WEBVTT

00:13.638 --> 00:15.473
Mga isang milya mula sa Atlantic,

00:15.557 --> 00:17.726
oras na ulit sa mundo ng golf

00:17.809 --> 00:21.146
para sa taunang pagbisita
sa PLAYERS Stadium Course

00:21.229 --> 00:27.902
sa TPC Sawgrass dito sa Ponte Vedra Beach
kasama ang 51st edition ng The PLAYERS.

00:31.364 --> 00:33.241
May bad hair day ako.

00:33.908 --> 00:37.954
Di ko napatuyo ang buhok ko,
kaya bumabagsak at…

00:38.705 --> 00:39.789
Wala kang kupya?

00:41.499 --> 00:42.876
Ayokong makalbo.

00:48.047 --> 00:52.177
Major ang PLAYERS Championship.
Maraming puntos. Malaking pera.

00:57.807 --> 01:02.270
May mga magaganda akong rounds dito
at ilang beses din na mababa ang puntos,

01:02.353 --> 01:04.397
kaya alam ko kung paano gawin.

01:04.481 --> 01:05.982
Minsan nasa paggawa lang.

01:07.567 --> 01:08.860
Ang ganda.

01:09.569 --> 01:13.782
-Do'n mo pinapapunta, tama?
-Eksakto kung saan ko sinabi.

01:13.865 --> 01:17.035
-Ayos.
-Sinabi kong dalhin niya doon.

01:17.118 --> 01:19.120
Kung nasaan mismo ang bola.

01:25.001 --> 01:28.421
Paano mo ilalarawan
ang season na 'to sa isang salita?

01:36.179 --> 01:37.180
Pag-iisipan ko.

01:42.018 --> 01:43.311
Masasabi ko…

01:49.692 --> 01:50.777
A…

01:58.034 --> 02:01.454
Mailalarawan ko ang 2025 golf season

02:01.538 --> 02:03.373
bilang electric.

02:03.456 --> 02:06.376
Sige, baby. Full Swing season 4!

02:06.459 --> 02:08.002
Narito na uli ang Netflix!

02:10.755 --> 02:14.592
Alam ko 'yong kuwento na
"hindi nanalo sa PGA TOUR."

02:14.676 --> 02:17.011
Nagkaroon ako ng mga pagkakataon
at napalampas ko.

02:17.095 --> 02:18.054
Siya si Mr. Nice Guy,

02:18.138 --> 02:22.142
pero kailangan medyo mabangis ka,
at tingin ko meron siya no'n.

02:22.642 --> 02:23.476
Magro-roll ako.

02:23.560 --> 02:27.730
Lumaki ako sa Southern California,
puro skateboarding, surfing, beach.

02:27.814 --> 02:30.650
-Tinatago ko na golfer ako.
-Ako rin!

02:31.734 --> 02:32.735
Late bloomer ako.

02:33.903 --> 02:37.282
Ginamit ko 'yon para patunayan
na mali ang mga tao.

02:37.365 --> 02:38.283
Tayo na.

02:38.783 --> 02:39.993
Tayo na!

02:40.577 --> 02:44.372
Sa malalaking pagkakataon,
sa eroplano man o sa golf

02:44.455 --> 02:48.126
wala akong ibang naiisip
maliban sa ginagawa ko.

02:48.209 --> 02:52.672
Ang manalo sa major ang pinakamalaking
bagay pero di niya pa 'yon nakukuha.

02:52.755 --> 02:55.174
Pag tumae na, wala nang…

02:55.258 --> 02:56.342
Cut!

02:56.426 --> 03:01.222
Kung player ka na gustong magtagumpay,
mahirap 'yon.

03:01.306 --> 03:04.100
Nalulugi ako,
may $17,000 akong utang sa credit card.

03:04.184 --> 03:06.102
Kailangan kong huminto.

03:09.189 --> 03:10.231
Pasensiya na.

03:11.649 --> 03:15.403
Nakita natin ang mga pusong nadurog,
ang kasaysayang nagawa.

03:16.779 --> 03:21.743
Ang pinakahihintay na team event
sa mundo ng golf.

03:21.826 --> 03:22.785
Kaya natin 'to.

03:22.869 --> 03:25.496
-USA!
-Ipanalo n'yo, boys!

03:27.290 --> 03:28.124
Tayo na!

03:28.208 --> 03:31.669
Pumasok sila sa arena.
Wala silang matatakbuhan o pagtataguan.

03:31.753 --> 03:33.588
Naging agresibo ang fans.

03:34.589 --> 03:36.007
Nagiging personal na sila.

03:36.090 --> 03:38.927
-Matatalo pa rin kayo!
-Magpagupit ka, Tommy!

03:39.010 --> 03:41.971
Pwedeng tumindi ang tensyon sa Ryder Cup.

03:42.055 --> 03:45.016
Napakainit ng sitwasyon dito ngayon.

03:45.099 --> 03:46.684
Umiinit na.

03:46.768 --> 03:47.810
Whoa!

03:48.603 --> 03:49.729
Grabe.

03:49.812 --> 03:52.398
Higit na mahirap ang buhay na 'to
kaysa sa iniisip ng iba.

03:53.274 --> 03:57.028
Alam kong hindi lang ito
ang mahalaga sa buhay.

03:57.820 --> 04:00.156
Ikukuwento ko 'to habang nabubuhay ako.

04:00.239 --> 04:03.243
Sinusubukan kong kalimutan,
pero imposible.

04:03.993 --> 04:06.120
Di mahalaga kung saan ka galing.

04:06.204 --> 04:08.665
Tungkol ito sa kung ano'ng kaya mo.

04:08.748 --> 04:11.250
Sa wakas! Para sa lahat!

04:12.418 --> 04:15.421
Ayaw mong sabihin
sa mga anak mo na napalampas mo 'to.

04:28.726 --> 04:31.646
At narito ang world number two

04:32.939 --> 04:34.774
ilang sandali na lang

04:34.857 --> 04:38.861
bago niya opisyal na makuha
ang pangalawa niyang PLAYERS title.

04:39.737 --> 04:45.868
Naghahanda si McIlroy
para sa posibleng malaking 2025.

04:50.415 --> 04:53.293
At isa na namang PLAYERS title
para kay McIlroy.

04:57.505 --> 05:01.342
Sobrang proud at saya ko sa pangalawang
PLAYERS Championship.

05:01.426 --> 05:03.970
Pangatlong panalo ko na 'to
na St. Patrick's Day,

05:04.053 --> 05:05.805
kaya suwerte ito.

05:05.888 --> 05:08.641
Dalawang panalo bago ang April.
Congrats, Rory McIlroy.

05:08.725 --> 05:09.600
Salamat.

05:12.770 --> 05:15.732
Matagal na akong naglalaro,
matagal nang maganda ang laro ko,

05:15.815 --> 05:19.527
at masarap magsimula ng taon
na may ganitong momentum.

