WEBVTT

00:15.306 --> 00:18.977
MAGRITTE THOMSON SCHOOL

00:22.981 --> 00:23.898
Bye, Pa.

00:24.983 --> 00:25.900
Bye, Ma.

00:25.984 --> 00:27.694
-Bye, anak.
-Magpakabait kayo.

00:27.777 --> 00:28.611
Opo.

00:29.320 --> 00:30.655
Lucas, halika rito.

00:32.282 --> 00:35.702
Wag mong sabihin
sa iba 'yong nangyari kaninang umaga, ha?

00:35.785 --> 00:38.455
'Yong phone ko, kailan ko makukuha?

00:38.538 --> 00:41.124
Pag malaki ka na at maruno nang rumespeto.

01:07.692 --> 01:10.028
Di mo ba nakikitang importante ito?

01:10.779 --> 01:13.323
Kung ganoon,
bakit ngayon ka lang nagsalita?

01:13.990 --> 01:15.742
Gago ka, Miguel.

01:15.825 --> 01:18.870
-Ginawa mo ulit sa akin.
-Pasensiya na.

01:18.953 --> 01:22.373
Tingin ko, may sakit ka lang.

01:22.457 --> 01:26.795
Hindi sa di mo kami mahal ng mga anak mo.

01:28.004 --> 01:30.548
Masyado ka lang nalulong.

01:30.632 --> 01:32.467
Kung di mo aayusin 'yan,

01:32.550 --> 01:35.678
mahihirapan ka talagang magkaroon
ng normal na buhay.

01:36.513 --> 01:40.975
O gusto mong ipaalala ko 'yong nangyari
pagkatapos no'ng kay Ximena Santos?

01:42.936 --> 01:45.730
Angela, promise,
sasabihin ko lahat ng nangyari.

01:46.439 --> 01:49.901
Sigurado akong maiintindihan mo
dahil matalino kang babae…

01:49.984 --> 01:52.821
Oo, dapat patawarin ka
ng matalinong babaeng 'to.

01:52.904 --> 01:54.322
-Makinig ka.
-Uulitin mo.

01:54.405 --> 01:56.908
-Makinig ka…
-Ayaw kong makinig sa 'yo!

01:56.991 --> 02:02.664
Sapat na 'yong nakita kong video
at pagdurusa ng anak ko!

02:02.747 --> 02:07.502
-Di ko kayang mawala 'yong pamilya ko.
-Di mo kayang mawala ito. Di mo kakayanin.

02:07.585 --> 02:09.504
Dahil maluho ka,

02:09.587 --> 02:12.465
mahilig ka sa mga bakasyon, kotse, party.

02:12.549 --> 02:15.635
-Aminin mo. Pinakasalan mo ako dahil doon.
-Hindi.

02:15.718 --> 02:17.512
-Gusto mo ito.
-Di 'yan totoo.

02:17.595 --> 02:18.429
Alam mo?

02:19.430 --> 02:21.307
Itigil na natin ang kalokohang ito.

02:22.559 --> 02:24.644
Mag-divorce na tayo, Miguel.

02:30.817 --> 02:33.653
FAKE PROFILE

02:36.906 --> 02:41.161
Kung sa restaurant tayo magpapakasal,
makakaipon tayo para sa honeymoon.

02:41.244 --> 02:45.290
-Sagot ng papa ko 'yong honeymoon natin.
-Alam ko, baby.

02:45.373 --> 02:49.210
Pero pwede nating habaan ang pagta-travel,
ilang buwan sa Europe.

02:50.461 --> 02:53.047
Cris, di ako makakapag-travel,
lalong di ganoon katagal.

02:53.131 --> 02:56.426
Masyado ring mabilis.
Wala pa nga tayong wedding date.

02:57.635 --> 02:58.887
Ganito.

02:59.596 --> 03:04.309
Promise, pupunta tayo kahit saan mo gusto
pag mas marami na'ng reservation natin.

03:04.934 --> 03:05.894
Promise ko 'yan.

03:06.811 --> 03:07.729
Talaga?

03:08.396 --> 03:09.230
Sigurado ka?

03:09.814 --> 03:10.982
Oo?

03:31.711 --> 03:33.296
Cris.

03:33.379 --> 03:35.882
Tumingin ka sa akin.
Male-late na ako sa restaurant.

03:36.966 --> 03:37.800
Sorry.

03:37.884 --> 03:39.135
-Tama na.
-Baby, teka.

03:39.219 --> 03:40.845
Sorry. Kailangan ko nang umalis.

03:48.186 --> 03:54.233
INTI: GRABE 'YONG SA DAGAT KAHAPON.
ULITIN NATIN… WALANG DRAMA XOXO

03:57.237 --> 03:58.655
Di sumasagot si Ximena.

04:00.031 --> 04:02.450
Kada tawag, ibinababa niya.

04:02.533 --> 04:04.994
-Cami, wag mo na siyang tawagan.
-Pahiram ng phone mo.

04:05.078 --> 04:07.580
-Teka lang.
-Dapat sumagot siya.

04:07.664 --> 04:10.208
May impormasyon dito. Baka makatulong.

04:12.585 --> 04:14.504
Maria Ximena Santos Castañeda.

04:15.588 --> 04:19.550
May café siya. Malapit lang,
pwede natin siyang bisitahin.

04:28.518 --> 04:30.937
Hintayin mo ako sa labas.

04:31.020 --> 04:35.066
Kakausapin ko muna para makuha ko
'yong tiwala niya. Ayos lang ba?

04:35.650 --> 04:36.985
Oo, ayos lang.

04:37.068 --> 04:38.277
Wag kang mag-alala.

04:44.450 --> 04:46.369
-Magandang umaga.
-Hi, magandang umaga.

04:46.452 --> 04:47.578
Ano po 'yon?

04:47.662 --> 04:49.372
Hinahanap ko si Ximena.

04:49.455 --> 04:51.332
Handa na ba ang lahat? Ano?

