo.

05:01.968 --> 05:03.428
Dumilat ka na, Camila.

05:03.511 --> 05:04.345
Bumalik ka.

05:05.513 --> 05:07.932
'Yong takot mo na mawalan ng kontrol…

05:09.100 --> 05:10.893
Naramdaman mo na ba 'yon kay David?

05:13.354 --> 05:15.148
Tanong ba 'yan?

05:15.231 --> 05:17.108
O opinyon mo lang?

05:32.623 --> 05:33.458
Angela.

05:48.723 --> 05:50.016
Hindi, si David…

05:50.641 --> 05:53.603
Tahanan, katahimikan,
at kapayapaan ko siya.

05:53.686 --> 05:55.605
'Yong lugar kung saan okay ako.

05:59.942 --> 06:01.527
Sa kabilang banda, si Miguel…

06:02.570 --> 06:03.905
Si Miguel…

06:03.988 --> 06:06.407
Apoy, pagnanasa…

06:08.868 --> 06:11.204
'Yong pagnanais na magkasama.

06:11.287 --> 06:12.622
Pero may poot din.

06:14.207 --> 06:18.461
Ang kapangahasang 'yon
ang pumupukaw sa lahat ng ito.

06:18.544 --> 06:22.423
Oo, naikuwento mo
'yong tungkol sa sexual chemistry ninyo.

06:22.507 --> 06:24.967
Pag magkasami kami…

06:26.135 --> 06:27.929
parang iisa kami,

06:28.763 --> 06:31.599
parang kami lang 'yong tao sa mundo.

06:31.682 --> 06:34.060
Parang wala kaming…

06:35.186 --> 06:37.480
kasaysayan o nakaraan.

06:41.400 --> 06:44.904
Kailan mo huling naramdaman…

06:46.072 --> 06:47.865
'yong pagnanasa mo sa kanya?

06:48.533 --> 06:49.367
Kuwan…

06:50.868 --> 06:54.205
isa't kalahating taon na,
sa labas lang ng Cartagena,

06:54.288 --> 06:56.207
sa isang abandonadong bukid.

06:59.877 --> 07:02.880
Parang alam namin pareho na huli na 'yon.

07:23.651 --> 07:24.819
Inti Valderrama.

07:26.028 --> 07:29.323
Pwede ba tayong mag-usap?
Hihingin ko ang testimony mo.

07:29.407 --> 07:33.703
O wala ka bang pakialam sa paghahanap
sa pumatay sa ex-boyfriend mo?

07:34.203 --> 07:35.288
Wala nga.

07:38.124 --> 07:39.208
Angela.

07:41.085 --> 07:42.003
Laura.

07:44.547 --> 07:46.757
Salamat sa pagpunta.

07:47.633 --> 07:50.428
Maaasahan mo ako. Palagi.

07:52.388 --> 07:53.222
Tebi.

07:56.601 --> 07:59.687
Sorry, ganito pa tayo magkakakilala.
Ako si Santiago del Rio.

07:59.770 --> 08:03.316
Marami akong narinig tungkol sa 'yo.
Dadaan ako sa opisina bukas.

08:03.399 --> 08:05.526
Di na kailangan. Wag kang mag-alala.

08:05.610 --> 08:08.112
Di mo kailangang magmadali.

08:09.780 --> 08:10.781
Vannessa.

08:16.412 --> 08:18.372
Salamat at nandoon ka
noong nahanap ko siya.

08:18.456 --> 08:19.999
Nakikiramay ako.

08:21.167 --> 08:23.419
Malapit talaga kami sa kanya.

08:23.961 --> 08:26.214
Wala ba siyang sinabi sa inyo?

08:26.297 --> 08:29.967
Kahit ano? May dine-date ba siya?

08:30.051 --> 08:34.180
Wala, single siya.
Ayaw niyang makipagrelasyon.

08:34.263 --> 08:36.891
-Pero may sinabi siya sa akin.
-Talaga?

08:36.974 --> 08:38.726
Nagkita raw sila ng ex niya.

08:38.809 --> 08:40.937
Sino? Sinabi ba niya 'yong pangalan?

08:41.020 --> 08:43.147
Hindi, pero…

08:43.731 --> 08:46.400
Sabi niya, nagdusa talaga siya
dahil sa kanya.

08:47.276 --> 08:50.154
Di mo pa nakikilala
'yong bago nating kapitbahay, si Emanuel.

08:50.238 --> 08:51.072
Excuse me.

08:51.572 --> 08:52.615
Kumusta, Angela?

08:52.698 --> 08:56.327
Emanuel Bruna. Nakatira ako sa house L.
Mabuting tao 'yong kapatid mo.

08:56.410 --> 08:57.870
Nagkakilala kami sa gym.

08:58.621 --> 08:59.747
Nakikiramay ako.

