WEBVTT

00:15.306 --> 00:16.975
Justin Thomas, take one.

00:17.934 --> 00:19.728
Kuha ko na. JT.

00:21.104 --> 00:22.647
Season three.

00:22.731 --> 00:25.567
Oo. Season three, Full Swing.
Magsimula na tayo.

00:25.650 --> 00:27.360
Season three.

00:27.444 --> 00:30.321
-Salamat sa pag-imbita. Nasasabik ako.
-Nasasabik ako rito.

00:31.531 --> 00:34.075
-Pindutin mo ang record.
-Nang nakaupo nang ganito?

00:34.159 --> 00:37.287
-Papatayin ko din ang phone ko, kaya…
-Tanggalin n'yo 'yong unan.

00:39.122 --> 00:40.790
Tuta ba 'yon?

00:40.874 --> 00:44.502
Nasa season three ka ng Netflix, pare.
Milyun-milyong tao ang manonood.

00:45.295 --> 00:47.964
-Handa na?
-Oo. Tayo na. Simulan na natin.

00:48.631 --> 00:50.091
Kapana-panabik na taon?

00:50.175 --> 00:53.553
Kapana-panabik na taon.
Maraming kaganapan.

00:53.636 --> 00:56.765
World number one golfer
na Scottie Scheffler inaresto.

00:56.848 --> 01:00.018
Makukulong siya.
At wala kang magagawa tungkol doon.

01:00.101 --> 01:02.854
Ang nakikita ko
ay kaibigan kong nakaposas,

01:02.937 --> 01:04.189
papuntang police car.

01:04.272 --> 01:07.317
Di ko pa rin alam
kung paano nangyari iyon.

01:07.400 --> 01:09.778
Naghain ng diborsyo si Rory McIlroy.

01:09.861 --> 01:12.947
Sinusundan ata ako
ng camera ng Netflix. Kaya…

01:13.031 --> 01:15.200
Dahil sikat ang laro,

01:15.283 --> 01:18.953
nasa balita ang mga manlalaro
gusto man nila o hindi.

01:19.037 --> 01:22.082
Nakikita sila kasama
ng mga pulitiko at artista,

01:22.165 --> 01:24.793
at nakikita ang impluwensya nila
na labas sa golf

01:24.876 --> 01:26.920
at papunta sa mainstream.

01:27.003 --> 01:28.213
Ano'ng…

01:28.296 --> 01:31.216
Di makapagtatago sa mga nangyayari.

01:31.299 --> 01:33.468
Gusto kong masuka.
Gusto kong maiyal.

01:33.551 --> 01:35.804
Lahat nakatingin sa 'yo at sa 'yo lang

01:35.887 --> 01:37.972
lalo na kung elite player ka.

01:38.056 --> 01:40.642
Let him cook!

01:40.725 --> 01:43.895
Sasabihin ng mga tao
na ako 'yong sa social media.

01:43.978 --> 01:45.021
Medyo nakakainis.

01:45.730 --> 01:49.192
Ihahayag ko ang kapitan
ng Ryder Cup, Keegan Bradley.

01:50.401 --> 01:51.903
Ano'ng reaksyon mo?

01:52.403 --> 01:53.488
Nakakagulat.

01:55.740 --> 01:59.077
Simple lang ang dahilan
sa lahat ng atensyong ito.

01:59.160 --> 02:03.206
Walang sport
na kasing personal at madamdamin

02:03.289 --> 02:06.918
at sobrang sakit na gaya ng golf.

02:07.001 --> 02:09.587
Grabe. Akala mo
di mo maririnig ang ganito.

02:09.671 --> 02:12.507
Biglaan lang. Nabago ang buhay namin.

02:12.590 --> 02:16.469
-Makipagtalo ulit kay Deuce.
-Tatlong milyon. Para sa patakaran.

02:16.553 --> 02:19.264
Pakiramdam ko ba
na di ako ganoon kagaling?

02:19.347 --> 02:20.306
Oo.

02:20.390 --> 02:23.476
Di pa ako umiyak.
Ayaw ko na ngayon ako maiyak.

02:23.560 --> 02:25.562
Mag-uudyok siya at magbibigay inspirasyon

02:25.645 --> 02:27.981
na malampasan ang mga pumipigil.

02:28.064 --> 02:30.150
na makamit ang potensyal nila.

02:30.233 --> 02:33.319
Naging mahirap,
pero ang alam ko lang ay maglaro.

02:34.320 --> 02:38.032
Kaya sa laro na ginawa para matalo ka,

02:38.658 --> 02:40.743
mas nakakatuwa ang pagkapanalo.

02:57.552 --> 03:04.559
ISANG BRAVE NEW GAME

03:07.020 --> 03:09.272
May isang linggo ng drama muli

03:09.355 --> 03:13.443
para koronahan ang nanalo sa isa
sa pinakamalaking kaganapan sa golf.

03:14.694 --> 03:18.531
Ang layunin ko ngayon
ay tulad ng sa ibang season.

03:18.615 --> 03:21.117
Gusto kong maklaban ang pinakamagagaling.

03:23.161 --> 03:27.165
At masasabi kong pagdating sa atensyon,

03:27.248 --> 03:30.168
ngayon lang nakakuha
ng ganitong atensyon sa golf.

03:30.752 --> 03:34.714
Napakaraming gulo, napakaraming balita

03:34.797 --> 03:38.092
na lumalabas
na bumabago sa kalagayan ng laro.

03:38.176 --> 03:41.888
Kaya laging kinakabahan ang mga fans.

03:41.971 --> 03:44.474
"Ano'ng susunod na mangyayari?"

03:44.557 --> 03:47.518
Ladies and gentlemen,
may sorpresa kami sa inyo.

03:47.602 --> 03:51.189
Ang lalaking ito
ay isang human highlight reel.

03:51.689 --> 03:52.774
Una sa team,

03:53.983 --> 03:55.109
palakpakan natin…

04:02.742 --> 04:03.576
si Tony.

04:03.660 --> 04:05.119
-Tony!
-Salamat.

04:05.203 --> 04:06.704
Salamat sa pagpunta.

04:06.788 --> 04:08.831
Kilala ko ang poging batang 'to.

04:08.915 --> 04:09.832
Kumusta, 'tol?

04:10.500 --> 04:13.711
Ako si Scottie Scheffler,
at nasa set ako ng Happy Gilmore 2.

04:14.295 --> 04:17.298
Bumbalik dito
ang mga alaala mula do'n sa una.

04:17.382 --> 04:20.551
-Uy. Kumusta ka?
-Ikinagagalak kitang makilala.

04:20.635 --> 04:23.388
Ang astig na maitampok sa ikalawa.

04:23.471 --> 04:26.015
Mga alamat! Mga alamat sila.

04:26.516 --> 04:28.059
Medyo nakakakaba.

04:28.142 --> 04:29.227
Action.

04:29.936 --> 04:31.771
Ilang araw na kaming nandito.

04:31.854 --> 04:34.190
Jordan, Ricky, Keegan,

04:34.274 --> 04:35.233
Tony Finau.

04:35.316 --> 04:36.985
Kumusta ang laro mo, Adam?

04:37.068 --> 04:38.403
-Di maganda.
-Talaga?

04:38.903 --> 04:41.072
Grabeng pelikula para sa debut.

04:41.698 --> 04:42.532
Ayos.

04:43.116 --> 04:44.158
Magaling.

04:45.034 --> 04:48.746
Madali lang. Aarte akong fan
ng Happy Gilmore, na totoo naman,

04:48.830 --> 04:50.039
kaya ang saya.

04:52.375 --> 04:54.043
Masarap sa pakiramdam 'yon.

04:55.044 --> 04:59.090
Kakaibang karansan 'to sa akin
kumpara sa karaniwang ginagawa ko,

04:59.173 --> 05:01.551
pero di ako makapaniwalang kasali ako.

05:03.344 --> 05:07.098
Di kapani-paniwala.
Para akong nasa ibang mundo.

05:07.181 --> 05:10.893
Gusto ng tatay ko na mag-golf ako,
kaya ano pang gaganda sa panonood

05:10.977 --> 05:14.147
ng mga pelikula sa golf,
kasama ang Happy Gilmore?

05:14.230 --> 05:15.815
De-Cham-something.

05:15.898 --> 05:17.734
-Tama.
-Mahal kita, baby.

05:17.817 --> 05:20.111
Mahal kita, pre. Iba siya.

05:20.194 --> 05:22.655
Three, two, one…

05:22.739 --> 05:24.741
Baba Booey!