05:19.610 --> 05:20.820
Malamig pa rin.

05:20.903 --> 05:21.738
Enjoy.

05:21.821 --> 05:23.656
Eksklusibong club 'to.

05:23.740 --> 05:27.076
Mas ginawa mo pang eksklusibo
sa pagkapanalo mo uli.

05:27.160 --> 05:27.994
Salamat.

05:28.077 --> 05:31.122
-Pinaghirapan mo. Wag kang magpasalamat.
-Ah…

05:31.205 --> 05:33.624
Ang makita si Rory McIlroy
na nagtagumpay agad sa 2025

05:33.708 --> 05:37.628
at manalo sa simula pa lang
ng schedule ng PGA Tour

05:37.712 --> 05:42.133
ay malaking senyales
na nasa magandang kondisyon siya,

05:42.216 --> 05:45.970
at naglalaro ng golf na maaaring
magpanalo sa kanya ng Masters sa 2025.

05:46.054 --> 05:48.681
-Congrats uli.
-Taon mo na ring manalo ng April.

05:48.765 --> 05:49.599
Oo naman.

05:55.438 --> 05:56.356
Okay.

05:57.482 --> 05:58.900
Golf balls.

06:00.860 --> 06:01.944
Golf gloves.

06:03.654 --> 06:04.822
Golf shoes.

06:05.990 --> 06:08.993
Ang TGL ay bagong team event

06:09.077 --> 06:11.496
na gawa nina Tiger Woods at Rory McIlroy.

06:13.164 --> 06:19.378
Ang laban ngayong gabi, Boston Common Golf
versus Atlanta Drive GC.

06:19.462 --> 06:24.425
Nakatalaga sa mga siyudad ang players,
at naglalaban sila dito sa dome.

06:24.509 --> 06:26.969
Ang isang parte ay sa simulator,

06:27.470 --> 06:31.808
at ang isang parte
ay live sa harap ng audience.

06:31.891 --> 06:33.059
Ayos!

06:34.060 --> 06:35.561
Traditionalist ako,

06:35.645 --> 06:38.356
at pinahahalagahan ko
ang kasaysayan ng laro,

06:38.439 --> 06:42.235
pero kung gusto naming
mas maraming tao ang maglaro ng golf,

06:43.027 --> 06:46.364
kailangan itong gawing mas moderno.

06:47.698 --> 06:49.992
May masayang team play din doon,

06:50.076 --> 06:53.579
na magiging kakaiba
sa ginagawa namin linggo-linggo.

06:57.417 --> 06:58.251
Uy!

06:59.252 --> 07:02.713
Masayang maging partner si Rory.
Kadalasan magkalaban kami.

07:02.797 --> 07:04.715
Kumusta? Tensiyonado ka?

07:04.799 --> 07:07.176
Matagal na kaming magkakilala ni Rory

07:07.260 --> 07:11.013
at sa parehong bayan kami nakatira.
Madalas ko siyang makalaro.

07:11.097 --> 07:12.974
"Paboritong kapareha at bakit?"

07:13.057 --> 07:16.227
Si Rory. Kakampi ko siya.
Boston Common Frogs, baby.

07:16.811 --> 07:19.063
"Huling pro golfer na tinext ko?"

07:19.147 --> 07:20.064
Siya.

07:21.858 --> 07:25.278
Madali siyang kausap. Masaya talaga kami.

07:25.862 --> 07:27.321
Wag mong palabasin sa green.

07:27.405 --> 07:29.157
-Sige. Madali lang 'yan.
-Oo.

07:29.240 --> 07:31.951
-Gumagana 'yan sa karamihan ng hole.
-Oo.

07:35.371 --> 07:38.416
Sinasabi ko, 'yong pressure sa Masters ay…

07:38.499 --> 07:40.877
Oo. Parang di normal na torneo.

07:40.960 --> 07:44.255
Ano'ng gagawin natin para maging normal?

07:44.338 --> 07:45.548
Ang ano… 'Yon.

07:45.631 --> 07:49.719
Di ko maisip 'yong pressure
na nararamdaman mo.

07:50.511 --> 07:53.431
Malaking taon 'to. Maraming mangyayari.

07:53.514 --> 07:56.100
Pagdating ng taon ng Ryder Cup,

07:56.184 --> 07:58.978
ang Majors ay Majors,
pero di nalalayo dito,

07:59.061 --> 08:01.230
alam mong nandiyan na ang Ryder Cup.

08:02.982 --> 08:05.693
Ano'ng gagawin mo ngayong linggo?

08:05.776 --> 08:08.321
-Magpapahinga ako ng ilang araw.
-Okay, mabuti.

08:08.404 --> 08:10.656
-Mas gagaan ang pakiramdam mo.
-Oo.

08:10.740 --> 08:12.700
Iba ang papel ko sa Boston Common

08:12.783 --> 08:16.496
kaysa sa role ko sa Ryder Cup.

08:17.538 --> 08:19.290
Dalawang linggo pa bago ang Major.

08:19.373 --> 08:21.918
-Ayokong matanggal nang maaga.
-Oo, alam ko.

08:22.001 --> 08:25.046
Di namin pinag-uusapan ni Rory
ang Ryder Cup.

08:25.129 --> 08:28.549
Kung ano'ng gagawin ko,
o ginagawa niya, o ng Europe.

08:28.633 --> 08:31.552
Di man nila pinag-uusapan ang Ryder Cup,

08:31.636 --> 08:33.596
pero di naman kailangan.

08:33.679 --> 08:38.684
Malinaw kung ano ang ambisyon nila
sa Ryder Cup.

08:38.768 --> 08:44.023
Sinabi ko na 'to sa sinumang makikinig
sa nakaraang anim o pitong taon.

08:44.106 --> 08:47.902
Isa sa pinakamalaking accomplishment
sa golf ay manalo ng away Ryder Cup.

08:47.985 --> 08:49.779
'Yon ang gagawin namin sa Bethpage.

08:49.862 --> 08:50.905
Sige, Rory.

08:52.949 --> 08:55.326
Karangalan kong maging leader
ng team na 'to,

08:55.409 --> 09:00.081
at pupunta ako sa Bethpage
para makuha ulit ang Ryder Cup para sa US.

09:06.420 --> 09:09.715
Pag natamaan mo 'yong puting poste,
tatalon ako sa tubig.

09:10.675 --> 09:12.426
-Pag natamaan ko…
-Tamaan mo.

09:12.510 --> 09:14.470
-Bibigyan kita ng isang dolyar.
-Kung…

09:14.554 --> 09:16.472
-Ano?
-Bibigyan kita ng isang dolyar.

09:16.555 --> 09:18.641
Bibigyan mo ako ng isang dolyar?

09:19.809 --> 09:21.060
Heto, gamitin mo 'to.

