WEBVTT

00:56.639 --> 01:00.685
Kailangan natin 'yong footage
ng lahat ng camera sa huling 24 oras.

01:00.769 --> 01:03.271
-Sige po.
-Mga salaysay ng lahat ng guests.

01:03.354 --> 01:04.189
Sige po.

01:16.659 --> 01:18.912
FAKE PROFILE

01:22.123 --> 01:23.083
Camila,

01:25.668 --> 01:27.086
maniwala ka man o hindi,

01:27.879 --> 01:30.799
kilalang-kilala kita,
at alam kong may problema.

01:33.426 --> 01:35.053
Ano ba'ng nangyayari?

01:54.405 --> 01:55.281
Hello?

01:58.701 --> 01:59.911
Nalagutan siya ng hininga.

01:59.994 --> 02:02.455
May dalawang bagong marka
ng karayom sa kanang braso.

02:02.539 --> 02:05.542
-May iba na ilang buwan na.
-'Yong toxicology test?

02:06.751 --> 02:07.877
Heroin.

02:07.961 --> 02:09.212
Gaya ng hinala natin.

02:10.588 --> 02:14.300
Pero di sapat 'yong nakita
sa katawan niya para mag-overdose.

02:17.595 --> 02:19.389
At meron pa.

02:20.974 --> 02:23.560
Base sa hugis at lalim ng mga marka,

02:23.643 --> 02:25.854
di niya nasakal 'yong sarili niya.

02:30.567 --> 02:33.403
Mahal, kinausap ko 'yong may-ari
ng wedding hall.

02:33.486 --> 02:36.656
May ilang petsa
at presyo na para sa kasal,

02:37.156 --> 02:39.993
pero mas mahal lahat kaysa sa akala natin.

02:40.076 --> 02:42.871
-Pwede bang sa bahay na natin pag-usapan?
-Sige.

02:44.289 --> 02:46.457
Promise, maglalaan tayo
ng oras para mag-usap?

02:47.125 --> 02:49.669
Lahat na lang, gusto mong pag-usapan.

02:49.752 --> 02:53.631
Adrian, di ka na umimik
pagkatapos ng unang threesome natin.

02:53.715 --> 02:55.800
Inimbita mo si Inti nang di nagpapaalam.

02:56.384 --> 02:58.887
Ngayon, may pakialam ka na sa opinyon ko?

03:05.560 --> 03:07.145
Boss, pasensiya na.

03:07.228 --> 03:08.730
Kailangan ko nang umalis.

03:09.564 --> 03:13.276
-Dadalhin ko 'yong mama ko sa ospital.
-Ano'ng problema?

03:13.359 --> 03:16.196
Tumawag siya.
Nahihirapan daw siyang huminga.

03:16.279 --> 03:18.698
May hika siya. Kailangan kong magmadali.

03:18.781 --> 03:20.909
-Oo, sige. Walang problema.
-Salamat.

03:29.417 --> 03:32.128
Tina 'yong pangalan niya.
Pinangakuan niya ako ng pera.

03:32.212 --> 03:34.547
Basta pumunta lang daw ako
sa Colombia at sundan ka.

03:40.887 --> 03:42.013
Nandoon kayo.

03:42.805 --> 03:44.724
Narinig n'yo lahat.

03:45.516 --> 03:50.063
Wala sa sarili si Vicente
at kung ano-ano na lang 'yong sinasabi.

03:52.982 --> 03:56.402
Di totoong pumunta siya
sa Cartagena dahil may nag-utos sa kanya?

03:57.195 --> 03:58.071
Hindi ko alam.

03:58.571 --> 03:59.656
Pero parang hindi.

04:00.490 --> 04:02.242
At wala kang kilalang Tina?

04:02.992 --> 04:04.786
Wala sa Cartagena o Las Vegas?

04:05.286 --> 04:07.580
Wala akong kilalang Tina.

04:07.664 --> 04:10.083
Wala sa Cartagena, o sa Las Vegas,

04:10.917 --> 04:12.460
o kahit saan sa mundo.

04:15.213 --> 04:16.422
Sa wakas,

04:17.423 --> 04:18.383
salamat naman,

04:19.509 --> 04:21.052
naikama ko na si Adrian.

04:22.804 --> 04:24.222
Ang galing mo, sundalo.

04:24.806 --> 04:25.640
Una,

04:26.599 --> 04:28.559
si Adrian ang magiging unang boyfriend ko.