08:59.830 --> 09:00.790
Salamat.

09:00.873 --> 09:03.626
Marami pala kaming bagong kapitbahay,

09:04.418 --> 09:08.130
at di ako nagugulat
na kaibigan ni Adrian ang lahat.

09:08.839 --> 09:10.424
Salamat at nandito kayo.

09:10.508 --> 09:14.679
Ganito. Dapat magkaroon tayo ng salo-salo
para makilala natin ang isa't isa.

09:14.762 --> 09:16.430
Maaasahan mo kami, Angela.

09:16.514 --> 09:18.015
-Nandito kami para sa 'yo.
-Oo.

09:18.891 --> 09:20.184
-Salamat.
-Angela.

09:21.102 --> 09:22.228
-Salamat.
-Tebi?

09:22.311 --> 09:23.354
Sandali lang.

09:25.314 --> 09:28.025
-Hello?
-Hi. Si Inti 'to. Pwede ba tayong magkita?

09:58.681 --> 09:59.515
David?

10:02.018 --> 10:02.852
David!

10:09.608 --> 10:10.443
David?

10:14.447 --> 10:15.281
David!

10:18.326 --> 10:19.160
Mahal?

10:29.003 --> 10:31.213
-Wag kang sumigaw.
-Ano'ng ginagawa mo rito?

10:31.297 --> 10:33.090
-Walang sisigaw.
-Wag mo akong hawakan.

10:33.174 --> 10:34.008
Ano'ng problema?

10:34.091 --> 10:37.303
-Bakit ka nandito? Wag mo akong hawakan.
-Kinailangan kitang makita.

10:37.386 --> 10:40.097
-Wag mo akong hawakan!
-Bakit ka ganyan?

10:40.181 --> 10:42.516
-Umalis ka na.
-Bakit naman?

10:42.600 --> 10:43.642
Cami!

10:54.320 --> 10:55.529
Salamat sa pagpunta.

10:57.698 --> 11:00.493
Ginawa ko 'to para sa sarili ko,
di para sa 'yo.

11:03.079 --> 11:07.291
Ayokong magtanim
ng walang saysay na galit.

11:07.917 --> 11:10.211
Lalo na ngayong patay na si Adrian.

11:12.254 --> 11:16.342
-Gusto sana kitang yakapin.
-Salamat at di mo ginawa.

11:20.221 --> 11:21.597
Di tayo pwedeng mag-usap dito.

11:23.474 --> 11:24.850
Doon tayo sa bangka ko.

11:30.898 --> 11:33.693
Pasensiya na, mahal. Naliligo ako kanina.

11:34.360 --> 11:37.446
Ilalabas ko 'yong bangka
para hanapin 'yong sailboat ni Inti.

11:38.030 --> 11:41.742
Itatanong ko kung ano'ng naaalala niya
noong gabing pinasinghot ka ng droga.

11:43.452 --> 11:46.414
Gusto kong maging maayos ka.
Wag kang mag-alala, mabilis lang ako.

11:46.497 --> 11:50.209
-Basta magpapahinga ka, ha?
-Oo, promise.

11:50.292 --> 11:51.210
Mahal kita.

11:51.293 --> 11:54.630
At di ko hahayaan
na may manakit sa 'yo, okay?

11:54.714 --> 11:55.631
Mahal din kita.

11:59.135 --> 11:59.969
Babalik ako.

12:06.934 --> 12:08.269
Ano'ng sinabi mo sa kanya?

12:08.853 --> 12:11.397
Na pag nakikita kita,
di ko nakokontrol ang sarili ko.

12:13.190 --> 12:16.944
Di lang kita gusto.
Di ako basta nababaliw sa 'yo.

12:17.528 --> 12:19.655
Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.

12:45.014 --> 12:47.808
Wag! Bitawan mo ako!

12:47.892 --> 12:50.436
-Umalis ka na!
-Camila, ano'ng problema?

12:50.519 --> 12:52.897
-Lubayan mo na ako!
-Ano'ng problema?

12:52.980 --> 12:56.066
-Lubayan mo na ako, lintik!
-Ayos lang tayo kanina.

12:56.150 --> 12:58.027
-Alis!
-Bakit ako aalis?

12:58.110 --> 12:59.320
Lubayan mo na ako.

13:40.653 --> 13:42.321
Tingnan natin sa pier. Capi!

14:07.513 --> 14:10.975
Gusto ko lang
na kausapin mo ako nang may pagmamahal.

14:11.725 --> 14:12.935
Nang may pagmamahal?

14:14.228 --> 14:15.062
Mahirap 'yon.

14:16.689 --> 14:21.360
Ginawa mong katatawanan
'yong mga pinakapersonal na bagay.

14:21.443 --> 14:24.154
Mga bagay na di ko sinabi kahit kanino.

