WEBVTT

00:06.923 --> 00:10.301
-Isang seryosong balita.
-Nabigla ang tamang salita.

00:10.385 --> 00:12.846
Isa sa pinakamalaking kuwento
sa kasaysayan ng sport.

00:12.929 --> 00:14.055
HUNYO 6, 2023

00:14.556 --> 00:19.602
Ang PGA TOUR at European Tour
ay nag-anunsiyo ng pagsasanib sa LIV golf.

00:19.686 --> 00:23.273
-Ang pagsasanib na ito…
-Pagsasanib.

00:23.356 --> 00:25.817
Binabago nito ang lahat.

00:25.900 --> 00:28.403
Paano 'to nangyari?

00:34.242 --> 00:37.078
Marami ang mabibigla
sa picture pa lang na 'to,

00:37.162 --> 00:39.831
na magkasama kayo, nakangiti.

00:39.914 --> 00:43.376
Grabe ang tensyon sa sport natin
sa mga nakaraang taon,

00:43.460 --> 00:45.211
pero ang pag-uusapan natin

00:45.295 --> 00:48.298
pagsasanib para pag-isahin
ang larong golf.

00:49.299 --> 00:51.718
Napagtanto namin na kung magtutulungan

00:52.218 --> 00:56.723
ay mas malaki ang magiging epekto
sa laraong ito kaysa kung magkakahiwalay.

00:57.307 --> 01:01.478
Ano? Malinaw na may iba pang nangyayari
bukod sa pagsasanib.

01:01.561 --> 01:02.896
Walang nakakaalam,

01:03.938 --> 01:07.275
at… napakarami lang mga tanong
na di pa nasasagot.

01:07.776 --> 01:10.070
Gusto ko lang din makakuha ng sagot.

01:10.570 --> 01:13.615
-Malaking galaw para sa golf.
-Grabeng pagbaligtad.

01:13.698 --> 01:15.825
Nagulat ang lahat dito.

01:15.909 --> 01:20.580
Ang US-based PGA TOUR at LIV Golf tour
na suportado ng Saudi

01:20.663 --> 01:22.457
ay magsasama…

01:22.540 --> 01:24.918
Ano'ng nangyari? Nakakabaliw.

01:25.001 --> 01:27.712
Nangyari na ba ito sa anumang sport?

01:27.796 --> 01:30.173
Literal na walang nakakaalam?

01:30.256 --> 01:32.967
Walang may alam ng kahit ano.

01:33.051 --> 01:37.472
Kahit 'yong mga taga-LIV walang alam.
Lahat kami walang alam.

01:38.640 --> 01:40.767
-Di ko alam.
-Nakakagulat.

01:41.476 --> 01:43.603
'Yan ang salita, 'no? Gulat.

01:44.104 --> 01:46.022
Bakit nag-desisyon na ngayon?

01:46.106 --> 01:49.442
Maging malalaking manlalaro
ng dalawang panig ay walang alam.

01:50.568 --> 01:51.444
Ang saya nito.

01:52.070 --> 01:53.863
Lintik.

01:54.447 --> 01:56.950
Ano'ng nangyayari? Sobrang kakaiba 'to.

01:57.033 --> 01:59.494
Bumaligtad ang TOUR.
Bumaligtad si Monahan.

01:59.577 --> 02:02.497
Palihim nilang ginawa.
Wala silang sinabihan.

02:02.580 --> 02:04.374
Walang botohan. Wala.

02:04.457 --> 02:05.875
-Ano'ng sabi?
-Ano?

02:06.543 --> 02:10.880
Ang mga manlalaro na nanatili sa PGA TOUR
ay galit dahil pinapanood nila

02:10.964 --> 02:14.175
si Dustin Johnson, Brooks Koepka na manalo

02:14.259 --> 02:16.177
at ngayon mukhang sila

02:16.261 --> 02:18.221
ay makakapaglaro na sa PGA TOUR.

02:18.304 --> 02:19.806
Interesanteng makita

02:19.889 --> 02:24.269
kung paano sila magsasama sa US Open
sa Los Angeles sa susunod na linggo.

02:24.352 --> 02:26.980
Napakaraming tanong para kay Jay Monahan.

02:27.480 --> 02:31.359
Maraming kontrobersiya
at maraming pag-aalinlangan.

02:31.442 --> 02:35.029
Naiintindihan ko, pero 'yon ang hinaharap,
at 'yon ang mangyayari.

02:54.883 --> 02:58.178
Tingin mo kailangan mong makuha ulit
ang tiwala nila?

02:59.596 --> 03:01.222
Nasa resulta ang katibayan.

03:01.931 --> 03:04.809
Ang tiwala ay hindi nabuo sa isang salita.