09:23.938 --> 09:24.814
Natamaan mo!

09:24.897 --> 09:27.525
Bigyan mo ako ng isang dolyar!

09:28.025 --> 09:28.901
Ano?

09:28.985 --> 09:29.944
Dalawa?

09:30.444 --> 09:32.238
Wow, okay.

09:36.659 --> 09:39.829
No'ng tawagan ako
para maging kapitan ng Ryder Cup,

09:39.912 --> 09:40.997
nagulat ako.

09:41.747 --> 09:43.833
Ibang klase na maranasan

09:43.916 --> 09:46.794
ang di nararanasan
ng maraming tao sa sport na 'to.

09:46.877 --> 09:48.671
Ibibigay mo ang Pritch card kay Mama?

09:48.754 --> 09:50.673
Pero bigyan mo ako ng full pack.

09:52.300 --> 09:54.343
Magandang… Sige, deal.

09:54.844 --> 09:56.804
Halos lahat ng tungkol kay Keegan Bradley

09:56.887 --> 09:59.557
na itinalagang kapitan ng Team USA

09:59.640 --> 10:02.184
ay kakaiba at walang katulad.

10:02.268 --> 10:03.352
Patingin.

10:04.228 --> 10:08.649
Kakaiba ito,
dahil lahat tungkol sa torneo ay gusto ko,

10:08.733 --> 10:11.819
pero napakasama nito sa akin
buong buhay ko.

10:13.279 --> 10:15.656
May magaganda akong alaala,

10:15.740 --> 10:18.826
pero dito rin siguro
ang pinakamasasama kong alaala sa golf.

10:23.748 --> 10:27.001
Si Keegan Bradley
para panatilihing buhay ang laban.

10:27.501 --> 10:29.503
Hindi, sir.
Isa pang puntos para sa Europe.

10:29.587 --> 10:32.798
Panalo si McIlroy 2&1.
Unang talo ni Keegan Bradley.

10:33.299 --> 10:35.384
Bradley para sa birdie para manalo.

10:36.385 --> 10:41.515
Kumplikado ang relasyon namin
sa Ryder Cup.

10:44.560 --> 10:50.858
Nagdulot ito ng matinding sakit
at pighati sa pamilya namin.

10:51.400 --> 10:54.320
Walang madaling paraan
para sabihin 'to, kaibigan.

10:55.363 --> 10:58.324
Mas mabuti sigurong
ibang direksyon ang tahakin ngayon.

10:58.407 --> 11:00.242
Di ko inasahan 'yon,

11:00.326 --> 11:06.248
at bigla na lang, "Ito ang trabaho mo,"
at napakabigat no'n.

11:08.709 --> 11:13.381
Pero sobrang nagpapasalamat ako
at nakakapagpakumbaba

11:13.464 --> 11:19.762
na maging parte ng Ryder Cup
sa ganitong level.

11:20.513 --> 11:25.017
Habambuhay na koneksyon
ang mga team na 'to.

11:25.601 --> 11:27.603
Heto na ako!

11:28.688 --> 11:30.856
Heto na ako.

11:32.108 --> 11:36.570
Sobrang nabulabog ng pag-anunsyo
sa Ryder Cup ang mundo namin.

11:36.654 --> 11:40.116
-Di pa rin ako makapaniwala.
-Para kaming…

11:40.699 --> 11:42.159
Lalo pagkatapos ng nakaraang taon.

11:42.243 --> 11:44.745
Di ko alam kung magagawa ko pa ulit 'to.

11:44.829 --> 11:47.915
Oo, nalungkot din ako, na parang…

11:47.998 --> 11:49.208
-Malungkot.
-Oo.

11:49.291 --> 11:51.585
-Nakakalungkot.
-Di ko siya mapanood…

11:51.669 --> 11:55.673
Di ko tinitingnan 'yong mga litrato,
kasi masakit.

11:55.756 --> 11:56.757
Oo nga.

11:57.299 --> 11:59.468
Kinakabahan ako, kasi…

11:59.552 --> 12:04.557
Tinitingala ko sina Tabitha Furyk
at Kim Johnson,

12:04.640 --> 12:09.812
at kailangan ko
na maging gano'ng klaseng pinuno,

12:09.895 --> 12:12.523
na nakakatakot.

12:12.606 --> 12:15.401
Pakiramdam ko,
bawat aspeto ng buhay ko ngayon,

12:15.484 --> 12:17.611
kailangan kong maging kapitan
ng Ryder Cup team.

12:17.695 --> 12:20.573
Hindi mo… Hindi mo pwedeng ihiwalay.

12:21.157 --> 12:24.827
Papunta sa Masters,
nasa isip ko ang tunay kong trabaho,

12:24.910 --> 12:28.289
sinusubukan kong manalo
ng Majors, maging isa sa pinakamagaling.

12:28.372 --> 12:32.251
Pakiramdam ko,
kailangan kong kumilos at maging kapitan

12:32.334 --> 12:34.128
ng US Ryder Cup team.

12:34.211 --> 12:35.629
Magiging maganda ito.

12:37.339 --> 12:40.050
At pipili ako ng outfits, masaya 'yon.

12:42.511 --> 12:45.598
Papasok si Keegan sa Masters
para gumawa ng kasaysayan,

12:45.681 --> 12:48.684
pero umaasa ang ibang players
na di nila ito maulit.

12:49.769 --> 12:51.020
Sige, Rors.

12:51.520 --> 12:52.563
Pag-usapan natin

12:52.646 --> 12:56.150
'yong paparating na golf tournament
na tinatawag na Masters.

12:56.776 --> 12:58.903
Heto ang listahan ng mga tao
na madalas mong marinig.

12:58.986 --> 13:03.073
Gene Sarazen, Ben Hogan, Gary Player,
Jack Nicklaus at Tiger Woods.

13:03.157 --> 13:03.991
Oo.

13:04.492 --> 13:06.076
Ano'ng pagkakapareho nila?

13:06.160 --> 13:08.954
Lahat sila ay nanalo
ng tinatawag na career Grand Slam.

13:10.498 --> 13:13.626
Ang career Grand Slam
ay pagkapanalo sa apat na Majors,

13:13.709 --> 13:18.506
na limang beses lang nagawa
sa kasaysayan ng laro.

13:19.507 --> 13:24.845
Mahirap ipaliwanag
dahil talagang makasaysayan ito.

13:26.847 --> 13:30.559
Di kapani-paniwala
ang performance ni Rory McIlroy.

13:30.643 --> 13:33.103
Nanalo si Rory ng tatlo sa apat na Major.

13:33.187 --> 13:36.982
Champion golfer ng taon si Rory McIlroy.

13:37.775 --> 13:42.530
Pero napakailap ng natitirang titulo.

13:42.613 --> 13:44.532
Iisipin mong di na magtatagal

13:44.615 --> 13:47.743
bago niya maidagdag
ang US Masters sa koleksiyon niya.

