WEBVTT

00:09.509 --> 00:11.720
May nagtangkang umatake sa akin sa bahay.

00:11.803 --> 00:14.139
Tumawag po kayo ng ambulansiya.

00:15.807 --> 00:16.641
Kumalma ka.

00:38.913 --> 00:41.207
AMBULANSIYA

00:52.427 --> 00:54.304
Papa, may problema ba?

00:55.346 --> 00:56.973
Wala, ayos lang ang lahat, mahal.

00:57.056 --> 00:58.099
Tara.

00:58.975 --> 01:00.769
Tingnan natin kung ano'ng nangyayari.

01:15.158 --> 01:16.326
Ano'ng nangyari?

01:16.409 --> 01:19.370
May umatake sa kanya
habang tulog siya. Akalain mo?

01:19.454 --> 01:21.164
Kumalma ka, mahal ko.

01:21.247 --> 01:24.584
Mahal, pwede itong mangyari
sa kahit sino sa atin. Sa mga bata.

01:24.667 --> 01:26.461
Hindi 'yan, kumalma ka lang.

01:30.006 --> 01:32.008
May sasama ba sa kanyang kamag-anak?

01:34.844 --> 01:36.137
Wala ba rito 'yong mister?

01:50.360 --> 01:52.695
-Tantanan mo ako!
-Wag mo akong hawakan!

01:52.779 --> 01:54.572
-Saan ka galing?
-Ano'ng pakialam mo?

01:54.656 --> 01:57.909
-Halika! Wag kang makulit!
-Wag mo akong hawakan!

02:02.705 --> 02:04.415
Papatayin kita.

02:04.499 --> 02:06.793
-Halika rito, tanda.
-Hindi!

02:06.876 --> 02:08.086
Camila!

02:09.128 --> 02:12.090
Lumabas ka, Camila.
Sabi ko, "Lumabas ka, Camila!"

02:14.467 --> 02:16.719
-Hindi!
-Halika!

02:17.303 --> 02:19.973
-Lumabas ka, puta ka!
-Hindi!

02:20.056 --> 02:21.474
Tantanan mo ako.

02:56.801 --> 02:58.595
Mama!

03:01.764 --> 03:04.684
FAKE PROFILE

03:07.937 --> 03:11.065
Inatake ang 27 taong gulang na Mexican
kaninang umaga

03:11.149 --> 03:12.692
sa loob ng bahay niya

03:12.775 --> 03:15.778
sa exclusive condominium
na Riviera Esmeralda.

03:15.862 --> 03:16.738
Sobrang weird.

03:16.821 --> 03:19.407
Di nila alam kung paano nakapasok
ang magnanakaw sa condo.

03:19.490 --> 03:22.076
Wala ring record sa mga security camera.

03:22.160 --> 03:25.538
Kasalanan ko 'to. Pinarentahan ko
'yong bahay kina Camila at David.

03:25.622 --> 03:28.333
Hindi, mahal, wag mong sabihin 'yan.
Di mo kasalanan.

03:28.416 --> 03:31.002
Kahit kanino, pwedeng mangyari 'yon.
Wag kang mag-alala.

03:32.086 --> 03:34.047
Ikinuwento ko ba 'yong tungkol kay Inti?

03:36.341 --> 03:37.967
Alin?

03:38.927 --> 03:41.804
'Yong bisexual siya
o nangangailangan siya ng pera?

03:42.931 --> 03:45.016
Hindi siya bisexual.

03:45.099 --> 03:46.017
Fluid siya.

03:47.018 --> 03:49.270
Wag kang magbiro
tungkol sa pagiging kapos niya.

03:49.354 --> 03:52.398
Nagtuturo siya ng diving
para matulungan 'yong mama niya.

03:53.399 --> 03:54.692
Sige.

03:55.985 --> 03:58.446
Naghahanap ng swimming teacher 'yong spa.

03:58.529 --> 04:00.198
Baka interesado siya, di ba?

04:00.281 --> 04:04.202
Oo, ayos 'yan. Irerekomenda natin siya.
Sasabihin ko sa kanya.

04:07.497 --> 04:09.999
Bakit interesadong-interesado ka kay Inti?

04:11.084 --> 04:13.711
Pareho lang 'yong interes ko sa kanya
sa ibang empleado ko.

04:14.337 --> 04:15.421
Oo nga, pero, ano,

04:16.214 --> 04:19.092
di ka nagkukuwento, nagtatanong,
o ano tungkol sa ibang waiter.

04:24.055 --> 04:25.014
Totoo.

04:25.098 --> 04:27.350
Napalapit na sa akin ang batang iyon.

04:28.017 --> 04:29.185
Bilang kapatid.

05:06.472 --> 05:08.975
Baka malayong pinsan na pinagnanasaan mo.

05:09.058 --> 05:10.935
Cristobal naman.

05:11.019 --> 05:14.105
Paano mo nasasabi 'yan
ngayong ikakasal na tayo?

05:15.023 --> 05:17.025
-Pero bakit hindi?
-Hindi.

05:17.108 --> 05:19.318
Alam mong guwapo talaga si Inti.

05:20.153 --> 05:21.904
Weird nga kung di mo siya magustuhan.