03:04.893 --> 03:08.688
Batay ito sa mga resulta
at mga resultang nasa tama.

03:08.771 --> 03:12.108
At tiwala ako na ako at ang team namin,

03:12.191 --> 03:14.235
at ang players, ay aabot doon.

03:14.319 --> 03:17.780
At inspirado ako
at may matinding motibasyon

03:18.698 --> 03:20.074
para maabot 'yon.

03:20.742 --> 03:24.120
Makatwiran iyon
dahil may magandang kalalabasan.

03:24.621 --> 03:27.123
May dapat bang marinig ang mga manlalaro?

03:27.207 --> 03:30.460
May mensahe ba na makukuha nila?

03:31.085 --> 03:32.378
Gusto ko ng totoo.

03:33.254 --> 03:34.464
Gusto kong magpakatotoo.

03:34.547 --> 03:37.091
Gusto kong ipakita ang nararamdaman ko.

03:39.219 --> 03:43.806
Wala namang ibang maiuulat
hanggang di natatapos ang usapan.

03:43.890 --> 03:47.602
Tingin ko ang magiging mahirap
ay ang labanan ang ugali ko

03:47.685 --> 03:49.687
na sumagot sa mga tanong,

03:50.230 --> 03:53.274
at lalo na sa tamang oras.

03:53.358 --> 03:56.694
At ang hinala ko ang sagot ko

03:56.778 --> 04:00.198
ay di magugustuhan ng mga taong nakikinig.

04:00.823 --> 04:03.618
May pagkagulat at galit
mula sa mga manlalaro.

04:03.701 --> 04:05.411
Ano'ng mangyayari

04:05.495 --> 04:08.248
sa komisyoner ng PGA TOUR
na si Jay Monahan,

04:08.331 --> 04:11.751
kapag nakipagkita siya sa mga manlalaro
sa Canada ngayon?

04:11.834 --> 04:13.836
Marami siyang ipaliliwanag.

04:14.420 --> 04:19.050
Pupunta si Jay para mag-damage control
kasama ang players, at galit sila.

04:19.133 --> 04:22.804
Kailangan niyang ipaliwanag kung bakit
ang PGA TOUR, na pinapatakbo ng players,

04:22.887 --> 04:27.016
ay gumawa ng malaking desisyon
nang di kumokonsulta

04:27.100 --> 04:28.476
sa mga manlalaro.

04:29.811 --> 04:33.356
Walang alam ang manlalaro
gaya din ng publiko.

04:36.109 --> 04:39.112
May nararamdaman kaming kalituhan at galit

04:39.195 --> 04:41.781
dahil wala kaming alam

04:41.864 --> 04:44.784
maliban sa kasunduan,

04:44.867 --> 04:47.245
na di rin namin alam kung anong laman.

04:47.328 --> 04:48.371
Ano'ng nangyari?

04:48.454 --> 04:52.458
Mula sa di mo kilala ang lalaking ito,

04:52.542 --> 04:53.668
di nakakausap,

04:53.751 --> 04:57.046
tungo sa pagpirma

04:57.714 --> 05:01.092
sa pinakamalaking deal
sa kasaysayan ng professional golf?

05:01.801 --> 05:02.719
Ano'ng nangyari?

05:02.802 --> 05:05.138
Minsan nadadamay ka sa mga ganito.

05:05.221 --> 05:06.806
Nadamay ako nang sobra.

05:06.889 --> 05:09.517
Malapit na ko sa punto na,
"Bahala na kayo."

05:10.268 --> 05:13.938
PULONG NG MGA MANLALARO

05:18.484 --> 05:20.361
MANLALARO NG PGA TOUR

05:20.445 --> 05:21.320
Ayun si Richy.

05:23.948 --> 05:25.533
MANLALARO NG PGA TOUR

05:25.616 --> 05:27.493
Ang lalaki sa likod ng lahat.

05:29.329 --> 05:32.081
Palakpakan natin si Mr. Jay Monahan.

05:33.374 --> 05:35.668
Matatapos na ang live stream na ito.

05:37.795 --> 05:39.630
Ang bilis naming umamin.

05:39.714 --> 05:41.257
Lahat ay nabulag dito.

05:41.341 --> 05:42.967
Tingin ko nagdulot 'yon ng

05:43.051 --> 05:46.054
galit at kalituhan sa mga tour membership.

05:46.137 --> 05:49.682
Napagtanto agad ni Jay
na pwedeng naging mas maayos

05:49.766 --> 05:52.185
ang pagpapahayag nito.

05:54.020 --> 05:57.398
Gusto naming i-welcome
si Rory McIlroy sa interview room.