04:51.416 --> 04:53.209
Ximena, may naghahanap sa 'yo.

04:53.293 --> 04:54.669
-Hello.
-Hi.

04:54.752 --> 04:55.628
Kumusta?

04:57.296 --> 05:00.133
Ako si Camila Roman. Tumatawag ako sa 'yo.

05:00.216 --> 05:02.176
Gusto lang kitang makausap.

05:02.260 --> 05:04.220
Kailangan ko 'yong tulong mo.

05:08.391 --> 05:12.103
Pedro, hihintayin ko 'yong kontrata
para maisara 'yong deal.

05:12.186 --> 05:15.606
Good luck sa Riviera Diamante sa Colombia.

05:15.690 --> 05:16.733
Sige po.

05:18.109 --> 05:19.944
Salamat, Mr. Nakamura.

05:20.028 --> 05:20.862
Sige.

05:22.363 --> 05:23.364
Okay, ngayon,

05:24.115 --> 05:26.993
congratulations. Seryoso. Napakahusay.

05:27.952 --> 05:31.414
FERRER BARRAGAN GROUP
REAL ESTATE

05:31.497 --> 05:33.499
Architects, makakaalis na kayo. Salamat.

05:33.583 --> 05:38.046
Pag-uusapan namin
'yong tungkol sa pera. Salamat.

05:39.714 --> 05:43.718
Buweno, dapat may malaking party

05:43.801 --> 05:46.346
para sa negosyo
na kasinlaki ng Riviera Diamante.

05:46.429 --> 05:47.263
Ano?

05:48.890 --> 05:52.018
-Kailan?
-Di naman kaagad, anak. Ngayong gabi.

05:55.438 --> 05:59.984
Wala yatang kopya ng presentation
'yong architects. Pwede mong padalhan?

06:00.485 --> 06:02.528
-Okay. Lahat sila?
-Oo. Salamat.

06:02.612 --> 06:04.322
Sasamahan na kita.

06:06.491 --> 06:07.408
Mauuna na kami.

06:13.623 --> 06:18.586
Anak. Magpapatayo tayo ng mamahaling condo
na natatangi sa Latin America,

06:18.669 --> 06:20.505
pero mukha kang malungkot.

06:20.588 --> 06:22.715
Mukha akong malungkot?
Ano'ng ibig mong sabihin?

06:26.260 --> 06:27.095
Sorry.

06:28.137 --> 06:31.057
Di ko alam 'yong kuwento n'yo
ni Miguel, pero…

06:31.724 --> 06:34.602
Nakita ko ang picture na 'to
sa gym locker niya.

06:34.685 --> 06:37.522
Ibig sabihin, importante ito sa kanya.

06:39.148 --> 06:41.567
Nakalagay sa likod, "Naaalala mo ba ako?"

06:46.489 --> 06:47.365
Ximena…

06:48.324 --> 06:53.037
mapagkakatiwalaan mo ako.
Kailangan kong malaman 'yong nangyari.

06:53.121 --> 06:57.208
Di ako masaya sa asawa ko
o sa sarili ko noon.

07:00.419 --> 07:04.298
Kaya nagsimula akong makipag-date
sa ibang lalaki.

07:06.426 --> 07:08.094
Doon ko nakilala si Miguel.

07:08.177 --> 07:10.012
Gaano kayo katagal?

07:10.096 --> 07:12.682
Sapat na para makilala siya

07:12.765 --> 07:14.934
at malaman 'yong tipo niyang babae.

07:17.687 --> 07:19.730
Muntik nang mawala sa akin ang lahat.

07:20.481 --> 07:21.315
IPASA MO
XIMENA

07:26.863 --> 07:27.697
Miguel?

07:28.865 --> 07:29.740
Hi, Ximena.

07:31.951 --> 07:34.120
May nangyari ba sa meeting ng mga may-ari?

07:34.203 --> 07:38.583
Hindi, atin-atin lang 'yong sasabihin ko.
Tungkol sa profile mo sa MeetMe.

07:38.666 --> 07:40.751
Nakuha ko 'yong litrato mo
na naka-bikini ka.

07:42.170 --> 07:44.714
Siya si The Poacher,

07:44.797 --> 07:47.675
matagal ko nang kausap.

07:47.758 --> 07:50.845
Kapitbahay pala namin siya
na ginagamit ang mga litrato ni Fernando…

07:50.928 --> 07:51.929
Castell.

07:52.763 --> 07:53.639
'Yong doktor.

07:57.643 --> 07:58.978
Oo.

07:59.896 --> 08:01.564
Pero wala akong pakialam doon.

08:01.647 --> 08:04.609
Lahat naman,
peke 'yong profile sa gano'ng apps.

08:05.151 --> 08:06.068
Di 'yong akin.

08:17.496 --> 08:19.498
Ilang beses mo na itong ginawa?

08:19.582 --> 08:21.167
Alin? Makipag-sex?

08:23.085 --> 08:25.254
Ilang beses na, oo.

08:25.338 --> 08:26.339
Bakit?

08:26.422 --> 08:31.135
Hindi, gumamit ng app
para lokohin 'yong misis mo.

08:31.761 --> 08:33.512
A. Di marami.

08:33.596 --> 08:36.891
-Hindi?
-Di pa sa babaeng kasin-sexy mo.

08:42.647 --> 08:44.482
Noong una, pareho kaming nakonsensiya…

08:45.274 --> 08:47.610
dahil sa misis niya at sa mister ko.

08:48.861 --> 08:50.905
'Yon 'yong nakakaadik sa masarap na sex.

08:51.572 --> 08:53.366
Mas mabilis nabubura ang konsensiya mo.

08:53.449 --> 08:55.284
Lagi mong hinahanap-hanap, e.

08:55.785 --> 08:58.329
Dito 'to, Julieta. Okay? Dito.

08:58.412 --> 09:00.456
Sa umpisa, masakit magsinungaling.

09:01.374 --> 09:04.919
Pero pag nasanay ka na,
wala ka nang pagsisisi.