04:29.727 --> 04:30.603
At pagkatapos,

04:31.437 --> 04:32.647
papakasalan ko siya.

04:45.785 --> 04:49.956
MIGUEL
GUSTO KITANG MAKITA, KUMUSTA KA?

05:03.136 --> 05:04.887
Di ka na dapat pumunta.

05:40.006 --> 05:41.007
May problema ba?

05:43.551 --> 05:44.469
Sorry.

05:44.552 --> 05:46.387
Gusto mo ba akong atakihin?

05:46.929 --> 05:48.139
May kailangan ka ba?

05:49.140 --> 05:51.017
Wala. Kumusta 'yong mama mo?

05:52.602 --> 05:53.478
Mas mabuti na.

05:54.187 --> 05:56.105
Nasa ospital pa rin siya.

05:57.148 --> 05:58.107
At…

05:58.900 --> 06:01.736
Nakakaawa siya.
Ako lang 'yong meron siya, kaya…

06:03.196 --> 06:04.864
kailangan ko siyang alagaan.

06:06.491 --> 06:07.492
'Yong papa mo?

06:10.995 --> 06:12.747
Isang taon na siyang patay.

06:15.375 --> 06:16.584
Sorry.

06:17.335 --> 06:18.795
Di ko naman siya kilala.

07:06.092 --> 07:07.176
Magandang umaga.

07:11.222 --> 07:12.431
Magandang umaga.

07:18.312 --> 07:19.814
Pwede ba akong magtanong?

07:20.940 --> 07:22.400
Alam mo, di ba?

07:24.318 --> 07:25.153
Alam kong ano?

07:26.445 --> 07:28.197
Na kinukunan ka ng video.

07:30.116 --> 07:32.743
Ano'ng sinasabi mo? Paano ko malalaman?

07:33.828 --> 07:36.956
Minanmanan ka ni Pedro.
Kailangan kong malaman kung bakit.

07:37.915 --> 07:39.292
Saan mo siya nakilala?

07:40.585 --> 07:42.628
Ano'ng problema mo, Miguel?

07:42.712 --> 07:45.131
Anong klaseng tanong 'yan?
Dito ko siya nakilala.

07:45.840 --> 07:46.716
Dito?

07:47.550 --> 07:48.467
Oo, dito.

07:50.261 --> 07:53.347
Kung nagsisinungaling ka sa akin,
tumigil ka na.

07:53.431 --> 07:55.183
Nagsisinungaling ako sa 'yo? Ako?

07:55.766 --> 07:58.352
Ano'ng relasyon mo kay Pedro Ferrer?

07:59.645 --> 08:00.479
Wala.

08:00.563 --> 08:02.190
-Wala?
-Ano'ng ibig mong sabihin?

08:02.273 --> 08:04.275
-Sigurado ka?
-Ano'ng problema mo?

08:04.358 --> 08:05.401
Okay.

08:10.156 --> 08:14.243
Puwes, bakit dumadalaw sa 'yo si Tina
mula pa noong dumating ka?

08:20.875 --> 08:22.501
Di ako nagsinungaling sa 'yo.

08:23.419 --> 08:27.089
Naniniwala ka na ba
sa lahat ng sinabi ko tungkol kay Miguel?

08:31.135 --> 08:32.803
Ayos na 'yong transfer.

08:33.930 --> 08:35.139
Wag kang mag-aalala.

08:35.723 --> 08:39.018
Tama 'yong desisyon mo
na pumunta sa Cartagena.

08:39.769 --> 08:43.022
-Tinulungan niya akong maglipat.
-Talaga?

08:43.105 --> 08:44.982
-Oo.
-At bakit ka umiyak?

08:45.900 --> 08:48.653
Di ako umiyak. Nagalit ako dahil sa 'yo.

08:48.736 --> 08:50.988
-Umiyak ka. Dahil sa akin?
-Hindi.

08:51.072 --> 08:53.074
-Ang ganda ng gising ko, buwisit!
-Camila.

08:53.157 --> 08:54.158
Seryoso?

08:54.242 --> 08:55.159
Camila.

08:56.077 --> 08:57.328
Sagutin mo ako.

08:59.455 --> 09:01.123
Bakit ka pumunta sa Cartagena?

09:03.709 --> 09:04.544
Camila.

09:31.612 --> 09:33.906
Angela, importante
na makausap ko si Miguel.

09:33.990 --> 09:36.367
Wala siya rito, ilang araw na…

09:36.450 --> 09:39.245
-Umupo ka muna.
-Sofia, handa ka na.