05:30.538 --> 05:34.417
-Wag mong sabihing di kita inaalagaan.
-Hindi, klaro 'yon.

05:34.500 --> 05:36.586
Kaya gusto na talaga kitang makita.

05:39.380 --> 05:41.632
Akala ko, di mo na ako tatawagan ulit.

05:43.426 --> 05:46.137
Akala ko, mahilig ka sa mga sorpresa.

05:48.181 --> 05:49.015
Kuwan…

05:50.058 --> 05:52.560
Di mo nga ako tiningnan
no'ng opening ng restaurant.

05:54.020 --> 05:56.022
Uy, ano ka ba?

05:57.774 --> 05:59.317
Di ba may kasunduan tayo?

05:59.400 --> 06:01.235
Walang obligasyon,

06:01.319 --> 06:03.363
walang nakakabaliw na patakaran.

06:04.030 --> 06:05.156
Di tayo nakatali.

06:05.239 --> 06:07.241
Inti, sinasabi ko 'to
base sa karanasan ko,

06:07.325 --> 06:08.826
mas maganda 'yong ganito.

06:09.327 --> 06:10.661
Nalungkot talaga ako,

06:11.788 --> 06:12.914
parang mamamatay na ako…

06:12.997 --> 06:16.000
-Akala ko, may ibang lalaki ka na.
-Nakikita ko nga.

06:18.252 --> 06:19.837
Bakit mo naisip 'yon?

06:19.921 --> 06:25.093
Di pa natin nilabag 'yong kasunduan natin.

06:25.176 --> 06:26.010
Tama?

06:26.094 --> 06:27.261
Oo naman.

06:27.345 --> 06:28.304
Siyempre.

06:30.223 --> 06:32.225
'Yan 'yong pinakagusto ko sa 'yo.

06:33.976 --> 06:34.936
'Yon lang?

06:36.521 --> 06:37.563
Kuwan, 'yon…

06:38.815 --> 06:40.441
at iba pa.

06:48.533 --> 06:50.535
Ano na naman 'yong ginawa sa 'yo
ng asawa mo?

06:58.918 --> 07:01.045
Pag may nagtanong tungkol kagabi,

07:01.129 --> 07:03.506
pakisabi na nagtrabaho ka.

07:04.549 --> 07:05.424
Okay.

07:07.093 --> 07:10.221
Cami, galit ka pa rin sa akin, 'no?

07:10.304 --> 07:11.139
Hindi.

07:12.682 --> 07:13.933
Bakit ako magagalit

07:14.016 --> 07:16.686
pagkatapos ng lahat
ng magagandang sinabi mo sa akin?

07:17.895 --> 07:20.314
Nagpaliwanag ako, sinabi ko sa 'yo…

07:20.398 --> 07:22.233
-Di 'yan…
-Tapos na 'yon.

07:22.984 --> 07:25.194
Ayos na tayo. Kahapon pa 'yon.

07:26.445 --> 07:30.241
Alam ko rin na sumobra ako.
Kaya humingi ako ng tawad.

07:33.035 --> 07:33.870
Okay.

07:39.208 --> 07:43.129
Vicente Gonzalez 'yong pangalan niya.
Nakatira sa Las Vegas.

07:43.629 --> 07:47.133
Pagdating ko pa lang sa Colombia,
nagme-message na siya.

07:47.925 --> 07:51.387
Sa huling message,
sinabi niyang malapit lang siya,

07:52.221 --> 07:53.931
at hindi ko siya matatakasan.

07:54.515 --> 07:56.184
Tiningnan na nila 'yong mga camera.

07:56.267 --> 07:59.479
Walang pumasok o lumabas
pagkatapos ng 9:47 p.m.

07:59.562 --> 08:02.398
Noong isang gabi,
nag-report din si Mrs. Roman ng pag-atake,

08:02.482 --> 08:06.068
pero kapitbahay niya pala 'yon,
si Mr. Miguel Estevez.

08:06.152 --> 08:09.822
Hindi, di 'yon kapitbahay
at di rin si Miguel Estevez.

08:09.906 --> 08:10.740
Maniwala kayo.

08:12.116 --> 08:14.243
-Rafael, sumama ka sa akin.
-Sige po.

08:19.957 --> 08:23.878
Hinalughog ng gagong 'yon 'yong bahay ko,
at ngayon, gusto niya akong patayin.

08:23.961 --> 08:26.047
At bakit sigurado kayong siya 'yon?

08:26.756 --> 08:28.216
Nangyari na 'to noon.

08:28.299 --> 08:31.719
Sinabihan na kita,
wag kang makipaglandian sa ibang lalaki.

08:31.802 --> 08:34.305
Vicente, di niya ako hinawakan.
Nandoon ka.

08:34.388 --> 08:36.098
Itigil mo na 'yang mga pagseselos mo.

08:36.182 --> 08:39.519
Ilang beses ko bang ipapaliwanag
na trabaho ko ito?

08:39.602 --> 08:41.854
-Vicente.
-Hindi ako tanga.

08:44.774 --> 08:46.901
Sa entablado lang dapat.

08:46.984 --> 08:49.487
Papatayin ko 'yong susunod mong lalandiin.

08:49.570 --> 08:50.571
Naiintindihan mo?