13:47.827 --> 13:50.162
Maraming nakakuha ng tatlo sa apat.

13:50.246 --> 13:53.749
Pero kung mananalo ka ng apat,
magiging alamat ka ng laro.

13:53.833 --> 13:56.836
Kung mananalo ka ng career Grand Slam,
iba ka na.

13:56.919 --> 13:59.046
Isa ka sa mga pinakamagagaling.

14:00.631 --> 14:04.176
Ilang taon nang ito ang kuwento.

14:04.677 --> 14:07.471
Kaya bang manalo ni Rory McIlroy
sa Masters? 'Yon lang.

14:10.766 --> 14:14.812
Narito na si Rory McIlroy.

14:15.479 --> 14:19.900
Balikan natin ang 2011
at ang nangyari sa final round.

14:19.984 --> 14:22.444
Halos lahat, itinanghal na siya

14:22.528 --> 14:24.405
bilang Masters champion.

14:25.197 --> 14:26.240
At di nangyari.

14:28.492 --> 14:30.077
At ngayon, Rory, tingnan mo.

14:30.160 --> 14:31.662
Out of bounds ba 'yon?

14:31.745 --> 14:32.580
Ano?

14:33.163 --> 14:36.333
Nakakita ka na ba ng ganito sa hole ten?

14:36.417 --> 14:37.334
Hindi pa.

14:39.169 --> 14:40.880
Pang-apat na tira.

14:40.963 --> 14:42.172
Maliit na puno.

14:42.256 --> 14:43.716
At tinamaan 'yon.

14:43.799 --> 14:47.720
Bumagsak siya sa ikapito
mula sa unang puwesto sa isang hole lang.

14:47.803 --> 14:53.392
Tingin ko, sinusubukan niya pa rin
na bumawi mula doon.

14:53.475 --> 14:56.478
Gustong makita ng mga tao
na makuha mo 'yong career Grand Slam.

14:56.562 --> 15:00.482
-Nabanggit mo na ang Grand Slam.
-Saan na 'yong Grand Slam na 'yon?

15:00.566 --> 15:02.818
Gusto ko sanang makuha na 'yon.

15:03.694 --> 15:08.157
Isa na namang nakakadismayang
Linggo ng hapon para kay Rory sa Augusta.

15:08.741 --> 15:10.200
Di ako nagkulang sa pagsubok.

15:10.284 --> 15:13.662
Mahirap para kay Rory na umalis sa Augusta

15:13.746 --> 15:17.541
sa ikasampung beses na may tsansa
na manalo ng career Grand Slam.

15:19.126 --> 15:23.923
Napakagandang pagkakataon
na mapabilang sa listahan na 'yan,

15:24.006 --> 15:26.884
kasama sina Tiger, Jack, Gary,
Gene Sarazen, at Ben Hogan.

15:26.967 --> 15:32.264
Ibig kong sabihin,
mga mythical figure ito sa golf.

15:32.348 --> 15:36.018
At kung makakasali ako sa kanila,
napakagaling no'n.

15:36.101 --> 15:40.648
Pakiramdam ko ngayong taon, may tsansa ako
gaya sa mga nakaraang taon.

15:40.731 --> 15:42.358
Kaya excited ako.

15:46.278 --> 15:48.864
Welcome sa Augusta, Georgia.

15:49.615 --> 15:53.327
Ito ang Par 3 contest sa 89th Masters.

15:54.745 --> 15:57.122
Si Keegan Bradley at ang bigote niya.

15:57.206 --> 15:58.832
Kapitan ng US Ryder Cup.

15:58.916 --> 16:03.671
Baka magulat kayo na ako
ang nag-suggest ng bigote.

16:04.463 --> 16:08.968
Kinakabahan siyang bumalik sa tour
bilang kapitan.

16:09.051 --> 16:13.013
Sabi ko sa kanya,
"Subukan mo kaya mag-bigote"

16:13.097 --> 16:15.224
bilang icebreaker.

16:18.268 --> 16:21.563
Ewan ko. Ginawa ko lang
bilang biro para sa pamilya ko.

16:21.647 --> 16:25.234
Kontrobersyal na topic 'yon.
Either gusto mo o ayaw mo.

16:25.818 --> 16:28.487
Sa lahat ng usap-usapan
tungkol kay Keegan,

16:28.570 --> 16:31.407
wag nating kalimutan
na isa siya sa pinakamagaling sa mundo

16:39.581 --> 16:41.667
-Maaring una sa araw na 'to.
-Pumasok ka.

16:41.750 --> 16:43.419
-Pumasok ka.
-Kapitan!

16:43.502 --> 16:45.003
Ayos!

16:47.548 --> 16:48.507
Nagawa niya!

16:49.758 --> 16:54.138
At ang tanong, kaya niya bang
manalo ng pangalawang Major sa Augusta,

16:54.680 --> 16:57.141
o masyadong mabigat ang pressure?

16:57.224 --> 16:59.435
At nariyan si Rory McIlroy.

16:59.518 --> 17:02.271
Ang anak ni Rory McIlroy, si Poppy.

17:02.771 --> 17:09.319
Tingin ko, karapat-dapat si Rory McIlroy
na mapabilang sa mga pinakamagagaling.

17:09.403 --> 17:12.698
Pero mapapabilang ba siya
sa grupong 'yon ng mga player

17:12.781 --> 17:16.910
kung hindi niya makakamit
ang career Grand Slam?

17:21.665 --> 17:23.709
Ang saya lang ng hapon.

17:23.792 --> 17:27.087
Magandang paraan 'to
para tapusin ang paghahanda

17:27.171 --> 17:30.841
para sa seryosong bahagi ng linggo.

17:30.924 --> 17:33.469
Kaya masayang lumabas dito at gawin 'to.

17:39.850 --> 17:43.479
Salamat at magandang hapon
mula sa 89th Masters tournament.

17:43.979 --> 17:47.775
Nasa tee ang defending champion
na si Scottie Scheffler.

17:47.858 --> 17:49.985
At si Justin Thomas para sa birdie.

17:54.615 --> 17:55.824
Shane Lowry.

17:57.117 --> 17:58.952
At two under par siya.

17:59.495 --> 18:02.331
Ang kapitan ng US Ryder Cup,
Keegan Bradley.

18:06.460 --> 18:08.170
Tommy Fleetwood.

18:08.796 --> 18:10.172
Pasok 'yon.

18:12.591 --> 18:15.886
Ito ang magiging pang-anim niyang birdie.

18:16.637 --> 18:18.722
Tuloy-tuloy si Rose.

18:19.389 --> 18:20.641
Magandang simula para kay JR.

18:20.724 --> 18:21.892
Rory.

18:23.977 --> 18:26.480
-Okay lang na kulang.
-Tama na.

18:26.563 --> 18:27.397
Dahan-dahan.

