WEBVTT

00:20.145 --> 00:21.646
Naaalala mo ba kung saan?

00:23.023 --> 00:24.232
Dito, babe.

00:26.901 --> 00:27.777
Salamat.

00:30.989 --> 00:32.907
-Hi.
-Hello. Kumusta? Magche-check in.

00:32.991 --> 00:34.242
-Apelyido.
-Woodland.

00:46.254 --> 00:49.424
-Sana makabalik ka na.
-Ewan ko. Bilisan at maghintay?

00:49.507 --> 00:50.425
Oo.

00:53.470 --> 00:54.429
Masasayang oras.

00:57.766 --> 00:58.641
Woodland!

00:59.893 --> 01:02.187
-May allergy ka ba sa gamot?
-Wala.

01:02.270 --> 01:04.355
Aling parte ang ipapa-MRI?

01:04.439 --> 01:05.273
-Utak.
-Okay.

01:06.649 --> 01:07.525
Dito.

01:09.360 --> 01:11.071
Puwede ang mga gamit mo dito.

01:11.780 --> 01:13.865
-Naoperahan ka na ba sa utak?
-Oo.

01:13.948 --> 01:19.037
May naoperahan bang buto o kasukasuan?
Pins, screws, plates, wires, rods.

01:19.120 --> 01:21.039
-Plates at screws sa ulo.
-Okay.

01:21.122 --> 01:23.958
-Na-MRI ka na dati, tama?
-Oo. Maraming beses na.

01:25.585 --> 01:26.961
Puwede ka nang pumasok.

01:28.922 --> 01:31.007
Kaya kong gawin lahat nang pisikal.

01:31.716 --> 01:33.885
Sa isip lang, sasabihin nila

01:33.968 --> 01:36.054
"Di mo gugustuhin dahil sobra ito."

01:36.137 --> 01:39.140
Ako naman, "Kaya kong gawin kahit ano.
Ayos lang ako."

01:39.224 --> 01:42.268
Ayos lang ako. At tama sila.

01:42.352 --> 01:44.813
May dahilan kung bakit sila eksperto.

01:54.030 --> 01:57.242
At naging… ang hirap, pero…

01:58.701 --> 02:00.370
Ang alam ko lang ay maglaro.

02:07.210 --> 02:11.756
Gary Woodland sa unang event niya mula
nang maoperahan sa utak noong Setyembre.

02:11.840 --> 02:13.800
Gusto ng lahat ang kuwento ng pagbangon

02:13.883 --> 02:16.553
Bilang tagahanga ng sports,
naaakit tayo sa paghihirap.

02:16.636 --> 02:18.972
O ang mapagtagumpayan ang paghihirap.

02:19.055 --> 02:22.016
Isang panalo na na narito si Woodland.

02:22.100 --> 02:23.643
Naaakit tayo sa laban,

02:23.726 --> 02:27.397
laban man sa sakot o injury o oras lang.

02:28.022 --> 02:30.984
Si Justin Rose
sa ikaanim niyang Ryder Cup.

02:34.112 --> 02:36.072
Kaya nakakapanabik ang sports.

02:36.156 --> 02:40.076
Di mo talaga alam kung sino ang mawawala
at sino ang may laban pa.

02:40.660 --> 02:44.038
Nanalo si Gary Woodland sa U.S. Open!

02:44.581 --> 02:49.377
Ang kagandahan ng sports ay wala sa atleta
na pinagmumukhang madali ang tagumpay

02:49.460 --> 02:53.590
pero nasa paglampas sa kahirapan
dahil lahat tayo nakakaranas ng hirap.

02:53.673 --> 02:57.594
Ang mapanood ang mga bayani natin
na mapagtagumpayan ang paghihirap,

02:57.677 --> 02:59.179
doon tayo nakakakonekta.

02:59.262 --> 03:03.641
Iyon ang napakamakapangyarihan.
Iniuugnay tayo nito sa ating sangkatauhan.

03:03.725 --> 03:06.561
Ang golf… ay parang buhay.
Di madali. Mahirap.

03:07.353 --> 03:10.356
Hindi ko naisip
kung gaano ko kamahal ang laro

03:10.440 --> 03:11.858
hanggang sa kinuha ito.

03:12.650 --> 03:15.486
Heto ako lumalaban
araw-araw para malampasan ito.

03:15.570 --> 03:19.407
At umaasang bumuti ang pakiramdam
at umaasa na ngayon na ang araw.

03:33.713 --> 03:36.799
-Kailangan mong makuha ang bola.
-Kailangan mong makuha ang bola.

03:36.883 --> 03:38.384
Di ko alam kung paano.

03:38.468 --> 03:40.136
Teka, may isa pa akong bola.

03:42.221 --> 03:44.891
Mula nang magsimula akong mangarap,

03:44.974 --> 03:47.644
pinangarap ko
na maging propesyonal na atleta.

03:48.311 --> 03:51.814
At habang lumalaki sa Kansas,
may iba't ibang mga panahon.

03:51.898 --> 03:53.441
Di ka buong taon makakapag-golf.

03:53.524 --> 03:57.946
Basketball ang kapalit.
Kaya basketball ang pangarap.

03:59.364 --> 04:00.365
Whoosh!

04:00.448 --> 04:03.159
Gusto ko ang basketball.
Iyong pagiging team.

04:03.243 --> 04:05.370
Sa locker room, kasama ang mga lalaki.

04:05.453 --> 04:08.790
Sa unang laro ko sa college,
kalaban ko si Kirk Hinrich.

04:08.873 --> 04:11.876
At napagtanto ko agad
na wala sa basketball ang kinabukasan ko.

04:11.960 --> 04:13.920
Buti na lang may iba akong sport.

04:14.587 --> 04:16.714
Binigyan ako ng golf club,
at pinaglaro ako.

04:16.798 --> 04:19.342
Di ko alam kung paano o bakit,
pero magaling ako do'n.

04:19.425 --> 04:22.011
Gary Woodland, three under par.
Pasok siya sa Lunes.

04:22.095 --> 04:24.222
Kaya natuto akong maglaro ng golf,

04:24.305 --> 04:28.977
pero tingin ko pinakaminahal ko ang golf
noong huling mga isa't kalahating taon.

04:29.519 --> 04:33.064
Masasabi kong si Gary Woodland
ay isa sa mga minamahal na manlalaro

04:33.147 --> 04:34.816
sa PGA tour.

04:34.899 --> 04:36.109
Kaninong ito?

04:36.192 --> 04:37.277
Akin!

04:37.777 --> 04:40.196
Pero sa nakalipas na ilang taon,

04:40.280 --> 04:43.658
May mga pinagdaanan si Gary
na labas sa laro

04:43.741 --> 04:47.453
na hindi mo talaga inaasahan
na pagdadaanan mo.

04:47.537 --> 04:49.914
Hello! Mahal kita, Dada!

04:51.374 --> 04:55.878
Nagsimula akong makaranas ng mga sintomas
noong Abril ng nakaraang taon.

04:55.962 --> 04:59.215
Sobrang nanginginig ako.
Bigla akong nagising sa gitna ng gabi.

04:59.299 --> 05:01.384
-Kumusta ang swimming? Masaya?
-Masaya!

05:01.467 --> 05:02.969
At lahat ay takot.

05:03.052 --> 05:05.346
Habang naglalakad, baka masagasaan ako.

05:05.430 --> 05:08.474
Pagsakay sa eroplano,
papatayin ako ng overhead bin.

05:08.558 --> 05:09.767
Araw-araw ay kamatayan.

05:09.851 --> 05:12.562
Daddy, kukuhanan ba nila
ng litrato ang ulo mo?

05:13.104 --> 05:18.735
Nasuri si Gary na may sugat sa utak
na partikular na iniipit

05:18.818 --> 05:21.863
ang parte na kumokontrol
sa takot at pagkabalisa.

05:21.946 --> 05:26.451
Lumalala ito kaya nagdesisyon siya
na sumailalim sa open brain surgery.

05:26.534 --> 05:28.661
Daddy, nakulong siya sa ball pit!

05:29.162 --> 05:31.789
Wala ako sa sarili pag nasa bahay.

05:31.873 --> 05:33.249
Hindi ako makakalaro.

05:33.332 --> 05:35.918
Kailangan kong makabalik sa dati
at ito ang opsyon,

05:36.002 --> 05:37.628
kaya nagpaopera ako.

05:40.548 --> 05:43.843
At lumabas ako,
at parang nawala ang takot.

05:44.427 --> 05:47.764
Bumalik ako bilang atleta,
"Lalabanan ko ito."