05:28.453 --> 05:29.871
Ang galing no'n, boys.

05:30.788 --> 05:33.416
-Saan ka nakatira? Florida?
-Jupiter, Florida.

05:33.499 --> 05:34.751
Naku, hindi kami…

05:34.834 --> 05:37.420
-Ayos. Salamat.
-Pinanood ko ang Full Swing.

05:37.503 --> 05:39.005
-Ang ganda.
-Ayos.

05:39.088 --> 05:40.715
-Ganda ng pagkakagawa.
-Oo.

05:40.798 --> 05:43.217
-Lumalabas kayong…
-Wag mo nang sabihin.

05:43.301 --> 05:46.471
-Dahil sila 'yon.
-Lintik. Ang pangit ng palabas.

05:46.554 --> 05:47.472
Nakakadismaya.

05:48.681 --> 05:50.099
Nakakawili ang taon.

05:50.183 --> 05:51.392
Sa labas ng course,

05:51.476 --> 05:53.728
nakikita mo sila
na nagtatrabahong magkakasama,

05:53.811 --> 05:57.065
nagsisimula sa pag-arte
sa Happy Gilmore 2.

05:57.148 --> 05:58.649
-Isa, dalawa, tatlo.
-Golf!

05:58.733 --> 06:01.277
Pero may kakaibang nangyayari sa course

06:01.361 --> 06:03.613
kung saan may isa silang hinahabol.

06:03.696 --> 06:05.448
Scottie Scheffler.

06:05.531 --> 06:08.493
Sige na, Shooter.
Lahat nagmimintis ng putt minsan.

06:11.746 --> 06:15.708
Walang dudang si Scottie
ang pinakamahusay ngayon.

06:16.334 --> 06:20.296
Tuwing maglalaro siya,
parang laging siya ang kailangang talunin.

06:21.130 --> 06:24.717
Si Scottie Scheffler ulit
ang hari ng Bay Hill.

06:25.385 --> 06:27.178
Pinkamagaling sunod kay Tiger Woods.

06:27.261 --> 06:31.974
Si Scottie Scheffler ay
ang ika-50 PLAYERS Champion,

06:32.058 --> 06:34.310
at ang unang nanalo nang magkasunod.

06:34.811 --> 06:36.813
Palaging nandiyan ang kompetisyon.

06:36.896 --> 06:39.357
Lalo ngayon na may target sa likod ko

06:39.440 --> 06:41.317
at hinahabol ako ng iba.

06:41.400 --> 06:43.152
-Natuwa ako.
-Grabeng tunog!

06:43.236 --> 06:44.112
Isa pa.

06:46.072 --> 06:48.407
Parang pro-am. Para silang…

06:48.908 --> 06:51.702
Nakikipaglaro sila sa taong may 30 A-game.

06:51.786 --> 06:54.288
Ganoon siguro ang pakiramdam. Masaya.

06:54.372 --> 06:55.373
Oo.

06:55.456 --> 06:58.876
Maganda ang laro ko ngayon,
at kaht ano'ng itawag n'yo,

06:58.960 --> 07:01.129
magkakasunod na panalo, ano pa man.

07:01.212 --> 07:03.798
Ginagawa ko lahat para magtuloy-tuloy.

07:04.799 --> 07:09.720
Kung magpapatuloy sa ganito si Scottie,
hindi siya mapipigilan.

07:09.804 --> 07:12.598
Kaya ang tanong sa unang major ng taon,

07:12.682 --> 07:13.724
ang Masters,

07:13.808 --> 07:16.561
ay sino ang makakalaban
sa world number one?

07:30.533 --> 07:33.453
Mga dalawang linggo
na naming nakukuha ito.

07:33.536 --> 07:36.831
At isa ito sa mga paborito kong binili.

07:39.500 --> 07:42.879
Di naman ako sobrang arte sa kape.
Sobra naman 'yon.

07:43.713 --> 07:45.673
Ayaw ko lang pag di matapang.

07:46.632 --> 07:50.553
Minsan, pwede kang tumingin sa tasa
at makita ang ilalim.

07:50.636 --> 07:52.889
Parang, "Hindi. Hindi pwede."

07:54.515 --> 07:57.894
Di sa pang-aaway sa iba,
pero 'yon ang opinyon ko.

07:59.854 --> 08:04.400
Ang European ng pangalan ko, pero dinig ko
pumapangit 'yon sa Southern accent.

08:05.067 --> 08:08.237
Marami na akong narinig na mga salita.

08:08.321 --> 08:10.364
Paano ba binibigkas?

08:10.448 --> 08:11.699
Ludvig Åberg.

08:12.658 --> 08:16.412
Si Ludvig Åberg ay mukhang ginawa
sa Swedish chemistry lab.

08:16.496 --> 08:19.373
Sa pangangatawan, mukha, at golf swing,

08:19.457 --> 08:23.586
mukha siyang ginawa ng mga diyos ng golf.

08:24.795 --> 08:27.757
Si Ludvig ay 24 taon.
Di pa siya naglaro sa major championship

08:27.840 --> 08:30.092
pero hitik na ang résume niya.

08:30.176 --> 08:34.597
Siya ang unang college player
na dumiretso sa PGA TOUR.

08:34.680 --> 08:38.768
Nanalo siya ng DP World Tour.
Nanalo siya ng PGA Tour sa ika-11 niya.

08:38.851 --> 08:41.187
Napili siya sa Europe sa Ryder Cup,

08:41.270 --> 08:44.232
at nagpakitang gilas siya
na di inasahan ng lahat.

08:48.444 --> 08:50.571
Kumakatawan sa United States,

08:50.655 --> 08:53.074
Scottie Scheffler at Brooks Koepka.

08:53.699 --> 08:58.538
Kumakatawan sa Europe,
Viktor Hovland at Ludvig Åberg.

09:01.165 --> 09:02.583
Nariyan ang world number one

09:02.667 --> 09:06.337
kasama ang pinakamagaling na kampeon
ng modernong panahon

09:07.129 --> 09:08.756
at naghihingalo sila.

09:12.760 --> 09:16.264
Isang magandang simula
para sa Swedish rookie.

09:16.764 --> 09:19.392
Di pa siya naglalaro
sa major championship,

09:19.475 --> 09:22.019
at narito siya sa Ryder Cup.

09:24.397 --> 09:28.359
Lumalala na ito para sa world number one,
Scottie Scheffler,

09:28.442 --> 09:30.820
at ang kampeon ng PGA, Brooks Koepka.

09:32.572 --> 09:35.157
Natambakan sila

09:35.241 --> 09:39.412
na unang beses na nakita
sa kasaysayan ng Ryder Cup.

09:39.495 --> 09:41.581
Pinakamalaking lamang.

09:42.081 --> 09:44.125
Tingnan mo si Scottie. Wow.

09:44.208 --> 09:47.587
Di 'yan normal makita, 'no?
'Yan ang nagagawa ng Ryder Cup.

09:48.546 --> 09:51.924
Napaiyak ni Ludvig Åberg
ang number one player sa mundo.

09:52.008 --> 09:54.260
Wala nang mas masakit doon.

09:55.595 --> 09:59.307
Ang maglaro sa malaking laro
bilang miyembro ng Ryder Cup,

09:59.390 --> 10:02.977
ibang uri ng pressure,
at kinaya 'yon ni Ludvig.

10:03.060 --> 10:05.855
Tingin ko pag-alis doon,
may pakiramdam siya na

10:05.938 --> 10:08.983
"Kung kaya ko ito, kaya ko kahit ano."

10:10.860 --> 10:12.653
Naglalaro ka ng football?

10:12.737 --> 10:14.155
Naglalaro ako.

10:16.365 --> 10:17.867
Masayang ihagis ang bola.

10:17.950 --> 10:21.621
Di ko masabing magaling ako,
kasi di ako American.

10:23.914 --> 10:25.958
Ang Masters talaga ang laro

10:26.042 --> 10:27.668
na pinakahihintay ko.

10:27.752 --> 10:31.380
Ang kasaysayan nito.
Ito ang pinakaastig sa laro.

10:31.464 --> 10:33.716
Iyon ang major na babalikan mo taon-taon.

10:33.799 --> 10:36.927
May mga iconic na sandali at iconic shots,

10:37.011 --> 10:39.472
at para sa akin,

10:40.264 --> 10:44.018
para maisip na magiging bahagi ako nito
ay kahanga-hanga.

10:44.101 --> 10:47.563
At kung makakalaro ako
at magiging masaya doon,

10:47.646 --> 10:49.607
at wala na 'kong mahihiling.