18:28.190 --> 18:29.274
Dahan-dahan.

18:29.358 --> 18:32.277
Papunta sa kapahamakan. Papunta sa tubig.

18:34.655 --> 18:37.574
Anim na tira na ang layo ni Rory.

18:39.284 --> 18:44.623
Ika-siyam na beses na siyang nanguna
o nakatabla matapos ang round sa Augusta.

18:44.706 --> 18:49.586
'Yan ang pinakamarami
para sa walang green jacket.

18:49.670 --> 18:53.549
Tinutupad mo ang pangarap,
nasa sandali ka, nagsusumikap na manalo.

18:53.632 --> 18:57.094
Nasa bucket list 'yan
ng lahat ng manlalaro, siyempre.

18:59.346 --> 19:02.599
Di ito ang gustong simula ni Rory.

19:02.683 --> 19:05.644
Di ko alam kung sinusubukan niya,
o kulang ang ginagawa niya,

19:05.727 --> 19:06.937
o kung ano man.

19:07.020 --> 19:10.357
Kung gusto mong manalo, ilagay mo
ang sarili sa magandang posisyon.

19:10.440 --> 19:12.943
Biyernes sa Masters,

19:13.026 --> 19:16.029
at narito ang nangunguna, si Justin Rose.

19:18.824 --> 19:21.118
Ay, ang ganda ng tira ni Justin Rose.

19:21.618 --> 19:23.871
Alam mong may nangyayari,

19:23.954 --> 19:27.166
na nagagawa mo sa mas malalaking sandali

19:27.249 --> 19:29.209
'yong level na kailangan para manalo.

19:29.293 --> 19:31.920
Tsansang palawakin ang lead sa tatlo.

19:33.213 --> 19:36.466
Mukhang komportable si Justin Rose.

19:37.467 --> 19:38.552
Si Rory naman.

19:41.889 --> 19:45.100
Si Rory, sa wakas, isang dart.

19:45.809 --> 19:49.271
Pambihirang rebound mula kay Rory.

19:49.980 --> 19:51.190
Pero ang cut line…

19:51.773 --> 19:53.150
Si Keegan…

19:55.277 --> 20:00.073
Kung kilala mo si Keegan Bradley,
alam mong napaka-competitive niya.

20:00.157 --> 20:02.743
Ang stress ng pagiging kapitan,

20:02.826 --> 20:05.954
at lahat ng kasama nito,
ay patuloy na naiipon.

20:06.538 --> 20:11.001
Kaya ba niyang dalhin
lahat ng ito emotionally at mentally?

20:11.084 --> 20:12.502
Di ako nakapasok.

20:12.586 --> 20:15.297
Pero pagkapirma ko ng card
at pag-alis ko sa course,

20:15.380 --> 20:18.216
kailangan kong bumalik
sa pagiging kapitan.

20:18.300 --> 20:22.638
Kaya nanatili ako buong weekend
para makita kung kumusta sila.

20:22.721 --> 20:25.974
Dalawang torneo ang mga Major na 'to.

20:26.767 --> 20:31.063
Dito malalaman kung ano talaga
ang kakayahan ng team namin.

20:31.563 --> 20:35.525
Bakit di mo interviewhin si Dad?
Tanungin mo siya ng mga tanong mo.

20:36.026 --> 20:40.656
Ano'ng masasabi mo
sa pagiging kapitan ng 2026 Ryder Cup?

20:40.739 --> 20:42.616
-2025.
-2025.

20:44.117 --> 20:44.993
Gigi!

20:45.077 --> 20:47.454
Mukhang interesado ka, Miss Reporter.

20:47.537 --> 20:50.666
-Di mo nga alam ang taon, kaya…
-Miss Bolognese ang pangalan ko.

20:50.749 --> 20:51.667
Miss Bolognese.

20:51.750 --> 20:54.962
Masuwerte ako sa Ryder Cup
at sa naibigay nito sa akin.

20:55.045 --> 20:59.508
May napakagandang
pagkakataon akong bumalik.

21:00.050 --> 21:01.969
Tingnan mo. Luto na.

21:02.511 --> 21:04.680
-Sige na.
-Wow!

21:04.763 --> 21:08.141
Iba 'yong dynamic ni Keegan sa akin.

21:08.225 --> 21:10.060
-Dad, gumaling ka.
-Number one dad mode!

21:10.143 --> 21:12.771
Pangalawang beses mong magluto
ngayong taon.

21:12.854 --> 21:14.606
At kahapon 'yong una.

21:15.274 --> 21:18.026
Gusto kong tumutok sa Ryder Cup,

21:18.110 --> 21:21.405
at maglaro ng sapat na events
para makasama ang players.

21:21.488 --> 21:24.449
Kaya mas kaunti ang laro ko ngayong taon.

21:25.409 --> 21:27.619
Mataas pa rin ang level ng laro niya,

21:27.703 --> 21:30.789
at para mag-concentrate
sa pagiging mahusay na player

21:32.040 --> 21:34.918
at pagiging kapitan,
mahirap pagsabayin 'yon.

21:35.002 --> 21:39.923
Ano'ng gagawin n'yo kung may mga
nang-aasar sa Team Europe sa New York?

21:40.632 --> 21:42.134
May lasang ng barbecue.

21:42.217 --> 21:43.302
Lalaban ako!

21:43.385 --> 21:44.886
Elle, kung…

21:45.721 --> 21:51.393
Si Luke, magaling siya sa pagiging present
at pagiging nasa sandali,

21:51.476 --> 21:54.813
pero iniisip din ang hinaharap.

21:55.605 --> 21:57.733
At 'yon… Ewan ko.

21:57.816 --> 22:00.569
Sagittarius siya. Gano'n talaga siya.

22:01.069 --> 22:04.156
Noong 2012 sa Medina,
alam n'yo kung sino ang nauna?

22:04.239 --> 22:07.117
-Tinawagan na ba natin ang mga tao?
-Dad.

22:07.200 --> 22:08.285
Tinawagan ko na.

22:08.869 --> 22:13.623
Sa tingin ko,
marami kaming natutunan sa unang beses.

22:13.707 --> 22:17.002
At sa tingin ko,
malaking tulong 'yong experience.

22:18.003 --> 22:19.254
Kunin mo!

22:21.048 --> 22:24.134
Malamang may pagpapatuloy 'to
mula sa Rome.

22:24.217 --> 22:25.302
Dad!

22:25.385 --> 22:28.889
At ang pinakamagagaling na manlalaro
ay umaangat ulit.

22:29.389 --> 22:32.142
Espesyal na makita si Rory
na manalo sa PLAYERS.

22:32.225 --> 22:33.435
Leader siya para sa amin.

22:33.518 --> 22:34.394
At si Rosey.

22:35.145 --> 22:38.023
Mahirap alisin si Justin dahil sa Masters.