05:47.847 --> 05:51.351
At nakapaglaro ako
sa PGA tour sa loob ng apat na buwan.

05:51.434 --> 05:53.561
Bumabawi at gumagaling ang utak ko.

05:53.644 --> 05:56.898
May mga peklat ako doon.
At umiinom ng mga gamot.

05:56.981 --> 06:00.234
Mas malala ang pakiramdam ko ngayon
kaysa pre-surgery.

06:00.318 --> 06:02.028
Pero mahal ko ang larong ito.

06:02.111 --> 06:04.280
At naniniwala ako na kaya ko ang lahat.

06:04.364 --> 06:08.576
At baka masyado akong positibo
tungkol sa kung ano ang mangyayari,

06:08.659 --> 06:10.370
pero naniniwala akong kaya ko.

06:10.453 --> 06:12.955
At gusto ko ang pakiramdam.
Ang laban na iyon.

06:13.039 --> 06:16.209
Pinalaki ako na kung tumitibok
ang puso mo, maglalaro ka.

06:30.848 --> 06:33.768
Nababaliw na siya!
Baliw siya sa tennis balls.

06:33.851 --> 06:34.769
Oo.

06:35.353 --> 06:37.730
-Ano'ng ginagawa mo?
-Dalawa ang nalaglag!

06:37.814 --> 06:39.190
-Magsalita ka.
-Sige.

06:39.273 --> 06:42.527
Bumalik ka
para sa season three ng Full Swing.

06:43.194 --> 06:44.779
Ang bilis ng panahon, 'no?

06:46.781 --> 06:48.574
Problema 'yan. Sinimulan ko siya.

06:48.658 --> 06:51.160
Biglang tumahimik ang lahat
paglabas ng camera.

06:51.244 --> 06:52.203
Pambihira.

06:52.286 --> 06:55.331
Parang naglalakad ka sa golf course.
Nawalan ka ng mga kaibigan.

06:55.414 --> 06:58.376
Oo, nasanay na tayo.
Ang makita ang mga camera.

06:58.459 --> 06:59.502
Ang new normal.

06:59.585 --> 07:03.089
-Maganda at malamig dito.
-May kilala kang nanonood ng Full Swing?

07:03.965 --> 07:06.342
Pambihira ang suporta sa bahay.

07:06.426 --> 07:07.552
'Yon ang sandigan ko.

07:07.635 --> 07:09.011
Ano'ng sabi ng baso mo?

07:09.720 --> 07:10.638
Boss Lady.

07:11.139 --> 07:12.723
Ang anak ko, naiisip ko,

07:12.807 --> 07:15.935
"Alam mo, ang ginagawa ko
sa golf sa edad na iyon

07:16.018 --> 07:18.271
ay kahanga-hangang isipin."

07:19.480 --> 07:20.606
Justin Rose.

07:20.690 --> 07:22.233
Wala pang 18 ang binata.

07:22.316 --> 07:25.653
Si Justin Rose ay isang icon.
English icon siya.

07:25.736 --> 07:27.989
Unang labas niya ay noong 17 siya.

07:28.072 --> 07:29.949
Ang pinakabatang nakapasok sa Open.

07:30.032 --> 07:31.159
Pasok!

07:31.242 --> 07:32.577
"Pasok," sigaw nila.

07:32.660 --> 07:34.745
Ikaapat sa Open championship.

07:34.829 --> 07:37.832
At dalawang tira na lang bago siya manalo.

07:39.000 --> 07:40.334
Wow, di masamang araw.

07:41.002 --> 07:42.545
Naantig sa kadakilaan.

07:42.628 --> 07:44.755
May major siya, Olympic gold.

07:44.839 --> 07:47.091
Isa sa may pinakamalaking kita
sa PGA Tour.

07:47.175 --> 07:50.386
At noong nakaraang taon,
pambihira ang laro niya sa Ryder Cup.

07:52.722 --> 07:57.059
Pakiramdam ko anim na taon ang tanda ko
kumpara sa ibang manlalaro sa Ryder Cup.

07:57.143 --> 07:58.519
Justin Rose.

07:59.187 --> 08:01.230
Sa ikaanim na Ryder Cup niya.

08:05.276 --> 08:07.987
Isang pambihirang Biyernes
para sa Team Europe!

08:08.571 --> 08:10.615
Malaki ang Ryder Cup para sa akin.

08:10.698 --> 08:13.117
Isa itong top-five moment sa career ko.

08:13.201 --> 08:15.995
Grabe.
Napanalunan ko ang pera kasama niyo!

08:16.829 --> 08:19.457
Minsan, napapagaling
ng Ryder Cup ang mga manlalaro.

08:19.540 --> 08:23.544
Minsan, di nila magagamit ang momentum.

08:26.797 --> 08:29.300
Hindi pa tapos.

08:30.718 --> 08:32.637
Bumababa si Justin sa ranking.

08:32.720 --> 08:35.556
-Mukhang pumunta sa bunker.
-Oo.

08:35.640 --> 08:39.519
Kung di maganda ang laro niya,
sa unang pagkakataon sa 20 taon,

08:39.602 --> 08:43.022
di siya magiging kuwalipikado
sa Open Championship.

08:43.105 --> 08:46.108
At iyon ang tournament
na nagpasikat sa kanya.

08:46.192 --> 08:48.027
pero di niya rin napapanalunan.

08:52.156 --> 08:53.282
Di magda-drop.

08:54.700 --> 08:56.619
Ngayon bilang beteranong manlalaro,

08:56.702 --> 08:58.955
umaapak ka sa golf course araw-araw

08:59.038 --> 09:01.082
na may parehong pagnanais na manalo,

09:01.165 --> 09:04.961
pero nababawasana ang mga linggo
na puwede kang manalo.

09:05.044 --> 09:07.797
Kaya mas tumataas ang nakataya.

09:08.881 --> 09:11.342
Kung babalik ako sa pagiging 11 taon

09:11.425 --> 09:13.928
na nagpapanggap na nasa front cover
ng golf magazine

09:14.011 --> 09:16.264
at pumunta sa lokal club
at ibinabandera ito,

09:16.347 --> 09:18.808
"Ito ay para sa Open," 'yon ang dahilan.

09:18.891 --> 09:22.395
25 taon na akong naglalaro.
Gusto ko pang manalo ng major.

09:22.478 --> 09:25.815
Doon nabubuo ang legacy.

09:26.315 --> 09:27.858
Alam kong kaya ko pa.

09:27.942 --> 09:31.320
Kaya ako naglalaro.
Naglalaro ako para sa mga alaalang iyon.

09:38.286 --> 09:40.288
Ang majors ang rurok ng sport namin.

09:40.871 --> 09:43.874
Ang kapaligiran,
ang enerhiya ay walang katulad.

09:43.958 --> 09:45.668
Ang pananabik sa grandstand.

09:46.460 --> 09:50.006
Nanalo ako sa U.S. Open noong 2019.
At tingin ko naaalala ka sa majors.

09:50.089 --> 09:51.841
Naaalala ka sa mga ginawa mo.

09:51.924 --> 09:54.844
At ito ay isang bagay na
Inaabangan ko bawat taon.

09:54.927 --> 09:57.680
Pero hindi ako 100%. At nakakainis 'yon.

09:58.889 --> 09:59.932
Uy, Justin.

10:01.058 --> 10:02.852
May mic ako, babala lang.

10:02.935 --> 10:04.729
Astig. Ayaw ko sa mga bata.

10:04.812 --> 10:05.855
Biro lang.

10:06.856 --> 10:11.193
Sa iyo unang sinabi ni Gary
ang sakit niya.

10:12.612 --> 10:15.573
Oo, kakaiba iyon. Sa Minnesota iyon.

10:15.656 --> 10:17.450
Naglaro kami ni Gary.

10:17.533 --> 10:20.578
Bilang nakatatanda,
marami nang hinarap na injury si Gary.

10:20.661 --> 10:22.663
Tinanong ko kung kumusta siya at…

10:22.747 --> 10:24.874
Alam ko na may problema.

10:24.957 --> 10:26.542
-Magpu-putt ka rin?
-Oo.

10:26.626 --> 10:29.295
Sinabi niya na may bukol sa utak niya.

10:29.378 --> 10:32.214
At iyon ay… sobrang nakakabigla.

10:32.298 --> 10:34.967
Di mo maiisip na maririnig mo iyon,

10:35.051 --> 10:37.428
lalo na mula sa kaibigan mo.

10:37.511 --> 10:40.306
Inilipat nila ito, JT?
Nilaro ko, pero di ko maalala.

10:40.389 --> 10:42.350
-Naaalala mo 'to?
-Kasama ko si Gary.