08:51.280 --> 08:52.782
-Naiintindihan mo?
-Oo!

08:53.991 --> 08:57.453
Naging boyfriend ko
si Vicente sa Las Vegas noon,

08:57.536 --> 08:59.664
at agresibo talaga siya.

09:00.248 --> 09:03.543
Dalawang beses akong naospital
dahil sa pananakit niya.

09:03.626 --> 09:06.629
No'ng huli, nawalan ako ng malay.

09:06.712 --> 09:11.467
May restraining order ako laban sa kanya.
Di siya pwedeng lumapit sa akin.

09:11.550 --> 09:14.136
Hinahanap niya ako
dahil gusto niya akong saktan.

09:14.220 --> 09:15.471
Naiintindihan n'yo?

09:28.609 --> 09:30.736
MA, KAILANGAN NATING MAG-USAP. IMPORTANTE.

09:31.320 --> 09:33.364
LUCAS
3 TAWAG NA DI NASAGOT

09:42.248 --> 09:43.082
Ano?

09:43.583 --> 09:44.417
Wag.

09:44.500 --> 09:47.128
-Kailangan mo ito.
-Hindi. Wag na.

09:47.211 --> 09:50.089
Matagal na kitang di customer.
Itago mo 'yan.

09:50.172 --> 09:52.508
-Hindi ito bayad.
-Itago mo. Sa 'yo na.

09:52.592 --> 09:54.468
-Regalo ito, hindi bayad.
-Wag.

09:54.552 --> 09:58.097
Hayaan mong i-spoil kita.
Hayaan mong alagaan kita. Diyos ko!

09:58.764 --> 10:00.099
Wag kang mapikon,

10:00.182 --> 10:03.853
alam mong gusto ko na nilalambing kita.

10:06.689 --> 10:10.901
-At kailan ulit kita makikita?
-Mahirap sagutin ang tanong na 'yan.

10:10.985 --> 10:14.655
May pamilya ako roon at…

10:17.408 --> 10:19.118
Pero salamat sa pag-unawa.

10:19.201 --> 10:20.911
At higit sa lahat,

10:20.995 --> 10:23.414
salamat sa sobrang sarap na gabi.

10:28.669 --> 10:29.920
A.

10:30.671 --> 10:32.214
-Ulit?
-Pangalawang round?

10:32.923 --> 10:33.924
Di na.

10:37.053 --> 10:38.095
Umalis ka na.

10:43.351 --> 10:44.185
Sige.

10:51.525 --> 10:53.027
Ano 'yon, Lucas?

10:53.110 --> 10:55.196
Nasa bahay ng kapitbahay 'yong mga pulis.

10:55.279 --> 10:57.198
Siguradong mahahanap nila ang mga camera.

11:01.494 --> 11:04.955
Cardenas, walang sinirang pinto o bintana,

11:05.039 --> 11:07.541
at wala namang kinuhang mamahaling gamit.

11:09.919 --> 11:13.631
Mrs. Roman, naaalala n'yo ba
kung nakakandado 'yong bahay

11:13.714 --> 11:15.925
bago matulog kayo natulog?

11:17.510 --> 11:18.636
Hindi ko maalala.

11:18.719 --> 11:22.223
Sabi n'yo, may nanloob noong isang gabi.

11:22.306 --> 11:24.892
Iniwan kayo ng asawa n'yo
sa bahay 24 oras ang nakalipas,

11:24.975 --> 11:27.436
at di n'yo maalala
kung nakakandado 'yong bahay?

11:27.520 --> 11:28.771
Sandali, Inspector.

11:28.854 --> 11:30.981
Nagdududa ba kayo?

11:31.065 --> 11:33.901
Ano'ng mapapala ko sa pag-iimbento
ng lahat ng impormasyong ito

11:33.984 --> 11:35.611
o pagsasayang ng oras n'yo?

11:35.694 --> 11:38.114
Ma'am, nililinaw ko lang ang mga detalye.

11:38.656 --> 11:39.990
Trabaho ko 'yon.

11:40.908 --> 11:42.910
Pwede po ba tayong pumunta sa garden?

11:56.132 --> 11:57.633
Bakit ang tagal mo?

11:58.884 --> 12:02.138
Ginawa ko 'yong makakaya ko
para makapunta agad, okay?

12:02.221 --> 12:03.723
Tumabi ka muna.

12:12.314 --> 12:14.150
Di natin alam kung paano siya nakapasok,

12:15.025 --> 12:17.027
pero alam nating dumaan siya rito.

12:19.989 --> 12:21.031
Dalawa sila.

12:22.032 --> 12:24.577
May hawak ba silang papel pagdating nila?

12:24.660 --> 12:26.996
Di pwedeng halughugin ang bahay
nang walang warrant.

12:32.209 --> 12:33.377
Camila.

12:33.461 --> 12:35.713
-Pedro, kumusta?
-Nabalitaan ko ang nangyari. Hi.

12:35.796 --> 12:38.382
-Gusto kong malaman kung ayos ka lang.
-Pasok. Oo naman.

12:38.466 --> 12:41.969
Nakaraos na ako sa pinakamasahol.
Kaya wag kang mag-alala.

12:42.052 --> 12:42.887
Sige.