22:38.106 --> 22:39.566
Medyo tumatanda na siya,

22:39.649 --> 22:43.236
pero parang kaya niyang umangat
sa mga malalaking pangyayari.

22:48.784 --> 22:51.370
Walong buwan na mula
nang maglaro kami ng Major,

22:51.453 --> 22:53.955
kaya maraming oras
para isipin ang Masters.

22:54.790 --> 22:58.418
Isa 'yon sa paborito ko.
Maraming beses na akong nakalaro doon.

22:58.502 --> 23:01.046
Si Justin Rose ay 45 years old.

23:01.129 --> 23:04.758
Sa tour, nakatatanda na siya,
at nangunguna siya.

23:04.841 --> 23:06.551
Baka nakakagulat sa marami,

23:06.635 --> 23:11.348
pero wag kalimutan na naging matagumpay
siya sa bawat dekada ng career niya.

23:11.431 --> 23:15.435
Di pa siya nananalo sa Masters,
pero taon ng Ryder Cup ngayon.

23:15.519 --> 23:19.398
Pangarap kong maging bahagi ng Ryder Cup.

23:19.481 --> 23:21.191
Ilan na ang napalampas ko.

23:21.274 --> 23:23.235
Isang beses lang ako napili sa Ryder Cup.

23:23.318 --> 23:25.362
Noong '23. Tinawagan ako ni Luke.

23:25.445 --> 23:28.990
Sa tingin ko nakita ng Netflix
'yong tawag sa garden.

23:29.908 --> 23:32.244
-Hi, Luke.
-May good news ako, pare.

23:32.828 --> 23:34.079
Pasok ka sa team.

23:34.162 --> 23:37.707
Dalawang beses akong di nakasali.

23:38.458 --> 23:40.418
Malaking bagay
na diretsong makapasok sa team.

23:40.502 --> 23:44.714
Di ka naghihintay ng tawag.
Kontrolado mo 'yong kapalaran mo.

23:45.465 --> 23:49.302
Tinututukan ko 'yon ngayong taon.
Gagawin ko lahat para makapasok.

23:49.803 --> 23:54.266
Kung matatalo ni Justin
ang pinakamagagaling na batang manlalaro

23:54.349 --> 23:56.601
at mananalo sa Masters,

23:56.685 --> 23:58.353
baka makilala na siya

23:58.437 --> 24:01.106
bilang pinakamagaling na manlalaro
sa Europe.

24:02.399 --> 24:07.320
Mula sa Augusta National Golf Club,
live tayo sa third round.

24:07.404 --> 24:10.282
Ang beterano
at magaling na si Justin Rose.

24:12.367 --> 24:13.535
Hold!

24:14.995 --> 24:19.916
Nakangiwi siya at nakayuko,
at hindi magandang bagay 'yon.

24:21.793 --> 24:23.378
Heto na si Rory.

24:23.462 --> 24:26.423
Di niya ito mapapabagsak sa green,
di ba, Dottie?

24:26.506 --> 24:29.301
Mukhang hindi.
Tingin ko dapat bumagsak sa fringe.

24:29.384 --> 24:30.969
Spinner ang gagamitin.

24:32.596 --> 24:34.097
Pumasok ka!

24:34.181 --> 24:35.348
At pumasok!

24:36.850 --> 24:39.352
Eagle chip sa two.

24:39.436 --> 24:41.271
Simula na ng pangarap mo.

24:41.897 --> 24:44.900
Lamang ng isa sa simula ng araw,
ngayon ay nahuhuli ng apat.

24:44.983 --> 24:46.067
Para sa birdie.

24:48.612 --> 24:49.446
Kalokohan.

24:49.529 --> 24:51.990
Di siguro siya makapaniwala sa nangyayari.

24:56.119 --> 25:00.999
Sobra akong naiinis.

25:01.875 --> 25:04.127
Parang natalo na ako sa Masters.

25:04.211 --> 25:06.171
Maganda ang laro ko.

25:06.254 --> 25:08.924
Naka-16 ako sa 18 greens.

25:09.007 --> 25:12.177
Naka-37 putts ata ako.
Natalo 'yong limang stroke.

25:12.260 --> 25:15.555
Umalis ako na 75. Ginawa kong 75 ang 69.

25:16.723 --> 25:18.308
Sobra akong naiinis.

25:18.391 --> 25:20.477
Mahirap na laban 'to,

25:20.560 --> 25:25.065
pero ang Linggo sa Augusta
ay parang espirituwal na araw.

25:25.899 --> 25:29.528
Maganda pa rin ang linggo, at naniniwala
akong may maganda pa akong laro,

25:29.611 --> 25:33.156
at gusto ko pa ring maramdaman
kung gaano kahalaga

25:33.240 --> 25:35.575
na maglaro sa Augusta
sa Linggo ng Masters.

25:35.659 --> 25:38.411
Pangarap ko pa 'yon mula pagkabata, di ba?

25:38.495 --> 25:40.622
Alam kong kailangan kong magbago.

25:40.705 --> 25:44.626
Mapapatunayan kong kaya ko pa ring
manalo sa pinakamataas na level.

25:48.838 --> 25:52.676
Nagsasama-sama ang lahat
para sa di malilimutang araw ng golf.

25:52.759 --> 25:56.680
Baka ito na ang isa sa pinakamagandang
araw sa modernong panahon.

25:56.763 --> 25:59.266
Titira na si Justin Rose!

26:03.812 --> 26:08.066
Iniisip ko bago ang Linggo,
"Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari,

26:08.149 --> 26:11.945
pero alam kong maaalala ko
itong araw na 'to habang-buhay."

26:18.034 --> 26:22.205
Nagising ako ngayong umaga
na nagpapasalamat na nasa Augusta ako.

26:22.289 --> 26:24.749
Espesyal na araw 'to sa golf.

26:25.250 --> 26:27.002
Para sa birdie sa 1st.

26:28.545 --> 26:32.674
Pumunta lang ako sa lugar
na pinangarap kong mapuntahan.

26:32.757 --> 26:35.010
Si Justin Rose para sa birdie.

26:36.636 --> 26:40.599
Para sa amin, nakayuko lang kami,
sa kasalukuyan, hole after hole.

26:40.682 --> 26:42.058
Nakatuon lang talaga.

26:42.142 --> 26:43.476
Pumunta tayo sa 11.

26:43.560 --> 26:44.519
Justin Rose.

26:44.602 --> 26:46.062
Malayo pa.

26:46.146 --> 26:47.856
Fifty-seven feet.

26:52.068 --> 26:53.028
Pataas na.

26:54.779 --> 26:58.158
Maganda ang laro ko,
maganda ang pakiramdam ko.

26:58.241 --> 26:59.576
Di ko tinitingnan ang scores.

26:59.659 --> 27:03.163
Ang crowd lang ang nagbigay sa 'kin
ng ideya na may laban ako.