10:42.433 --> 10:45.186
-Pero inoperahan sa utak si Gary.
-Inoperahan ako.

10:45.269 --> 10:48.105
Pareho kami ni Gary,
pero hindi ako nagpaopera

10:49.106 --> 10:50.608
Pagkaopera, sabi ng mga doktor,

10:50.691 --> 10:52.610
"Iinom ka ng anti-seizure meds."

10:53.110 --> 10:56.656
Pinapabagal ng gamot ang utak,
kaya isa akong zombie noon.

10:56.739 --> 10:59.742
Sige, kahit anong magtatanggal
ng sakit ng ulo.

10:59.825 --> 11:01.535
Pero araw-araw, may panalo.

11:01.619 --> 11:03.871
Nakakalima,
anim na milya kada oras na ako.

11:03.954 --> 11:04.789
Ayos.

11:04.872 --> 11:07.750
Mas mabuting tumutok
sa maliliit na panalo. Maiipon iyon.

11:08.959 --> 11:12.171
Di mataas ang inaasahan
kay Gary Woodland ngayong taon.

11:12.254 --> 11:14.757
Anim na buwan pa lang
mula noong operasyon.

11:14.840 --> 11:17.510
Ilang buwan pa lang siyang naglalaro.

11:17.593 --> 11:20.346
Pero tingin ko mataas
ang ekspektasyon ni Gary.

11:22.181 --> 11:24.600
Lalaban ako, at gagawin ko ito.

11:30.689 --> 11:32.733
Sumisikat ang araw. Unang araw na.

11:32.817 --> 11:35.486
Nasa Pinehurst No. 2. Ito ang U.S. Open.

11:35.569 --> 11:39.073
Inaasahan nasa 225,000 katao
ang manonood dito

11:39.156 --> 11:42.159
sa puso ng golf sa America.

11:44.328 --> 11:46.455
Lagi kang nagaganyak na manalo.

11:46.539 --> 11:49.333
At alam ko ang pakiramdam. Natikman ko na.

11:49.417 --> 11:51.127
Magsaya ka, ha?

11:51.210 --> 11:53.212
Gusto ko talagang makapasok.

11:53.295 --> 11:55.297
'Yon lang ang iniisip ko pag naglalaro.

11:55.381 --> 11:59.718
Mula sa England,
ang ating kampeon sa 2013 U.S. Open.

12:00.428 --> 12:01.971
Justin Rose.

12:03.639 --> 12:05.558
Baka di niya naaalala. 2008 iyon.

12:05.641 --> 12:09.145
Katatapos ko lang ng college.
Lumapit sa akin si Justin Rose.

12:10.062 --> 12:13.315
Sabi niya, "Puwede bang magbigay ng payo?"
Sabi ko, "Sige, please!"

12:13.399 --> 12:15.693
Tumira ka ng under par
kada siyam na butas.

12:15.776 --> 12:17.403
Marathon 'to, di sprint.

12:17.486 --> 12:18.904
Mula sa Topeka, Kansas,

12:19.488 --> 12:24.118
palakpakan ang kampeon ng 2019 U.S. Open,

12:24.618 --> 12:25.995
Gary Woodland.

12:26.662 --> 12:29.415
At pumunta ako doon na ganoon ang iniisip.

12:29.999 --> 12:32.793
Nakalusot ako sa Q School
at nakuha ang PGA Tour card ko.

12:32.877 --> 12:34.336
Mas matanda na kami.

12:34.420 --> 12:37.298
Gusto naming patunayang kaya pa namin.

12:37.381 --> 12:40.342
Ayos, Justin. Magsaya ka sa Pinehurst.

12:40.426 --> 12:41.260
Salamat.

12:42.303 --> 12:43.762
Maligayang pagbabalik

12:43.846 --> 12:47.516
sa ika-124 na edisyon
ng U.S. Open. Sa pangatlo.

12:47.600 --> 12:51.061
Si Gary Woodland, Dan,
isang putt para sa birdie. Ayos!

12:52.313 --> 12:55.399
-Dalawampung taon.
-Nagpapatong na ang mga taon.

12:56.066 --> 12:56.942
Woodland.

12:59.153 --> 13:01.155
Maling diskarte. Malayo pa.

13:03.240 --> 13:04.241
Ay, naku.

13:07.786 --> 13:10.122
-Malakas na putt dito.
-May pagkakataon.

13:11.248 --> 13:13.250
Kulang lang sa consistency.

13:13.334 --> 13:16.670
Puno ng talento si Gary, ng kaastigan,

13:16.754 --> 13:19.048
at ibang-iba siyang maglaro sa akin.

13:19.131 --> 13:20.841
Par na ito kay Rose.

13:21.342 --> 13:23.010
Nabasa niya si Woodland.

13:23.093 --> 13:25.930
Napakatalentado pati sa basketball.

13:26.013 --> 13:28.516
Naglaro kami ng HORSE at nakakaawa ako.

13:28.599 --> 13:31.268
Pinakita ko agad na English ako.

13:34.438 --> 13:35.898
Sa Pinehurst No. 2.

13:35.981 --> 13:38.275
Oras na nagmintis ka pakanan,

13:38.359 --> 13:40.361
malaki ang magiging epekto.

13:40.444 --> 13:43.447
Okay, ang huling butas. Gary Woodland.

13:44.865 --> 13:48.327
Nangyari na ang pagkakamali.
Simula ng ng nine.

13:48.410 --> 13:51.413
Umiinom ako ng anti-seizure na gamot
pagkatapos ng operasyon

13:51.497 --> 13:53.833
na ang pangit ng epekto sa akin.

13:53.916 --> 13:57.294
Naalala mo ang highlights.
Nanganak ako sa taong 'yon.

13:57.378 --> 13:59.713
-Mas marami pangit na pangyayari.
-Oo.

13:59.797 --> 14:00.798
Justin Rose.

14:00.881 --> 14:02.299
At ang birdie putt niya.

14:06.720 --> 14:09.557
Nakakainis makitang di siya nakapasok
sa U.S. Open.

14:09.640 --> 14:10.891
Bihira iyon.

14:10.975 --> 14:12.518
Magandang araw, Mr. Rose.

14:13.143 --> 14:14.603
Pero mabilis siyang kumalma.

14:14.687 --> 14:18.524
At nagiging praktikal at pragmatiko siya.

14:19.316 --> 14:21.277
"Paano natin ito gagawin?"

14:21.360 --> 14:22.945
-Salamat.
-Sige, sir. Salamat.

14:23.028 --> 14:25.364
Iba ang maglaro nang maayos at di matapos.

14:25.447 --> 14:28.909
Iba ang walang pagkakataon.
Ang di ka makapasok sa puntos.

14:28.993 --> 14:32.037
May parking ako
bilang dating kampeon sa U.S. Open,

14:32.121 --> 14:36.333
kaya di malayo ang lalakarin,
pero malungkot maglakad mag-isa.

14:44.466 --> 14:45.843
Di ayos sa pakiramdam.

14:46.427 --> 14:48.721
-Medyo pagod.
-Masakit ang likod ko.

14:49.763 --> 14:51.891
Pero mas maayos na ngayon.

14:52.850 --> 14:53.684
Mabuti.

14:54.268 --> 14:57.563
Siyempre, pangit sa pakiramdam
na makulangan sa cut.

14:57.646 --> 14:58.772
Di ko gusto 'yon.

15:01.317 --> 15:03.736
Pakiramdam ko magaling ang team ko.

15:03.819 --> 15:08.282
At naging tapat sila sa pagsusuri nila
sa nangyayari.

15:08.365 --> 15:11.660
Di lang sa U.S. Open,
pati sa mga laro papunta doon.

15:11.744 --> 15:15.581
At pakiramdam ko,
kaya kong higitan bukas ang ngayon.

15:16.081 --> 15:19.293
Subukan mong ilaggay sa harap
ang timbang mo sa kaliwa.

15:19.877 --> 15:23.964
Ang di pagpasok sa U.S. Open ni Justin
ay nangangahulugang di siya sigurado

15:24.048 --> 15:26.508
para sa Open
sa unang beses sa loob ng 20 taon.

15:26.592 --> 15:30.846
Masakit iyon sa sinumang top player,
pero lalo na kay Justin,

15:30.930 --> 15:34.683
na nagsimula ang karera niya sa Open
Championship bilang 17 taong gulang.

15:34.767 --> 15:39.605
Nabigo ako sa bawat opsyon
at naiwan sa huling qualifying,

15:39.688 --> 15:42.566
na di ko kailangang gawin
sa loob ng mga 20 taon.