12:42.970 --> 12:45.639
Ano man 'yong kailangan mo,
nandito ako para sa 'yo.

12:45.723 --> 12:46.974
Maraming salamat.

12:47.933 --> 12:51.061
Kagabi, mag-isa ka lang sa ambulansiya.

12:51.145 --> 12:52.813
Bakit walang sumama sa 'yo?

12:53.731 --> 12:56.233
Oo, pero ayos lang 'yon.

12:58.027 --> 13:00.821
Anong klaseng mister 'yong mang-iiwan
sa misis niya?

13:07.828 --> 13:08.954
Hello.

13:09.038 --> 13:12.708
-Nakakagulat ka naman.
-Hindi, ako 'yong nagulat, Papa.

13:12.791 --> 13:15.294
Pumunta ako para kumustahin ka, Camila.

13:15.920 --> 13:17.963
Ayos lang ako.

13:18.047 --> 13:20.591
Medyo nahihilo at natatakot,
pero ayos lang.

13:20.674 --> 13:22.468
Salamat sa pangungumusta.

13:22.551 --> 13:24.261
Di n'yo kinailangang pumunta.

13:25.221 --> 13:26.347
Hello.

13:26.430 --> 13:27.473
Mahal.

13:27.556 --> 13:29.850
May sasabihin 'yong detective sa 'yo.

13:29.934 --> 13:30.810
Ano 'yon?

13:30.893 --> 13:33.979
Dumating sa bansa
si Vicente Gonzalez kaninang umaga.

13:36.857 --> 13:39.235
Kasama na'ng almusal,
100 dollars 'yong isang gabi.

13:39.318 --> 13:40.152
Sige.

13:40.903 --> 13:44.573
Pwedeng mag-cash?
Di pa in-activate ng bangko 'yong card ko.

13:45.407 --> 13:48.494
Sige, walang problema.
Pero di pwede 'yong tig-isang daan.

13:48.577 --> 13:49.411
Ayos lang.

13:51.038 --> 13:54.750
Kailangan ko ng ID, passport, kahit ano.

13:56.544 --> 13:57.753
Pachito, kumusta?

14:03.050 --> 14:04.426
Boss, magandang umaga.

14:05.427 --> 14:06.720
Magandang umaga.

14:10.015 --> 14:12.101
Walang kahina-hinala sa manugang mo.

14:12.184 --> 14:15.062
Kada araw, pareho,
mula sa bahay hanggang trabaho at pabalik.

14:15.813 --> 14:17.106
Sigurado ba tayo?

14:18.440 --> 14:20.526
Sino'ng kausap niya kahapon?

14:20.609 --> 14:23.445
Private investigator ng pangangaliwa,

14:23.529 --> 14:25.531
mga nawawalang tao, at mga mana.

14:26.073 --> 14:27.658
Nakausap na ba natin siya?

14:27.741 --> 14:30.828
Hindi, pero alam ko kung nasaan siya.
Ano'ng kailangan mo?

14:31.537 --> 14:32.538
'Yong pakay niya.

14:33.080 --> 14:34.415
Para saan siya kinuha?

14:35.291 --> 14:38.377
Akala ni Miguel, espiya siya?
Sabayan natin.

14:38.460 --> 14:40.671
Eto 'yong isa pang hiningi mo.

14:42.214 --> 14:43.424
'Yong confidential.

14:45.175 --> 14:46.093
Interesado?

14:48.846 --> 14:52.725
Oo naman.
Paano ako hindi magiging interesado?

14:52.808 --> 14:54.935
Exclusive spa 'yon, siyempre.

14:55.019 --> 14:58.272
Hindi naman masyado.

14:58.355 --> 14:59.899
May mga tagalabas din.

15:00.816 --> 15:02.651
Seryoso, salamat.

15:03.235 --> 15:06.071
Dumating ito
ngayong kailangan na kailangan ko.

15:06.155 --> 15:09.575
Di ko alam kung paano ka pasasalamatan.

15:12.453 --> 15:16.457
Wag mo nang alalahanin.
Wala kang kailangang gawin.

15:16.540 --> 15:17.625
Busy ka ba ngayon?

15:21.462 --> 15:22.963
Hindi, bakit?

15:25.883 --> 15:27.176
-Okay.
-Oo, ito.

15:27.259 --> 15:28.135
Mahal?

15:29.345 --> 15:31.347
-Kumusta 'yong bakasyon mo?
-Hello, mabuti.

15:31.430 --> 15:32.389
Mabuti.

15:33.140 --> 15:34.558
-Hello, Luigi.
-Mabuti naman.

15:34.642 --> 15:37.311
Di ko naabutan 'yong eskandalo ng linggo.

15:37.394 --> 15:39.438
Alam mo ba?
'Yong tungkol sa kapitbahay natin.

15:39.521 --> 15:41.273
-May umatake sa kanya.
-Oo.

15:41.357 --> 15:42.566
-Oo.
-Oo, tama.

15:42.650 --> 15:46.236
May narinig ako. Takot na takot si Sofia.
Nagpatawag ng meeting.

15:46.320 --> 15:47.655
Dapat lang.

15:47.738 --> 15:50.699
May hinala 'yong mga pulis
sa isang taga-condo.