14:24.238 --> 14:26.615
Kaya medyo galit ako sa 'yo, Inti.

14:28.284 --> 14:31.161
Sa buong buhay ko,
marami na ang nanakit sa akin.

14:31.245 --> 14:36.375
Pero ikaw ang pinakamalala.
Ikaw lang ang nanloko sa akin nang ganoon.

14:36.458 --> 14:37.793
Kaya nga ako nandito.

14:39.044 --> 14:40.963
Kaya tayo nagkita ngayon.

14:41.755 --> 14:43.215
Para makapag-usap tayo.

14:43.299 --> 14:47.386
Para masabi ko 'yong nararamdaman ko
at makahingi ako ng tawad sa 'yo.

14:47.970 --> 14:50.472
-Utang natin ang usapang 'to sa isa't isa.
-Hindi.

14:50.556 --> 14:52.433
Wala akong utang sa 'yo.

14:53.183 --> 14:57.771
Wala talaga. Nakikita ko nga
na sapat na 'yong nakuha mo sa pamilya ko.

14:57.855 --> 15:00.566
Tama ka.

15:01.734 --> 15:04.278
Sana di ganito 'yong sitwasyon.

15:04.361 --> 15:05.863
Humihingi ako ng tawad.

15:07.531 --> 15:09.867
Pero di ko maitatanggi
na sa gitna ng lahat ng 'yon…

15:11.243 --> 15:12.661
natutunan kitang mahalin.

15:12.745 --> 15:14.204
Totoo 'yon.

15:14.288 --> 15:15.748
'Yong pera at lahat…

15:16.457 --> 15:17.583
Totoo 'yong sinasabi mo.

15:17.666 --> 15:18.500
Pero ako…

15:19.752 --> 15:22.254
-May nararamdaman ako para sa 'yo.
-Talaga?

15:23.088 --> 15:24.965
Inti, kung ganoon…

15:27.092 --> 15:29.595
Kung mahal mo talaga ako, tapatin mo ako.

15:31.221 --> 15:34.975
Totoo bang nakikipagkita ka
kay Adrian bago siya pinatay?

15:38.520 --> 15:40.230
-Sino'ng nagsabi?
-Sagutin mo.

15:41.106 --> 15:43.067
Totoo o hindi?

15:44.485 --> 15:45.778
Nag-usap ba kayo?

15:47.363 --> 15:49.573
May sinabi ba siya bago siya namatay?

15:56.747 --> 15:57.581
Hala.

16:03.504 --> 16:04.630
Ano?

16:04.713 --> 16:06.590
Pinatay mo siya.

16:08.133 --> 16:10.511
Pinatay mo 'yong kapatid ko, Inti.

16:13.389 --> 16:14.556
Tapos…

16:15.641 --> 16:18.686
Pinatay mo rin si Cristobal.

16:18.769 --> 16:22.439
Bakit? Kasi di ka niya gusto?
Kaya mo ba ginawa 'yon?

16:23.607 --> 16:26.360
Diyos ko, paano kita seseryosohin?

16:26.443 --> 16:28.570
Puta ka lang!

16:28.654 --> 16:31.699
Sabihin mo nga, magkano ang isang kantot?

16:31.782 --> 16:35.077
Di kliyente 'yong tingin ko sa 'yo,
at di magbabago 'yon.

16:35.160 --> 16:38.247
-Mali ka.
-Di ka lang puta, manloloko ka rin.

16:41.834 --> 16:42.710
Nagsisisi ako.

16:42.793 --> 16:46.088
Buong buhay kong pagsisisihan
'yong naging ugnayan natin.

16:58.809 --> 17:00.102
Nagtatago ka ba?

17:00.185 --> 17:02.604
May mga itatanong ako tungkol kay Camila.

17:03.939 --> 17:05.566
Ano'ng ginawa mo sa kanya?

17:06.442 --> 17:08.235
Wala akong alam tungkol diyan.

17:08.777 --> 17:13.323
Nagkita lang kami sandali sa kasal n'yo.
Di ko na siya ulit nakita.

17:14.158 --> 17:16.201
Wala kang narinig o nakita?

17:16.827 --> 17:18.954
Ano? Kailan? Uy.

17:19.038 --> 17:20.706
Bumaba kayo sa bangka ko.

17:22.207 --> 17:24.460
-Bitawan mo ako.
-Zorro.

17:24.543 --> 17:25.794
Ayoko ng gulo.

17:25.878 --> 17:28.797
-Kami rin.
-Bumaba na kayo.

17:28.881 --> 17:31.050
Sino 'yong umatake sa misis ko?

17:31.133 --> 17:33.802
Wala akong alam.

17:33.886 --> 17:37.473
Umiinom lang ako
ng champagne dito sa bangka ko. Malay ko.

17:37.556 --> 17:40.392
-May ebidensiya ka bang may kinalaman ako?
-Wala.