15:42.650 --> 15:45.027
May 100 manlalaro para sa apat na puwesto.

15:45.110 --> 15:49.239
Kahit ano pa ang pangalan mo
sa golf bag, at anuman ang kredensyal mo,

15:49.323 --> 15:54.244
para matalo ang 100 iba pang pro
sa anumang araw ay mahirap na gawain.

15:55.996 --> 15:57.247
Kumusta iyon?

15:57.331 --> 15:58.958
-Masarap sa pakiramdam.
-Oo.

16:03.712 --> 16:07.216
Manood na kayo habang kumakain si Dad.
Tapos matulog na.

16:07.841 --> 16:08.926
Walang sisigaw.

16:10.469 --> 16:11.470
Ang ulo ni Daddy.

16:12.304 --> 16:15.057
-Ninja!
-Uy! Kumalma tayo.

16:18.477 --> 16:20.229
-Mahal kita, baby.
-Pa-kiss si Daddy.

16:20.312 --> 16:21.897
-Sinubukan ko.
-Good night, Dad.

16:21.981 --> 16:24.983
Kita tayo bukas.
Aalis si Daddy pagkagising n'yo.

16:25.067 --> 16:26.026
-Mama!
-O?

16:26.110 --> 16:28.529
Mas madaling di ako maglaro ngayong taon.

16:28.612 --> 16:32.032
Masama ang pakiramdam ko.
Di maganda ang laro ko.

16:32.116 --> 16:34.702
-Kailangang uminom ng gamot ni Daddy.
-Sige.

16:35.327 --> 16:39.832
Pero ang nagpalakas sa akin
ay ang pamilya ko.

16:40.499 --> 16:42.751
Limang araw bago ang operasyon.

16:43.502 --> 16:45.421
Nasa kuwarto ako.

16:47.047 --> 16:49.883
At nagpasya akong isulat
ang mga liham na ito.

16:49.967 --> 16:52.970
At… nagsimula ako sa mga bata.

16:54.722 --> 16:55.931
Gusto kong malaman nila

16:56.015 --> 16:59.017
na ang pangarap ko
ay maging propesyunal na atleta,

16:59.101 --> 17:02.896
pero ang magig ama nila
ay higit pa sa anumang pangarap ko.

17:03.480 --> 17:04.314
Mahal kita, baby.

17:04.898 --> 17:06.608
-Sinubukan ko.
-Good night, Dad.

17:06.692 --> 17:09.445
At ang di maihatid sa altar
ang mag anak ko

17:09.528 --> 17:13.490
at ang di sila makita
na makamit ang mga pangarap nila…

17:16.869 --> 17:18.954
Tandaan n'yong andito lang ako, at…

17:21.540 --> 17:22.833
Sa anak ko ding lalaki.

17:22.916 --> 17:24.251
Mahal kita, anak.

17:24.334 --> 17:26.712
Wag kang matakot humingi ng tulong.

17:26.795 --> 17:28.005
Isang fist bump nga.

17:28.756 --> 17:29.715
-Sige.
-Ayos ka lang?

17:29.798 --> 17:31.467
Oo. Ayos lang ako.

17:31.550 --> 17:34.511
Dahil ito ay isang bagay na naranasan ko.

17:35.179 --> 17:36.013
At…

17:39.391 --> 17:41.018
Gusto ko lang malaman niya.

17:43.270 --> 17:45.689
At sa asawa ko, wala akong babaguhin.

17:46.732 --> 17:47.649
Perpekto lahat.

17:49.902 --> 17:51.236
Ang mga liham na 'yon…

17:53.822 --> 17:54.823
ay…

17:56.366 --> 17:58.744
ang pinakamahirap na bagay na ginawa ko.

18:05.250 --> 18:08.504
Awtomatikong nakapasok si Justin
sa Open Championship

18:08.587 --> 18:10.422
sa loob ng higit 20 taon.

18:10.923 --> 18:13.634
Pero iba ang taong ito.

18:15.052 --> 18:17.888
Nakaka-stress ang isiping di makapasok.

18:19.014 --> 18:21.266
Pero sumisigla ako pag nahihirapan.

18:21.350 --> 18:22.392
Ayos.

18:23.936 --> 18:24.937
Sige na.

18:25.020 --> 18:26.688
Di puwedeng isantabi si Justin Rose.

18:26.772 --> 18:29.733
At pinatunayan niya ulit iyon
sa Open Championship qualifying,

18:29.817 --> 18:33.153
kung saan napakaganda ng laro niya
para masiguro ang puwesto niya.

18:37.991 --> 18:39.034
Halika!

18:48.168 --> 18:51.380
Ito ata ang aking gear bag pag malamig.

18:51.880 --> 18:52.881
Guwantes.

18:53.757 --> 18:55.592
Oo, dadalhin ko 'to.

18:56.135 --> 18:58.846
Napakahalaga ng mga ito. Tingnan mo 'to.

18:59.972 --> 19:02.933
Pampainit ng kamay.
Mahirap mahanap 'to pag tag-init,

19:03.016 --> 19:06.770
para lagi akong may nakatago
dahil ang hirap masabi sa Scotland.

19:06.854 --> 19:10.691
Napakaespesyal ng Open Championship
sa sinumang batang British.

19:10.774 --> 19:14.153
Nakakadurog ng pusong isiping
di ako makakapasok.

19:14.236 --> 19:15.612
Oras na para manalo.

19:41.096 --> 19:44.516
Ang Open Championship
ang huling major ng taon.

19:44.600 --> 19:48.979
Ngayong taon ay sa Scotland, ibig sabihin
mahirap hulaan ang panahon.

19:49.563 --> 19:51.982
Magiging mahirap ang course.

19:52.065 --> 19:56.737
At para kay Gary at Justin,
oras na para patunayan na kaya pa nila.

20:02.993 --> 20:03.827
Ayos ba 'yon?

20:04.411 --> 20:06.246
-Salamat.
-Maganda ba ang kuha?

20:08.582 --> 20:11.001
-Gary, kumusta?
-Ano'ng nangyayari dito?

20:11.084 --> 20:12.169
Di ko alam, pero…

20:13.295 --> 20:15.255
-Medyo nabigla ako.
-Bakit?

20:15.339 --> 20:17.341
Nagpunta sa maling tee 'yong nagmamaneho.

20:17.424 --> 20:20.052
Mali ang upo ko, tapos nagmaneho na siya.

20:20.135 --> 20:21.094
Akala ko…

20:21.178 --> 20:22.763
-Saang siya nagpunta?
-One.

20:22.846 --> 20:25.641
Nakakatawa. Binigyan ko siya ng 100
para dalhin ka sa one.

20:28.226 --> 20:30.229
Masaya ako na nagtagumpay 'yon.

20:30.312 --> 20:31.730
Nasaan ang caddie ko?

20:35.484 --> 20:38.111
Bakit ako naliligaw?
Pumasok sa maling pinto?

20:39.112 --> 20:39.947
Ayun siya.

20:41.949 --> 20:44.326
-Magandang umaga, boss.
-Magandang umaga.

20:44.409 --> 20:46.828
Para sa akin,
ang Open ay parang love affair.

20:46.912 --> 20:49.581
Habang lumalaki ako,
bilang isang manlalarong British,

20:49.665 --> 20:51.750
ang Open ang nais kong maipanalo.

20:51.833 --> 20:53.293
-Kumusta?
-Ayos ba kahapon?

20:53.377 --> 20:55.337
Bro, ang galing din ng laro mo.

20:55.420 --> 20:56.254
Ikaw rin.

20:56.338 --> 20:59.007
Dumating ako sa Troon nang may pasasalamat

20:59.091 --> 21:01.510
dahil napaka espesyal na makapunta dito.

21:02.344 --> 21:04.179
Gaano iyon kaespesyal?

21:04.846 --> 21:07.391
Parang bubuhos ng mga alas-sais, 'no?

21:07.474 --> 21:09.935
-Oo, magiging malakas ito.
-Ulan talaga.

21:13.105 --> 21:15.023
Handa naman tayo.

21:18.527 --> 21:19.444
Hindi ko alam.

21:19.528 --> 21:21.071
Madali sa kanyang sabihin.

21:22.864 --> 21:25.492
Dito sa bansa na nagpasimula ng laro.

21:25.575 --> 21:29.329
Unang round ng ika-152 para sa Open.

21:30.038 --> 21:32.833
Patuloy ang pag-ulan.
Idagdag pa ang hangin.

21:32.916 --> 21:37.629
At ngayon, 14 players na under par.