09:06.003 --> 09:07.964
'Yong kaibahan sa kuwento mo,

09:08.047 --> 09:11.008
alam mong may pamilya si Miguel.

09:11.759 --> 09:12.885
Hindi pa ako tapos.

09:15.721 --> 09:17.848
Wag na tayong magkita.

09:19.392 --> 09:22.103
Wag na nating gawin ito
sa mga pamilya natin.

09:26.774 --> 09:28.025
Iiwan ko siya.

09:42.164 --> 09:44.125
Makikipag-divorce ako kay Angela.

09:48.296 --> 09:49.130
Talaga?

09:55.052 --> 09:57.763
Nagkakilala kami pagdating namin
sa Riviera Esmeralda.

09:59.724 --> 10:02.643
Nakuha niya 'yong interes ko.

10:04.478 --> 10:07.315
Iba siya sa ibang mister sa condo.

10:07.982 --> 10:09.775
Bakit iba siya?

10:10.526 --> 10:11.819
Dahil di siya mayaman

10:12.403 --> 10:15.615
o galing sa mayamang pamilya
o may kilalang apelyido.

10:16.365 --> 10:17.700
Di ko alam kung bakit,

10:18.951 --> 10:20.661
pero nakuha niya ang tiwala ko ro'n.

10:22.705 --> 10:23.664
Ano'ng gusto mo?

10:24.332 --> 10:25.416
Sorry.

10:26.334 --> 10:27.418
Sino siya?

10:27.501 --> 10:28.502
Naniwala ako sa kanya.

10:29.837 --> 10:33.257
Kaya iniwan ko 'yong asawa't anak ko.

10:43.434 --> 10:45.186
Hinintay ko siya buong araw.

10:46.937 --> 10:48.147
At buong gabi.

10:50.232 --> 10:52.360
Pero di bumukas ang pintong 'yon.

10:55.696 --> 10:57.073
Di nagpakita si Miguel.

10:58.949 --> 11:00.618
Pasensiya na talaga, Ximena.

11:01.494 --> 11:03.245
Noong paalis na ako sa bahay,

11:04.497 --> 11:06.040
nandoon 'yong mga anak ko.

11:06.123 --> 11:08.084
Kaya di ko nagawa.

11:08.834 --> 11:10.378
Di ko nagawang umalis.

11:11.629 --> 11:12.546
Sorry.

11:13.756 --> 11:15.800
-Naduwag ka.
-Di ko kaya, Ximena.

11:15.883 --> 11:17.927
Ganoon kasimple. Hindi ko kaya.

11:19.261 --> 11:21.263
Oo, alam kong duwag ako.

11:22.264 --> 11:23.974
Pero higit sa lahat, ama ako.

11:24.934 --> 11:25.851
Sorry.

11:27.561 --> 11:28.396
At ikaw?

11:29.980 --> 11:31.440
Ano'ng ginawa niya sa 'yo?

11:37.780 --> 11:38.656
Kuwan…

11:39.448 --> 11:40.491
iba 'yon.

11:42.451 --> 11:46.831
Gumawa siya ng fake profile
at nagpanggap siyang si Fernando Castell.

11:48.374 --> 11:50.334
Ilang buwang naging kami

11:51.460 --> 11:53.546
hanggang sa nalaman ko
na niloloko niya ako.

11:53.629 --> 11:58.426
Pinaniwala niya rin ako
na espesyal 'yong meron kami.

11:58.509 --> 11:59.844
Chemistry sa kama.

12:02.680 --> 12:04.098
Ano'ng sabi niya sa 'yo?

12:04.181 --> 12:07.601
Na di niya naramdaman 'yon kahit kanino?

12:08.477 --> 12:12.481
'Yong nagtutulak sa kanya,
di sex o pagmamahal sa mga anak niya…

12:12.565 --> 12:13.733
o sa misis niya.

12:15.526 --> 12:18.696
'Yong nagtutulak sa kanya,
pera ni Pedro Ferrer.

12:19.321 --> 12:20.990
At di niya 'yon isusuko.

12:22.032 --> 12:24.201
Di para sa kahit sino o ano.

12:27.329 --> 12:30.624
Naisip ko lang,
ilang taon na akong nagtatrabaho rito,

12:30.708 --> 12:33.919
pero di pa ako inimbita ni Pedro sa party.

12:34.962 --> 12:37.381
Ayaw ng papa kong makihalubilo,

12:37.465 --> 12:39.759
at mas ayaw niyang maging host.

12:39.842 --> 12:42.178
Kaya di ko 'to maintindihan.

12:43.721 --> 12:47.558
Baka totoo naman. Gusto niyang ipagdiwang
'yong deal kay Nakamura.

12:48.851 --> 12:51.520
Total, magi-invest siya ng isang bilyon.

12:51.604 --> 12:53.439
Miguel, tumahimik ka nga!

12:53.522 --> 12:56.025
Uy, nakausap n'yo na ba si Lucas?

12:56.108 --> 12:59.737
Alam n'yo na ba ang tungkol sa kapitbahay?
Tanong nang tanong si Sofia.

12:59.820 --> 13:02.323
Ano ba, Luigi? Nakita niya online.

13:02.406 --> 13:05.576
Dancer o stripper ang pinag-uusapan natin.

13:05.659 --> 13:08.662
Ilan kaya 'yong videos niya online?

13:09.455 --> 13:10.706
Napapaisip talaga ako

13:10.790 --> 13:14.668
kung paano tayo nasangkot
sa ganoong babae.

13:14.752 --> 13:16.879
Isa na namang misteryong di malutas.

13:24.678 --> 13:25.513
Miguel…

13:26.931 --> 13:29.934
di ako nakatulog kagabi
kakaisip sa sinabi ni Pedro.

13:30.017 --> 13:33.479
Di ko sasabihin kay Sofia
na stripper 'yong kapitbahay.

13:34.897 --> 13:38.067
Sabihin mo sa private detective
na di na tuloy 'yong deal.