09:39.328 --> 09:40.705
Hindi pa ako handa.

09:40.788 --> 09:43.457
Official appointment ko na ito.
Hayaan mo akong maghanda.

09:43.541 --> 09:44.584
Salamat.

09:44.667 --> 09:46.877
Kailangan mong makita ito. Kay Luigi.

09:50.423 --> 09:53.050
Bakit meron 'yong asawa ko
ng video na 'to?

09:53.134 --> 09:55.428
DALAGANG NANG-AAKIT SA CAMERA

09:59.682 --> 10:03.644
David, sagutin mo naman 'yong messages ko.

10:04.478 --> 10:06.314
Kailangan kitang makausap.

10:06.897 --> 10:07.898
Sige na.

10:12.945 --> 10:15.740
-Hello?
-Camila, kailangan kita.

10:15.823 --> 10:17.700
Kailangan din kita, Tina.

10:18.492 --> 10:22.038
Di ko na kayang ituloy ito.
Gusto ko nang umuwi.

10:22.121 --> 10:26.167
Di mo pwedeng gawin sa akin ito.
Ngayon kita pinakakailangan.

10:26.250 --> 10:28.336
Wag mong kalimutan,
pumirma ka ng kontrata.

10:30.004 --> 10:31.964
Di ko na kaya ang pagpapanggap na 'to.

10:32.048 --> 10:32.882
Ayos.

10:33.549 --> 10:36.218
Wag kang magsinungaling,
wag kang magsalita, tumahimik ka.

10:36.302 --> 10:40.348
Uminom ka lang sa labas.
Iyon lang 'yong kailangan ko sa 'yo.

10:43.184 --> 10:48.439
Nakunan po ang mga litratong ito 40 minuto
bago namatay si Vicente González.

10:52.026 --> 10:52.943
Ilapit mo pa.

11:00.159 --> 11:04.038
Ano'ng gusto mong malaman?
Kung nami-miss ka sa opisina? Oo.

11:05.456 --> 11:07.583
Kalma, magkikita pa rin tayo.

11:07.666 --> 11:09.627
Ano ba, Miguel?

11:09.710 --> 11:11.712
Wag ka nang malungkot, pare.

11:11.796 --> 11:14.924
Kaya mong mabuhay nang maayos
kahit di ka nakadikit sa mga Ferrer.

11:18.552 --> 11:20.596
-Ngayong araw 'yong event ni Angela, 'no?
-Oo.

11:21.222 --> 11:23.015
Kaya kailangan ko nang umalis.

11:27.269 --> 11:28.604
Masarap 'yong almusal.

11:29.105 --> 11:30.564
Wag ka nang malungkot.

11:30.648 --> 11:31.482
Kalma.

11:32.233 --> 11:33.943
-Sige, salamat.
-Sige.

11:35.152 --> 11:35.986
Miss,

11:36.821 --> 11:38.614
pahingi pa ng isang kape.

11:39.824 --> 11:40.699
Salamat.

11:49.959 --> 11:52.336
Bakit mo ako tinatawagan
sa araw ng appointment mo?

11:52.420 --> 11:56.132
Sasamahan ako ng mga bata
at gusto ni Eva na imbitahin kita.

11:56.966 --> 11:57.800
Salamat.

11:58.592 --> 12:00.261
Seryoso, di ko inasahan 'to.

12:00.344 --> 12:02.555
Miguel, kasama mo ba si Luigi?

12:02.638 --> 12:04.682
Hindi, kaaalis lang niya. Bakit?

12:04.765 --> 12:06.851
May kailangan kang malaman.

12:08.686 --> 12:11.230
Iiwan ko na kayo sa bagong CEO

12:11.313 --> 12:13.065
ng Ferrer Barragan Group,

12:13.858 --> 12:14.859
si Angela Ferrer.

12:23.492 --> 12:24.994
Congratulations.

12:31.417 --> 12:32.710
Mahal na mahal kita.

12:36.172 --> 12:39.258
Salamat. Salamat sa pagtitiwala, Papa.

12:39.341 --> 12:43.762
Alam mong ikaw 'yong pinakahinahangaan ko
sa mundong ito.

12:44.597 --> 12:49.560
Pero gusto ko ring magpasalamat
sa mga anak kong sina Eva at Lucas.

12:49.643 --> 12:53.397
Buong buhay nila,
naintindihan nila na ang isang babae,

12:53.481 --> 12:57.902
parehong may oras para maging mabuting ina
at mahusay na professional.