21:37.713 --> 21:41.091
Naglaro si Justin Rose
sa huling qualifying para kapasok

21:41.174 --> 21:44.678
sa ika-152 na edisyon ng Open.

21:47.514 --> 21:50.767
May one under si Justin Rose
para sa araw na ito.

21:50.851 --> 21:52.936
Puwede siyang maging agresibo dito.

21:54.896 --> 21:55.731
Sige pa.

21:57.524 --> 22:00.944
Maganda. Ang ganda ng tira ni Rose.

22:02.446 --> 22:03.822
Alam niya ang lugar.

22:03.905 --> 22:05.407
Oo, alam niyang nandoon iyon.

22:06.033 --> 22:07.242
Para sa two under.

22:12.831 --> 22:13.790
Ang galing no'n.

22:19.338 --> 22:20.255
Gary Woodland.

22:21.423 --> 22:25.719
Magandang kwento rin. Wala pang 12 buwan
mula noong brain surgery.

22:30.974 --> 22:31.808
Mababa.

22:32.517 --> 22:33.894
Napakababa ng tira.

22:34.770 --> 22:36.772
Buong taon kaming lumalaban
para sa majors.

22:37.606 --> 22:41.526
Ito ang huling pagkakataon para patunayan
na nalampasan ko ito…

22:43.403 --> 22:47.366
at talunin ang pinakamagagaling
na manlalaro sa pinakamalking laban.

22:48.533 --> 22:49.618
Justin Rose.

22:51.536 --> 22:53.080
-Naku.
-Sige na!

22:54.915 --> 22:57.125
Naku. Hindi.

22:58.418 --> 23:02.631
Tuwing nasa mahirap na sitwasyon ako,
kaya ko bang ilabas iyong 17 taong bata

23:02.714 --> 23:05.008
na walang inaasahan, walang pressure?

23:05.092 --> 23:07.886
Dahil doon lumalabas ang magagandang laro.

23:10.222 --> 23:14.267
Magandang laro mula kay Justin.
Dalawang birdie, walang bogey.

23:19.272 --> 23:21.483
-Good shot.
-Magaling. Gusto ko 'yan.

23:22.859 --> 23:26.738
Maaring kinalimutan ng mga tao si Justin,
pero nagpalakas siya at bumalik

23:26.822 --> 23:29.324
at inisip, "Di ako aalis. Nandito pa ako."

23:29.408 --> 23:30.909
"May patutunayan pa ako."

23:30.992 --> 23:33.829
At pagkakataong manguna.

23:36.039 --> 23:36.873
'Yon na!

23:39.793 --> 23:43.630
Ang maglaro at makapasok
ay nakadagdag sa motibasyon niya.

23:44.548 --> 23:46.800
Maipagmamalaki niya ang round na iyon.

23:47.717 --> 23:48.552
Hi, baby.

23:49.052 --> 23:49.886
Ayos.

23:50.387 --> 23:52.931
-Ang ganda ng laro mo.
-Ang dami kong iniwan doon.

23:53.014 --> 23:53.849
Ang dami.

23:57.727 --> 23:58.645
Ang lamig.

24:00.188 --> 24:01.982
Gumagawa si Andy ng chicken Parm.

24:02.065 --> 24:03.108
Ayos!

24:03.191 --> 24:04.818
-Nagtatago siya.
-Talaga?

24:10.115 --> 24:13.535
Maaga ang 5:10 bukas. Aalis ako ng 5:10.

24:14.828 --> 24:17.497
Ang saya. Di ako aalis ng 5:10.

24:17.581 --> 24:19.875
May message ako para sa follow-up ko.

24:19.958 --> 24:21.293
Anong araw?

24:21.376 --> 24:24.087
October nine.
MRI tapos mag-uusap pagkatapos.

24:25.172 --> 24:26.798
Sumakit ba ang ulo mo?

24:26.882 --> 24:28.466
Hindi, baby. Ito ay…

24:28.967 --> 24:32.095
Sasakit ang ulo ko
sa pagtira ng five over, pero…

24:32.804 --> 24:33.763
Ako ay…

24:33.847 --> 24:36.183
Di naman pangit ang laro mo.
Isang hole lang.

24:36.266 --> 24:38.852
Alam ko. Sabi pa ni Butch pagkatapos,

24:39.561 --> 24:41.563
"Iyon… Sobrang lapit lang no'n."

24:42.105 --> 24:44.065
Umasa tayo dahil di masakit ang ulo ko.

24:44.149 --> 24:45.025
Oo.

24:45.108 --> 24:48.361
May energy rin ako. Pakiramdam ko
kaya kong maglaro ulit ngayon.

24:48.445 --> 24:50.822
-Maayos ako.
-Gumanda ang pakiramdam mo.

24:50.906 --> 24:53.783
Sobrang gumaan.

24:55.118 --> 24:55.952
May pag-asa!

24:57.454 --> 24:58.580
Napakasaya.

24:58.663 --> 25:01.041
Kailangan lang pumasok ng mga putt.

25:07.088 --> 25:10.133
Ikalawang araw
ng ika-152 Open mula sa Royal Troon,

25:10.217 --> 25:13.428
kung saan nangyari ang Open
sa ika-sampung pagkakataon.

25:16.181 --> 25:18.558
-Uy, Scottie.
-Oo naman. Hawakan mo.

25:18.642 --> 25:21.520
-Sa 'yo ba ito?
-Di ko alam kung kanino yan.

25:21.603 --> 25:23.730
O… Ay, Tom Kim. Tingnan mo.

25:23.813 --> 25:25.232
Hindi, hindi ganoon.

25:27.484 --> 25:29.027
Diyos ko. Salamat.

25:29.110 --> 25:31.238
Tom, may mga bata dito. Dahan-dahan.

25:32.489 --> 25:33.740
Ayos!

25:33.823 --> 25:35.951
-Regalo mula kay Tom Kim.
-Salamat! Tom.

25:36.034 --> 25:39.579
Hindi umiihip ang hangin kaninang umaga,
pero lumalakas na.

25:40.080 --> 25:42.415
Para ito sa pagtabla kay Justin Rose.

25:42.958 --> 25:45.460
May 24 putts pa lang siya ngayon!

25:46.419 --> 25:49.172
Ay, lumampas sa hole.

25:49.256 --> 25:50.215
Ayos lang.

25:52.759 --> 25:54.386
Ang lakas ng hangin.

25:54.469 --> 25:57.722
Mananalo ka lang sa Linggo
kung maganda ang laro mo ng Biyernes.

25:57.806 --> 26:00.308
Sabi ko sa caddie ko, "Kinakabahan ako."

26:00.392 --> 26:01.768
Si Rose para sa birdie.

26:01.851 --> 26:05.188
Malaking kurba sa dulo.
Natantiya ni Justin.

26:05.272 --> 26:07.983
-Mukhang maganda ito. Ayan na!
-Magaling!

26:08.066 --> 26:09.025
Wow!

26:12.612 --> 26:16.866
Ganoong tutungo sa weekend si Justin Rose.

26:18.076 --> 26:18.994
Ang lupit.

26:21.663 --> 26:25.292
Mahirap ang araw na ito,
pero alam kong maganda ang laro ko.

26:25.375 --> 26:31.798
Kaya nakuha ko ang insentibo
para makuha ang mga panalong gusto ko.

26:31.881 --> 26:36.928
Para sa lalaking napuntaahan
ang malalaking laro sa career niya…

26:37.429 --> 26:38.930
Napakagandang pagtatapos.

26:40.223 --> 26:45.812
Marami pang panonoorin sa pagsunod natin
sa mga nais mapasama sa leaderboard

26:45.895 --> 26:47.897
at sa mga sumusubok na makapasok.

26:49.107 --> 26:50.734
DeChambeau plus six,

26:50.817 --> 26:53.028
kung saan gumalaw ang puntos.

26:53.111 --> 26:56.865
Sa tee, mula sa USA, si Gary Woodland.

26:57.866 --> 27:00.744
Kasing tindi ng pressure na manalo
ang makaabot sa puntos.

27:00.827 --> 27:02.620
Pareho ang pakiramdam.

27:02.704 --> 27:06.124
Sinusubukan mo pa ring maglaro
sa gitna ng hirap.

27:06.916 --> 27:10.420
Gusto niya ang hitsura nito. Maganda.
Ayos, baby.

27:11.129 --> 27:14.841
Isang malalim na buntong hininga minsan
ang Biyernes ng hapon.

27:14.924 --> 27:19.095
Woodland. Magandang pagkakataon ito.
At sinulit niya ito.

27:19.179 --> 27:20.388
Birdie, birdie.