13:39.276 --> 13:41.070
Di na niya kailangang sundan si Camila.

13:45.950 --> 13:46.825
Bakit hindi?

13:49.203 --> 13:50.955
Alam na ni Angela ang lahat.

13:54.959 --> 13:56.794
Alam niyang kilala ko si Camila

13:57.503 --> 13:59.713
at 'yong nangyari sa bahay niya
noong isang gabi.

14:02.591 --> 14:03.968
Gusto niyang mag-divorce.

14:05.261 --> 14:06.804
Ano'ng sinasabi mo, pare?

14:08.264 --> 14:12.142
Pag nalaman ni Pedro
lahat ng ginawa natin sa Las Vegas,

14:12.226 --> 14:13.561
palalayasin niya tayo.

14:14.520 --> 14:18.315
Di ko talaga naisip
na mangyayari ito sa akin.

14:19.191 --> 14:20.234
Kahit kailan.

14:24.446 --> 14:26.532
Pinaibig niya 'yong kapitbahay

14:26.615 --> 14:27.825
tapos umatras siya.

14:29.535 --> 14:31.787
Sinasabi ko sa 'yo, gago talaga siya.

14:31.871 --> 14:35.165
Puno ng kasinungalingan 'yong buhay niya.

14:37.167 --> 14:38.002
Cami.

14:39.086 --> 14:40.087
Ano'ng gusto mo?

14:41.088 --> 14:42.548
Ano'ng mga plano mo?

14:43.591 --> 14:45.092
Ano kaya?

14:45.175 --> 14:48.387
-Di ko alam, ano ba?
-May itinatago ka ba sa akin?

14:48.470 --> 14:51.974
O gusto mo talaga ang sinungaling na 'yon?
Kasi 'yon siya.

14:54.226 --> 14:55.185
Juanda.

14:55.269 --> 14:58.606
Gusto ko lang
na di na siya manakit ng ibang babae.

14:59.398 --> 15:00.983
Sumosobra na siya.

15:07.239 --> 15:08.449
Cami.

15:08.532 --> 15:09.450
Dito ka lang.

15:09.533 --> 15:11.118
-Wag kang gagalaw.
-Bakit?

15:11.201 --> 15:13.412
-Ayos ka lang?
-Sundin mo lang ako.

15:14.079 --> 15:15.998
Hoy! Ano'ng ginagawa mo?

15:17.166 --> 15:19.752
Akala mo, paparazzi ka?
Namumukhaan mo ako?

15:19.835 --> 15:21.837
Bakit mo kami kinukunan?

15:22.880 --> 15:27.343
Kayo? Di ko kayo kinukunan.
Nagse-selfie ako. Gusto mong makita?

15:35.434 --> 15:39.313
Ang ganda ng show.
Isa sa pinakamagandang nakita ko sa Vegas.

15:39.396 --> 15:41.690
Ngayon ka lang ba nakapunta sa bar?

15:41.774 --> 15:44.652
Oo, ang layo ng ibiniyahe ko
para lang makita ka.

15:44.735 --> 15:45.819
Sabi nga sa akin.

15:46.487 --> 15:47.321
Salamat.

15:57.247 --> 15:59.708
Nakakuha ako ng interview
sa spa bukas para kay Inti.

16:00.292 --> 16:01.210
Ayos!

16:01.919 --> 16:02.836
Mabuti naman.

16:08.509 --> 16:11.220
Ikukuwento mo ba 'yong nangyari
noong nag-diving kayo?

16:12.596 --> 16:14.264
O magi-imagine na lang ako?

16:17.476 --> 16:18.978
Sinabi ko na sa 'yo.

16:27.236 --> 16:29.905
Bakit ayaw ni Inti na gumawa ka ng drama?

16:35.536 --> 16:36.996
Di ko binuksan 'yong phone mo.

16:37.663 --> 16:39.623
Nagkataon lang na nakita ko 'yong message.

16:39.707 --> 16:41.583
Alam mo 'yong nangyari, Cris?

16:43.127 --> 16:43.961
Wala.

16:53.012 --> 16:56.724
Sobrang kalat ng ibang tao.
Parang kulungan ng baboy 'yong kuwarto!

16:56.807 --> 16:58.016
Halika rito, Indira.

16:58.100 --> 17:00.394
-Hi. Kumusta?
-Ayos lang. Kayo?

17:00.477 --> 17:03.272
Kung may kailangan ka,
sabihan mo lang kami.

17:03.355 --> 17:04.648
-Salamat.
-Sige.

17:05.232 --> 17:06.066
Halika na.

17:21.707 --> 17:24.626
Salamat sa lahat
ng ginawa mo para sa akin, David.

17:26.962 --> 17:28.380
Okay lang.

17:29.715 --> 17:34.428
Wag kang mag-alala,
kahit na baliw ka, di kita iiwan.

17:35.971 --> 17:37.639
-Tingin mo, baliw ako?
-Oo.

17:45.147 --> 17:45.981
Sorry.

17:52.112 --> 17:53.822
-Hello?
-Camila.

17:53.906 --> 17:55.199
Si Pedro Ferrer 'to.

17:55.282 --> 17:56.450
Pedro.

17:56.533 --> 17:57.868
Buti, napatawag ka.

17:57.951 --> 17:59.870
Naku. Gusto ko talagang tumawag.

17:59.953 --> 18:02.081
Iimbitahan sana kita sa isang event.

18:02.164 --> 18:04.750
Di ka pwedeng tumanggi.

18:05.751 --> 18:06.960
Di ako pupunta.

18:07.044 --> 18:11.632
Wag kang magkunwaring biktima.
Ikaw 'yong head ng Riviera Diamante team.

18:12.382 --> 18:13.509
Wala akong pakialam.

18:14.092 --> 18:15.844
Seryoso ako. Di ako pupunta.

18:16.762 --> 18:19.139
Alam mo? Maganda 'yong mood ng papa ko.

18:19.223 --> 18:22.351
Di ko sasabihin ang tungkol sa divorce
para di magulo ang celebration.