12:57.985 --> 12:59.653
Para sa inyo 'to.

12:59.737 --> 13:00.696
Mahal ko kayo.

13:01.197 --> 13:03.949
Sa buong komunidad ng kompanya,

13:04.033 --> 13:05.951
sa lahat ng board member…

13:12.041 --> 13:14.752
gusto kong sabihin sa inyo…

13:19.715 --> 13:22.343
Gusto kong masabi sa inyo ngayon…

13:26.805 --> 13:28.474
naniniwala ako

13:32.895 --> 13:35.773
na 'yong ginagawa natin hanggang ngayon,

13:35.856 --> 13:39.819
di lang magpapatuloy, kundi mas gaganda.

13:41.111 --> 13:42.404
Maraming salamat.

13:58.796 --> 14:01.549
Bakit di mo sinabing pupunta ka?

14:04.468 --> 14:07.179
Bigla lang din akong inimbita.

14:07.263 --> 14:08.222
Bigla?

14:09.598 --> 14:11.392
-Waiter.
-Pa, inimbita mo siya?

14:11.475 --> 14:12.726
Sabihin mo sa akin.

14:12.810 --> 14:13.811
Hindi.

14:13.894 --> 14:17.356
Siyempre, hindi.
Ikaw 'yong nag-imbita doon sa pulpol.

14:18.107 --> 14:20.109
Sorry, nag-usap yata silang magkita rito.

14:20.985 --> 14:23.445
At tingin ko, gago talaga siya

14:23.529 --> 14:26.031
para gawin ito sa ganitong araw.

14:26.115 --> 14:26.949
Sorry.

14:37.167 --> 14:38.252
Inti!

14:38.794 --> 14:39.962
Nakakagulat naman 'to.

14:46.719 --> 14:49.263
Nalilibugan pa rin ako sa nangyari kagabi.

14:50.306 --> 14:51.724
Ang sarap, di ba?

14:51.807 --> 14:52.641
Tumigil ka.

14:55.811 --> 14:57.896
Cris, mahal.

14:59.064 --> 15:01.483
Buti, nandito ka.
Di ka umabot sa speech ni Angela.

15:01.567 --> 15:02.401
Hello.

15:04.236 --> 15:05.279
Linawin natin,

15:05.362 --> 15:08.365
walang maglalaro
kung di tayong tatlo 'yong kasali.

15:11.869 --> 15:12.745
Salamat.

15:15.456 --> 15:16.582
Adrian, may usapan tayo.

15:16.665 --> 15:20.085
Oo, pero di ko alam
kung bakit nandito si Inti. Seryoso.

15:20.669 --> 15:24.048
-Akala ko, nasa restaurant siya.
-Di ko na alam kung ano'ng gagawin ko.

15:24.798 --> 15:27.092
-Di ka tumutupad sa usapan natin.
-Di ko kasalanan.

15:27.176 --> 15:28.093
Pwede bang sumingit?

15:34.892 --> 15:35.726
Para sa…

15:36.852 --> 15:38.312
pagkakaibigan natin.

15:42.650 --> 15:46.654
Bago tayo magtagay, bakit di mo sabihin
kung bakit ka nagsinungaling?

15:47.237 --> 15:49.281
Di mo kasama 'yong mama mo kagabi.

15:50.741 --> 15:53.327
Di ko nakita
na dinala niya 'yong mama niya sa ospital.

15:53.410 --> 15:54.453
Ganoon.

15:55.245 --> 15:56.163
'Yong lugar

15:57.247 --> 15:58.624
kung saan mo ako sinundan,

15:58.707 --> 16:01.085
'yong pabrika kung saan siya nagtatrabaho.

16:02.544 --> 16:04.713
Nasa ospital siya. Tumawag ka ro'n.

16:04.797 --> 16:06.924
-Eto 'yong number.
-Pagpasensiyahan mo na siya.

16:07.007 --> 16:08.801
-Di, tawagan mo.
-Nagbibiro lang siya.

16:08.884 --> 16:11.178
-Pero di siya naniniwala, o.
-Sabihin mo sa kanya.

16:13.013 --> 16:14.723
Pare, mabuting nakarating ka.

16:15.307 --> 16:17.267
Ikaw 'yong nag-post
ng video ni Camila, 'no?

16:17.768 --> 16:19.520
-Hoy, Miguel.
-Wag.

16:19.603 --> 16:20.604
Eva, halika rito.

16:20.688 --> 16:22.815
-Uy, kalma.
-Eva, halika rito.