15:50.783 --> 15:54.161
Pero parang di niya namukhaan
'yong umatake, 'no?

15:54.745 --> 15:58.415
-Sa pagkakaalam ko, hindi.
-Hindi.

15:58.499 --> 16:00.709
Papa, nandito na kami.

16:00.793 --> 16:03.671
Oo. Papasok na kami.

16:04.880 --> 16:06.006
Hello, Papa.

16:06.799 --> 16:07.633
Pedro.

16:08.467 --> 16:11.428
Masaya akong makita kayong magkasama
kasi may balita ako…

16:12.721 --> 16:13.973
para sa inyong tatlo.

16:28.654 --> 16:30.447
Wala bang magbubukas niyan?

16:55.055 --> 16:56.557
Ipinakikilala ko sa inyo…

16:57.349 --> 16:58.726
si Red Velvet.

17:00.769 --> 17:02.604
Mas kilala bilang Camila Roman

17:02.688 --> 17:05.023
o kapitbahay natin sa House G.

17:44.938 --> 17:46.023
-Cami.
-Ano?

17:46.106 --> 17:47.232
Saan ka pupunta?

17:47.316 --> 17:48.650
Kuwan,

17:48.734 --> 17:50.652
may importante akong gagawin.

17:51.904 --> 17:55.324
Sira ka ba?
Nasa paligid lang 'yong baliw mong ex.

17:55.407 --> 17:59.328
Kahapon, may nagtangkang pumatay sa 'yo.
Sabi ng doktor, sa bahay ka lang.

17:59.411 --> 18:02.081
Oo, alam ko, pero importante talaga ito.

18:02.164 --> 18:02.998
Okay.

18:03.874 --> 18:04.875
Sige.

18:04.958 --> 18:09.755
Matanda ka na. Alam mo kung ano
at paano ang gusto mo, at sino'ng kasama.

18:11.256 --> 18:13.300
Ngayon, papagalitan mo ako

18:13.383 --> 18:15.928
at didiktahan
kung paano, kailan, at bakit?

18:17.596 --> 18:18.597
Naku.

18:24.228 --> 18:27.481
David, salamat sa lahat
ng ginawa mo para sa akin.

18:28.107 --> 18:31.235
Alam kong nagkamali ako kay Miguel,

18:32.152 --> 18:34.530
pero wag mong ipaalala sa akin lagi, ha?

18:36.156 --> 18:37.741
Kailangang may gumawa no'n

18:38.325 --> 18:39.576
para hindi na maulit.

18:40.410 --> 18:41.245
Oo.

18:43.747 --> 18:47.042
May binayaran ka talaga
para kumuha ng mga litratong ito?

18:47.126 --> 18:51.171
Dapat kilala ko 'yong nakatira
sa condo ko. At ito 'yong meron tayo.

18:51.255 --> 18:54.842
Pero di mo pag-aari ang Riviera Esmeralda.

18:54.925 --> 18:56.426
Sa mga residente 'yon.

18:56.510 --> 19:01.807
Kung iimbestigahan mo silang lahat,
di lang ito 'yong ikagugulat mo.

19:02.391 --> 19:04.643
Basta, gusto ko lang sabihin sa inyo

19:04.726 --> 19:08.480
na may kapitbahay tayo
na sikat na nude artist.

19:08.564 --> 19:09.731
Naku.

19:09.815 --> 19:11.984
Kinailangan ko talaga 'to.

19:12.067 --> 19:14.236
Tingin ko, tama 'yong papa mo.

19:15.279 --> 19:18.699
-Dapat kilala natin 'yong mga kapitbahay.
-Sabi mo, e.

19:19.867 --> 19:24.079
Di ako sang-ayon sa pag-iimbestiga
sa kanila na parang mga kriminal.

19:24.163 --> 19:28.667
Sang-ayon ako, at sorry sa pakikialam,
pero mas magandang di ito lumabas.

19:28.750 --> 19:29.585
Oo.

19:30.836 --> 19:32.129
Tama si Luigi.

19:32.212 --> 19:35.090
Nakakahiya

19:35.883 --> 19:39.344
kung sakaling lumabas 'yong ganito, di ba?

19:41.054 --> 19:41.930
Oo naman.

19:44.641 --> 19:46.935
Pumunta kami para sa teleconference

19:47.019 --> 19:50.564
sa architects ng Riviera Diamante.
Di pala 'to para roon.

19:50.647 --> 19:53.442
Pag handa na kayo, sabihan n'yo ako.
Sa opisina lang ako.

19:53.525 --> 19:54.359
Sige, mahal.

20:06.038 --> 20:08.457
Nakilala n'yo si Camila sa Las Vegas, 'no?

20:13.754 --> 20:15.797
Sino sa inyo 'yong tumitira sa kanya?

20:18.508 --> 20:23.305
Kasali kayo sa 12:00 Ashtanga class
ni Daniela tuwing Martes at Huwebes.

20:23.388 --> 20:24.598
Okay.

20:24.681 --> 20:28.018
-Maraming salamat.
-Walang anuman. Lumapit lang po kayo.

20:29.311 --> 20:30.229
Sandali lang.

20:30.896 --> 20:33.398
-Pwede bang magtanong ulit?
-Sige po.