17:40.476 --> 17:43.896
Pero nagsimula ang gulo
noong dumating ang sailboat na 'to.

17:43.979 --> 17:48.734
Private property ito.
Sa pagkakaalam ko, di ko kayo inimbitahan.

17:48.817 --> 17:51.403
-Sige na. Bumaba na kayo.
-Sige na, pare.

17:51.487 --> 17:52.905
-Di ba niya ako narinig?
-Zorro.

17:55.532 --> 17:57.076
Maniniwala tayo sa kanya.

17:59.203 --> 18:00.037
Tara na.

18:16.053 --> 18:17.387
Mga gago.

18:23.227 --> 18:27.564
'Yong ex na hindi ex. Alam na natin
kung bakit hindi niya tayo kinakausap.

18:28.273 --> 18:31.276
Nagkataong pumunta siya
sa Riviera Esmeralda

18:31.360 --> 18:33.237
noong nangyari 'yong krimen.

18:38.534 --> 18:41.745
May lalaking naghahanap sa 'yo.
Papa raw ni Cristobal.

18:53.841 --> 18:56.009
-Hello, kumusta?
-Ayos naman.

18:56.093 --> 18:59.138
-Ikaw? Tuloy pa ba 'yong date mo?
-Itutuloy ko.

18:59.721 --> 19:00.597
Alam mo?

19:00.681 --> 19:05.686
Makabubuti para sa akin kung lumabas ako
at malibang sa ibang bagay.

19:05.769 --> 19:06.895
Oo, siguro nga.

19:06.979 --> 19:09.982
Isa pa, si Adrian 'yong nagsabi
na dapat mag-Tinder ka.

19:10.065 --> 19:12.442
Para sa kanya ito. Tama ka.

19:12.985 --> 19:15.737
Good luck. Enjoy.
Sana maging maayos ang lahat.

19:15.821 --> 19:18.949
Di ko alam kung ano'ng mangyayari,
pero eto na.

19:19.032 --> 19:21.368
Okay. Pero mag-ingat ka.

19:21.451 --> 19:24.496
I-send mo 'yong location mo.
I-text mo ako pag nakauwi ka na.

19:24.580 --> 19:27.541
-Oo, wag kang mag-alala. Tatawagan kita.
-Okay.

19:27.624 --> 19:31.128
-Hihintayin ko 'yan, okay?
-Okay. Kisses.

19:31.211 --> 19:34.715
MATTEO: DI NA AKO MAKAPAGHINTAY

19:34.798 --> 19:36.967
MATTEO: MAGKIKITA TAYO MAMAYA, 'NO?

19:37.676 --> 19:38.802
Uy!

19:40.220 --> 19:42.014
Saan ka pupunta?

19:42.097 --> 19:44.558
Magdi-dinner ako sa labas…

19:44.641 --> 19:46.894
Magdi-dinner kami ng mga kaopisina ko.

19:47.394 --> 19:49.605
Nagbihis ka para sa matatandang 'yon?

19:50.105 --> 19:53.984
Hindi. Matagal na 'tong damit ko.

19:55.402 --> 19:56.236
Okay.

19:57.362 --> 19:58.989
Enjoy, Mama. Ang ganda mo.

19:59.072 --> 19:59.990
Ayos ba?

20:01.366 --> 20:02.367
Salamat.

20:02.451 --> 20:04.953
Promise, di ako magtatagal, okay?

20:05.037 --> 20:06.663
-Di ako magpapagabi.
-Okay.

20:06.747 --> 20:08.790
Hindi masyado.

20:09.875 --> 20:10.876
-Mahal kita.
-Bye.

20:14.922 --> 20:17.007
Tama lang na nalaman
ni Cristobal 'yong totoo.

20:17.090 --> 20:18.926
Para saan? Maraming taon na ang lumipas…

20:20.552 --> 20:23.597
Naging homosexual lang 'yong anak ko
noong pumunta siya sa Cartagena

20:23.680 --> 20:25.098
at nakilala 'yong kapatid mo.

20:25.182 --> 20:27.017
Bumalik siya sa Medellin nang sawi.

20:27.726 --> 20:29.436
Nakilala niya si Tatiana sa simbahan.

20:29.937 --> 20:31.730
Di nagtagal, nag-propose siya.

20:31.813 --> 20:34.566
Gusto na sana niyang talikuran
ang ganoong buhay, si Adrian.

20:34.650 --> 20:37.319
'Yong ganoong buhay na sinasabi mo…

20:38.403 --> 20:39.529
pag-aasawa 'yon.

20:40.239 --> 20:41.240
Nagmahalan sila.

20:41.323 --> 20:44.368
Tatlong linggo na lang dapat,
ikakasal na sila ni Tatiana. Handa na.