16:22.898 --> 16:25.109
-Halika!
-Kalma.

16:25.192 --> 16:26.777
Kalma lang.

16:26.860 --> 16:28.696
Oo na, bitawan mo ako!

16:33.409 --> 16:35.202
Miguel Antonio Estevez Barros?

16:35.995 --> 16:39.039
Inaaresto ka namin
sa salang pagnanakaw ng pagkakakilanlan.

16:39.123 --> 16:39.957
Para saan?

16:41.417 --> 16:44.753
-Sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan? Sir…
-May karapatan kang manahimik.

16:44.837 --> 16:45.879
Halika na.

16:45.963 --> 16:47.715
-Miguel.
-Wag.

16:47.798 --> 16:48.632
Kalma.

16:48.716 --> 16:50.092
-Wag mo akong hawakan!
-Halika.

16:52.011 --> 16:53.721
Isang magandang sorpresa 'to, Angela.

16:54.513 --> 16:57.016
Kumusta? Kumusta 'yong pamilya mo?

17:02.730 --> 17:05.149
May fake profile 'yong mister ko.

17:05.232 --> 17:07.776
Nagpapanggap siyang ikaw para mangaliwa.

17:42.811 --> 17:43.645
Camila.

17:45.606 --> 17:49.068
-Gusto kong makilala mo si Inti.
-Oo, nagkakilala na kami.

17:51.195 --> 17:54.490
Naging waiter mo ako
sa opening ng A Thousand Pleasures.

17:55.324 --> 17:56.325
Walang anuman.

17:57.743 --> 18:00.245
Tina, kailangan ko nang umuwi sa Vegas.

18:00.329 --> 18:02.790
Pedro, kanina ka pa namin hinihintay.

18:12.382 --> 18:13.592
Ang mga executor ko.

18:14.927 --> 18:18.931
Kayo 'yong magsasalba sa legacy ko.
O sa konting natitira roon.

18:19.014 --> 18:23.602
Sa inyo nakasalalay
kung mamumuhay ako nang payapa

18:23.685 --> 18:25.270
sa mga nalalabing araw ng buhay ko.

18:26.563 --> 18:29.733
May brain tumor ako

18:29.817 --> 18:33.070
at tatlong buwan na lang
'yong natitira sa akin.

18:35.405 --> 18:38.534
Naiintindihan n'yo na ba
kung bakit kailangang bilisan 'to?

18:39.243 --> 18:42.371
Una, di pwedeng magpakasal 'yong anak ko
kay Cristobal Balboa.

18:42.454 --> 18:44.081
-Hindi po.
-Bakit hindi?

18:44.957 --> 18:45.958
Ano'ng kasalanan niya?

18:48.210 --> 18:49.253
Nabuhay siya.

18:49.336 --> 18:51.338
Wag kalimutan 'yong mga patakaran.

18:51.421 --> 18:52.589
Bawal magtanong.

18:53.298 --> 18:54.299
Wag kayong mag-alala.

18:54.383 --> 18:57.094
Hangga't nabubuhay ako,
walang magpapakasal.

18:59.847 --> 19:00.681
At ikaw…

19:03.559 --> 19:05.644
Di mo ako pwedeng biguin. Okay?

19:06.228 --> 19:08.730
Napaibig mo si Miguel. Ang galing mo ro'n.

19:09.231 --> 19:12.192
Ngayon, kailangan na niyang lumayo
sa mga apo ko.

19:12.276 --> 19:15.404
Kumbinsihin mo siyang pirmahan
'yong divorce papers at maglaho na.

19:19.658 --> 19:21.159
Bibigyan ko kayo ng isang linggo.

19:22.286 --> 19:24.788
Pag nagawa n'yo,
di ko lang kayo susuwelduhan.

19:24.872 --> 19:29.960
Sinisigurado ko,
wala na kayong hihilingin pa habambuhay.

19:32.171 --> 19:33.463
Paano kung hindi?

19:36.717 --> 19:39.136
Naging mabuti akong asawa
hanggang ipinanganak si Eva.

19:40.178 --> 19:41.221
Tapat.

19:42.890 --> 19:45.726
Sa Vegas lang ako nagsimulang matukso.

19:46.602 --> 19:48.061
Sa Vegas, sa unang pagkakataon,

19:48.145 --> 19:50.981
nagpanggap akong si Fernando Castell
at nagtaksil kay Angela.

20:04.828 --> 20:06.872
Dahil kinasuklaman ko 'yong buhay ko.