10:58.282 --> 11:00.868
Bawat golfer pangarap ang Masters

11:00.951 --> 11:02.328
at maglaro doon.

11:03.037 --> 11:06.916
Sa golfer, ang Augusta
ay parang Vatican sa Katoliko.

11:06.999 --> 11:08.584
Parang ganoon.

11:08.668 --> 11:12.546
Di ko malilimot ang unang beses ko doon.
Napaka-espesyal sa akin.

11:12.630 --> 11:14.590
Ganoon din sa iba.

11:16.592 --> 11:17.718
-Hi, guys.
-Hi!

11:17.802 --> 11:18.636
Kumusta?

11:19.220 --> 11:21.722
Nakakapagpakumbaba ang unang beses doon

11:22.515 --> 11:26.060
kung saan ang pinakamagagaling
ang nananalo.

11:26.143 --> 11:27.645
Ayaw kong ipakita ang address.

11:29.647 --> 11:31.482
-Kumusta?
-Mabuti. Ikaw?

11:31.565 --> 11:32.983
Mabuti. Welcome.

11:33.067 --> 11:35.778
Nakakamangha.
Di ko alam ba't ang aga ng iba.

11:35.861 --> 11:37.780
Nagsisimula ang pag-rehistro ng Sabado…

11:37.863 --> 11:40.908
Kaya pala. Nasasabik sila
at dumarating nang maaga.

11:41.409 --> 11:44.245
'Yan na ata ang pinakamagandang sulat ko.

11:44.328 --> 11:47.206
-Salamat.
-Pangit ang sulat-kamay ko.

11:47.289 --> 11:49.709
-Welcome at congratulations.
-Salamat.

11:49.792 --> 11:52.628
Ano ang pakiramdam ng nag-DCP?

11:52.712 --> 11:53.838
Ang astig.

11:53.921 --> 11:58.759
Ang astig na maging una
na bumalik bilang kalahok, kaya…

11:58.843 --> 12:02.138
-Alam naming mangyayari 'yon.
-Oo, pero ang astig.

12:06.434 --> 12:08.185
Nagbabalik sa Media Center,

12:08.269 --> 12:11.230
limang beses na nanalo ng green jacket,
Mr. Tiger Woods.

12:11.313 --> 12:17.027
Kumusta ang pagtuturo
sa mga batang manlalaro?

12:17.111 --> 12:19.780
Masaya akong panoorin silang magtagumpay.
Parte 'yon.

12:19.864 --> 12:22.116
Ipinapasa namin ang kaalaman.
Di pinagdadamot,

12:22.199 --> 12:24.994
lalo dito sa kung saan pwedeng gawin 'to,

12:25.077 --> 12:27.621
dahil naglalaro kami
sa parehong lugar taon-taon.

12:27.705 --> 12:31.167
Napagsasama ng Masters

12:31.250 --> 12:34.962
ang nakaraan at hinaharap ng larong golf.

12:35.629 --> 12:39.008
Noong unang laro ko, maraming nakatatanda
na tumulong sa akin,

12:39.091 --> 12:42.511
at sinusubukan kong gawin din iyon.

12:42.595 --> 12:44.346
Pakiramdam ko bata pa 'ko.

12:44.430 --> 12:47.892
Mas malapit na ang edad ko sa matatanda,
at kakaiba ang pakiramdam.

12:47.975 --> 12:51.812
Ikaw ang pinakamataas na debutant
kasunod ni Wyndham Clark.

12:51.896 --> 12:54.648
Karamihan sinusubukan na namnamin lahat,

12:54.732 --> 12:56.025
ang karanasan,

12:56.108 --> 12:58.944
pero nasa posisyon ka
na naniniwala kang mananalo ka.

12:59.028 --> 13:01.238
Paano mo binabalanse iyon?

13:01.322 --> 13:05.785
Tinatanggap ko lang
ang kaba at pananabik ko,

13:06.285 --> 13:10.247
at kasabay nito,
inaalam ang kakayahan ko at katangian ko

13:10.331 --> 13:12.583
at alam kong sapat na iyon.

13:12.666 --> 13:15.836
Pero maghahanda pa rin ako.

13:18.714 --> 13:21.967
Ang Masters tournament ang hudyat

13:22.051 --> 13:24.178
na simula na ng golf season.

13:24.261 --> 13:25.387
Majors season na.

13:25.471 --> 13:27.431
Ang ganda. Masayang bumalik.

13:28.307 --> 13:31.227
Napakahirap ng course.
Napakahirap ng tournament.

13:31.894 --> 13:36.023
May dagdag na pressure at pagkasabik.

13:36.106 --> 13:37.817
Ramdam 'yon ng mga tagahanga.

13:40.277 --> 13:43.197
Ito ang pinakamagandang panahon.
Nariyan ang pinakamagagaling

13:43.280 --> 13:45.824
mula sa parehong tour
na mataas ang antas ng laro.

13:45.908 --> 13:48.828
Makikita natin ang tagumpay.
Makikita natin ang pagkatalo.

13:48.911 --> 13:51.497
At pwedeng may isa
o dalawang bagong bituin.

13:55.084 --> 13:56.502
-Neal!
-Neal!

14:00.798 --> 14:03.342
Isa si Neal Shipley sa mga manlalaro

14:03.425 --> 14:06.595
na pag nakita mo sa course,
"Sino ang lalaking iyon?"

14:08.848 --> 14:11.350
-Puwede ba akong magmura?
-Sige lang.

14:11.851 --> 14:14.436
"Sige lang."
Wag mong sabihin 'yan. Di ako…

14:16.522 --> 14:19.191
Manonood ang lolo't lola ko.
Kailangang mag-ingat.

14:20.359 --> 14:23.904
Fifth year senior ako
sa Ohio State University.

14:24.530 --> 14:27.032
Ito ang hindi masyadong
malinis na kuwarto.

14:27.741 --> 14:30.411
Di ko ipakikita iyon.

14:31.203 --> 14:33.872
Malinis na damit ito.
Di ko pa lang natupi.

14:33.956 --> 14:35.332
Nilabhan ko kahapon.

14:35.833 --> 14:39.003
Nakatira ako sa college apartment
kasama ang limang kasamahan ko.

14:39.086 --> 14:41.505
Nasira namin ang pader dahil sa dartboard.

14:41.589 --> 14:43.757
Di namin makukuha ang deposito.

14:43.841 --> 14:46.468
Naglalaro kami ng Xbox
pag wala kami sa golf course.

14:46.552 --> 14:50.097
Bumili kami ng dalawang case ng beer,
at pinatungan no'n.

14:50.180 --> 14:52.057
Ipinagmamalaki ko 'yon.

14:52.141 --> 14:55.102
Magandang paraan 'yon
ng paggamit ng inaral ko.

14:55.769 --> 14:58.188
Lagi akong binibiro sa team.

14:58.272 --> 14:59.773
Lagi akong niloloko.

14:59.857 --> 15:02.318
Nagsimulang magsulat ang mga kasama ko.

15:02.401 --> 15:03.652
"Malaking sexy."

15:03.736 --> 15:07.865
"Fabio." "First Team All Fridge"
para sa pagkain ko.

15:07.948 --> 15:11.368
Isa sa nauna,
"Ang katawan ko ay gawa ng Waffle House."

15:11.452 --> 15:14.038
"Katawang gawa ng Waffle House."
Ilalagay ko sa shirt.

15:14.830 --> 15:19.001
Isusuot mo ba ang mga iyon
sa Magnolia Lane?

15:19.084 --> 15:20.961
Redneck Gucci ito, pare.

15:21.629 --> 15:23.047
Karaniwang lalaki ako

15:23.130 --> 15:27.134
na nagkataong naglalaro ng golf
nang mas magaling sa karaniwang tao.

15:29.261 --> 15:35.559
Anim na taon ako nang mapanood
sa U.S. Open 2007 si Tiger Woods.

15:35.643 --> 15:37.811
Pasan ako ng tatay ko,

15:37.895 --> 15:42.608
at… ang layo ko kay Tiger
ay tulad ng layo ko sa camera.

15:43.567 --> 15:46.278
Bata pa 'ko at sinubukan ko
na mag-high five,

15:46.362 --> 15:50.032
at sobrang tutok niya
na dinaanan niya lang ako.

15:50.949 --> 15:54.370
Siya ang magaling.
Siya ang lgi kong sinusuportahan,

15:54.453 --> 16:00.042
at, na-inspire ako na maglaro at lumaban.