20:33.482 --> 20:35.484
Kilala mo ba…

20:37.444 --> 20:38.403
ang babaeng ito?

20:39.696 --> 20:40.989
Tingnan natin.

20:41.073 --> 20:44.034
Di ba isang beses
sa isang buwan kayo pumupunta sa Las Vegas

20:44.117 --> 20:46.578
para makipagkita sa Nevada Cross client?

20:48.205 --> 20:50.415
Kaya tingin n'yong kilala namin si Camila?

20:53.043 --> 20:54.419
Pero grabe naman.

20:55.379 --> 20:57.631
Sobrang laki ng Las Vegas, di ba?

20:58.840 --> 21:01.343
Di na ba kayo marunong magbiro?

21:02.177 --> 21:03.095
Biro lang 'yon.

21:09.476 --> 21:13.605
Miyembro po siya ng spa,
pero matagal ko na siyang hindi nakikita.

21:13.689 --> 21:14.898
-Hello.
-Hello, Dani.

21:14.982 --> 21:16.483
Hi, magandang umaga.

21:16.566 --> 21:18.860
-Dani. Patingin po ng litrato.
-Sige.

21:18.944 --> 21:23.031
-Naturuan mo ang babaeng ito, 'no?
-Oo. Si Ximena, Ximena Santos.

21:23.115 --> 21:24.574
-Ximena?
-Oo.

21:30.580 --> 21:32.749
Sobrang ganda!

21:32.833 --> 21:33.792
Di ba?

21:36.336 --> 21:39.131
Kinagat talaga ako ng hayop sa baba.

21:39.214 --> 21:42.259
Hindi. Binantayan kita. Nasa likod mo ako.

21:43.343 --> 21:45.887
Baka akala mo, pating ako.

21:52.060 --> 21:53.895
Tutulungan na kitang hubarin 'yan.

21:53.979 --> 21:57.858
Salamat sa pagdala sa akin dito.
Sobrang ganda. Nag-enjoy ako.

22:00.027 --> 22:01.111
Wala 'yon.

22:03.113 --> 22:06.825
Pwede kang pumunta kahit kailan mo gusto.
Ipinapagamit nila sa akin 'yong bangka…

22:07.701 --> 22:09.286
sabihan mo lang ako, boss.

22:13.999 --> 22:18.253
Pwede mong isama si Cris
o kahit sinong gusto mo.

22:23.467 --> 22:24.801
Sabihan mo lang ako.

23:01.338 --> 23:03.924
Madalas dito noon si Ximena,
pero biglang di siya bumalik.

23:04.007 --> 23:06.593
Ito 'yong phone number at address niya.

23:06.676 --> 23:08.970
Dati siyang residente
ng Riviera Esmeralda,

23:09.596 --> 23:11.348
condominium House G.

23:30.617 --> 23:33.036
Wag. Tama na, Inti.

23:33.120 --> 23:34.913
-Ano'ng problema?
-Tama na.

23:36.790 --> 23:39.042
Bakit? Tungkol ba 'to kay Cris?

23:40.252 --> 23:42.379
Tungkol kay Cris, sa trabaho,

23:42.462 --> 23:45.674
dahil di tamang mangaliwa. Sobrang dami.

23:48.468 --> 23:49.678
Walang nanonood.

23:52.764 --> 23:53.849
Nandito tayo.

23:55.517 --> 23:56.726
May nakikita ka ba?

23:59.688 --> 24:02.315
Tayo lang 'yong nandito, at wala nang iba.

24:08.280 --> 24:09.322
'Yong phone.

24:09.406 --> 24:10.907
'Yong phone ko. Teka.

24:22.794 --> 24:24.921
Bukas, pupunta tayo
sa residents' committee.

24:25.422 --> 24:28.258
Pag-uusapan natin 'yong nangyari
sa kapitbahay sa House G.

24:29.134 --> 24:30.719
Ano'ng nakakatawa?

24:32.679 --> 24:33.680
-Wala, Ma.
-Wala, Ma.

24:34.222 --> 24:35.515
Walang nakakatawa.

24:36.641 --> 24:38.018
Di ako makakapunta.

24:38.101 --> 24:41.521
May meeting ako bukas
para sa bagong project. Di ako pwede.

24:41.605 --> 24:43.440
Pero importante 'yon.

24:43.523 --> 24:46.276
Seryoso 'yong nangyari kay Camila Roman.

24:46.860 --> 24:48.278
Damian, ano ba 'yan?

24:49.446 --> 24:50.447
Wala.

24:51.990 --> 24:57.037
Akala n'yo, tanga ako? Na di ko napapansin
na pinagtatawanan n'yo 'yong kapitbahay?

24:58.079 --> 24:58.955
Ano'ng meron?

25:04.127 --> 25:05.462
Ano'ng meron sa puwit na 'to?

25:07.797 --> 25:10.133
-Siya 'yong bagong kapitbahay.
-Oo nga.

25:11.092 --> 25:11.927
Tingnan natin.

25:12.594 --> 25:13.637
Uy.

25:14.221 --> 25:15.555
Wow, ang sarap, di ba?

25:16.389 --> 25:18.642
Ang galing mo, idol.

25:18.725 --> 25:19.809
Ano'ng meron?