20:06.955 --> 20:10.167
Kinasuklaman kong gumising bawat umaga
at maging ako.

20:11.084 --> 20:13.045
Kahit anong sakripisyo ko…

20:16.381 --> 20:20.093
Di sapat 'yon
para mapasaya ang biyenan ko o si Angela.

20:20.969 --> 20:22.846
'Yong fake profile sa Tinder…

20:24.389 --> 20:26.683
Pagtakas ko 'yon, pantasya ko.

20:32.105 --> 20:33.398
Cristobal!

20:34.650 --> 20:36.026
Cristobal!

20:41.782 --> 20:43.825
Nag-alala ako sa 'yo, Adrian.

20:43.909 --> 20:46.286
Ay, pasensiya na.

20:47.955 --> 20:50.791
Nakipag-inuman kami sa mga tao ko

20:50.874 --> 20:52.876
at di namin namalayan 'yong oras.

20:52.960 --> 20:57.047
Inihatid ko lang 'tong blond package
para makauwi nang ligtas.

20:57.130 --> 20:59.299
-Aalis na ako.
-Wag, teka.

20:59.383 --> 21:01.677
-Dito ka lang.
-Hindi, ayos lang.

21:01.760 --> 21:03.262
-Di, dito ka lang.
-Aalis na ako.

21:03.345 --> 21:06.556
Uy, makinig ka. Boss mo ako.

21:06.640 --> 21:09.226
At inuutusan kita.

21:09.309 --> 21:10.310
Kuha mo?

21:10.978 --> 21:12.813
Adrian, kumalma ka, pwede?

21:12.896 --> 21:16.149
Wala kayong kailangang gawin
kung ayaw n'yo. Ayos lang.

21:16.942 --> 21:17.776
Hindi.

21:18.777 --> 21:20.445
Siyempre, gusto namin.

21:22.447 --> 21:24.116
Bakit hindi?

21:24.199 --> 21:25.617
Tingnan mo'ng sarili mo.

21:31.999 --> 21:33.208
Ano'ng akala mo?

21:35.502 --> 21:37.504
Na ikaw lang

21:39.965 --> 21:42.676
'yong pwedeng mag-threesome
nang walang pasabi?

21:47.556 --> 21:48.390
Hindi.

23:14.893 --> 23:16.478
Adrian, mahal ko.

23:18.939 --> 23:20.524
Magandang umaga, pogi.

23:22.609 --> 23:23.985
May maiinom ba diyan?

23:24.569 --> 23:25.862
Nauuhaw ako.

23:25.946 --> 23:27.239
'Yong may yelo, ha?

23:29.324 --> 23:30.867
Isipin mo 'yong mangyayari

23:30.951 --> 23:34.329
kung makukulong lahat
ng gumagamit ng litrato ng ibang tao

23:34.413 --> 23:36.039
sa mga social network nila.

23:36.706 --> 23:39.167
Ano? Makakaalis na ako?

23:39.251 --> 23:40.710
Kahit kailan mo gusto.

23:41.545 --> 23:43.213
Maraming salamat.

23:43.296 --> 23:45.006
-Ililibre mo ako ng tanghalian.
-Sige.

23:45.090 --> 23:46.133
Sebastian.

23:46.216 --> 23:47.467
-Kumusta?
-Ayos naman.

23:47.551 --> 23:48.593
-Ayan siya.
-Papa!

23:48.677 --> 23:50.345
Hi, anak!

23:51.221 --> 23:53.515
Sobrang na-miss kita.

23:53.598 --> 23:55.475
-Mas na-miss kita.
-Gaano?

23:55.559 --> 23:57.561
Sobra, anak. Di mo lang alam.

23:57.644 --> 23:59.604
-Anak.
-Ano'ng ginawa mo noong wala ako?

23:59.688 --> 24:01.731
Bumili ka sa vending machine.

24:01.815 --> 24:03.233
Okay, may gusto ka ba?

24:03.316 --> 24:04.943
-Wala, salamat.
-Ikaw, Mama?

24:05.026 --> 24:06.236
Wala, anak, salamat.

24:08.989 --> 24:09.865
Salamat.

24:18.123 --> 24:18.957
Ano'ng problema?

24:19.541 --> 24:20.625
"Ano'ng problema?"

24:21.543 --> 24:24.171
Di ito nararapat sa 'yo, Miguel.

24:24.921 --> 24:28.592
Ang lakas ng loob mong imbitahan
ang babaeng 'yon sa appointment ko?