16:01.460 --> 16:06.006
Ang amateur golf
ay kilalang bahagi ng Masters.

16:06.090 --> 16:09.093
Nag-iimbita sila ng ilang baguhang kampeon

16:09.176 --> 16:11.136
mula sa buong mundo taun-taon,

16:11.220 --> 16:15.349
at laging may matinding kompetisyon
para sa low amateur.

16:16.016 --> 16:18.978
May limang paraan para masali
sa Masters bilang baguhan.

16:19.061 --> 16:22.564
Nakuha ko ang akin
nang pumangalawa ako sa U.S. Amateur.

16:22.648 --> 16:25.359
Mukhang magandang tira. Pasok na pasok.

16:25.442 --> 16:29.154
May tira na bumalik ng 25, 30 talampakan
sa isang talampakan.

16:29.655 --> 16:31.949
Tap in! Birdie.

16:33.450 --> 16:35.911
-Paisa nga!
-'Yon ang tira ng buhay niya, Dan.

16:35.995 --> 16:37.037
Ayos!

16:37.538 --> 16:40.749
Baka may imbitasyon ako.
Titingnan ko. Kung may…

16:40.833 --> 16:42.501
Oo, kuha ka ng imbitasyon.

16:42.584 --> 16:45.379
May imbitasyon ako. May pinadala sila.

16:45.462 --> 16:47.172
-Pwedeng bayarin.
-Tingnan natin.

16:56.849 --> 16:58.016
Ay wow.

16:58.100 --> 17:01.603
Di nila sinasabi,
pero papadalhan ka ng binder na may rules.

17:02.271 --> 17:03.981
Lahat ng ito ay…

17:04.982 --> 17:06.525
Sulat-kamay lahat 'yan.

17:07.025 --> 17:10.863
Kumukuha ata sila ng isang tao
na nagsusulat ng lahat ng 'to.

17:16.577 --> 17:21.707
Kayong lima, kinakatawan ninyo
ang lahat ng mabuti sa larong ito.

17:21.790 --> 17:24.543
Kaya galingan n'yo,

17:24.626 --> 17:27.379
at nasa likod n'yo kami. Salamat.

17:29.298 --> 17:33.302
Naaalala ko na napahamak ako
ng ilang beses sa high school

17:33.385 --> 17:36.764
sa panonood ng Masters
sa computer ko sa klase.

17:36.847 --> 17:40.851
At ang makasali doon
ilang taon pagkatapos noon,

17:40.934 --> 17:42.394
ay di kapani-paniwala.

17:42.478 --> 17:44.021
Pwede bang pumasok ka pa?

17:44.104 --> 17:46.690
Kailangan kita sa pagitan ng poste at…

17:48.442 --> 17:50.778
Bilang baguhan,
ang kasaysayan ni Bobby Jones

17:50.861 --> 17:53.697
at lahat ng ginawa niya sa amateur golf,

17:54.198 --> 17:58.786
may bigat sa pagiging baguhan
kapag nasa Augusta ka.

17:59.536 --> 18:03.415
Gusto kong lumaban at talunin sila,
at pakiramdam ko, kaya ko,

18:03.499 --> 18:06.543
at gusto kong patunayan
na nabibilang ako doon.

18:06.627 --> 18:08.670
Alam ko may almusal.

18:08.754 --> 18:09.922
Hapunan hanggang 10:00.

18:11.632 --> 18:13.258
Gusto ko 'yan. May gutom ba?

18:13.342 --> 18:14.259
Ako.

18:15.552 --> 18:16.428
Siguro.

18:22.476 --> 18:27.523
Ang ika-62 na edisyon
ng Par 3 Contest ay nagaganap.

18:29.274 --> 18:31.735
Nasasabik ka na ba? Ano?

18:31.819 --> 18:34.321
Parada ito para dalhin ang mga Finau doon.

18:34.404 --> 18:35.948
Kailangan ng anim na cart.

18:39.993 --> 18:42.913
Ang Par 3 ang pinaka-cute na
sporting event sa planeta.

18:42.996 --> 18:46.458
Makikita mo talaga ng mga manlalarong ito,

18:46.542 --> 18:48.168
na mas parang tulad natin.

18:48.252 --> 18:50.838
Ngayon sa tee, Scottie Scheffler.

18:53.423 --> 18:57.010
Espesyal ang Par 3 contest.
Ang kapatid kong babae ang caddie ko.

18:57.094 --> 18:58.679
Gaano kalayo?

18:59.429 --> 19:00.597
Siguro mga…

19:02.140 --> 19:04.017
-88 yarda.
-Walumpu't walo?

19:04.768 --> 19:07.271
Isa sa mga pagkakataon kaisa ka sa fans

19:07.354 --> 19:10.649
at ninanamnam ang pagkakataon
dahil di ka talaga lumalaban.

19:10.732 --> 19:14.486
Wala kang ibang ginagawa
kung di magsaya lang sa Par 3 Contest.

19:15.779 --> 19:19.116
Bukas ang Par 3 Contest
sa lahat ng nasa field.

19:19.199 --> 19:21.493
Pero halos di naglalaro ang Tiger,

19:21.577 --> 19:25.372
at pinipili ng iba na mas tumutok

19:25.455 --> 19:28.625
at maghanda para sa susunod na linggo.

19:28.709 --> 19:32.504
Dito magkakaroon ka ng 155-ish cover,

19:33.505 --> 19:37.885
at kung mas malapit ang tira mo
sa kanan tayo para makakuha ng anggulo.

19:37.968 --> 19:39.887
-Itong anggulo.
-Oo, para diyan.

19:39.970 --> 19:41.054
Manood ka pa.

19:42.681 --> 19:44.933
Sa tubig ang tira ni Sammy Spieth.

19:45.601 --> 19:47.811
Ang five ay nasa kanan mo,

19:48.312 --> 19:50.355
kaya makukuha mo ang buong kanan

19:50.439 --> 19:53.692
para tirahin sa may puno
na pinag-usapan natin.

19:53.775 --> 19:54.610
Oo.

19:56.069 --> 19:58.447
Whoa!

19:58.947 --> 20:01.491
Doon sa Magnolia papuntang pine
mula sa tee.

20:01.575 --> 20:03.952
-Oo.
-Kuha mo? Sa kanang bahagi.

20:04.870 --> 20:08.165
Ito ang huling pagkakataon
ng mga manlalaro para magsaya,

20:08.248 --> 20:10.459
namnamin ang mga sandaling ito.

20:10.959 --> 20:13.170
At pagkatapos no'n, balik-trabaho na.

20:20.552 --> 20:24.431
Ilabas n'yo ang mga ticket n'yo.
Hawakan n'yo na.

20:24.514 --> 20:27.267
-Handa na ba ang lahat?
-Oo!

20:27.351 --> 20:29.353
Pasok! Welcome sa Masters!

20:35.567 --> 20:38.987
Binabati ko kayo sa ika-88 Masters.

20:39.071 --> 20:40.656
Karangalan ko ngayon

20:40.739 --> 20:43.867
na ipakilala ang tatlong
maalamat na kampeon.

20:44.618 --> 20:46.912
Palakpakan si Mr. Gary Player.

20:46.995 --> 20:50.332
Hindi madaling ilagay ang bola
sa tee, 'no?

20:54.836 --> 20:57.547
Susunod, Mr. Jack Nicklaus.

20:57.631 --> 20:59.466
Mag-ingat ka sa kaliwa't kanan.

21:03.345 --> 21:05.681
Ngayon sa tee, Mr. Tom Watson.

21:09.977 --> 21:12.187
Ang 2024 Masters

21:12.271 --> 21:15.065
ay opisyal nang nagbubukas.
Mag-enjoy kayo.

21:21.697 --> 21:23.198
Ayos.

21:23.782 --> 21:26.827
May playlist ako sa Spotify na parang…

21:26.910 --> 21:28.829
-DJ ang tawag ko.
-EDM, at…

21:29.871 --> 21:33.083
Sabi niya, "Liv, subukan ko bang mag-DJ?"
Sabi ko, "Wag."

21:33.166 --> 21:35.752
-"Tingin ko di mo dapat gawin iyon."
-"Sa golf ka lang."

21:38.380 --> 21:40.340
Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?

21:40.841 --> 21:43.343
Dahil ako wala talaga akong alam sa golf,

21:43.427 --> 21:45.345
pero alam ko ang Masters.

21:45.429 --> 21:47.306
Totoo. Unang major ko 'to,

21:47.389 --> 21:50.809
at baka iba 'to sa normal na laban ko.