05:57.482 --> 06:00.902
Uy, Rory. Nung lumabas
ang balita kahapon, nasaan ka no'n

06:00.985 --> 06:03.321
at ano'ng naramdaman mo?

06:04.447 --> 06:07.992
Nalaman ko 'yon kasabay ng iba.

06:08.076 --> 06:10.578
Sa totoo lang, di ko ito ikinatutuwa.

06:10.661 --> 06:14.707
Naging mainit ang sagutan
sa pagitan ng PGA TOUR at LIV.

06:14.791 --> 06:17.794
Naiintindihan mo ba
kung bakit maraming emosyonal?

06:17.877 --> 06:20.380
Oo naman. Sinabi ko kay Jay kahapon,

06:20.463 --> 06:22.590
"Inudyok mo ang lahat
laban sa isang bagay,

06:22.673 --> 06:26.677
at ngayon nakikipagsosyo ka sa kanila."

06:27.178 --> 06:29.389
Kaya, oo, naiintindihan ko.

06:29.472 --> 06:31.766
Ang ipokrita. Tunog ipokritra.

06:31.849 --> 06:35.144
Ayaw ko pa rin sa LIV. Ayaw ko sa LIV.

06:36.604 --> 06:40.483
Mahirap para sa akin na di maramdamang
ipinagkanulo ako dito.

06:41.984 --> 06:45.571
Sinasabi mo sa amin na mga kaaway sila,

06:45.655 --> 06:50.201
tapos makikipagsosyo ka sa kanila.
Ang hirap tanggapin.

06:50.284 --> 06:53.538
Naisip ko, "Bakit ko sinayang
ang 12 buwan ng buhay ko

06:54.288 --> 06:55.665
para ipaglaban

06:55.748 --> 06:58.418
ang isang bagay na babalik naman pala?"

06:58.918 --> 07:02.296
Ano ang gusto mong makita
habang tinatapos ang kasunduan?

07:02.380 --> 07:04.924
'Yong mga inalok ng malaking halaga

07:05.007 --> 07:07.969
at tinanggihan ito
at nanatiling tapat sa PGA TOUR,

07:08.052 --> 07:10.555
dapat may ibigay sa kanila, di ba?

07:10.638 --> 07:13.349
Kabayaran ba ang ibig mong sabihin?

07:14.892 --> 07:16.352
Oo. Sa huli, dapat.

07:16.436 --> 07:18.896
Sa tingin ko, 'yon ang punto.

07:19.480 --> 07:23.609
Para sa mga nasa PGA TOUR,
naging nakakalito ang mga bagay.

07:23.693 --> 07:26.070
Di nila alam paano ito iintindihin.

07:26.154 --> 07:29.574
Pero sa ilan sa mga nasa LIV
na tinanggap ang pera

07:29.657 --> 07:34.287
at ngayon ay nag-iisip
na may daan na rin pabalik sa PGA TOUR,

07:35.455 --> 07:38.166
pakiramdam nila, tumama sila.

07:56.517 --> 07:58.519
Kinuha ni Dustin Johnson ang pera.

07:59.645 --> 08:01.439
Nakakuha siya ng $150 milyon.

08:02.190 --> 08:05.693
Mukhang maganda ang buhay niya,

08:06.527 --> 08:09.155
at 'yon na 'yon.

08:19.081 --> 08:21.250
Nang lumabas ang unang listahan,

08:21.334 --> 08:24.295
si Dustin Johnson ang pinakamalaking
pangalan na pumunta sa LIV.

08:24.378 --> 08:26.088
Parang, "Uy. Aalis si DJ."

08:29.800 --> 08:31.677
Isang birdie sa 18.

08:32.303 --> 08:34.639
Mananalo si Dustin Johnson sa US Open.

08:35.181 --> 08:38.684
Bago siya, puro mga 40 taong gulang
na tapos na ang panahon

08:38.768 --> 08:41.312
at gusto lang ng isang malaking bayad,
tapos si DJ,

08:41.395 --> 08:43.773
dalawang beses na nanalo sa major,
nagpunta doon.

08:43.856 --> 08:46.359
Ginawa niyang mas astig ang LIV

08:46.442 --> 08:49.237
at ginawang lehitimo ito
sa paraang di kaya ng iba.

08:49.320 --> 08:53.115
Ang unang kampeon ng LIV Golf

08:53.199 --> 08:56.244
ay ang 4Aces.

08:56.911 --> 08:58.996
At mula nang mawala siya,
nagtagumpay si DJ.

08:59.080 --> 09:01.374
Nanalo siya, may ilang milyon siya,

09:01.457 --> 09:05.169
at oo, siyempre, di madaling desisyon
ang pag-alis sa PGA TOUR.