24:28.675 --> 24:30.093
Di ko siya inimbita.

24:30.177 --> 24:31.178
Papa mo 'yon.

24:33.305 --> 24:34.139
Ano ka ba?

24:35.599 --> 24:37.267
Nasa cloud na lahat.

24:43.064 --> 24:44.065
Adrian.

24:45.358 --> 24:47.235
May ipapakita ako sa 'yo.

24:56.495 --> 24:57.370
Mahal.

24:58.705 --> 25:00.457
Bakit wala ka sa restaurant?

25:02.334 --> 25:04.753
Gusto kong magpahinga ngayong hapon.

25:05.545 --> 25:07.214
Okay ka lang? May problema ba?

25:09.883 --> 25:11.009
Ikaw 'yong magsabi.

25:14.095 --> 25:15.555
O magsisinungaling ka pa rin?

25:25.190 --> 25:28.193
Bakit di mo sinabi
na may OnlyFans account ka?

25:59.975 --> 26:01.184
Ano'ng problema?

26:13.572 --> 26:15.407
-Umalis ka na, Inti.
-Hindi.

26:15.490 --> 26:17.242
-Kakausapin ko 'yong papa mo.
-Wag.

26:17.325 --> 26:19.578
-Sandali lang po…
-Ay!

26:19.661 --> 26:21.037
Lintik.

26:27.877 --> 26:29.004
Inti, umalis ka na.

26:29.879 --> 26:33.508
-Mahal ko 'yong anak n'yo.
-Sabi ko, umalis ka na!

26:38.638 --> 26:42.517
Anong klaseng halimbawa
'yong gusto mong ipakita sa mga anak mo?

26:42.601 --> 26:43.601
Hindi ko alam.

26:44.227 --> 26:47.147
Gaya ng halimbawa
na pwede n'yong ipakita ni Miguel.

26:47.230 --> 26:51.318
Bawal ba akong makipag-sex sa mas bata
o magbayad para sa sex? Bakit?

26:51.401 --> 26:55.905
Saan nakasulat
na karapatan lang 'yon ng mga lalaki?

26:55.989 --> 26:59.618
-Wag kang magpaka-feminist ngayon.
-Oo, feminist talaga 'to.

26:59.701 --> 27:03.121
Dahil kung lalaki ako, tinatapik mo na ako
sa likod ngayon at binabati

27:03.204 --> 27:06.207
kasi naka-score ako sa mas bata
nang 20 taon sa akin, tama?

27:06.291 --> 27:08.752
Tatanggalin na kita bilang CEO.

27:08.835 --> 27:11.713
Sasabihin ko sa board,
may mga sariling problema kang lulutasin,

27:11.796 --> 27:13.173
kaya di mo na tatanggapin.

27:15.550 --> 27:17.927
Makinig ka, kung iniisip mo

27:18.845 --> 27:21.639
na aalis ako nang di lumalaban,

27:21.723 --> 27:22.891
di mo ako kilala.

27:22.974 --> 27:25.268
'Yong gigolo,

27:25.352 --> 27:26.895
iba-blackmail ka no'n.

27:26.978 --> 27:28.897
Hindi magtatagal.

27:28.980 --> 27:31.316
At makikita mong katangahan talaga ito.

27:31.399 --> 27:34.944
Talaga? Gaya no'ng ilang beses nang ginawa
ni Miguel sa akin.

27:35.028 --> 27:38.907
Gaya no'ng lagi mong ginagawa kay Mama
pagkatapos ipanganak si Adrian.

27:38.990 --> 27:42.035
Hanggang sa dulo,
kahit noong mamamatay na siya.

27:42.118 --> 27:44.245
Ano? Sasapakin mo rin ba ako?

27:44.329 --> 27:45.580
Sige na, gawin mo na!

27:45.664 --> 27:46.873
Lilinawin ko,

27:47.415 --> 27:48.750
nakalagay sa batas

27:48.833 --> 27:51.836
na di mo hawak 'yong board of directors.

27:51.920 --> 27:54.881
Kaya ibigay mo 'yong posisyon
na nararapat sa akin,

27:54.964 --> 27:56.508
o mawawala sa 'yo ang imperyo mo.

27:57.008 --> 27:59.844
Ngayon, nasa pamamahay kita,
kaya umalis ka na!

28:45.181 --> 28:47.308
Mama, pupunta na kami sa sleepover.

28:50.520 --> 28:52.480
Bawal 'yong horror movies, Eva.