20:44.868 --> 20:47.287
Hanggang sa sinagot niya
'yong tawag ni Adrian.

20:48.080 --> 20:49.539
At tingnan mo 'yong nangyari.

20:55.128 --> 20:56.922
Gusto mong magsisihan?

20:57.005 --> 20:58.256
Gawin natin.

21:01.218 --> 21:05.722
Kung di ka nanghimasok sa pagsasama
ng mga magulang ko 30 taon ang nakaraan,

21:06.264 --> 21:08.308
hindi sana tayo nag-uusap ngayon.

21:10.102 --> 21:11.645
Kung di ko nabuntis 'yong mama mo,

21:12.771 --> 21:14.356
nabuntis lang din sana siya ng iba.

21:14.439 --> 21:17.192
Pumatol siya sa kahit sino.

21:19.152 --> 21:21.071
Di mo ba nakikitang nagluluksa rin ako?

21:21.738 --> 21:24.992
Di ko hahayaan
na bastusin mo 'yong pamilya ko.

21:25.826 --> 21:26.660
Kuha mo?

21:26.743 --> 21:29.079
Di minahal ni Carolina 'yong papa mo.

21:30.706 --> 21:33.292
Nabuntis siya kay Cristobal
para takasan siya.

21:34.626 --> 21:37.421
Paglipas ng anim na buwan,
nagsawa na rin siya sa akin.

21:37.963 --> 21:40.132
Nakonsensiya siya, binalikan kayo.

21:40.716 --> 21:41.550
Umalis ka na.

21:42.342 --> 21:44.011
Sige. Walang problema.

21:47.556 --> 21:50.100
Kukunin ko lang 'yong anak ko
para ilibing sa Medellin.

21:53.603 --> 21:55.689
-Magandang umaga.
-Magandang umaga.

21:56.773 --> 21:59.192
Pag may nahanap kayo, sabihan n'yo ako.

21:59.276 --> 22:00.569
Alam n'yo 'yong number ko.

22:02.988 --> 22:05.532
-May nahanap ba kayo?
-Inaasikaso na namin.

22:05.615 --> 22:06.616
Pumasok kayo.

22:09.161 --> 22:11.830
Kilala mo ba ang lalaking ito?

22:11.913 --> 22:13.623
Inti Valderrama ang pangalan.

22:18.920 --> 22:24.092
Nagtrabaho siya sa A Thousand Pleasures,
na restaurant ni Adrian.

22:24.843 --> 22:27.679
Bakit? Iniimbestigahan n'yo ba siya?

22:27.763 --> 22:32.225
Base sa records, pumasok siya
sa property bago namatay si Cristobal.

22:33.226 --> 22:35.062
Suspect ba siya?

22:35.645 --> 22:38.273
Sa unang 24 oras, suspect ang lahat.

22:38.357 --> 22:42.819
Tingin n'yo ba,
pinatay ni Inti Valderrama ang kapatid ko?

22:43.653 --> 22:47.240
Di ba dapat 'yong Mexican dancer
'yong iniimbestigahan ninyo?

22:47.324 --> 22:52.245
Siya 'yong nasa likod ng Tinder profile
na nakipag-usap sa mga biktima, di ba?

22:52.329 --> 22:55.540
Medyo maaga pa para makasigurado.

22:58.668 --> 22:59.753
Maraming salamat.

23:15.560 --> 23:16.520
Anak.

23:17.521 --> 23:21.024
Ayoko pa sanang umalis,
pero kailangan ko na.

23:21.858 --> 23:22.818
Ayos lang, Mama.

23:23.568 --> 23:26.488
Maraming salamat sa pagpunta.

23:26.571 --> 23:28.824
Napasaya mo talaga ako.

23:28.907 --> 23:29.825
Naku, anak.

23:30.784 --> 23:31.618
David.

23:32.494 --> 23:36.039
Alagaan mo 'yong anak ko. Aasahan kita.

23:36.123 --> 23:37.541
Wag kayong mag-alala.

23:37.624 --> 23:40.252
Bumalik kayo kahit kailan.
Tahanan n'yo na rin ito.

23:40.335 --> 23:42.087
Ang sweet mo naman. Salamat.

23:42.170 --> 23:44.131
Pipila ako.

23:44.214 --> 23:45.298
Salamat.

23:48.135 --> 23:48.969
Anak,

23:49.636 --> 23:50.971
alagaan mo si David.

23:51.972 --> 23:53.432
Nasa kanya na ang lahat.

23:53.974 --> 23:57.561
Kilala ka niya, nirerespeto,
pinahahalagahan, at minamahal.

23:59.479 --> 24:03.233
At siguraduhin mo
na di ka makikipaglaro sa apoy.

24:04.443 --> 24:06.903
Alam mo ang ibig kong sabihin, di ba?

24:08.029 --> 24:08.864
Opo.