25:20.602 --> 25:22.729
Ano, may ipinakita sa amin si Lucas,

25:23.522 --> 25:24.523
pero sekreto 'yon.

25:27.359 --> 25:29.319
Hindi ko siya sinaktan. Hindi.

25:29.945 --> 25:31.446
Hindi ko siya sinaktan.

25:33.323 --> 25:37.327
Nawalan siya ng malay, Lucas.
Di mo ba naiintindihan?

25:37.410 --> 25:39.496
-Kusa siyang nahulog.
-Tumahimik ka.

25:39.579 --> 25:40.705
Hinaan mo ang boses mo.

25:40.789 --> 25:42.874
Saan mo iniwan 'yong computer?

25:42.958 --> 25:44.042
Sa ilalim ng kama.

25:46.294 --> 25:48.213
Ano'ng gagawin natin, Ma?

25:48.296 --> 25:53.009
"Ano'ng gagawin natin?" Wala.
Aasta tayong parang walang nangyari.

25:53.093 --> 25:56.638
Papasok ka sa school,
at di mo ito ikukuwento kahit kanino.

25:56.721 --> 26:00.642
Kahit ano'ng mangyari, aayusin natin,
kasi trabaho 'yon ng mama mo.

26:01.142 --> 26:02.018
Malinaw ba?

26:09.192 --> 26:10.944
Pero palalayasin mo si Papa.

26:11.778 --> 26:14.447
Di ba? Paaalisin mo siya sa bahay na ito.

26:25.917 --> 26:26.835
Oo, Lucas,

26:26.918 --> 26:28.295
promise ko 'yan sa 'yo.

26:38.346 --> 26:39.264
Hello.

26:39.347 --> 26:42.183
Tinatrabaho ko na.
Maganda 'yong takbo ng lahat.

26:42.851 --> 26:43.727
Magaling.

26:44.811 --> 26:46.104
Ituloy mo lang.

26:46.730 --> 26:47.564
Enjoy.

26:48.064 --> 26:52.235
Late na tayo. Pakihanda ng mga mesang ito
sa loob ng limang minuto.

27:06.333 --> 27:09.461
-Tumawag kami, pero walang sumagot.
-Nasaan si Angela?

27:10.295 --> 27:12.547
Magandang hapon, Sofia. Pasok.

27:16.801 --> 27:20.305
Nagsimula na 'yong mga problema.
Galit na galit siya.

27:21.681 --> 27:22.599
Angela!

27:22.682 --> 27:24.684
Wag kang sumigaw. Huminahon ka.

27:24.768 --> 27:27.187
Aalamin ko muna kung ano'ng nangyayari.

27:27.270 --> 27:28.313
Ano ba, Sofia?

27:28.813 --> 27:30.065
Nandito 'yong mga anak ko.

27:32.108 --> 27:33.693
Ano'ng nangyayari?

27:37.238 --> 27:38.990
Sabi nina Damian at Nico…

27:39.991 --> 27:44.788
may ipinakitang video 'yong anak mo.
Nakahubad doon 'yong bagong kapitbahay.

27:47.666 --> 27:49.334
May alam ka ba tungkol doon, Miguel?

27:53.963 --> 27:56.925
Ano? Pumunta ka sa beach nang wala ako?

27:57.008 --> 27:59.427
Pasensiya na. Kasalanan ko 'yon.

27:59.511 --> 28:00.678
Niyaya ko siya.

28:01.596 --> 28:04.891
Mahal, pumunta ako para sabihin
kay Inti ang tungkol sa interview sa spa.

28:04.974 --> 28:07.894
Niyaya niya akong mag-scuba diving.
Professional instructor siya.

28:07.977 --> 28:08.812
Oo.

28:08.895 --> 28:11.356
Bakit di mo sinabi? Gusto ko ring matuto.

28:11.439 --> 28:13.358
Nagkita lang kami sa beach,

28:13.441 --> 28:15.527
pero pumunta tayong tatlo
kung kailan mo gusto.

28:16.403 --> 28:17.237
Masaya 'yon.

28:18.154 --> 28:19.948
Magandang araw nga 'yon, 'no?

28:22.784 --> 28:25.704
Sige, sa susunod,
dapat pumunta tayong tatlo.

28:25.787 --> 28:27.038
Kahit kailan mo gusto.

28:29.124 --> 28:30.917
Mahal kita. Magkita tayo sa bahay.

28:32.544 --> 28:33.962
Wag kang makonsensiya.

28:35.130 --> 28:36.172
Walang nangyari.

28:36.840 --> 28:37.716
Kuwan…

28:38.341 --> 28:40.593
mainit na halik lang 'yon, wala nang iba.

28:42.971 --> 28:44.305
Pero kung ako 'yong nasunod…

28:46.391 --> 28:49.185
nagtatalik pa rin tayo
sa dagat hanggang ngayon.

28:51.730 --> 28:55.233
Kakausapin namin ni Angela si Lucas.
Wag kayong mag-alala.

28:55.316 --> 28:59.279
Puwes, kung ayos lang,
gusto naming nandoon kami sa usapang iyon.

28:59.863 --> 29:03.241
-Ano?
-Hindi ayos sa akin, Sofia.