18:22.434 --> 18:25.813
Di ko sasabihin sa kanya ngayong araw.
Bukas na lang.

18:26.772 --> 18:29.399
Angela, naisip mo na ba sina Lucas at Eva?

18:30.901 --> 18:33.695
-Ano'ng sasabihin natin sa kanila?
-'Yong totoo.

18:34.530 --> 18:35.364
Oo.

18:35.864 --> 18:37.324
Kahit masakit.

18:37.825 --> 18:40.744
Sasabihin ko sa kanila
na di ka naging tapat,

18:40.828 --> 18:42.996
di na kayang magtagal ng pagsasamang ito,

18:43.080 --> 18:48.502
at sa loob ng halos 15 taon,
ginamit mo lang ako at 'yong pamilya ko.

18:48.585 --> 18:50.796
Angela, iniinsulto mo na ako.

18:52.172 --> 18:53.132
Mabuti naman.

18:54.133 --> 18:57.511
Kasi 'yon talaga 'yong gusto ko.

18:57.594 --> 18:59.972
Gusto kitang saktan, Miguel,

19:00.055 --> 19:03.684
para di mo makalimutan
na kasalanan mo ang lahat ng ito.

19:03.767 --> 19:06.311
Ikaw lang 'yong sumira sa pamilyang ito!

19:06.395 --> 19:08.856
Hindi! May kasalanan ka rin!

19:08.939 --> 19:11.024
Dahil sinubukan ko, Angela.

19:11.108 --> 19:14.486
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko
para maging mabuting ama at asawa.

19:14.570 --> 19:15.404
Talaga?

19:17.322 --> 19:19.241
Landian lang 'yon, Angela.

19:20.951 --> 19:26.415
Ilang gabi na ba ang landiang 'yon?
Kasi nangyayari pa rin.

19:26.498 --> 19:27.499
Hindi pa tapos.

19:31.169 --> 19:33.714
Miguel, simpleng tanong lang.

19:33.797 --> 19:36.800
Ilang gabi mo nang tinitira ang stripper?

19:40.512 --> 19:42.598
Kita mo? Kaya tama na'ng drama.

19:42.681 --> 19:45.225
At ngayong gabi, sa cocktail party,

19:45.309 --> 19:47.686
umasta ka rin na parang walang nangyari

19:47.769 --> 19:51.315
gaya ng ginagawa mo
pagkauwi mo galing sa isa sa mga puta mo.

19:53.734 --> 19:55.819
At maghanap ka na ng hotel,

19:55.903 --> 19:58.655
kasi mula ngayon,
di na tayo magtatabi sa pagtulog.

20:05.204 --> 20:07.206
Sorry, Angela. Ano'ng magagawa ko?

20:07.706 --> 20:09.708
Di ako makakapunta
sa cocktail party ni Papa.

20:09.791 --> 20:11.627
Busy talaga ako sa restaurant.

20:12.794 --> 20:13.629
Okay.

20:14.296 --> 20:16.673
Pag-iisipan ko, pero di ko maipapangako.

20:17.257 --> 20:18.634
-Sige.
-Sandali lang po.

20:20.093 --> 20:21.428
May gusto pa po kayo?

20:22.304 --> 20:23.680
Ayos lang ba 'yong boss natin?

20:24.765 --> 20:28.393
Walang problema.
Busy lang kasi tayo sa restaurant,

20:28.477 --> 20:31.104
at nagdesisyon 'yong papa ko
na ngayon mag-cocktail party.

20:32.064 --> 20:33.690
May maitutulong ba ako?

20:37.152 --> 20:38.445
May alam ka ba sa mga buwis?

20:39.571 --> 20:40.405
Wala.

20:42.866 --> 20:44.409
Baka akala mong tanga ako,

20:45.160 --> 20:47.412
pero ayaw kong niloloko si Cris.

20:47.496 --> 20:50.999
Pero walang nangyari.
Nasa isip mo lang lahat, Adrian.

20:52.251 --> 20:54.711
Wag mong pahirapan 'yong sarili mo.
Walang nangyari.

20:56.922 --> 20:58.423
Nabasa mo 'yong message ko?

21:03.762 --> 21:05.597
Kung pagpapahirap ito…

21:07.557 --> 21:08.767
masokista ako,

21:09.977 --> 21:12.229
kasi di ko mapigilang isipin ka, Inti.

21:13.772 --> 21:14.815
Hindi ko kaya.

21:25.075 --> 21:27.786
May shrimp cocktail pa akong ihahain.

21:28.578 --> 21:29.621
Sige po, boss.

21:35.502 --> 21:37.504
Invasion of privacy.

21:38.588 --> 21:40.382
'Yon 'yong ginawa mo, Lucas.

21:41.842 --> 21:44.511
Nanghimasok ka sa privacy
ng taong di natin kilala.

21:45.429 --> 21:46.388
Talaga?

21:47.222 --> 21:51.852
-Kilala mo siya mula ulo hanggang paa.
-Mag-ingat ka sa sinasabi mo, Lucas.

21:54.146 --> 21:58.775
Bukod sa pagpasok doon at pag-record
sa kanya, inatake mo rin siya. Di ka okay.

21:59.943 --> 22:02.029
Ano'ng nangyayari sa 'yo, anak?

22:03.905 --> 22:07.159
-Gusto mong malaman 'yong problema ko?
-Oo, siyempre.

22:15.625 --> 22:16.710
Kinamumuhian kita.

22:18.170 --> 22:19.463
'Yon 'yong problema ko.

22:19.546 --> 22:20.589
-Di.
-Kinamumuhian kita.

22:20.672 --> 22:22.549
Wag mong sabihin 'yan.

22:22.632 --> 22:23.467
Hindi.

22:24.342 --> 22:27.387
Sabi mo sa akin dati,
ako 'yong isang haligi ng tahanan.

22:27.471 --> 22:29.973
Puwes, ngayon,
ako na lang 'yong lalaki rito.