24:12.576 --> 24:14.453
Mahal kita, anak.

24:14.536 --> 24:15.370
Mahal kita.

24:45.150 --> 24:46.401
LAURA: NANDITO NA AKO

25:04.794 --> 25:05.629
Laura.

25:06.463 --> 25:08.924
Matteo, may dalawang T.

25:09.007 --> 25:10.008
Sa wakas.

25:11.009 --> 25:12.010
Wow.

25:12.594 --> 25:15.972
Sa wakas. Akala ko,
di na darating ang araw na ito.

25:17.057 --> 25:19.809
Bakit? Nawalan ka na ba agad ng pag-asa?

25:19.893 --> 25:21.978
Hindi.

25:22.062 --> 25:23.313
Kabaliktaran nga.

25:24.356 --> 25:27.442
Habang tumatagal,
mas gusto na kitang makilala.

25:30.237 --> 25:32.447
Tara, handa na 'yong mesa natin.

25:32.531 --> 25:34.574
-Salamat.
-Dito tayo.

25:37.035 --> 25:38.620
-Eto.
-Salamat.

25:41.289 --> 25:42.832
May sasabihin lang ako,

25:43.625 --> 25:45.335
sobrang saya ko.

25:45.418 --> 25:48.004
Ilang beses kong na-imagine
itong pagkikita natin.

25:48.964 --> 25:49.839
Salamat.

25:50.924 --> 25:52.759
Sa totoo lang…

25:53.969 --> 25:54.803
ako rin.

25:55.553 --> 25:57.055
-Talaga?
-Oo.

26:05.730 --> 26:07.482
FOLLOW

26:07.566 --> 26:08.692
CONGRATULATIONS!

26:08.775 --> 26:09.901
BEST WISHES!

26:10.735 --> 26:12.737
Dumating ka para lang

26:12.821 --> 26:15.115
manira ng pamilya,

26:15.198 --> 26:17.784
at nagawa mo nang walang kahirap-hirap.

26:17.867 --> 26:22.080
-Kudos!
-Wala kang idea kung bakit ako nandito.

26:22.163 --> 26:25.250
Pwede ka nang magpatira
sa asawa ko nang di nagsisinungaling.

26:25.333 --> 26:29.504
May hihilingin ako sa 'yo.
Wag mo akong bitinin, ha?

26:29.588 --> 26:32.257
Gusto kong malaman 'yong susunod.
Iba-blackmail mo ba kami?

26:33.008 --> 26:34.301
Gagatasan?

26:34.384 --> 26:35.593
Pareho tayong babae.

26:36.720 --> 26:38.597
Di ako interesadong saktan ka.

26:39.806 --> 26:41.725
GHB, cocaine, at scopolamine.

26:42.475 --> 26:44.227
Sigurado kang scopolamine?

26:44.311 --> 26:47.397
Nagsagawa sila ng special test.
Sigurado sila.

26:47.480 --> 26:48.982
Di natin alam kung alin ang una,

26:49.065 --> 26:51.985
pero ginamit ni Cristobal 'yong mga droga
bago siya namatay.

26:52.068 --> 26:55.280
Scopolamine 'yong nag-uugnay sa kanya
sa pag-atake kay Camila Roman.

26:55.822 --> 26:57.824
Paano 'yong oxycodone,
gaya no'ng kay Adrian?

26:57.907 --> 27:00.827
Wala sa katawan o pinangyarihan ng krimen.

27:02.787 --> 27:05.415
Paano 'yong DNA na kukunin daw nila?

27:05.498 --> 27:09.085
Hindi ko alam. Sabi ni Benito,
pareho 'yong tatlong bangkay.

27:09.169 --> 27:13.131
Malinis at may mga marka
sa pulso ang lahat.

27:14.674 --> 27:16.468
Tatlong murder,

27:16.551 --> 27:21.556
lahat, may mga marka sa pulso,
pero si Adrian lang 'yong may maskara.

27:21.639 --> 27:22.515
Weird, 'no?

27:22.599 --> 27:24.809
Boss, baka ritwal 'yon.

27:25.310 --> 27:28.063
Nililinis sila ng murderer
tapos pinapatay.

27:28.605 --> 27:29.481
Siguro.

27:31.399 --> 27:34.694
Tatlong murder sa huling 48 oras.

27:35.654 --> 27:37.072
Tatlong lalaki,

27:37.155 --> 27:42.327
lahat, inatake sa puso
pagkatapos makipag-sex sa tubig.

27:42.410 --> 27:45.580
At Tinder ang nag-uugnay
sa kanilang lahat.

27:45.664 --> 27:49.376
May nakitang mga bakas ng organic material
sa ilalim ng mga kuko ni Cristobal.

27:49.459 --> 27:52.462
Tugma sa footprints sa gilid ng pool.