21:51.393 --> 21:53.186
Tingin ko ayos lang iyon.

21:53.270 --> 21:56.023
Di ko subukang itulak palayo.

21:56.106 --> 21:57.482
Hindi ko susubukan

21:58.483 --> 22:00.569
na labanan 'yon.

22:01.153 --> 22:03.697
Masters 'yon. Mas malaki ito, magiging…

22:03.780 --> 22:06.408
-Tatanggapin ko at…
-Ayos lang sa akin 'yon.

22:09.661 --> 22:14.166
Di ko sinusubukang makasalubong
si Tom Watson o sinumang may green jacket.

22:14.833 --> 22:16.501
-Period.
-Period.

22:22.382 --> 22:25.510
Markahan mo ang bola mo.
Kung nasaan man 'yon, doon.

22:25.594 --> 22:27.929
-Oo.
-May bugso ng hangin.

22:28.013 --> 22:32.267
Ang tanong ko ay kaya ba nating maglaro
na may bugso ng hangin?

22:32.893 --> 22:35.395
-Di ako nagbibiro.
-Aalamin natin.

22:35.479 --> 22:38.148
Paano nananatili ang bola sa damo?

22:39.775 --> 22:42.069
Papunta sa opening round,

22:42.152 --> 22:45.447
pinag-uusapan ng lahat
ang hangin na inaasahan,

22:45.530 --> 22:48.867
at humahampas ang hangin na 'yon.

22:52.496 --> 22:56.666
Nakakatakot ang Masters
sa pinakamainam na pagkakataon

22:56.750 --> 22:59.044
at sa pinakamagandang kondisyon.

22:59.127 --> 23:03.799
Pero sa ganitong araw,
nasa ibang antas 'to.

23:04.800 --> 23:07.761
Titira na, Ludvig Åberg!

23:10.931 --> 23:12.766
Parang isang sandali na…

23:12.849 --> 23:15.977
ang 11 taong ako
ay masasabing, "Diyos ko!"

23:16.561 --> 23:21.024
"Dito ko gusto, at wala nang ibang lugar
na mas gugustuhin ko ngayon."

23:25.779 --> 23:28.949
Papunta sa unang tee
sa unang pagkakataon sa Augusta,

23:29.032 --> 23:31.451
ay… sobrang espesyal.

23:37.374 --> 23:39.668
Muntik nang mapunta sa stand 'yong tira ko

23:39.751 --> 23:41.294
doon sa may fairway.

23:41.378 --> 23:44.965
Tapos nadala doon
sa kaliwang bahaging bunker,

23:45.048 --> 23:49.302
tinira ng mga six feet, maayos na putt
at par sa unang hole sa Augusta.

23:50.971 --> 23:53.890
Ngayon susunod si Aberg. Medyo pakanan.

23:54.474 --> 23:57.310
Di ka maglalakad
sa Augusta National pag mahangin

23:57.394 --> 24:01.064
at titira ng mga birdie.
Kaya di mo mapipilit.

24:01.148 --> 24:02.607
Åberg para sa par.

24:02.691 --> 24:04.901
-Magaling iyon.
-Magaling.

24:04.985 --> 24:09.322
Sa Augusta, di ka mananalo sa unang araw,
pero pwede kang matalo sa unang araw.

24:09.406 --> 24:12.492
Kaya kailangan mong tumutok
sa shot sa harap mo

24:12.576 --> 24:14.911
dahil napaka-demanding ng Augusta,

24:14.995 --> 24:18.415
lalo na kapag ganito,
na di ka pwedeng mawala sa focus.

24:21.001 --> 24:22.335
At Scottie Scheffler,

24:22.961 --> 24:24.379
numero uno sa mundo,

24:24.463 --> 24:26.548
kampeon ng 2022 Masters.

24:28.967 --> 24:31.845
Ibang linggo para kay Scottie.
Mag-isa siya.

24:31.928 --> 24:35.474
Ang asawa niya, si Meredith,
ay manganganak anumang araw.

24:36.641 --> 24:38.602
Halos lagi siyang nanonood.

24:38.685 --> 24:42.439
Kasama ko siya sa bawat hakbang.
At ang Masters na wala siya

24:42.522 --> 24:47.235
ay kakaiba sa pakiramdam lalo
ang matulog nang mag-isa.

24:47.861 --> 24:50.405
Kaya parang malungkot ang bahay minsan.

24:55.702 --> 24:58.705
Sabi ni Scottie, "Kung manganganak siya,

24:58.788 --> 25:02.250
di mahalaga
kung nasaang punto ako, uuwi ako."

25:09.424 --> 25:11.218
Hello!

25:14.804 --> 25:17.933
E 'yong baguhan na si Neal Shipley,
para sa birdie?

25:21.811 --> 25:23.855
Maraming sumusuporta sa kanya.

25:28.109 --> 25:30.237
Natapos ni Neal ang unang round sa top 20,

25:30.320 --> 25:32.864
na nakakabilib talaga
para sa isang baguhan

25:32.948 --> 25:34.908
lalo na sa ganitong kondisyon.

25:34.991 --> 25:38.537
Tinitingnan mo siya at naiisip mo,
"Kailangang bantayan 'to."

25:43.416 --> 25:45.460
-Binabati kita.
-Salamat.

25:45.543 --> 25:48.338
-Wala nang mas hihigit pa sa ginawa mo.
-Maraming salamat.

25:48.421 --> 25:50.757
-Good luck bukas.
-Salamat, Coach.

25:54.344 --> 25:59.558
Isang large Pike, please.
At cinnamon coffee cake.

25:59.641 --> 26:01.851
Sige, iyon ay $7.70.

26:01.935 --> 26:03.353
-Salamat.
-Salamat.

26:04.020 --> 26:07.691
Isang malaking kape
na parang psychopath, sabi sa akin.

26:11.444 --> 26:13.905
Ang caddies ko
ay tagahanga ng walang takip.

26:13.989 --> 26:15.949
Tatanggalin mo at magmamaneho ka.

26:16.032 --> 26:18.159
Pang malakasang galaw.

26:19.369 --> 26:21.705
Di umiinom ng kape si Scottie

26:21.788 --> 26:23.790
sa mga linggong may laban at laro.

26:23.873 --> 26:26.042
na di ko maintindihan kung paano.

26:26.126 --> 26:30.171
Pero baka kailangan kong simulan.
Kasi ang ganda ng laro niya ngayon.

26:34.467 --> 26:38.930
Lumalakas ang hangin, at tayo ay
patungo sa pagtatapos ng linggo

26:39.014 --> 26:40.515
dito sa 88th Masters.

26:41.808 --> 26:44.311
Wala sa diksiyonaryo ngayon ang "Madali."

26:44.394 --> 26:47.480
-Wala.
-Araw ng katatagan ng isip.

26:48.523 --> 26:50.025
Si Scottie Scheffler.

26:52.360 --> 26:56.281
Diyos ko. Ang unang bogey ng tournament.

26:58.491 --> 27:00.827
Mas malakas ang hangin kaysa kahapon.

27:00.910 --> 27:04.247
Ang bugso ng hangin
ay papunta na sa puntong mahirap tumayo.

27:05.498 --> 27:09.461
Nagiging madugo ang laban
dahil sa panahon at hangin.

27:09.544 --> 27:12.547
Isang nakakagulat na round mula kay DJ.

27:12.630 --> 27:15.383
May mga kampeon ka,
grupo ng top 40 players

27:15.467 --> 27:18.762
na di makakapasok sa pagtatapos ng linggo,
at sa kondisyong ito,

27:18.845 --> 27:21.765
sinusubukan mo na lang na kumapit

27:21.848 --> 27:24.476
para sa dagdag na dalawa pang round.

27:25.602 --> 27:27.604
Neal Shipley, ang low amateur,

27:28.188 --> 27:30.398
plus three para sa 76 ngayon.

27:32.692 --> 27:35.278
At narito si Ludvig Åberg.

27:36.571 --> 27:39.074
At umusad siya sa four back.

27:42.494 --> 27:43.912
Aberg sa 18.

27:47.248 --> 27:49.668
Ang pinakamababang round sa ngayon.

27:49.751 --> 27:53.463
animnapu't siyam, unang player
na maka-70 sa ikalawang round.

27:54.214 --> 27:57.050
Sabi nila kailangan mo
ng karanasan para sa Augusta.

27:57.133 --> 27:59.177
Isang round lang ang kailangan niya…

27:59.260 --> 28:00.095
Grabe iyon!