22:30.724 --> 22:35.145
Isinusumpa kong kahit ano, gagawin ko,
mapaalis ka lang sa bahay na 'to.

22:57.042 --> 22:58.043
Ano 'yon?

23:00.003 --> 23:03.882
Ipinasundo tayo ni Pedro Ferrer
sa isa sa malalaking van niya.

23:06.510 --> 23:08.887
Sige, sumakay na tayo.

23:24.403 --> 23:25.320
Camila.

23:26.655 --> 23:28.698
Tungkol sa nangyari…

23:28.782 --> 23:31.243
Wag mo sanang masamain.

23:31.326 --> 23:32.160
Halika rito.

23:32.661 --> 23:34.037
Walang nangyari.

23:34.121 --> 23:35.705
Okay tayo.

23:37.916 --> 23:38.750
Tara na.

23:50.971 --> 23:51.805
Practice lang.

23:51.888 --> 23:53.306
Itigil mo 'yan.

23:54.516 --> 23:56.393
Lima lang kada kontrata.

23:56.476 --> 23:57.811
Ito 'yong pangalawa.

24:00.897 --> 24:01.982
Tatlo na 'yon.

24:13.493 --> 24:15.454
Sa buong kasaysayan natin,

24:15.537 --> 24:18.123
ipinakita nating di lang tayo

24:18.206 --> 24:21.168
ang pinakamahusay na construction company
sa Latin America.

24:21.751 --> 24:24.171
Ang Ferrer Barragan Group,

24:24.254 --> 24:25.255
pagsasalo-salo.

24:25.922 --> 24:27.799
Enerhiya. Komunikasyon.

24:27.883 --> 24:31.303
Magandang gabi. Nandito kami
para sa event ni Pedro Ferrer.

24:31.386 --> 24:35.599
-Ano po 'yong mga pangalan n'yo?
-Camila Roman at 'yong mister ko.

24:37.267 --> 24:40.896
Kaya gusto kong palakpakan n'yo
ang mga sarili n'yo.

24:40.979 --> 24:43.023
Para sa puso at dedikasyon n'yo

24:43.106 --> 24:45.859
sa Riviera Diamante project.

24:46.526 --> 24:47.944
Maraming salamat.

24:48.028 --> 24:48.945
Cheers.

25:12.135 --> 25:16.097
Di ba dapat mga empleado lang
ng kompanya 'yong imbitado? Ano 'to?

25:18.099 --> 25:19.643
Ang bait mo.

25:19.726 --> 25:20.936
Ayos 'yong taste mo.

25:21.019 --> 25:21.895
Excuse me.

25:22.854 --> 25:24.022
Welcome.

25:24.105 --> 25:25.774
Hinintay namin kayo.

25:25.857 --> 25:29.653
-Pedro, magandang gabi.
-Di mo na dapat kami ipinasundo…

25:29.736 --> 25:32.280
Gusto ko lang makasigurong pupunta kayo.

25:33.949 --> 25:35.367
-Siyempre naman.
-Pasok.

25:36.993 --> 25:37.827
Excuse me.

25:38.495 --> 25:39.871
Buti, nakapunta kayo.

25:39.955 --> 25:41.706
-David, kumusta?
-Mabuti. Ikaw?

25:41.790 --> 25:42.999
-Kumusta ka?
-Mabuti.

25:43.083 --> 25:44.793
Magandang gabi, kapitbahay.

25:44.876 --> 25:46.962
-Kumusta ka?
-Ayos lang ako. Ikaw?

25:47.921 --> 25:49.422
-Kumusta ka?
-Mabuti.

25:49.506 --> 25:51.550
Mabuti naman. Ayos 'to.

25:52.092 --> 25:52.968
-Talaga?
-Oo.

25:53.051 --> 25:55.303
-Magiging maganda 'yong project.
-Oo.

25:59.391 --> 26:01.768
Di ko alam na may bago kayong condo.

26:01.851 --> 26:03.019
Congratulations.

26:03.103 --> 26:04.104
Salamat.

26:04.854 --> 26:08.942
At di ko alam na sikat na sikat ka pala.

26:09.025 --> 26:10.527
Hindi mo sinabi sa akin.

26:12.195 --> 26:13.029
Tama na.

26:13.989 --> 26:15.573
Wag ka nang magpanggap.

26:17.158 --> 26:19.995
Red Velvet.

26:35.260 --> 26:37.971
Bilisan n'yong kumain.
Aayusin pa natin ang mga panghimagas.

26:41.099 --> 26:42.100
Uy, pogi.

26:42.934 --> 26:46.813
Alam ko 'yong ginagawa mo, Inti.
Matuto ka sanang lumugar.

26:46.896 --> 26:48.815
Para wala tayong problema, okay?

26:48.898 --> 26:49.816
Okay.

26:51.610 --> 26:54.112
Di alam ni Adrian
na nagkakilala na tayo noon. Tama?

26:55.071 --> 26:56.781
Kaya ba ganyan mo ako kausapin?

26:57.282 --> 27:00.535
Hindi, dahil kilala kita
at alam ko 'yong mga limitasyon mo.

27:00.619 --> 27:03.330
Kaya tingin mo,
aagawin ko 'yong boyfriend mo?

27:03.413 --> 27:06.207
Fiancé ko.
Ikakasal na kami sa susunod na buwan.

27:06.708 --> 27:08.668
Congratulations pala.

27:11.338 --> 27:13.506
Wag kang mag-alala,

27:13.590 --> 27:16.051
itatago ko ang nangyari sa party na 'yon.

27:16.760 --> 27:17.636
Promise.

27:25.352 --> 27:28.188
Bunso, sorry,
pero di ako makakapunta sa party.

27:28.271 --> 27:31.441
Tingnan mo 'yong oras.
Puno 'yong restaurant. Di ako pwede.

27:31.524 --> 27:32.442
Adrian…

27:33.068 --> 27:34.736
kailangan kitang makausap.

27:34.819 --> 27:36.446
Importante ito.