09:05.253 --> 09:09.465
Nabatikos siya.
Pero 'yon ang nagpapagaling kay DJ,

09:09.549 --> 09:11.008
isang mahusay na golfer,

09:11.092 --> 09:15.304
at walang pakialam sa sasabihin ng iba.

09:15.972 --> 09:16.847
Sa gitna?

09:16.931 --> 09:20.935
At sa tingin ko, kahanga-hanga iyon.

09:21.519 --> 09:23.479
Sige. Panayam ni Dustin Johnson.

09:24.814 --> 09:28.734
Okay, ang mga player na di sumali sa LIV,

09:28.818 --> 09:31.070
tingin mo may utang sa kanila ang PGA?

09:33.239 --> 09:34.740
Hindi, ibig kong sabihin…

09:34.824 --> 09:36.450
Tingin ko, wala.

09:36.534 --> 09:40.538
Ang mga pumunta sa LIV,
tumanggap kami ng maraming batikos.

09:40.621 --> 09:43.165
Kami ang sumugal,

09:43.249 --> 09:45.501
kaya… bakit sila babayaran?

09:46.085 --> 09:47.878
Kung matuloy tong pagsasanib,

09:47.962 --> 09:50.798
maraming magsisising di sila pumirma.

09:56.637 --> 09:59.265
May Netflix.
Nagpapawis na ang mga palad ko.

10:00.099 --> 10:01.100
Spaghetti ni Mom.

10:02.143 --> 10:05.354
-Mahinang tuhod, mabigat na braso.
-Mabigat na braso, spaghetti ni Mom.

10:07.231 --> 10:10.067
Sa tingin ko, ang LIV,
sa ayaw at sa gusto mo,

10:10.985 --> 10:12.737
tingin mo man ay tama o mali,

10:12.820 --> 10:17.450
binago na ng LIV ang professional golf.

10:19.201 --> 10:21.746
Nang manalo si Brooks Koepka ng major,

10:21.829 --> 10:23.956
nagbago ang buong sport.

10:24.040 --> 10:25.458
Napasabi ang lahat,

10:25.541 --> 10:30.880
"Okay. Kailangan nating humanap ng paraan
para umayos ito."

10:30.963 --> 10:34.675
Hole in one at di ko na kailangan
na magbayad ng Netflix kailanman.

10:37.553 --> 10:39.096
Naku, ayaw niya.

10:39.930 --> 10:43.225
Kung may pagsasanib,
tingin ko walang may alam

10:43.309 --> 10:45.853
kung ano'ng mangyayari sa susunod na taon.

10:45.936 --> 10:48.689
Pero, sa pagpatuloy,
pag natapos na ang gulo,

10:48.773 --> 10:51.400
sa tingin ko may argumento

10:51.484 --> 10:54.528
na ang ilan sa LIV guys
ay makikita bilang mga pioneer.

10:57.198 --> 10:59.200
Matagal akong naglaro sa PGA TOUR.

10:59.909 --> 11:02.703
Sa pagsali ko sa LIV,
alam kong babatikusin ako.

11:03.287 --> 11:06.874
Magagalit ang mga tagahanga ng PGA TOUR.

11:07.375 --> 11:10.544
Pero kung uulitin ko,
pareho pa rin ang desisyon ko.

11:10.628 --> 11:13.589
Alam namin ang pinapasok namin.

11:14.340 --> 11:15.174
Patingin nga.

11:15.257 --> 11:18.344
Tuesday Champions Dinner
na may Augusta tie. Malaking pera.

11:19.512 --> 11:20.846
At ang berdeng jacket.

11:22.139 --> 11:25.309
Ang mga manlalaro
at pamilya nila na pumunta sa LIV,

11:25.393 --> 11:28.854
gumaan ang loob nila
sa balita ng pagsasanib

11:28.938 --> 11:32.149
dahil sa tingin ko, pinahirapan sila

11:32.233 --> 11:34.777
ng mga tagahanga, ng media.

11:35.528 --> 11:37.446
Halos sabihan na,

11:37.530 --> 11:41.325
"Tingnan mo ang mga taong ito
at pamilya nilang mukhang pera."

11:41.701 --> 11:43.327
SELLOUT!

11:43.911 --> 11:45.746
Mga nagpapadala ng banta

11:45.830 --> 11:48.833
at kakila-kilabot na mga bagay.

11:49.458 --> 11:53.587
Agresibo ang mga tao. Sigurado 'yan.
Doon ako tumigil.

11:54.088 --> 11:57.925
Sabi ko, "Di ko kailangang tingnan.
Lahat may opinyon, ayos lang."