28:53.064 --> 28:54.399
Okay ka lang ba, Mama?

28:55.442 --> 28:57.068
Bantayan mo 'yong kapatid mo.

28:57.652 --> 28:58.570
Mag-enjoy kayo.

29:00.196 --> 29:02.365
-Sigurado kang okay ka lang?
-Oo.

29:17.380 --> 29:20.800
-Bakit di ako pwedeng magmaneho?
-Masyado ka pang bata.

30:02.091 --> 30:03.009
Magandang gabi.

30:04.385 --> 30:08.097
Gusto kong malaman mong babalik na ako
sa Vegas. Nakita kitang umiiyak sa kotse.

30:08.681 --> 30:09.849
Okay ka lang?

30:10.642 --> 30:13.186
Wala nang isasaya pa.

30:14.437 --> 30:19.692
Congratulations sa pag-uwi sa Vegas.
At wag ka nang magbait-baitan. Nakakainis.

30:22.028 --> 30:26.449
-May hindi ako sinabi sa 'yo.
-Hoy, lumayas ka sa bahay ko!

30:26.533 --> 30:29.244
Seryoso ako, kailangan mong malaman ito.

30:29.327 --> 30:31.120
Ayaw kong makinig sa 'yo.

30:31.621 --> 30:32.622
Importante 'to.

30:32.705 --> 30:35.792
Basta, gusto kong sa akin mo marinig.

30:39.212 --> 30:41.464
Binayaran ako ng papa mo
para paghiwalayin kayo.

30:41.548 --> 30:43.216
Uy.

30:43.299 --> 30:45.134
Kaya nasa Cartagena ako.

30:45.218 --> 30:46.803
Naku.

30:46.886 --> 30:49.305
Ngayon, binayaran ka pala ng papa ko.

30:49.389 --> 30:52.892
-Baliw ka na. Nag-aalala ako sa 'yo.
-Makinig ka, 'tang ina.

30:52.976 --> 30:57.730
Pumunta si Tina sa Vegas. Inalok niya ako
ng pera para paghiwalayin kayo.

30:57.814 --> 31:01.401
At sabi niya, may ibang buhay si Miguel.
Kaya ako nandito.

31:02.360 --> 31:03.653
Di ka ba napapagod?

31:03.736 --> 31:06.406
Di pa ba sapat
na sinira mo kami ng asawa ko?

31:06.489 --> 31:09.075
Na dinurog mo 'yong mga puso
ng dalawang bata?

31:09.158 --> 31:11.327
Ano'ng gusto mo? Ano pa ba?

31:11.411 --> 31:13.997
Bakit? Ano ba'ng kasalanan namin sa ’yo?

31:29.929 --> 31:31.222
Mamamatay na 'yong papa mo.

31:34.309 --> 31:35.810
Pagod na ako, Angela.

31:37.228 --> 31:38.938
Hindi ko na kaya ito.

31:40.940 --> 31:43.401
Pero ang papa mo ang maypakana ng lahat

31:43.484 --> 31:46.404
para sirain 'yong pagsasama n'yo
at ng kay Adrian.

31:53.453 --> 31:54.704
May brain tumor siya.

31:57.874 --> 31:59.876
May tatlong buwan na lang siya
para mabuhay.

32:02.503 --> 32:03.963
-Tumigil ka!
-Wag!

32:22.774 --> 32:24.108
Tama na!

32:36.621 --> 32:37.497
Angela.

32:41.709 --> 32:42.543
Angela?

32:45.964 --> 32:46.798
Angela!

32:48.508 --> 32:49.342
Ano'ng nangyari?

32:51.260 --> 32:56.057
Ano'ng nangyari?
Ano'ng ginawa nila sa 'yo?

32:56.140 --> 32:58.184
Ano'ng nangyari? Sabihin mo!

32:58.267 --> 33:00.186
-Kausapin mo ako.
-Patawarin mo ako.

33:00.269 --> 33:01.562
Napatay ko siya!

33:01.646 --> 33:05.858
-Ano'ng ibig mong sabihin?
-Patay na siya, napatay ko siya.

33:05.942 --> 33:07.026
Napatay ko siya!

33:08.277 --> 33:09.195
Saan?

34:17.680 --> 34:20.183
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

34:20.266 --> 34:22.268
Kathang-isip lahat ng pangyayari at tauhan

34:22.351 --> 34:24.812
at di naglalarawan
ng anumang pangyayari o tao.
ay ko siya.