29:03.324 --> 29:05.452
Turuan mo ang mga anak mo.
Tuturuan ko ang akin.

29:06.578 --> 29:09.414
Sana nga, Angela, kasi seryoso talaga ito.

29:09.998 --> 29:10.874
Tara na?

29:15.295 --> 29:16.796
Pasensiya na talaga.

29:17.964 --> 29:20.967
Galit na galit siya
dahil sa nangyari. Pasensiya na.

29:21.843 --> 29:24.012
-Mag-usap tayo sa susunod, pare.
-Sige.

29:26.681 --> 29:28.349
Ang batang 'yon…

29:28.433 --> 29:29.350
Ako na.

29:46.701 --> 29:48.703
Nakita ko 'yong video sa Internet.

29:49.454 --> 29:51.539
Dumaan din ako sa ganyang edad.

29:52.290 --> 29:53.958
At alam kong mahirap minsan.

29:56.920 --> 29:58.421
Maraming pag-aalinlangan,

29:59.339 --> 30:00.965
di natin laging alam 'yong gagawin.

30:04.636 --> 30:06.429
Pero ano'ng nangyayari sa 'yo?

30:08.723 --> 30:09.682
Sa akin? Wala.

30:10.850 --> 30:11.893
Sa 'yo?

30:19.025 --> 30:20.527
Nami-miss na kita, Lucas.

30:27.575 --> 30:29.869
Matagal nang nag-iba 'yong relasyon natin.

30:30.453 --> 30:31.621
Ano'ng nangyari?

30:33.122 --> 30:34.123
Ano'ng nagawa ko?

30:39.921 --> 30:43.550
-Hello?
-Magandang umaga. Si Ximena Santos ba 'to?

30:43.633 --> 30:45.218
Oo, ako nga.

30:45.969 --> 30:46.803
Sino 'to?

30:46.886 --> 30:48.388
Ako si Camila Roman.

30:48.471 --> 30:51.766
Gusto kitang makausap
tungkol sa kaibigan natin,

30:51.850 --> 30:53.101
si Fernando Castell.

30:55.019 --> 30:57.522
Hindi ko siya kilala.

30:57.605 --> 30:58.982
E, si Miguel Estevez?

31:07.532 --> 31:09.200
Eto na, mahal ko.

31:09.284 --> 31:10.118
Kumusta?

31:10.618 --> 31:11.828
Masarap.

31:11.911 --> 31:13.329
Mabuti naman.

31:13.413 --> 31:15.039
Anong himala 'to?

31:15.123 --> 31:18.001
Pinaalis ko muna si Carmelita.
Gusto ko kayong alagaan.

31:18.084 --> 31:19.335
Mahal.

31:19.419 --> 31:21.546
Limang minuto na lang, aalis na tayo, ha?

31:22.255 --> 31:23.339
Mahal kita.

31:28.678 --> 31:29.679
Nagustuhan mo ba?

31:46.154 --> 31:47.280
Ano'ng ginagawa mo?

31:49.198 --> 31:51.367
Inatake mo si Camila, 'no?

31:52.368 --> 31:56.998
-Di mo ba alam na pwede kang mapahamak?
-Bitawan mo siya!

31:57.081 --> 32:00.251
Wag mo nang saktan ulit si Lucas!
Ano'ng problema mo?

32:01.919 --> 32:03.504
Okay na.

32:04.088 --> 32:06.132
Pwede bang iwan mo muna kami?

32:08.509 --> 32:09.510
Lucas.

32:13.848 --> 32:15.433
Alam mo ba 'yong ginawa ng anak mo?

32:15.516 --> 32:16.893
Inatake niya 'yong kapitbahay!

32:16.976 --> 32:17.810
Oo.

32:18.311 --> 32:19.854
Alam mo ba kung bakit?

32:21.022 --> 32:23.066
Alam mo kung bakit siya naglaslas?

32:23.733 --> 32:26.235
O bakit galit na galit sa 'yo ang anak mo?

32:42.961 --> 32:44.504
Bravo.

32:44.587 --> 32:45.880
Ang galing mo.

32:47.423 --> 32:51.219
Sana nararamdaman mo na
'yong nararamdaman ng anak mo.

32:53.429 --> 32:54.514
Ano ito, Angela?

32:54.597 --> 32:58.351
"Ano ito?" Ang kapal ng mukha mo
na tanungin pa ako, 'no?

32:58.434 --> 33:00.645
Di, sabihin mo.
Nakilala mo ba siya sa Las Vegas?

33:00.728 --> 33:01.688
-Saan?
-Angela.

33:01.771 --> 33:05.400
Bakit ginawa mo ulit sa akin 'to?

33:05.483 --> 33:07.735
-Kumalma ka.
-Di ako kakalma!

33:07.819 --> 33:09.070
-Di ako kakalma!
-Ma!

33:13.908 --> 33:16.619
Eva, minsan nag-aaway ang mga magulang.

33:19.622 --> 33:22.041
Tara na. Di ka pwedeng ma-late sa school.

34:20.767 --> 34:23.144
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

34:23.227 --> 34:25.188
Kathang-isip lahat ng pangyayari at tauhan

34:25.271 --> 34:27.356
at di naglalarawan
ng anumang pangyayari o tao.
?