11:58.008 --> 12:01.846
Ito ang pinakamainam na desisyon
para sa akin at sa pamilya ko,

12:01.929 --> 12:03.097
at totoo nga.

12:03.180 --> 12:06.767
Mas may oras na kami sa isa't isa,
dahil may pagbabago na.

12:06.851 --> 12:08.853
Samantalang dati, go, go, go.

12:11.772 --> 12:13.065
Grabeng panahon.

12:13.149 --> 12:15.109
-Napakaganda.
-Masayang lumabas.

12:16.610 --> 12:19.613
Kinukunan n'yo kami ng dapit-hapon?
Pagpalain kayo.

12:20.156 --> 12:21.240
Binalak namin ito.

12:22.533 --> 12:23.784
Sige na nga.

12:24.493 --> 12:27.455
May kontrol na kami
kung paano gagawin ang mga bagay.

12:27.538 --> 12:30.916
Sa dating buhay namin,
kinailangan kong umatras.

12:31.542 --> 12:34.754
Ngayon, parang magkasama na kami
sa harap ng eroplano.

12:34.837 --> 12:35.963
Iyon ang tamang gawin.

12:38.966 --> 12:41.427
Ang mga nanatiling tapat sa PGA TOUR,

12:41.510 --> 12:43.512
tingin ko, ay maraming tanong.

12:44.013 --> 12:46.974
Pinagsama-sama kami laban sa LIV,

12:47.057 --> 12:50.770
at ngayon nasa posisyon kami, na biglaan,

12:50.853 --> 12:52.563
kailangang magkasundo.

13:00.112 --> 13:02.406
-Lahat may speed.
-Speeding.

13:02.490 --> 13:04.158
-Ayos ba ang tunog?
-Oo.

13:04.241 --> 13:06.327
Si Rickie Fowler ay laging napapabalita

13:06.410 --> 13:09.121
na isa sa mga lilipat sa LIV.

13:09.205 --> 13:12.708
Pero si Rickie… ay napaka-brand conscious,

13:12.791 --> 13:15.920
at para sa kanya, ang pumunta sa LIV
ay di maganda.

13:16.003 --> 13:18.964
Tinanggihan niya ang malaking halaga.

13:19.465 --> 13:20.925
Sige, ang pinakamahirap muna.

13:21.425 --> 13:22.843
Lahat sila LIV, tama?

13:26.388 --> 13:28.265
Umurong ka. Talon sa 15.

13:29.350 --> 13:30.976
Oo, inalukan ako,

13:31.060 --> 13:34.313
pero di 'yon ang pinakamakabubuti sa akin.

13:34.897 --> 13:38.901
Laging masaya pag nakakalayo o malapit ka.
Nakakailang talaga.

13:38.984 --> 13:43.572
Di ako naglalaro para sa suweldo.
Nandito ako dahil gusto kong lumaban

13:43.656 --> 13:46.033
at makalaban ang pinakamagagaling.

13:46.116 --> 13:48.118
Ang TOUR ang lugar para maglaro,

13:48.202 --> 13:50.287
at gusto kong makitang magpatuloy ito.

13:50.371 --> 13:52.790
Isang zero, pero may 60-pound na bola.

13:54.416 --> 13:57.753
Di ko sinusubukang lumayo pa.

13:57.837 --> 14:01.465
Gusto ko ng mas tuwid at mas malapit,
at gagawa pa ng putts.

14:01.549 --> 14:02.925
Masaya na ako do'n.

14:03.008 --> 14:08.138
Di kalakihan ang katawan ko.
Kaya, ginagawa ko ang kaya.

14:10.140 --> 14:13.143
Medyo nagbago ang buhay
mula noong unang sumali ako sa Tour.

14:14.103 --> 14:17.273
Apat na taon na kaming kasal
ng asawa kong si Allison.

14:17.898 --> 14:21.569
Mas maganda siya kaysa sa akin.
Mas matalino siya sa akin.

14:21.652 --> 14:25.072
Mas magaling siya sa akin.
Di sa golf, pero ako na do'n.

14:25.155 --> 14:26.824
Di pa ako nagkaroon ng abs.

14:26.907 --> 14:28.242
Nakakalungkot.

14:29.285 --> 14:33.789
May abs ako,
pero nasa ilalim lang sila ng proteksiyon.

14:34.790 --> 14:38.002
Di siya komplikado. Parang ang dali lang
no'ng nakilala ko siya,

14:38.502 --> 14:40.588
Nag-track ako noong college.

14:41.505 --> 14:44.884
Di ako nanonood ng golf,
pero may kilala ako,

14:44.967 --> 14:47.511
na mga limang golfer,
at isa siya sa kanila.

14:47.595 --> 14:50.097
At alam ko lang na orange ang damit niya.