27:52.545 --> 27:54.172
Kaya nanlaban siya.

27:55.173 --> 27:56.508
May nakuha kang ID?

27:56.591 --> 27:58.093
Opo, at may record siya.

27:58.176 --> 27:59.052
Record ng ano?

27:59.594 --> 28:00.428
Pambubugaw.

28:01.554 --> 28:03.556
Diyos ko. Grabe naman.

28:12.023 --> 28:13.191
Oo nga.

28:14.359 --> 28:17.320
Naisip ko,
"Paano kung di niya ako magustuhan?"

28:17.904 --> 28:21.241
"Kung gusto niyang umalis,
paano ko siya susuyuin?"

28:21.324 --> 28:25.704
Naku, Matteo! Di naman siguro ito
'yong unang blind date mo.

28:25.787 --> 28:29.124
Ibig kong sabihin,
kung ito man 'yong una o hindi…

28:30.125 --> 28:31.876
espesyal ito.

28:31.960 --> 28:34.421
Ngayon pa lang kita nakilala,

28:35.171 --> 28:38.091
pero parang matagal na tayong magkakilala.

28:39.342 --> 28:43.680
Hindi mo ba naisip
na baka dahil araw-araw tayong nag-uusap

28:43.763 --> 28:46.808
nang di bababa sa isang oras sa huling…

28:47.392 --> 28:48.560
apat na buwan?

28:48.643 --> 28:50.353
May balita pala ako.

28:50.437 --> 28:51.563
Ano 'yon?

28:51.646 --> 28:56.317
Katatapos ko lang ng master's degree ko
sa Sustainable Architecture!

28:56.401 --> 28:58.153
-Ayos!
-Ayos!

28:59.446 --> 29:00.488
Cheers!

29:03.116 --> 29:05.034
Pahingi pa ng isang bote!

29:05.118 --> 29:06.745
Isa pang bote ng wine!

29:09.289 --> 29:10.623
Kumusta, Hortensia?

29:11.332 --> 29:13.168
Hinihintay ka niya.

29:17.630 --> 29:18.465
Sige.

29:29.851 --> 29:31.728
Best wishes para sa bride.

29:33.438 --> 29:37.108
Angela, nakikiramay ako
sa nangyari kina Adrian at Cristobal.

29:39.861 --> 29:40.695
Seryoso.

29:41.279 --> 29:42.113
Seryoso?

29:42.822 --> 29:43.656
Sabi mo, e.

29:46.284 --> 29:50.163
Kung ikaw 'yong babaeng sinasabi mo,

29:50.246 --> 29:53.750
tingnan mo ako sa mga mata ko
at aminin mo 'yong ginawa mo.

29:55.335 --> 29:56.961
Pinatay mo siya, 'no?

29:57.545 --> 30:01.007
Sino'ng nagbayad sa 'yo
para sirain 'yong mga buhay namin?

30:02.717 --> 30:03.802
Wala.

30:03.885 --> 30:05.845
Nabayaran ko na 'yong mga utang ko.

30:05.929 --> 30:10.016
Ayoko nang magkaroon ng kaugnayan
sa 'yo o kay Miguel, o kahit sino.

30:10.767 --> 30:12.852
Nabayaran mo na 'yong mga utang mo?

30:13.603 --> 30:14.771
Siyempre.

30:14.854 --> 30:17.232
Nasa 'yo na ang lahat ngayon.

30:17.315 --> 30:19.025
Nakipag-sex ka sa mister ko,

30:19.108 --> 30:21.069
sinira mo 'yong pamilya ko,

30:21.152 --> 30:25.615
at tinanggap mo 'yong pera ng papa ko,
kaya nakabili ka ng club.

30:26.491 --> 30:28.284
Pero kaklaruhin ko sa 'yo.

30:28.368 --> 30:30.995
Pinakamalaki pa rin 'yong pinagbayaran ko.

30:32.330 --> 30:36.626
Alam mo ba 'yong pakiramdam ng makulong

30:37.335 --> 30:38.670
nang malayo sa mga anak ko?

30:38.753 --> 30:41.756
Naaalala mo ba kung bakit nangyari 'yon?

30:41.840 --> 30:43.550
Hindi para sa wala, 'no?

30:45.552 --> 30:50.098
Kung gusto mong mahanap 'yong pumatay
sa kapatid mo, hanapin natin.

30:52.559 --> 30:54.811
Bakit nasa Cartagena ka pa?

30:54.894 --> 30:57.647
Bakit hindi ka na lang umalis?

30:57.730 --> 31:02.193
Hanggang makalimutan man lang sana
ng mga tao 'yong eskandalo. Bakit hindi?

31:05.405 --> 31:07.657
Wala akong pakialam sa iniisip ng iba.