28:00.178 --> 28:05.016
Para bumalik kinabukasan at maging
pinakamahusay sa field sa round two.

28:06.726 --> 28:09.020
Malakas ang hangin buong araw,

28:09.104 --> 28:11.314
at habang paalis ang mga manlalaro,

28:11.398 --> 28:13.692
huminto ang hangin.

28:16.403 --> 28:17.987
Mhanagin ang araw, 'no?

28:18.071 --> 28:21.032
-Parang bumalik sa Lubbock.
-Alam ko.

28:21.116 --> 28:26.454
Siguradong dalawang beses
na naglakad ako nang mabilis.

28:26.538 --> 28:29.791
Kumusta ang pakiramdam mo?

28:29.874 --> 28:31.793
Bukas, sa tee, kakabahan ako.

28:31.876 --> 28:33.628
Manginginig ako at…

28:33.712 --> 28:37.340
-Pero di mo pinapakita.
-Hindi, pero iba ito.

28:37.424 --> 28:40.385
Oo. Iba ang nangyayari sa loob.

28:40.969 --> 28:43.972
-Pero gusto mo ang ganito.
-Oo. Kasi…

28:44.055 --> 28:46.433
Pinaghandaan mo ito.

28:46.516 --> 28:50.437
Oo, sa ngayon, kontento ako.
Masaya ako, sa totoo lang.

28:50.520 --> 28:52.647
-Magaling ka.
-Salamat, mahal.

28:55.900 --> 28:59.571
Kailangan mong gamitin
ang caddie card mo minsan, pare.

28:59.654 --> 29:03.074
Wala… Dude pangatlong beses ko pa lang
na mag-caddie.

29:03.158 --> 29:05.869
Dalawang U.S. Ams
at isang Masters. 'Yon lang.

29:06.995 --> 29:09.956
May group project ako kasama ang iilan.

29:10.039 --> 29:14.335
Di ko sinabi sa grupo na nasa Masters ako,

29:14.419 --> 29:17.505
at may isang nanonood ng TV,

29:18.256 --> 29:20.300
nanonood ng Masters at nakita ako

29:20.383 --> 29:23.011
at sila ay, "Ano'ng ginagawa niya doon?"

29:26.473 --> 29:29.726
Di ako kinabahan noong Miyerkules
hanggang sa Par 3 Contest,

29:29.809 --> 29:31.853
na talagang kompetisyon na.

29:31.936 --> 29:34.397
Sinusubukan ko lang gawin
nang tama ang tee,

29:34.481 --> 29:36.191
pero kinakabahan ako.

29:36.274 --> 29:39.110
Kaunti lang ang low am dito,

29:39.194 --> 29:42.071
kaya isang karangalan na magawa iyon.

29:42.155 --> 29:44.115
Noong Biyernes ng hapon,

29:44.199 --> 29:46.242
nang mapagtanto kong ako lang ang baguhan

29:46.326 --> 29:49.037
na nakapasok ay nakahinga ako

29:49.120 --> 29:52.957
dahil nanalo na ako sa low amateur,
pero matindi ang pressure.

29:53.041 --> 29:56.252
Ang daming nanonood sa 'yo.
Bago ang kapaligiran.

29:56.336 --> 29:59.047
Ibang-iba ito sa college golf.

29:59.839 --> 30:02.759
Nakalaro ko na si Ludvig,

30:02.842 --> 30:05.595
pero 'yong mga alamat tulad ni Tiger,

30:05.678 --> 30:08.640
di pa ata ako nakalaro
kasama ang mga ganoon.

30:08.723 --> 30:11.935
Kaya astig 'to.
Sana matalo natin ang ilan sa kanila.

30:12.018 --> 30:15.813
Masaya 'yon.
May assignment nga ako sa Linggo.

30:16.773 --> 30:18.983
Bibigyan kaya ako ng extension doon?

30:19.067 --> 30:21.444
Di alam ng isa sa guro ko ang Masters.

30:21.528 --> 30:23.822
Di nila alam kung ano ang Masters?

30:24.405 --> 30:26.324
Padalhan natin ng picture.

30:30.495 --> 30:32.705
Maaraw. Ang ganda.

30:32.789 --> 30:36.584
Tagsibol na sa Augusta, at ano pa
bang mas gaganda doon?

30:36.668 --> 30:38.127
Kumusta ang babay?

30:38.211 --> 30:40.171
-Ayos lang siya.
-Ayos siya?

30:41.297 --> 30:44.509
Di kasing tindi ng hangin kahapon
ang hangin ngayon,

30:44.592 --> 30:49.764
pero mas matigas at mabilis ang greens
dahil sa hangin kahapon.

30:50.890 --> 30:52.725
Scottie Scheffler sa una.

30:53.893 --> 30:56.771
Pangatlo na 'to matapos
na magmintis sa green.

31:01.651 --> 31:04.696
Isang chip-in birdie sa una.

31:07.866 --> 31:09.117
Heto si Åberg.

31:11.077 --> 31:13.580
Napakahirap na lokasyon ng hole sa five.

31:13.663 --> 31:16.082
Nakakabilib iyon.

31:17.208 --> 31:20.295
Isa sa mga course
kung saan kailangan ang magaling na laro

31:20.378 --> 31:23.131
at hayaang dumating ang resulta,
at nakakuha ako ng puntos

31:23.214 --> 31:25.174
at umakyat sa leaderboard.

31:25.675 --> 31:28.761
Si Åberg para sa tsansa
na makakuha ulit ng puntos.

31:30.638 --> 31:32.473
Lamang lang ng dalawa ang lead.

31:32.974 --> 31:37.353
Kung di mo pa siya kilala, makikilala mo
siya sa mga susunod pang taon.

31:39.188 --> 31:41.691
Isang baguhan ang nakapasok, Neal Shipley.

31:42.609 --> 31:47.572
Siya ay ipagdiriwang at pararangalan
at makikilala sa Linggo ng gabi.

31:50.491 --> 31:52.160
Mahabang araw.

31:54.996 --> 31:58.625
Mukhang kalaban ko si Tiger.
Pampalubag-loob para sa 80.

32:01.294 --> 32:03.004
Kailangan ko ng pulang damit.

32:06.007 --> 32:08.134
Papasok ng nakapula.

32:08.217 --> 32:09.928
Sige, bye. Kita tayo.

32:11.137 --> 32:14.432
Para sa 13. Kayang mag-ingay dito
ni Scottie Scheffler.

32:14.515 --> 32:15.934
Para sa eagle.

32:18.686 --> 32:19.687
Gusto mo ng ingay?

32:19.771 --> 32:20.813
Iyon ang ingay!

32:24.609 --> 32:27.820
Madalang kong makita
ang ganoong emosyon kay Scottie Scheffler.

32:27.904 --> 32:30.198
O ang triple fist pump.

32:30.698 --> 32:36.371
At sa isang tira,
umakyat siya para tumabla sa tuktok.

32:37.789 --> 32:41.376
Di ako nag-aalala sa iba.
Gusto kong kontrolin ang kaya ko.

32:41.459 --> 32:45.254
At ang malaman na nagawa ko na
ay talagang nakakagaan ng loob.

32:48.841 --> 32:53.721
Dalawang par five
sa ikalawang nine sa pitong tira.

32:55.181 --> 32:58.893
Nandito si Aberg.
Naghahabol ang baguhan ng Masters.

32:58.976 --> 33:00.395
Kahanga-hanga.

33:00.478 --> 33:04.983
Mananalo ba si Scottie Scheffler
sa ikalawang pagkakataon sa tatlong taon?

33:06.776 --> 33:12.156
Ludvig, paano mo iniiwasang isipin
ang unang major championship mo

33:12.240 --> 33:13.783
at tumutok sa kasalukuyan?

33:14.325 --> 33:17.370
Iniisip ko lagi.
Ayos lang na isipin ko 'yon.

33:17.453 --> 33:20.039
Siyempre lumalaban ako
at gusto kong manalo

33:20.123 --> 33:24.127
at napakasuwerte ko
na nasa ganitong posisyon,

33:24.210 --> 33:25.753
na makapaglaro dito at…

33:26.254 --> 33:30.508
Tingin ko di kailangan
na kalimutan o itanggi.

33:30.591 --> 33:34.846
Sinusubukan kong tanggapin lang
kasama ang lahat ng kaakibat nito.

33:37.432 --> 33:40.601
-Magandang gabi.
-Puwede mo ba akong dalhin sa gym?

33:40.685 --> 33:42.395
Oo, sir. Ikinagagalak ko.