27:36.529 --> 27:39.157
Wag mong sabihin
na nag-away na naman kayo ni Papa.

27:39.699 --> 27:42.744
Di ko alam kung ano'ng problema niya.
Kakaiba 'yong kilos niya.

27:42.827 --> 27:45.038
Pwede ba tayong magkita bukas sa gym?

27:45.622 --> 27:47.707
Ayaw ko nang patagalin ito.

27:47.791 --> 27:50.168
Angela, pinag-aalala mo ako.

27:50.251 --> 27:52.295
Sabihin mo na lang kung ano'ng nangyayari.

27:56.675 --> 28:00.762
Pag-usapan na lang natin bukas
sa personal.

28:01.346 --> 28:02.180
Sige.

28:03.264 --> 28:07.102
Kung importanteng usapan 'yan,
wag kang mag-alala. Maghihintay ako.

28:12.691 --> 28:13.566
Wow.

28:13.650 --> 28:14.651
Bakit?

28:14.734 --> 28:15.735
Kasi

28:16.486 --> 28:18.780
di lang ako mag-aalala

28:19.656 --> 28:21.658
kung, una, alam ko kung sino ka,

28:21.741 --> 28:23.159
bakit ka pumunta rito,

28:23.243 --> 28:24.994
at ano'ng plano mo.

28:25.078 --> 28:27.080
Pero higit sa lahat,

28:27.163 --> 28:30.583
bakit sarili mo lang 'yong iniisip mo!

28:31.084 --> 28:34.212
Kung may gusto kang sabihin
sa akin, nakikinig ako.

28:34.295 --> 28:36.339
Oo, tama.

28:36.423 --> 28:38.007
Oo, totoo 'yan.

28:38.716 --> 28:42.721
Gusto kitang batiin
mula sa kaibuturan ng puso ko

28:42.804 --> 28:45.890
dahil nakakamangha 'yong nagawa mo.

28:45.974 --> 28:48.393
Dumating ka para lang

28:49.185 --> 28:53.606
manira ng pamilya,
at nagawa mo nang walang kahirap-hirap.

28:53.690 --> 28:55.442
Kudos, nakakabilib!

28:57.068 --> 29:00.739
Wala kang idea kung bakit ako nandito.

29:06.119 --> 29:08.455
Makikipag-divorce ako kay Miguel.

29:10.248 --> 29:11.166
Kaya…

29:18.923 --> 29:22.927
Maganda 'yon kasi pwede ka nang magpatira
sa asawa ko nang di nagsisinungaling.

29:23.428 --> 29:27.182
Pero di ko lang alam
kasi 'yon 'yong gusto mo,

29:27.265 --> 29:28.516
doon ka nasasabik.

29:28.600 --> 29:30.393
Sa lasa ng mga bawal.

29:31.686 --> 29:34.105
Siguro kung gagalingan mo,

29:34.189 --> 29:36.399
sasama siya sa 'yo pabalik sa Vegas.

29:36.483 --> 29:39.611
Nakakamangha 'yon.
Ang engineer at ang stripper.

29:39.694 --> 29:41.821
Wow, fairy tale!

29:42.655 --> 29:44.282
May hihilingin ako sa 'yo.

29:44.365 --> 29:49.996
Wag mo akong bitinin, ha?
Gusto kong malaman 'yong susunod.

29:50.079 --> 29:51.664
Iba-blackmail mo ba kami?

29:51.748 --> 29:53.082
Gagatasan?

29:53.166 --> 29:54.709
'Yon ba 'yong pakay mo?

29:56.586 --> 29:58.963
Angela, pareho tayong babae.

30:00.465 --> 30:04.135
Di ako interesadong saktan ka
o kunin 'yong pera mo.

30:06.054 --> 30:08.139
Kung ganoon, umalis ka na.

30:09.224 --> 30:10.517
Umalis ka na.

30:11.142 --> 30:14.354
Di mo alam kung ano'ng pinapasok mo.

30:15.355 --> 30:16.189
Tanga.

30:22.320 --> 30:24.155
Di ako makapaniwalang stripper siya.

30:24.239 --> 30:26.574
Di ako makapaniwalang di sinabi ni Luigi.

30:26.658 --> 30:28.660
Ipinakita pa ni Papa 'yong mga litrato.

30:29.160 --> 30:31.204
Ganoon talaga sila.

30:32.789 --> 30:33.790
Tara na.

30:38.711 --> 30:40.088
Alam mo ba?

30:40.171 --> 30:41.172
Camila.

30:42.674 --> 30:44.634
Ano'ng trabaho mo?

30:45.802 --> 30:47.387
Psychologist ka, di ba?

30:47.470 --> 30:50.265
Marami ka sigurong pasyente.

30:52.809 --> 30:54.435
Hindi ako psychologist,

30:54.519 --> 30:56.271
at wala rin akong pasyente.

30:57.230 --> 30:58.731
Ano'ng ibig mong sabihin?

30:58.815 --> 30:59.899
Niloko mo kami?

31:02.277 --> 31:03.236
Stripper ako.

31:04.320 --> 31:05.405
At di lang 'yon…

31:06.447 --> 31:09.242
siya 'yong pinakamagaling.
Alam mo 'yon, di ba?

31:09.868 --> 31:11.202
-Walang duda.
-Salamat.

31:11.703 --> 31:14.455
Oo, tama 'yong narinig mo,
stripper ako sa bar.

31:14.539 --> 31:17.166
Di ibig sabihin noon na escort ako

31:17.250 --> 31:19.127
at lalong di ako pokpok.

31:19.210 --> 31:20.378
Ikaw na'ng nagsabi.

31:20.461 --> 31:23.172
'Yon ang tinutukoy mo sa mga pasyente ko.

31:24.757 --> 31:25.884
Wag kang mag-alala.

31:25.967 --> 31:29.679
Sanay na akong ganito kausapin
ng mga babaeng tulad…

31:30.179 --> 31:31.556
puwes, tulad mo.

31:31.639 --> 31:32.640
Bahala ka.