27:06.791 --> 27:08.209
Grabe!

27:08.877 --> 27:11.421
Nasa laban na muli si Justin Rose.

27:12.047 --> 27:15.008
Nakuha ni Rory ang pinakamaganda,
pinakaligtas na anggulo.

27:15.091 --> 27:16.885
Nasa 86 na lang para sa hole.

27:18.595 --> 27:20.972
Medyo malayo at medyo pakaliwa.

27:22.057 --> 27:23.099
Ay, Rory.

27:23.975 --> 27:25.894
Diyos ko.

27:27.228 --> 27:28.438
Di ko maipaliwanag.

27:33.526 --> 27:36.488
Parang pinapanood natin si Rory

27:36.571 --> 27:41.159
na nararanasan ulit
'yong trauma at pagkadismaya niya.

27:44.537 --> 27:47.374
May short putt si Rose
sa 16 para sa birdie.

27:47.457 --> 27:49.542
Napakalaking sandali.

27:54.798 --> 27:57.926
Nangyari ang di inaasahan. Tabla na sila.

27:58.009 --> 28:00.220
Ikasiyam na birdie niya ngayong araw.

28:00.887 --> 28:04.557
Kaya bang baligtarin ni McIlroy
ang momentum na 'to

28:04.641 --> 28:06.267
sa par-five 15th?

28:08.353 --> 28:09.896
Sapat na ba ito?

28:11.523 --> 28:12.774
Sapat na!

28:13.858 --> 28:15.568
Ayan na!

28:19.447 --> 28:21.157
Ang tira ng buhay niya.

28:23.827 --> 28:26.454
Masakit panoorin 'tong back nine.

28:26.538 --> 28:29.374
Nabubulilyaso niya ang sarili,
pero lagi siyang nakakabawi,

28:29.457 --> 28:31.418
at bumabalik sa laro.

28:32.836 --> 28:35.964
May putt si Rose para makatabla.

28:38.508 --> 28:39.634
Pumasok ka!

28:39.717 --> 28:40.802
At isang pagkakataon.

28:40.885 --> 28:43.179
Wow, ang gandang putt!

28:44.431 --> 28:47.225
Kung babalikan mo
ang gusto mo sa buhay, ito na 'to.

28:47.308 --> 28:49.185
Sampung birdie sa Linggo sa Augusta.

28:49.269 --> 28:51.521
Ginawa ko lahat, malaya akong naglaro.

28:51.604 --> 28:55.442
At ngayon, pag wala sa kontrol mo,
kakaibang sitwasyon.

28:55.525 --> 28:56.818
Magaling ang paglalaro niya.

28:56.901 --> 28:59.571
Kaya maipagmamalaki niya 'yon.

29:02.615 --> 29:04.117
Tuwang-tuwa si Justin Rose

29:04.200 --> 29:07.412
sa final round niya,
pero nangyari na 'to dati.

29:07.495 --> 29:09.914
At kung babanggitin mo
'yong 2017 Masters sa kanya,

29:09.998 --> 29:11.833
masakit pa rin.

29:11.916 --> 29:14.043
Napakasensitibo nito. Maselang usapin ito.

29:14.127 --> 29:16.504
'Yon 'yong huling beses
na nag-playoff 'ang Masters,

29:16.588 --> 29:18.173
at natalo siya kay Sergio Garcia

29:18.256 --> 29:21.217
sa torneo na pakiramdam niya
dapat siya ang nanalo.

29:21.301 --> 29:24.012
Ayaw niyang maulit 'yon,

29:24.095 --> 29:26.431
pero baka ni di siya makapag-playoff

29:26.514 --> 29:28.641
kung mananalo si Rory kaagad.

29:31.060 --> 29:33.730
Ilagay mo sa green,
baka sa 'yo na ang green jacket.

29:35.273 --> 29:37.150
Gap wedge 'yon.

29:38.735 --> 29:40.779
Tagilid. Diyos ko!

29:43.072 --> 29:46.701
May twist pa ba sa 89th Masters?

29:46.784 --> 29:48.077
Bakit hindi?

29:49.621 --> 29:54.209
Patuloy na binibigyan ni Rose ang sarili
niya ng tsansa para sa playoff.

29:59.214 --> 30:00.298
Sige.

30:02.467 --> 30:03.426
Ang putt na 'yon

30:04.761 --> 30:05.595
para sa mundo.

30:10.475 --> 30:11.684
Kaya mo ba?

30:12.227 --> 30:14.562
Dito papunta lahat ng sandaling 'yon.

30:19.692 --> 30:21.152
Pumasok ka!

30:38.294 --> 30:39.712
Aabot sa playoff.

30:44.759 --> 30:46.010
Kaya mo 'yan, Justin!

30:51.057 --> 30:54.269
Iniisip ko kung napalampas ko na naman ba.

30:57.730 --> 30:59.983
Ang hirap bumalik taon-taon

31:00.066 --> 31:02.569
at ibigay ang lahat pero di pa rin makuha.

31:03.570 --> 31:04.862
Mahirap maghintay.

31:05.989 --> 31:08.533
Mahirap tanggapin 'yong St. Andrews

31:08.616 --> 31:10.910
kasi bihira lang ang pagkakataon doon.

31:12.370 --> 31:14.581
'Yong U.S. Open noong nakaraang taon,

31:15.081 --> 31:16.291
ay napakapangit.

31:22.505 --> 31:26.384
Minsan, hinayaan kong
matalo ako ng bigat ng inaasahan.

31:26.467 --> 31:29.596
At may sapat nang expectation mula sa iba,

31:29.679 --> 31:30.555
at lahat ng hype.

31:30.638 --> 31:31.472
Rory!

31:31.556 --> 31:35.143
-Gusto kong lumabas sa Netflix.
-Di naman ganoon kaganda.

31:36.978 --> 31:40.523
Pakiramdam ko, kaya kong
makapasok sa top ten.

31:40.607 --> 31:42.191
Pero di sapat para manalo.

31:43.276 --> 31:45.153
Parang napakalayo.

31:51.826 --> 31:57.206
Naglalakad kami ni Harry
papunta sa golf cart pabalik sa 18th tee.

31:58.082 --> 32:00.376
Kilala ko na si Harry
mula noong pitong taon ako.

32:00.460 --> 32:03.379
Nakilala ko siya sa putting green
sa Holywood Golf Club.

32:05.214 --> 32:08.217
Marami kaming masasayang pinagsamahan.

32:08.301 --> 32:10.470
Para ko na siyang kuya.

32:10.553 --> 32:12.555
Sabi niya sa akin, "Pare,

32:12.639 --> 32:16.809
gagawin mo ang lahat para makapasok
sa playoff noong simula ng linggo."

32:17.477 --> 32:18.853
Madaling mag-reset.

32:18.937 --> 32:21.648
Magpatuloy ka lang. Manalig ka lang.