14:50.180 --> 14:51.682
Welcome Rickie Fowler!

14:52.725 --> 14:57.521
Si Rickie Fowler ay isa sa pinakakilala
at pinakasikat na golfer sa mundo.

14:57.605 --> 15:00.232
Lumabas siyang suot
ang flat brim na Puma hat,

15:00.316 --> 15:04.278
at may mahabang buhok, at nakasuot siya
ng matingkad na orange.

15:04.778 --> 15:07.031
Walang dahilan para mabuhay tulad ng iba.

15:07.114 --> 15:10.451
Binigyang bagong buhay ni Rickie ang golf.

15:10.534 --> 15:13.120
Kailangang malayo ang bola
At sisigaw sila ng "Whoo!"

15:13.203 --> 15:14.788
Tapos ay oo-la-la-li-la-l

15:14.872 --> 15:17.791
Naisip ko,
"Sino ang boy band member na 'to

15:17.875 --> 15:20.669
na may ibang buhok,
at matitingkad na kulay?"

15:20.753 --> 15:23.130
Sabi ko, "Gusto ko siyang panoorin."

15:23.213 --> 15:24.423
Maging bola ka, Rickie.

15:25.132 --> 15:26.508
Maging bola ka, Rickie!

15:26.592 --> 15:29.178
Noong 2014, sa edad na 25,

15:29.261 --> 15:31.805
top five siya sa bawat major.

15:31.889 --> 15:34.224
-Fowler para sa birdie.
-Di iyon nangyayari.

15:34.308 --> 15:36.769
Sige na. Ay! Ayos!

15:36.852 --> 15:40.731
E, itong paglalaro ni Rickie Fowler
sa majors ngayong taob? Grabe.

15:42.107 --> 15:45.527
Pero di naging madali
itong mga nakaraang taon.

15:46.362 --> 15:48.280
-Easy.
-Masyadong mabilis.

15:48.364 --> 15:50.324
-Diyos ko.
-Naloko na.

15:51.200 --> 15:56.747
Di pa rin siya nananalo ng major,
at nahihirapan siyang makapasok.

15:57.581 --> 15:59.541
Ang saklap lang minsan.

16:00.334 --> 16:03.087
Mas tahimik ngayon kaysa sa normal.

16:04.254 --> 16:07.466
Pinili ni Rickie na manatili sa PGA TOUR.

16:07.549 --> 16:09.802
Pero para magbunga 'yon,

16:09.885 --> 16:12.471
kailangan niyang galingang maglaro,

16:12.554 --> 16:14.473
at di niya nagagawa 'yon ngayon.

16:16.141 --> 16:17.643
Noong magkakilala tayo,

16:17.726 --> 16:22.815
naalala kong nasa Masters ka
sa simula pa lang.

16:22.898 --> 16:25.317
Pero di mo gusto ang kinalabasan.

16:25.401 --> 16:27.861
Nag-text siya ng, "Kumusta ang araw mo?"

16:27.945 --> 16:30.072
Sabi ko, "Teka, ano?"

16:30.155 --> 16:34.118
Ang inaasahan ko ay parang galit ka.

16:34.201 --> 16:37.162
Di ka magte-text o tatawag ng ilang araw.

16:37.246 --> 16:41.500
Gustong malaman ni Allison
ang nararamdaman ko o ang nangyari.

16:41.583 --> 16:43.752
Di ako masyadong nagsasalita.

16:43.836 --> 16:46.839
Kung may magtanong kung ba't ako naiinis,

16:46.922 --> 16:53.220
kakausapin ko ang katabi ko sa eroplano.

16:53.721 --> 16:55.889
At kaya ko 'yon ng isang oras.

16:57.016 --> 16:59.810
Ang paghihirap sa mga nakaraang taon

16:59.893 --> 17:03.605
at matutong magbukas
at magbahagi ay hindi madali.

17:04.148 --> 17:08.777
Pero, may halaga na marinig ko
ang opinyon o panig niya.

17:09.945 --> 17:14.032
Dati, si Rickie ang darling ng TOUR
at suportado siya ng lahat.

17:14.116 --> 17:17.286
Pero ngayon, nasa bagong normal na siya

17:17.369 --> 17:20.330
kung saan nahihirapan siyang maglaro.

17:21.457 --> 17:23.667
Halatang di maganda ang laro ko.

17:24.251 --> 17:26.503
Kinailangan kong gumawa ng pagbabago.

17:31.967 --> 17:32.801
Magaling.

17:35.846 --> 17:38.807
-Saan kayo natulog kagabi?
-Resorts World.

17:38.891 --> 17:40.559
Kumain lang kayo sa kuwarto?