33:47.316 --> 33:50.903
-Kinakabahan ako para bukas.
-Paano ka kaya tatratuhin ni Tiger?

33:50.987 --> 33:54.407
Naalala mo noong bata ka pa
at nag-ensayo tayo sa Oakmont?

33:54.490 --> 33:56.576
Oo, at laser focused siya.

33:56.659 --> 33:58.703
Sinundan natin siya.

33:58.786 --> 34:01.914
-Oo.
-Nakadamit ka na parang si Tiger Woods.

34:02.749 --> 34:04.834
Kakaiba ang mga pangyayari.

34:05.501 --> 34:10.131
Oo, nakatira ako ng 80,
at ngayon kalaro ko si Tiger Woods.

34:10.214 --> 34:13.468
At 'yon malamang ang pinakamagandang
double bogey ng career ko.

34:13.551 --> 34:15.136
Pinakamaganda.

34:15.219 --> 34:17.680
Tanda meron ka nung Tiger Woods Clubs?

34:17.764 --> 34:21.392
Oo, bumili ako no'ng lumabas 'yon.

34:22.518 --> 34:25.813
Tatlong taon kong ginamit sa college.
Ayos naman.

34:25.897 --> 34:28.024
Di lang ako makapaniwala.

34:28.107 --> 34:31.444
Ipinagmamalaki kita. Noon pa man.

34:31.527 --> 34:34.405
Dagdag na lang ito,
pero kahit noong sa juniors,

34:34.489 --> 34:36.365
ipinagmamalaki na kita.

34:36.449 --> 34:38.701
Ibang antas na 'to,

34:38.785 --> 34:41.537
pero alam ko na
ginawa ka para sa kadakilaan.

34:45.833 --> 34:47.835
Linggo ngayon sa Masters

34:47.919 --> 34:51.339
na may magandang kondisyon
at grupo ng manlalaro

34:51.422 --> 34:55.676
na handang lumaban para sa green jacket.

34:56.344 --> 34:57.804
-Kumusta?
-Mabuti. Ikaw?

34:57.887 --> 34:58.846
Mabuti, salamat.

34:59.931 --> 35:01.432
Uy. Kumusta?

35:03.184 --> 35:06.896
Naglalaro si Tiger Woods
ang ika-100 round niya sa kompetisyon

35:07.939 --> 35:10.483
kasama ang nag-iisang baguhan
dito, si Neal Shipley,

35:10.566 --> 35:13.945
na nasa Butler Cabin mamaya
para sa pagkilala.

35:18.366 --> 35:20.827
Nakatutok kami sa paglalaro ng golf.

35:20.910 --> 35:24.122
Pero sa pangalawang tee,
sobrang ganda ng drive ko.

35:24.205 --> 35:27.416
Umalis ka sa tee,
at sabi niya, "Uy, Neal, good shot."

35:27.500 --> 35:31.212
Sabi ni Tiger, "Uy, magandang tira."
Ang astig no'n.

35:32.755 --> 35:34.132
Kung ikaw si Neal Shipley,

35:34.215 --> 35:37.510
kapareha mo si Tiger Woods,
limang beses na kampeon ng Masters.

35:37.593 --> 35:38.594
Ang GOAT.

35:39.345 --> 35:40.721
Pwedeng di ka mananalo,

35:40.805 --> 35:44.100
pero may pagkakataon ka
para may ipakita sa kanya.

35:46.769 --> 35:50.648
Ang limang beses na kampeon
ay binigyan sila ng ikasisiya.

35:51.899 --> 35:55.069
Di ko naisip
na makakalaro ko si Tiger Woods,

35:55.153 --> 35:56.445
Linggo sa Masters.

35:56.529 --> 35:58.739
Di ko naisip na mangyayari ito.

35:58.823 --> 35:59.949
-Napakasaya.
-Magaling.

36:00.032 --> 36:01.742
-Salamat, Dad.
-Mahal kita.

36:02.410 --> 36:04.078
Mahal ko kayo. Mamaya ulit.

36:04.912 --> 36:07.874
Mababa ang tsansa
na makalaro ko siya ulit, kaya…

36:07.957 --> 36:10.376
Minsan lang 'yon sa buhay ko. Ang astig.

36:12.003 --> 36:13.087
At natalo ko siya.

36:19.927 --> 36:21.762
May tatlong round na ako.

36:22.263 --> 36:26.309
Pakiramdam ko ayos naman.
Gusto kong manalo.

36:26.392 --> 36:29.353
Ang galing ni Scottie.
Kung magpapatuloy siya,

36:29.437 --> 36:31.856
walang masyadong epekto
kahit ano'ng gawin ko.

36:31.939 --> 36:35.943
Sarili ko lang ang kaya kong kontrolin
at ang emosyon ko at mga gawain ko.

36:37.028 --> 36:40.656
Kahit ano'ng mangyari ngayon,
babalikan ko pa rin 'to

36:40.740 --> 36:43.242
at iisiping, "Ibinigay ko lahat."

36:50.833 --> 36:54.545
Ang Linggo sa Masters
ay isa sa pinakamagandang araw ng taon.

36:54.629 --> 36:57.340
Masasabi kong malamang
ang pinakamahirap na araw ng taon

36:57.423 --> 37:00.343
kung naroon ka
malapit sa tuktok ng leaderboard,

37:00.426 --> 37:04.263
at naiisip mo
na ang naghihiwalay lang sa iyo

37:04.347 --> 37:09.268
at sa pangarap mo ay 18 hole ng golf,
at siyempre, si Scottie Scheffler.

37:10.436 --> 37:13.231
Titira ngayon si Ludvig Åberg!

37:18.903 --> 37:21.489
Titira ngayon si Scottie Scheffler!

37:26.327 --> 37:28.704
Walang lamang ang ligtas.
Ang daming haharapin,

37:28.788 --> 37:31.165
at pwedeng magbago lalo na sa Linggo.

37:31.249 --> 37:34.377
Para mapanatili ang kontrol,
kailangang ituloy ang magandang laro.

37:34.961 --> 37:37.505
Ang two kay Ludvig Åberg.

37:40.841 --> 37:44.971
May tsansa siyang isuot
ang green jacket sa unang subok niya.

37:46.847 --> 37:48.641
Magandang putt mula kay Åberg!

37:51.018 --> 37:53.646
Ang nakakatuwa ay lumabas si Ludvig

37:53.729 --> 37:56.941
na parang ikasampung beses na niya ito,
at hindi una.

37:57.024 --> 38:00.528
At ang nagbukas
ng pinto niya ay si Scottie.

38:01.153 --> 38:02.822
Medyo nag-aalala ako,

38:02.905 --> 38:05.449
sa usapin ng kontrol sa distansiya.

38:10.663 --> 38:12.373
Magiging maganda ito.

38:13.499 --> 38:14.417
Si Åberg

38:15.251 --> 38:16.919
ay perpekto ang laro.

38:20.423 --> 38:22.758
Nasa seven na.
Malaking putt para kay Scheffler.

38:24.635 --> 38:26.679
Hindi maliligtas ang par.

38:27.179 --> 38:33.019
At ngayon three-way tie sa six under par.

38:34.854 --> 38:36.105
Åberg para sa birdie.

38:41.610 --> 38:42.445
Hanapin mo.

38:42.528 --> 38:44.447
Nakuha niya. Ayos!

38:47.408 --> 38:50.828
Sino'ng kailangan ng karanasan
kung maganda ang tira mo?

38:50.911 --> 38:55.249
Apatnapu't limang taon na mula noong
first-timer ang nanalo ng Masters,

38:55.333 --> 38:58.711
at heto si Ludvig Åberg
na may pagkakataong gawin iyon.

39:00.713 --> 39:02.339
Kaunting merienda at…

39:02.423 --> 39:04.008
Ay, nahulog.

39:04.759 --> 39:07.636
Napaisip ako
kung pupulutin ko at kakainin,

39:07.720 --> 39:09.889
tapos naisip ko may camera sa harap ko,

39:09.972 --> 39:12.892
at naisip ko
na hindi magandang ideya 'yon.

39:16.103 --> 39:17.188
Si Scottie ngayon.

39:20.191 --> 39:22.610
Ayos.

39:27.073 --> 39:28.199
Sige na.

39:29.658 --> 39:32.703
Sa puntong ito,
maaring iyon ang tira ng tournament.

39:33.287 --> 39:36.457
Gusto kong nasa harap ng maraming tao.
Twing nasa huling grupo ka,

39:36.540 --> 39:39.585
siguradong may pressure,
at iyon ang masayang parte.