31:08.658 --> 31:11.786
Tama. Ano'ng pakialam ng tao
na di nagkaroon ng magandang reputasyon

31:12.537 --> 31:13.830
kung masisira siya?

31:14.831 --> 31:17.208
Pero kaklaruhin ko sa 'yo, Camila.

31:17.792 --> 31:23.840
Kung isa ito sa mga blackmail
na pinaplano ng mga babaeng tulad mo…

31:23.923 --> 31:25.300
Mga babaeng tulad ko?

31:25.383 --> 31:26.509
Makinig ka, Angela.

31:27.385 --> 31:30.471
Pwede kang magreklamo
tungkol sa lahat ng nangyari.

31:30.555 --> 31:34.559
Pero hindi ko makakalimutan
na sinubukan mo akong patayin.

31:34.642 --> 31:38.563
-Mag-ingat ka kasi baka gulatin kita.
-May problema ba, mahal?

31:39.856 --> 31:41.316
May kailangan ka ba?

31:41.399 --> 31:43.401
Wala, mahal. Salamat.

31:51.576 --> 31:53.953
Aalis na ako.

31:54.787 --> 31:55.747
Magandang gabi.

31:59.375 --> 32:01.711
Kahit ngayon lang,
di mo nagawang sabihin ang totoo,

32:02.337 --> 32:03.296
'no?

32:05.423 --> 32:06.758
Di ako nagsinungaling sa 'yo.

32:08.009 --> 32:08.968
Kahit kailan?

32:09.052 --> 32:12.764
Di ka nagsinungaling
noong nakipag-sex ka sa mister ko.

32:23.858 --> 32:28.780
-May bayad ba 'yong pagdaong dito?
-Bawal ang mga kriminal sa pier ko. Alis.

32:28.863 --> 32:34.369
Ikaw ang kriminal na sumakay sa bangka ko.
Sige, tumawa ka. Ire-report kita.

32:34.452 --> 32:35.536
Mahal.

32:45.296 --> 32:47.423
-Ano na naman ang gusto n'yo?
-Magandang gabi.

32:47.507 --> 32:51.010
Sinira n'yo ang honeymoon namin.
Isasara n'yo rin ba ang hotel?

32:51.094 --> 32:54.597
Alam kong naiinis kayo
kasi di kayo nakabiyahe,

32:54.681 --> 32:58.226
pero ngayon,
kailangan n'yong makipagtulungan sa amin.

33:02.563 --> 33:05.566
Mr. Valderrama,
alam kong mailap ka sa batas,

33:05.650 --> 33:08.152
pero may search warrant kami

33:08.236 --> 33:10.154
para halughugin ang sailboat mo.

33:10.863 --> 33:11.906
Sige lang.

33:20.289 --> 33:21.958
I-check ang lahat ng drawer.

33:23.751 --> 33:24.877
Eto, ito rin.

33:28.631 --> 33:30.007
Mama, ikaw ba 'yan?

33:37.849 --> 33:40.727
Anak! Ang maganda kong prinsesa!

33:40.810 --> 33:42.645
Kumusta ka na, mahal?

33:42.729 --> 33:43.563
Papa!

33:44.522 --> 33:46.607
Ang tagal nating di nagkita!
Ang tangkad mo na!

33:46.691 --> 33:50.069
-Na-miss talaga kita, Papa!
-Ako rin, 'nak.

33:51.237 --> 33:52.155
Anak ko!

33:53.531 --> 33:54.657
Bitawan mo siya!

33:55.992 --> 33:56.909
Lucas?

33:59.871 --> 34:01.289
Ano'ng ginagawa mo rito?

34:01.372 --> 34:02.290
Lucas.

34:03.916 --> 34:04.834
Ano?

34:04.917 --> 34:06.085
Papa natin siya.

34:20.141 --> 34:20.975
Ito na 'yon.

34:29.817 --> 34:31.027
Sa 'yo ba ito?

34:31.110 --> 34:31.986
Ano 'yan?

34:32.528 --> 34:34.030
Scopolamine.

34:34.113 --> 34:35.031
Di akin 'yan.

34:35.114 --> 34:37.950
-At iba pang ilegal na droga.
-Di akin 'yan.

34:39.410 --> 34:41.454
Mr. Valderrama, inaaresto ka namin

34:41.537 --> 34:44.791
sa salang pagpatay
kina Adrian Ferrer at Cristobal Balboa.

34:44.874 --> 34:46.793
Ano? Wala akong pinatay.

34:46.876 --> 34:47.960
Dalhin n'yo na siya.

34:49.879 --> 34:53.091
Camila, trap ito.
Alam mo kung sino'ng nasa likod nito.

34:53.174 --> 34:54.425
Sumama kayo sa akin.

34:56.177 --> 34:59.680
NATIONAL POLICE

37:11.729 --> 37:16.734
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol
d nito.