17:41.101 --> 17:42.936
-Pumunta kami sa Carbone.
-Ah.

17:46.023 --> 17:47.900
Uminom ka ng wine?

17:48.901 --> 17:49.735
Mga dalawa.

17:51.653 --> 17:52.863
Si Butch Harmon,

17:52.946 --> 17:58.452
ay isa sa pinakamahusay
na mental at golf swing coach.

17:59.787 --> 18:01.914
Nagsimula ako sa kanya noong 2013.

18:01.997 --> 18:04.875
Sa pagtatapos ng 2019, nagretiro ako.

18:06.460 --> 18:08.378
Gusto ni Rickie ng full-time na kasama,

18:08.462 --> 18:12.382
kaya sumama siya ng tatlong taon,
kaso di nagtagumpay.

18:12.883 --> 18:16.595
Pero noong tinawagan niya ako
at sinabing gusto niyang subukan,

18:16.678 --> 18:18.722
Mas masaya ata ako kaysa sa kanya.

18:19.223 --> 18:22.684
Pag sinabi kong, "Itapat mo ang club
sa bola at ibigay ang club sa 'kin,"

18:22.768 --> 18:24.144
wala na ito.

18:24.228 --> 18:27.272
Lahat ng golfers ay nakakaranas ng hirap.

18:27.356 --> 18:31.110
Dumadaan ka sa pangit na panahon
na nawawalan ka ng kumpiyansa.

18:32.277 --> 18:33.111
Ayan.

18:33.195 --> 18:35.697
Ilang taong di maganda ang paglalaro niya.

18:35.781 --> 18:38.158
Ang unang sinusubukan kong gawin

18:38.242 --> 18:40.786
ay ibalik ang tiwala niya sa sarili.

18:43.747 --> 18:45.415
Perpekto iyon.

18:46.792 --> 18:49.128
Nag-iba ang mindset ko dahil kay Butch

18:49.211 --> 18:52.005
at ang paniniwala ko sa kaya kong gawin.

18:52.089 --> 18:55.592
Kaya alam ko na kaya ko
na maging mas maayos kaysa sa dati.

18:57.636 --> 19:00.305
Sa susunod na linggo ang unang beses
na magkikita lahat

19:00.389 --> 19:02.140
mula nang pag-usapan ang pagsasanib

19:02.224 --> 19:05.227
di ba… nakakailang o…?

19:05.310 --> 19:07.104
Di ito malaking bagay sa 'kin.

19:07.688 --> 19:11.650
Bilang manlalaro, gusto naming makalaban
ang magagaling.

19:13.652 --> 19:17.739
Naiisip mo ba paano kung ang LIV
ay suportado ng Amazon o Apple?

19:18.240 --> 19:21.785
Wala akong problema sa mga umalis.

19:22.286 --> 19:25.539
Alam ko kung bakit sila umalis,
dahil ito ang paraan

19:25.622 --> 19:27.833
para masiguro ang buhay mo.

19:27.916 --> 19:30.210
-Masaya lang akong nag-uusap sila.
-Oo.

19:30.294 --> 19:32.754
Dahil kung titingnan
ang unang dalawang major

19:32.838 --> 19:36.550
kung saan naroon ang pinakamagagaling,
nakakasabik iyon.

19:37.050 --> 19:39.011
Gusto namin 'yon, at walang magbabago.

19:39.094 --> 19:41.054
Magandang simula ang U.S. Open sa LA.

19:41.138 --> 19:44.349
At kapana-panabik
na magkakasama ulit ang lahat.

19:48.896 --> 19:52.232
Bumalik na ang United States Open
sa Los Angeles.

19:52.316 --> 19:56.612
At sa gitna mismo ng lungsod,
handa na ang Los Angeles Country Club.

19:58.572 --> 20:00.407
Bahagi ng hiwaga ng LACC

20:00.490 --> 20:04.036
ay iilan lang sa mga golfer
ang nakapunta doon.

20:04.119 --> 20:07.456
Walumpung taon nang wala
ang U.S. Open dito.

20:07.539 --> 20:10.751
At ito rin ang unang beses mula
nang ibalita ang pagsasanib

20:10.834 --> 20:15.380
na magkakaroon tayo ng miyembro
ng LIV at PGA TOUR sa iisang course.

20:16.715 --> 20:19.051
Aminin mo na… Grabe ito.

20:19.134 --> 20:22.679
Ito ang unang beses na nagkita sila
mula nang magbago lahat

20:22.763 --> 20:26.642
sahil sa balita, at nangyayari ito
sa pinakapublikong forum.

20:26.725 --> 20:30.812
Ito ang U.S. Open sa Los Angeles.
Literal na may kamera kahit saan.