27:20.472 --> 27:23.683
Pero naglaro ako. Binigyan ko
ng malalaking pagkakataon ang sarili.

27:23.767 --> 27:25.560
Bumabawi siya.

27:25.644 --> 27:27.687
Nakatulong sa akin ang panahon.

27:27.771 --> 27:30.273
At naglaro ako at sinamantala ito.

27:32.317 --> 27:35.153
Epekto din ba ito
ng magandang pakiramdam mo?

27:35.737 --> 27:36.780
Bagong gamot?

27:36.863 --> 27:39.991
Sa pisikal, ito ang pinakamagandang
pakiramdam ko sa 14, 15 buwan.

27:41.409 --> 27:44.913
Sinasabi ko kay Gabby kagabi
na ito ang simula ng season ko.

27:44.996 --> 27:48.375
Nagpapasalamat ako
na nakabalik ako, at nakakasabik,

27:48.458 --> 27:50.085
pero di pa ako lumalaban.

27:50.168 --> 27:51.878
Pakiramdam ko kaya kong lumaban.

27:51.961 --> 27:53.463
-Sige.
-Masaya akong makita ka.

27:53.546 --> 27:55.090
-Good luck. Salamat.
-Sige.

28:04.182 --> 28:05.016
Salamat, babe.

28:05.850 --> 28:07.394
Medyo tahimik sa taas, 'no?

28:08.395 --> 28:10.897
MAsasabi natin. "Nariyan ang Netflix.
Behave kayo."

28:10.980 --> 28:13.149
Oo. Maganda 'yon, di ba?

28:13.942 --> 28:16.486
Huhubarin mo ba ang kupya mo,
o nasa work mode ka pa?

28:16.569 --> 28:19.364
Ang gulo ng buhok ko.
Ang bilis pumuti, pero…

28:19.864 --> 28:20.990
Nakapasok ka.

28:21.074 --> 28:24.077
Wala nang mawawala sa 'kin.
Ang ganda ng laro ko.

28:24.160 --> 28:28.415
May masasayang sandali sa Rome,
pero masaya ding maranasan iyon mag-isa.

28:29.666 --> 28:33.128
'Yon ang tinatrabaho. Nagtatarabaho ako
para sa malalaking sandali.

28:33.628 --> 28:37.173
Ang lumaban sa majors ang gusto ni Justin.

28:38.591 --> 28:41.720
Kaya nandito pa rin siya.
Ito ang nagtutulak sa kanya.

28:43.555 --> 28:46.808
Naniniwala kami na marami pa
ang magagandang bagay na darating.

28:46.891 --> 28:48.893
At tingin ko nakakatulong iyon.

28:48.977 --> 28:52.981
Pakiramdam ko kaya ko
na makamit ang isang malaking bagay.

28:53.064 --> 28:55.024
Sorpresahin ang sarili ko at ang iba.

28:59.320 --> 29:02.240
Ang huling pahina sa huling araw.

29:02.949 --> 29:05.410
Sinusulat ang kasaysayan ngayong hapon.

29:06.119 --> 29:09.747
Sa tee, mula sa England, Justin Rose!

29:15.962 --> 29:17.005
Justin Rose,

29:17.088 --> 29:20.425
na naglaro sa kampeonatong ito
na lampas na ng 25 taon

29:20.508 --> 29:23.470
at kailangang maglaro
para makapasok sa qualifying.

29:24.804 --> 29:27.223
May tsansa siyang manalo
ng ikalawang major.

29:27.932 --> 29:31.936
Malakas na hangin mula kanan pakaliwa
sa mga butas na ito.

29:34.272 --> 29:35.940
Matatantiya niya ba ang distansya?

29:36.024 --> 29:38.860
Kaya niya! Napakaganda ng tirang 'yon.

29:41.988 --> 29:42.822
Justin Rose.

29:48.328 --> 29:50.580
Napakagaing ng laro ni Rose.

29:53.625 --> 29:58.171
Mukhang determinado siya
sa paghabol niya sa kampeonatong ito

29:58.254 --> 29:59.964
sa loob ng maraming taon.

30:00.548 --> 30:03.551
Lahat ng bagay na tinrabaho ko
ay nangyayari ngayon,

30:03.635 --> 30:06.429
sa simpleng paraan kung saan…

30:06.513 --> 30:08.014
Nasa magandang lugar ako.

30:10.725 --> 30:12.769
Puwede siyang magsaya ngayon.

30:14.729 --> 30:18.274
At ang reaksyong iyon
ay parang reaksyon ng taong naniniwala.

30:21.444 --> 30:25.156
Napakagandang makita si Gary Woodland
sa ikaapat na araw ng Open.

30:25.240 --> 30:29.035
Tingin ko, natutuwa ang mga tao
sa ginagawa niya rito.

30:29.118 --> 30:31.830
Grabe ang sama ng panahon
dito sa Royal Troon.

30:33.790 --> 30:36.292
Higit sa ibang major, ang British Open

30:36.376 --> 30:39.754
ay mas mental
lalo pag humaharap ka sa ganoong panahon.

30:42.882 --> 30:44.342
Mahirap para sa akin.

30:44.842 --> 30:46.302
Kahanga-hanga ito.

30:46.928 --> 30:50.598
Wala pa akong nakikita
na kayang gawin ang tirang iyon ngayon.

30:51.808 --> 30:55.186
Pero nakalabas ako at nakalaban
sa pinakmagagaling na manlalaro.

30:55.687 --> 30:56.896
Mr. Woodland.

30:56.980 --> 30:59.774
Paakyat sa burol, pumunta sa kanan.
Track, track, track.

30:59.858 --> 31:00.692
Ayos!

31:01.609 --> 31:02.610
Magandang birdie.

31:12.662 --> 31:13.913
Justin Rose.

31:14.539 --> 31:17.542
Isang magandang halimbawa
kung paano mag-focus, 'no?

31:18.877 --> 31:20.169
Isang malaking putt dito.

31:22.547 --> 31:24.966
Kumakabog ang puso ko. Sigurado siya rin.

31:29.929 --> 31:31.014
Ang ganda ng tira!

31:33.182 --> 31:35.101
Isang talampakan bago ang hole!

31:35.184 --> 31:37.562
Mukhang 'di siya mami-miss.

31:38.104 --> 31:39.898
Akala ko papasok.

31:40.398 --> 31:42.400
Si Rose na may drop shot sa 12.

31:42.483 --> 31:44.027
Bumaba ng dalawa.

31:44.652 --> 31:47.947
Isang problema para sa Englishman.

31:53.286 --> 31:54.203
Gary Woodland.

31:59.542 --> 32:00.960
Bagalan mo. O, ayun!

32:01.044 --> 32:02.962
Malapit lang sa bandila.

32:03.463 --> 32:04.839
Napakaganda no'n.

32:09.010 --> 32:10.511
Masaya na walang sakit ng ulo.

32:10.595 --> 32:12.597
Masaya na di uuwi nang maaga sa weekend,

32:12.680 --> 32:15.850
di gaya no'ng sa U.S. Open,
pero nakakainis na…

32:17.894 --> 32:19.604
wala ka sa katapusan.

32:19.687 --> 32:22.231
Di ko maintindihan
ba't ang dami kong gamit.

32:23.608 --> 32:26.486
Mahirap at mahirap ang taon,

32:26.569 --> 32:28.696
pero ang makalaban sa paghihirap na 'yon

32:28.780 --> 32:32.992
at magkaroon ng kaunting tagumpay
minsan, ipinagmamalaki ko 'yon.

32:33.743 --> 32:37.664
Higit sa lahat,
maganda ang pakiramdam ko buong linggo.

32:38.164 --> 32:41.292
Malusog, matatag, malakas. Ano pa ba?

32:42.210 --> 32:44.128
Sinasabi lang na kailangan kong lumaban,

32:44.212 --> 32:45.546
at maniwala sa sarili.

32:45.630 --> 32:46.464
Hi, babe.

32:47.507 --> 32:48.716
Handa ka nang umuwi?

32:49.676 --> 32:51.594
Oo. Handa na akong umuwi.

32:53.680 --> 32:54.847
Magkita-kita tayo.

32:57.475 --> 33:02.063
Nakahiga si Justin para makita ang
putt niya. May hinahanap siya.

33:02.939 --> 33:06.442
Oo, nakakatawa
kapag wala kang mahanap na gradient

33:06.526 --> 33:09.278
mula kaliwa pakanan o kanan pakaliwa.

33:09.362 --> 33:10.988
Gusto natin ng break, 'no?

33:11.072 --> 33:14.075
Oo, nasa taas ng burol,
na hindi nakakatulong.