31:33.641 --> 31:35.476
Ang bait niya, 'no?

31:36.644 --> 31:39.480
Natural lang siguro 'yon
kung marami siyang nainom.

31:39.564 --> 31:40.690
Pwede nating palampasin.

31:40.773 --> 31:46.154
Walang problema. Gusto lang nilang malaman
kung paano ko nababayaran 'yong upa.

31:46.237 --> 31:49.198
-Di ba, mahal?
-Di mo kailangang manatili rito.

31:49.282 --> 31:51.326
-Wala kang dapat ipaliwanag sa kanila.
-Hindi.

31:51.409 --> 31:52.243
Alam mo 'yon.

31:52.327 --> 31:55.455
Di tayo aalis,
lalo na ngayong sikat na sikat na ako.

31:56.080 --> 32:00.835
Nakakatuwa ito,
at gusto kong pag-usapan ang trabaho ko.

32:03.838 --> 32:05.048
Don Pedro!

32:05.131 --> 32:06.883
May tequila ba kayo?

32:06.966 --> 32:10.261
Di ako natatamaan sa aguardiente mo.

32:12.013 --> 32:13.473
Pahingi naman.

32:13.556 --> 32:14.557
Sige na.

32:15.725 --> 32:18.561
Galingan natin bilang hosts.

32:18.645 --> 32:19.646
Tequila.

32:19.729 --> 32:22.065
-Di ko palalampasin 'yong pagkakataon.
-Oo, tama.

32:23.399 --> 32:24.442
Dadalhan kita.

32:24.943 --> 32:26.778
-Salamat.
-Ang bait mo naman.

32:27.987 --> 32:29.030
Miss.

32:30.323 --> 32:31.240
Pahingi.

32:49.509 --> 32:50.635
Okay ka lang, anak?

32:52.011 --> 32:54.138
Bakit mo siya inimbita, Papa?

32:55.807 --> 32:59.102
Anak, hindi kasalanan ng babaeng 'yon.

33:00.144 --> 33:02.855
Meron kang di sinasabi sa akin, 'no?

33:02.939 --> 33:04.065
Tungkol saan?

33:04.148 --> 33:04.983
Sa kanya?

33:05.942 --> 33:08.569
Ano'ng alam ko tungkol sa kanya
bukod sa trabaho niya?

33:09.112 --> 33:11.114
Anak, magtiwala ka sa akin.

33:11.781 --> 33:16.035
Kung may hinala ka, di ko alam,
makipag-usap ka sa abogado kung gusto mo.

33:16.536 --> 33:20.081
Pero nakikiusap ako,
lumayo ka sa halimaw na 'yon

33:20.164 --> 33:22.208
bago mahuli ang lahat.

33:24.043 --> 33:24.961
Tapos na.

33:39.684 --> 33:42.729
Bukas ko pa dapat sasabihin sa 'yo

33:42.812 --> 33:45.732
para hindi masira 'yong gabi mo, pero…

33:48.901 --> 33:49.986
Oo.

33:52.155 --> 33:54.782
Kaninang umaga,
humingi na ako ng divorce kay Miguel.

34:01.456 --> 34:02.290
Sa wakas.

34:03.458 --> 34:04.876
Nagising ka na.

34:08.755 --> 34:11.132
Di ko na itatanong
kung ano'ng ginawa niya sa 'yo.

34:13.509 --> 34:15.136
Pero ililibing natin siya.

34:17.472 --> 34:19.891
Pagsisisihan niya na ipinanganak pa siya.

35:13.528 --> 35:15.905
Sasabihin mo ba
sa kanila 'yong tungkol sa Vegas?

35:20.159 --> 35:21.661
O 'yong sa trabaho mo lang?

35:24.622 --> 35:26.374
Ano pa ba 'yong gusto mong sabihin ko?

35:27.208 --> 35:31.921
Lintik na pole dancer lang 'yong tingin
sa akin ng pamilya ng asawa mo.

35:37.260 --> 35:41.389
O mas dapat bang tawagin ko siya
na dati mong asawa?

35:43.808 --> 35:46.477
Sabi ni Angela, magdi-divorce na kayo.

35:47.478 --> 35:48.896
At dahil kilala kita,

35:50.064 --> 35:51.274
di ko siya masisisi.

35:52.024 --> 35:53.526
Ganoon din 'yong gagawin ko.

35:58.322 --> 36:00.158
Kahit ano'ng mangyari sa amin,

36:01.450 --> 36:03.661
di kailangang magbago ang relasyon natin.

36:04.579 --> 36:05.830
Purong chemistry ito.

36:06.455 --> 36:07.456
Science.

36:08.749 --> 36:10.501
Di natin kayang labanan.

36:11.085 --> 36:12.753
Ximena Santos.

36:17.967 --> 36:20.469
Kinausap ko siya.
Sinabi niya sa akin lahat.

36:22.180 --> 36:24.140
Hindi ka okay, Camila.

36:26.100 --> 36:27.393
Alam kong nasaktan kita,

36:27.935 --> 36:29.604
at tingin mong ginamit kita.

36:30.104 --> 36:32.148
Ano pa ba 'yong gusto mo sa akin?

36:33.357 --> 36:34.817
Hindi mo ako ginamit.

36:37.612 --> 36:39.071
Ginamit kita.

36:39.655 --> 36:42.450
At gagawin ko 'yon hanggang mapagod ako.

36:43.159 --> 36:45.453
Hanggang mabaliw ka dahil sa akin.

36:53.628 --> 36:56.964
Sabihin mo kay Angela
lahat ng nangyari sa Vegas

36:57.048 --> 36:58.507
o ikukuwento ko sa kanya

36:58.591 --> 37:00.301
nang walang iniiwang detalye.

38:04.407 --> 38:06.742
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

38:06.826 --> 38:08.828
Kathang-isip lahat ng pangyayari at tauhan

38:08.911 --> 38:11.080
at di naglalarawan
ng anumang pangyayari o tao.