32:25.610 --> 32:29.072
Nag-warmup ako,
tumira ako ng bola ng 20, 30 minuto,

32:29.155 --> 32:31.908
at pakiramdam ko,
lahat ng tira ko, pangit.

32:31.991 --> 32:35.828
Tapos narinig kong pumalya siya
at sabi ko, "Wow. Tara na."

32:35.912 --> 32:37.413
Justin!

32:37.497 --> 32:38.915
Sige, Rory

32:39.791 --> 32:45.129
Unang playoff sa Masters mula 2017
kung saan kasali si Justin Rose.

32:45.713 --> 32:47.840
Tumama sa tabi ng hole.

32:48.925 --> 32:51.094
No'ng ikalawang tira ni Justin,

32:51.177 --> 32:54.555
di ko masabi kung gaano kalapit,
pero mukhang malapit.

32:54.639 --> 32:58.893
Kaya pakiramdam ko, wala akong ibang
magagawa kundi maging agresibo

32:58.976 --> 33:00.937
at itira ito sa flag.

33:04.816 --> 33:06.359
Di ito papunta sa kanan.

33:06.442 --> 33:07.819
Baka tama lang.

33:08.319 --> 33:10.279
Bababa sa slope.

33:17.203 --> 33:18.955
Diyos ko.

33:24.293 --> 33:28.840
Naniniwala ako na mas magaling na ako
ngayon kaysa noong nakaraang sampung taon.

33:28.923 --> 33:30.591
Di ko pa naiintindihan ang sarili.

33:30.675 --> 33:35.555
Di ko naintindihan kung bakit napunta ako
sa magandang posisyon noong 2011,

33:35.638 --> 33:38.850
at di ko rin naintindihan
kung bakit ko 'yon napalampas.

33:38.933 --> 33:42.395
Dapat lagi kang positibo sa larong ito.

33:46.733 --> 33:48.776
-Pasok!
-Pasok!

33:56.159 --> 34:00.747
Bitbit ko 'yong pasanin na 'yon
mula August 2014. Halos 11 taon.

34:00.830 --> 34:01.998
Dapat gano'n ako.

34:02.081 --> 34:05.251
Habang tumatagal, mas nasanay na ako

34:05.334 --> 34:08.296
sa ingay na nakapaligid
sa buong Masters week ko,

34:08.379 --> 34:11.382
at mas naging komportable na ako rito.

34:12.508 --> 34:16.345
Nakakatawa kung paano nangyayari
ang mga bagay na 'to, pero proud ako

34:16.429 --> 34:21.601
na patuloy akong bumabalik at inilalagay
ang sarili ko sa posisyon para manalo.

34:29.567 --> 34:31.819
Tapos na ang mahabang paglalakbay!

34:32.320 --> 34:35.573
Nakuha na ni McIlroy!

35:03.226 --> 35:05.895
Saksi tayo sa kasaysayan ngayon.

35:05.978 --> 35:07.063
Sabi ko sa kanya,

35:07.146 --> 35:10.483
"Masaya akong nandito ako
para makita kang manalo ng Grand Slam."

35:10.566 --> 35:13.778
Napakagandang sandali 'yon sa golf.

35:16.781 --> 35:22.954
Lumabas sa akin 'yong
11 taon o 14 taon na emosyon.

35:39.387 --> 35:41.931
Matagal niyang di nakukuha ang Masters.

35:43.349 --> 35:47.061
At habang tumatagal,
mas gumaganda ang kuwento.

35:49.897 --> 35:52.275
Masaya talaga ako para kay Rory.

35:52.775 --> 35:55.945
Ipinagmamalaki ko na may isang tao
sa henerasyon ko

35:56.028 --> 35:58.573
na nanalo ng Grand Slam.

35:59.532 --> 36:02.994
Siya ang pinakamagaling na golfer
ng henerasyon namin.

36:03.077 --> 36:05.788
Napakahalaga
ng pagkapanalo niya sa Masters.

36:05.872 --> 36:07.165
Matagal na.

36:07.248 --> 36:11.711
Bilang pang-anim na tao pa lang
na nanalo ng Grand Slam,

36:11.794 --> 36:13.171
ang bigat no'n.

36:13.254 --> 36:16.799
Mahirap ilarawan kung gaano 'yon kaganda.

36:18.384 --> 36:24.390
At ngayon, ladies and gentlemen,
ang 2025 Masters champion, Rory McIlroy.

36:31.981 --> 36:35.735
Naalala ko 'yong panonood namin
ng tatay ko ng torneo na 'to

36:35.818 --> 36:37.528
noong pito o walong taon ako.

36:38.237 --> 36:42.575
At ngayong nandito ako
na suot ang green jacket ay…

36:42.658 --> 36:46.537
Katuparan ng pangarap.
Natupad ang mga pangarap ko ngayon.

36:58.925 --> 37:02.053
Nakumpleto na ang career Grand Slam.

37:02.136 --> 37:05.806
Pwede mo bang i-share
ang iniisip mo ngayon?

37:06.515 --> 37:09.852
Gusto kong simulan ang press con
sa isangtanong din.

37:09.936 --> 37:12.188
Ano'ng pag-uusapan natin sa susunod?

37:16.859 --> 37:20.196
Ang United States Open
ang pinakamahirap na golf tournament.

37:20.279 --> 37:22.073
Nakaka-stress ang Majors.

37:22.156 --> 37:25.368
Pag pinapanood ang mga lumalabas
na bagong manlalaro,

37:25.451 --> 37:29.163
gusto naming makita ang mga
umaabot sa dulo ng pinakamalalaking event.

37:29.247 --> 37:32.667
Pagkatapos ng mga top name,
parang free-for-all na.

37:32.750 --> 37:35.836
Si Keegan Bradley,
nasa kakaibang posisyon siya

37:35.920 --> 37:38.256
para makahanap ng bagong talento.

37:38.881 --> 37:41.384
Isang roller coaster
ang buong karera ko sa golf.

37:41.467 --> 37:42.802
Gandang flight, pare.

37:42.885 --> 37:47.598
Matagumpay ng tatay ko pero naglalaro ako
dahil gusto kong nakikipagkumpitensiya.

37:47.682 --> 37:50.518
Noong bata ako, tinatago ko na golfer ako.

37:50.601 --> 37:51.560
Ako rin!

37:51.644 --> 37:55.272
Nakakabaliw. Pero nandito tayo.
Kumakain ng cake sa Netflix.

37:56.232 --> 37:59.902
Di mahalaga kung saan ka galing.
Tungkol ito sa kung ano'ng kaya mo.

37:59.986 --> 38:04.699
Isa sa pinaka-di inaasahang
final-round Sundays sa U.S. Open history.

38:57.001 --> 38:59.211
Nagsalin ng Subtitle: Rexie B. Quizon
d Sundays sa U.S. Open history.