39:39.668 --> 39:44.215
Kung makalaro ako ng five na mananatili
sa kanan at liliko,

39:44.715 --> 39:45.841
'yon ang tira ko.

39:45.925 --> 39:50.137
At ayos lang sa 'yo
na bumaligtad at pumunta sa kanan?

39:50.221 --> 39:53.224
Oo. Ganoon akong tumira.

39:53.724 --> 39:56.352
Napipilitan na silang maglaro nang matindi

39:56.435 --> 39:58.187
at makipagsapalaran.

39:59.230 --> 40:00.231
Iyon.

40:01.899 --> 40:02.733
Dahan-dahan.

40:03.359 --> 40:04.193
Uh-oh.

40:06.487 --> 40:08.656
Naku, Åberg.

40:09.990 --> 40:11.909
Unang malaking pagkakamali.

40:12.618 --> 40:14.870
At mahirap nang makabawi.

40:16.038 --> 40:17.957
Ngayon sa six, bababa siya.

40:19.291 --> 40:21.210
Nagkamali ako sa 11, tumama sa tubig.

40:21.293 --> 40:23.712
Di ideal, pero mahalaga 'yon

40:23.796 --> 40:27.299
para manatili ang saya sa laro
at siguraduhin mong lahat ng ginagawa mo,

40:27.383 --> 40:28.843
ay dapat na masaya.

40:30.761 --> 40:32.972
Pag kalaban mo ang tulad ni Scottie,

40:33.055 --> 40:34.974
kaunti ang pwedeng pagkakamali.

40:35.474 --> 40:37.810
Napakaganda mula kay Åberg.

40:39.687 --> 40:41.272
Nag-usap kami,

40:41.355 --> 40:44.608
tumuloy, at sinabing,
"Tapusin nating nang malakas, malay mo."

40:45.276 --> 40:46.652
Para sa seven under…

40:47.361 --> 40:48.362
Ayos!

40:54.952 --> 40:56.787
Scottie Scheffler.

40:57.496 --> 40:59.331
Dalawang shot na lamang.

41:10.593 --> 41:12.011
Gagamitin ba ang backstop?

41:12.094 --> 41:13.095
Susubukan niya.

41:13.596 --> 41:15.139
At mas gaganda pa.

41:15.973 --> 41:17.516
Si Scottie Scheffler…

41:19.727 --> 41:22.062
ay maganda ang tira sa 14.

41:22.897 --> 41:26.317
Sa tingin ko ang kwento dito ay
pinahirapan siya ni Åberg,

41:26.400 --> 41:28.277
tapos sabi ni Scottie,

41:28.360 --> 41:30.362
"Sasagot ako agad."

41:33.365 --> 41:35.242
Dagdag na tatlo kay Scheffler.

41:42.458 --> 41:43.667
Bakit hindi?

41:43.751 --> 41:45.961
Bakit di ka pumasok sa hole?

41:48.797 --> 41:50.966
Apat na lamang.

41:52.885 --> 41:53.969
Ludvig sa18.

41:54.720 --> 41:58.766
Kahanga-hanga sa ilan na mapanood
ang unang paglalaro sa major

41:59.600 --> 42:02.102
na natapos
sa ikalawang puwesto sa Augusta.

42:03.229 --> 42:07.483
Napatunayan niyang kaya niya.
Nandito siya para manatili, sigurado.

42:09.109 --> 42:10.528
Hindi nanalo si Lud,

42:10.611 --> 42:15.032
pero ang nag-iisang tumalo sa kanya,
ang pinakamahusay na manlalaro sa mundo.

42:15.115 --> 42:17.284
-Magaling, Ludvig.
-Salamat.

42:17.368 --> 42:19.161
Binabati kita! Ang galing mo.

42:19.662 --> 42:22.998
Maganda ang linggo.
Babaunin ko ang alaala,

42:23.082 --> 42:24.833
at ipinagmamalaki ko ito.

42:24.917 --> 42:27.920
Maganda din ang laro ni Scottie,
at magaling siya.

42:31.632 --> 42:33.592
Isa sa pinakamasarap na pakiramdam.

42:35.594 --> 42:39.515
Maglakad hanggang 18, napakahirap
sabihin sa salita no'n.

42:40.307 --> 42:42.601
Lumaki akong pinapanood
maglakad si Tiger Woods,

42:42.685 --> 42:44.353
at para magawa ko ito,

42:44.436 --> 42:47.648
ilang minuto lang, pero ang espesyal nito.

42:50.401 --> 42:53.028
Kumpirmado ang pagiging sikat niya.

42:55.531 --> 42:59.994
Isang magiging ama ang kampeon ngayon.

43:06.458 --> 43:08.877
Ipinagmamalaki kita, Scott!

43:10.713 --> 43:13.674
Mahal kita. Di mo lang alam. Nakakamangha.

43:15.175 --> 43:16.343
Uy, Teddy!

43:16.427 --> 43:17.469
Scottie!

43:30.232 --> 43:32.276
Di ako mahusay na magdiwang.

43:32.359 --> 43:34.320
Lagi lang akong diretso sa sunod.

43:34.403 --> 43:40.034
Pero naalala ko ang lakad mula sa panalo
papunta sa locker room

43:40.117 --> 43:42.703
dahil no'ng unang panalo ko,
di ko alam ang aasahan.

43:42.786 --> 43:44.622
Ngayon, alam ko na,

43:44.705 --> 43:47.041
at paakyat ako
sa locker room ng mga kampeon.

43:47.124 --> 43:48.584
Naalala ko ang minutong 'yon.

43:48.667 --> 43:50.627
Iyak ako nang iyak. Nakakamangha.

43:51.879 --> 43:53.881
Ikinagagalak kong batiin kayo

43:53.964 --> 43:58.135
sa seremonya ng presentasyon
ng 88th Masters Tournament.

43:58.218 --> 44:01.472
Jon, iyo na ang karangalan

44:01.555 --> 44:04.558
ng paglalagay ng green jacket
kay Scottie Scheffler.

44:06.185 --> 44:09.104
Para kay Scottie Scheffler,
sinara niya ang pinto,

44:09.188 --> 44:12.941
nanalo sa ikalawang beses.
Iniligay niya ang sarili sa kasaysayan.

44:13.025 --> 44:15.986
Di siya nakikipagkumpitensya
sa mga nasa PGA Tour.

44:16.070 --> 44:17.488
Kalaban niya ang sarili.

44:21.825 --> 44:23.577
-Ayos ba?
-Ayos 'yon.

44:24.411 --> 44:28.123
Parang alam niya
kontrolado na niya ang laro niya.

44:29.500 --> 44:31.377
Di na siya mapipigilan ngayon.

44:31.460 --> 44:32.836
Kaya ang tanong,

44:32.920 --> 44:35.839
sino o ano
ang maaaring makapagpabagal sa kanya?

44:35.923 --> 44:36.965
Sige.

44:37.049 --> 44:39.134
May gusto kang gawin? Gusto mong umuwi?

44:39.218 --> 44:41.595
-Gusto ko nang umuwi. Salamat.
-Umuwi ka na.

44:44.264 --> 44:46.392
Puwede ba tayong mag-usap saglit?

44:46.475 --> 44:49.395
Alam n'yo bang
maglalaro ako sa golf tournament?

44:49.978 --> 44:52.231
Nabigla kami. "Teka, ano'ng nangyayari?"

44:52.314 --> 44:53.232
Totoo ba 'to?

44:53.315 --> 44:54.858
Akala ko fake news.

44:55.526 --> 44:58.487
Ang makalaro ang tulad ni Rory,
ay nakaka-pressure.

44:58.570 --> 45:01.198
Nandito ako para ianunsyo
ang Ryder Cup captain.

45:01.281 --> 45:03.158
Marami akong kailangang patunayan.

45:03.867 --> 45:07.246
"Ang pagnanais na maging perpekto
kahit alam nating di puwede."

45:07.329 --> 45:10.582
"Makakamit natin ang kahusayan."
Vince Lombardi.

45:10.666 --> 45:14.628
Ito ang huling pagkakataon para patunayan
na nalampasan ko ito.

45:19.383 --> 45:20.342
Ano 'yon?

45:22.761 --> 45:24.513
Ang sandaling 'yon,

45:24.596 --> 45:26.432
ay parang buhay o kamatayan.

45:27.683 --> 45:29.685
Nagsalin ng Subtitle: Rexie Quizon
unayan
na nalampasan ko ito.