33:16.577 --> 33:19.747
Sobrang lapit na niya
sa huling tatlong hole.

33:20.248 --> 33:25.586
Ang par putt sa 12 ay lumipas, tumalon
sa 13, at 'yong isa na nasa isang pulgada.

33:27.046 --> 33:28.131
Xander Schauffele.

33:30.091 --> 33:34.220
Kapag naipasok niya ito,
mahirap na siyang habulin.

33:35.013 --> 33:37.014
Mukhang maganda ang lagay niya.

33:37.974 --> 33:39.475
Nakahanap siya ng isa pa.

33:41.269 --> 33:45.273
Nangunguna sa Xander Schauffele
sa unang pagkakataon sa kampeonato.

33:45.356 --> 33:47.233
Xander, mahusay na kalaban.

33:47.316 --> 33:52.447
Bago ko namalayan, nakalayo na siya
at medyo naunahan na ako.

33:53.448 --> 33:55.408
-Xander!
-Sige, Xander!

33:55.491 --> 33:57.410
Ang sagot mula kay Rose.

33:57.493 --> 34:00.580
Oras na para kay Justin.

34:00.663 --> 34:06.419
Ilan pang oportunidad ang makukuha mo
para manalo sa Open? Hindi marami.

34:12.425 --> 34:16.429
Gumewang. Gumagalaw ito,
at nahulog ito sa kaliwa.

34:17.513 --> 34:19.182
Nanatili siya sa five under.

34:19.265 --> 34:21.225
Tatlo sa likod ni Schauffele.

34:21.309 --> 34:26.230
Oo, kitang-kita niya
ang taong kailangan niyang talunin.

34:29.734 --> 34:30.693
Oo, kaya niya.

34:33.362 --> 34:37.658
Napakaganda ng tira.
Napakagandang pitch mula kay Schauffele.

34:38.576 --> 34:40.036
Ito ang tira ng buhay niya.

34:50.880 --> 34:53.966
Sibusubukang wag isipin
ang maaring nangyari.

34:54.675 --> 34:59.138
Pupunta siya sa pangwakas na hole
na nahuhuli ng tatlo mula sa kalaban niya.

34:59.722 --> 35:02.725
Isang magandang pagtanggap
para kay Justin Rose.

35:04.352 --> 35:08.689
Hindi ko maalalang kinilabutan ako
sa mga golf course.

35:09.607 --> 35:11.859
At kinilabutan ako. Sulit ang lahat.

35:15.780 --> 35:19.200
Sige na, pumasok ka.
Umikot ka. Ayan, Justin!

35:22.036 --> 35:24.163
Di mo mauulit 'yon sa ibang panalo.

35:25.414 --> 35:30.169
Kailangan mo ng espesyal
na mga pangyayari na magsasama-sama.

35:30.670 --> 35:33.673
Kaya napakatindi no'n para sa akin.

35:33.756 --> 35:34.966
Justin!

35:35.049 --> 35:35.883
Justin!

35:38.177 --> 35:41.848
Tapos naglakad ako mula sa 18,
at ang makita si Kate…

35:42.390 --> 35:45.017
-Mahal kita.
-Alam ko.

35:46.102 --> 35:49.021
Napagtanto ko lang talaga
noong nakita ko na ang mga mahal ko.

35:52.024 --> 35:53.568
Ay, Fooch, sayang.

35:54.819 --> 35:56.195
Gaano siya kagaling?

35:56.279 --> 35:57.989
Ang galing, buong linggo.

35:58.531 --> 35:59.615
Pareho kayo.

36:03.035 --> 36:05.830
Kaya mo ito ginagawa.
Gusto mong ibahagi sa kanila.

36:05.913 --> 36:09.792
Nagsikap din sila para sa akin.
At makikita mo sa mga mukha nila.

36:10.960 --> 36:13.462
Ako ang pangalawang pinakamagaling.

36:14.505 --> 36:16.716
Nine out of ten,
mahahawakan ko ang tropeo.

36:16.799 --> 36:19.135
Tinalo lang ako ng mahusay na laro.

36:20.761 --> 36:26.267
Ipinagmamalaki ko kung paano ako naglaro
at ang naramdaman ko sa sarili ko.

36:26.350 --> 36:30.521
Nagulat ako na emosyonal ako
dahil wala akong emsyon nang maglaro.

36:30.605 --> 36:32.190
Oo, mukhang kuha mo.

36:32.273 --> 36:35.192
Pero kung may tumira ng six under,
ano'ng magagawa mo?

36:36.402 --> 36:38.446
Sige, boys. Napakagandang linggo no'n.

36:38.529 --> 36:39.697
-Grabe.
-Oo.

36:39.780 --> 36:40.907
Napakagandang linggo.

36:40.990 --> 36:42.116
Oo!

36:42.200 --> 36:43.034
Salamat.

36:46.078 --> 36:47.830
Magaling sana akong kampeon.

36:47.914 --> 36:50.917
Matutuwa ako sa tropeo na 'yon.

36:51.000 --> 36:52.752
Naaawa ako sa tropeo.

36:52.835 --> 36:56.214
Mawalang galang na kay Xander,
pero nanamnamin ko 'yon.

36:58.925 --> 37:02.470
Napatunayan mo ngayong linggo
na tama ang ginagawa mo.

37:02.553 --> 37:05.348
Oras na para ibigay lahat
at talagang manalo.

37:13.272 --> 37:14.899
'Yan ang larawan ng ulo niya.

37:14.982 --> 37:16.525
Patingin ako!

37:18.402 --> 37:19.779
Totoong ulo niya 'yan.

37:19.862 --> 37:21.572
-Gusto kong makita.
-Oo.

37:22.198 --> 37:24.033
Nasaan ang plates at screw.

37:24.992 --> 37:26.661
Nasa loob. Di ko sigurado.

37:27.286 --> 37:29.622
-Jax, sino ang lalaki pag wala si Dad?
-Ako.

37:29.705 --> 37:32.166
-Ano'ng trabaho mo?
-Protektahan ang lahat.

37:32.250 --> 37:34.460
Protektahan ang lahat, tama.
Magpakabait kayo.

37:34.543 --> 37:35.544
-Bye, guys.
-Bye!

37:35.628 --> 37:37.755
Doon kayo sa daanan o sa balkonahe.

37:43.344 --> 37:45.096
Bye, Mom! Bye, Dad!

37:45.179 --> 37:46.973
Kunan mo ng litrato ang ulo ni Daddy!

37:47.640 --> 37:48.683
Dad!

37:48.766 --> 37:51.269
Kunan mo ng litrato ang ulo ni Daddy!

37:51.352 --> 37:53.104
Kunan mo! Gusto kong makita!

37:53.187 --> 37:54.272
-Ang ulo ko?
-Oo!

37:55.356 --> 37:57.733
-Kunan mo ng litrato ang ulo mo!
-Magsaya kayo!

37:57.817 --> 37:59.527
Kunan mo ng litrato ang ulo mo!

37:59.610 --> 38:03.281
Gusto ko na limang bese pa nilang inulit.

38:07.326 --> 38:09.954
Naalala mo ba
kung paano pumunta doon mula dito?

38:10.037 --> 38:10.871
Hindi.

38:11.497 --> 38:16.210
Babalik tayo para makasiguro
na walang tumubo sa huling tatlong buwan.

38:16.294 --> 38:19.630
At ipipilit ko
kung maayos ang lahat na itigil…

38:19.714 --> 38:21.090
Ipipilit ko din.

38:21.173 --> 38:23.467
Gusto talaga ni Gabby na itigil na
ang mga gamot.

38:23.551 --> 38:24.427
Umaasa ako.

38:32.435 --> 38:33.394
Woodland!

38:38.190 --> 38:39.692
-Kumusta ka?
-Mabuti, kumusta?

38:39.775 --> 38:41.027
Ayos lang ako. Salamat.

38:41.902 --> 38:43.362
Dito tayo.

38:44.280 --> 38:46.532
Tinitingnan natin ang utak mo ngayon.

38:47.033 --> 38:48.701
-Nag-MRI ka na dati.
-Oo.

38:48.784 --> 38:51.787
-At may allergy ka ba sa MRI dye?
-Wala.

38:51.871 --> 38:53.539
-Claustrophobia?
-Wala

38:53.622 --> 38:56.125
-Naoperahan ka na ba sa utak?
-Oo.

38:56.208 --> 38:57.418
Okay. At anumang…

38:57.501 --> 38:59.628
Walang gustong narito sa ospital.

38:59.712 --> 39:04.925
Gaya 'to ng mahihirap na araw sa generals.
At handa na akong matapos 'to.

39:05.009 --> 39:07.178
Kung may problema ka, sabihan mo ako agad.

39:07.261 --> 39:08.846
-Salamat.
-Sasamhan kita pabalik.

39:11.640 --> 39:14.685
Napakahirap makitang nahihirapan
ang taong mahal

39:14.769 --> 39:17.855
hindi lang sa pisikal kundi sa pag-iisip.

39:19.315 --> 39:22.151
Di namin alam ang nangyayari,
kaya wala kaming kinausap.

39:22.234 --> 39:25.446
At walang nakaaalam.
At wala pa ring nakaaalam.

39:25.529 --> 39:28.908
Bigla na lang itong lumabas.
Nabago ang buhay namin.

39:29.492 --> 39:30.993
Gary, ayos ka lang ba?

39:31.077 --> 39:32.620
Ayos lang ako. Salamat.

39:35.539 --> 39:37.666
Halos 17 taon na kaming magkasama.

39:37.750 --> 39:40.002
Parang kalahati na ng buhay ko.

39:41.253 --> 39:45.174
Akala ko mahal ko siya noong pinakasalan
ko siya. O mahal ko siya 15 years ago.

39:45.257 --> 39:48.928
Pero ang pagmamahal na mayroon kami
para sa isa't isa ngayon

39:49.011 --> 39:51.847
ay 100 beses kaysa noong nakaraang taon.

39:51.931 --> 39:54.141
Isang libong beses
kaysa noong ikinasal kami.

39:55.226 --> 39:57.228
Alam ko ang gusto niyang sabihin.

39:57.311 --> 40:01.315
At alam ko ang nararamdaman niya
kapag lumabas siya ng kwartong iyon.

40:01.399 --> 40:04.652
At… iba na ngayon.

40:05.236 --> 40:09.073
Hindi ko alam. Sobra.
Higit pa sa inakala ko.

40:11.742 --> 40:13.786
Ibibigay ko ang susi ng locker.

40:13.869 --> 40:15.830
-Salamat.
-At dito tayo.

40:17.957 --> 40:18.874
Sa kabila.

40:19.750 --> 40:20.584
Uh-oh.

40:21.085 --> 40:22.336
Tutulungan kita dito.

40:24.839 --> 40:27.675
-Puwede mong gamitin 'tong kuwarto.
-Inoperahan ako sa utak.

40:28.551 --> 40:30.261
Puwede kang magpalit dito.

40:30.344 --> 40:31.595
Uy! Kumusta?

40:31.679 --> 40:33.347
-Ang ganda mo.
-Salamat.

40:33.431 --> 40:36.100
-Hello. Masaya akong makita ka.
-Ako rin.

40:36.183 --> 40:37.143
Kumusta?

40:37.685 --> 40:38.686
Mabuti, pagod lang.

40:38.769 --> 40:41.063
Magandang balita. Mukhang walang nagbago.

40:41.147 --> 40:42.273
-Perpekto.
-Kaya…

40:42.356 --> 40:45.609
'Yon ang tingin ko.
Hinihintay ko ang official reading

40:45.693 --> 40:48.320
mula sa… radiologist.

40:48.404 --> 40:50.239
Kung iba, sasabihan kita.

40:50.322 --> 40:51.240
Oo. Sige.

40:53.492 --> 40:55.244
Puwede bang ibaba ang gamot?

40:55.327 --> 40:58.205
Oo. Kailangang maghintay
na magbakasyon ka.

40:58.289 --> 41:00.958
-Mahaba.
-Mahabang panahon na wala kang laro.

41:01.041 --> 41:03.919
Ibaba mo, at kung sumumpong,
puwede mong itaas.

41:04.003 --> 41:04.879
-Itaas.
-Oo.

41:04.962 --> 41:08.007
Magandang pag-isipan na ibaba iyon. Sige.

41:08.090 --> 41:10.468
-The best ka.
-Masaya ako sa magandang balita.

41:10.551 --> 41:12.595
-Oo. Walang duda.
-Salamat.

41:23.939 --> 41:25.649
Magandang balita 'yon.

41:30.154 --> 41:31.780
Maganda ang kinalabasan, di ba?

41:31.864 --> 41:33.115
Walang nagbago.

41:34.408 --> 41:38.245
Malaki ang layunin ko
tuwing pumapasok ako.

41:38.329 --> 41:40.456
Tingin ko ipapatigil na ang gamot,

41:40.539 --> 41:43.959
pero naisip ko na sa ikatlong linggo
pagkatapos ng operasyon.

41:44.043 --> 41:45.377
Oo.

41:45.461 --> 41:49.381
Kaya… malamang di makatotohanan
ang gusto ko,

41:50.007 --> 41:52.676
pero ang pangunahing layunin,
ang mahalaga,

41:52.760 --> 41:55.513
ay maayos ang lahat at walang tumutubo.

41:55.596 --> 41:56.555
At malusog ako.

41:56.639 --> 41:59.350
At ang maibahagi ito sa mga anak ko at…

42:00.309 --> 42:02.436
Iyon ang dahilan.
Nilalagay nito ang buhay…

42:02.520 --> 42:06.023
Naitatama nito
ang pananaw sa mga birdie at putt kaya…

42:06.106 --> 42:08.359
Sabik na akong makauwi at makita sila.

42:13.072 --> 42:13.906
Get set!

42:15.032 --> 42:15.866
Go!

42:29.838 --> 42:32.758
Kailangan nating tumalon
sa ball pit dahil natalo tayo.

42:33.467 --> 42:36.136
Bilang atleta, wala kang oras magnilay.

42:37.429 --> 42:39.890
Nagkaroon ako ng oras para magnilay at…

42:39.974 --> 42:41.100
Natalo kita!

42:41.642 --> 42:43.519
Ipinagmamalaki ko ang sarili.

42:43.602 --> 42:47.898
Di ko pa yata nasabi 'yan sa buhay ko,
na ipinagmamalaki ko ang sarili ko.

42:48.899 --> 42:53.195
Ito ang pinakamahirap na taon
ng buhay ko, pero lumaban ako.

42:53.279 --> 42:55.197
-Ready!
-Heto na.

42:55.281 --> 42:56.240
Set!

42:56.323 --> 42:58.367
Di ko alam kung gagaling pa

42:58.450 --> 43:02.246
dahil ang bawat araw ay kakila-kilabot,
at mahirap makasama ang mga anak ko

43:02.329 --> 43:07.418
dahil di kaya ng utak ko
ang ingay at maraming pangyayaro at…

43:07.501 --> 43:09.378
-Dad, tulong!
-Ako'ng bahala, baby.

43:09.461 --> 43:10.796
Naipit ako!

43:10.879 --> 43:14.133
Ang huling tatlong linggo
ang unang beses sa isang taon

43:14.216 --> 43:17.553
na kaya kong makasama
buong araw ang pamilya ko

43:18.554 --> 43:22.349
at di na kailangang umalis at humiga.

43:24.143 --> 43:28.314
Nakikita ko na ang liwanag
sa dulo ng lagusan.

43:30.691 --> 43:33.569
At para doon ang paglaban.

43:35.362 --> 43:37.865
Nagsisimula na akong bumalik sa dati. At…

43:45.831 --> 43:46.832
At iyon ay…

43:49.501 --> 43:50.836
Para doon lahat iyon.

44:00.971 --> 44:02.514
Wala pang isang taon,

44:02.598 --> 44:05.517
Di nakasama si Keegan Bradley
sa Ryder Cup team.

44:06.018 --> 44:08.312
Marami akong kailangan
na patunayan sa sarili.

44:08.395 --> 44:11.440
Kaya gusto ko talagang maglaro
sa Presidents Cup.

44:13.067 --> 44:16.445
Ang Presidents Cup
ay ang Unieted States team

44:16.528 --> 44:19.323
laban sa buong mundo maliban sa Europe.

44:19.406 --> 44:21.909
Parang Ryder Cup pero kasama si Tom Kim.

44:22.576 --> 44:24.787
Sige! Tayo na!

44:24.870 --> 44:27.915
Napahiya ang Americans sa Ryder Cup
noong nakaraang taon.

44:27.998 --> 44:30.959
Kaya kailangang galingan
para maiwasan ang kahihiyan.

44:31.043 --> 44:32.127
Ano 'yon?

44:32.211 --> 44:34.713
Para sa iba, pagkakataon ito para manalo.

44:36.006 --> 44:39.635
Para sa kaunting oras na iyon,
parang buhay o kamatayan ang lahat.

45:32.730 --> 45:34.982
Tagapagsalin ng Subtitle: Rexie Quizon
uhay o kamatayan ang lahat.