20:31.313 --> 20:33.273
Gusto mong ilagay kung saan nararapat?

20:33.941 --> 20:34.942
Di naman.

20:36.401 --> 20:38.362
Diyos ko. Nakakatawa.

20:39.112 --> 20:40.864
Mabuti walang braces.

20:42.950 --> 20:43.867
Ayan.

20:46.161 --> 20:48.789
-Kumusta ka?
-Salamat, pre. Salamat.

20:49.915 --> 20:53.794
Palakpakan natin ang defending champion,
si Matt Fitzpatrick.

20:53.877 --> 20:57.422
Ano'ng opinyon mo
sa usapin ng pagssasanib ng LIV/PGA?

20:57.506 --> 21:01.260
Magiging tapat ako.
Parehas lang tayo ng nalalmaan.

21:01.343 --> 21:03.720
Malinaw na walang may alam sa nangyayari

21:03.804 --> 21:05.973
maliban sa apat na tao. Kaya…

21:06.473 --> 21:09.851
Pakiramdam mo ba dapat kang bayaran
sa pagtanggi sa LIV?

21:12.062 --> 21:12.938
Pass.

21:14.773 --> 21:18.193
Nagulat ang mga taga-PGA TOUR sa anunsyo.

21:18.277 --> 21:20.529
Nagulat din ba kayo?

21:20.612 --> 21:22.864
Oo, kasi wala kaming alam.

21:22.948 --> 21:26.702
Nakita ko si Rickie at JT
pagkatapos kong mapanood ang lahat,

21:26.785 --> 21:30.038
at tinanong sila
kung alam nila, hindi rin daw.

21:30.122 --> 21:33.583
Gusto mong magtiwala sa pamamahala.
Gusto kong maniwala

21:33.667 --> 21:35.002
na ito ang mainam,

21:35.085 --> 21:39.214
pero malinaw na di iyon
ang tingin ng lahat, di ba?

21:39.298 --> 21:44.511
Tingin ko marami ang nakaramdam
na pinagtaksilan sila.

21:45.137 --> 21:49.558
Di madali sa player na nasangkot,
na magising isang araw at makita ito.

21:49.641 --> 21:52.019
At nasa limbo kaming lahat.

21:52.102 --> 21:55.605
Di namin alam ang nangyayari,
at kung ano ang napag-usapan

21:55.689 --> 21:57.524
at ano'ng pwede nilang sabihin.

21:58.358 --> 22:00.402
Isang magandang partnership.

22:04.406 --> 22:07.075
Grabe ang pagbabago
nitong nakaraang linggo.

22:07.159 --> 22:08.994
-Ang bilis no'n.
-Oo.

22:09.578 --> 22:10.912
Mabuti nalaman namin.

22:11.955 --> 22:14.124
Nauna lang ako ng limang minuto.

22:14.207 --> 22:16.293
Sige. Naniniwala kami.

22:16.376 --> 22:18.253
-Totoo nga!
-Naniniwala kami.

22:18.337 --> 22:19.171
Tingnan mo.

22:19.671 --> 22:22.632
Ang itim na ng ilalim ng mata ko.
Lagi na kong nasa phone.

22:23.133 --> 22:25.635
Di tulad noong sumali ang iba sa LIV,

22:25.719 --> 22:30.974
ang pagsasanib na ito, o anuman,
ay di mangyayari sa magdamag.

22:31.892 --> 22:35.187
Paano lahat 'to mangyayari?
Walang may alam.

22:35.854 --> 22:37.939
-Naglaro ka?
-Oo, katatapos ko lang.

22:38.023 --> 22:40.776
-Nakapunta ka na dito?
-Unang beses ko 'to.

22:40.859 --> 22:41.693
Kumusta?

22:42.194 --> 22:45.489
Di pa ako lumalabas,
pero sabi nila masaya daw.

22:45.989 --> 22:48.909
Oo. Ayos dito. Maganda ang kondisyon.

22:48.992 --> 22:50.577
-Oo.
-Perpekto ang damuhan.

22:50.660 --> 22:53.997
Pero, oo, may ilang… kawili-wiling holes.

22:54.081 --> 22:55.123
-Kaya…
-Ayos 'yon.

22:55.999 --> 22:57.542
Magandang linggo. Maglalaro ka?

22:57.626 --> 23:00.003
Mag-eensayo ako
at maglalakad pabalik sa nine.

23:00.087 --> 23:00.921
Sige.

23:01.505 --> 23:04.674
Halatang mabilisan ang naging pag-uusap.

23:04.758 --> 23:07.761
Sa tingin ko, 'yong pagkagulat
ang kinaiinisan ng mga tao,

23:07.844 --> 23:11.556
pero, naniniwala ako na mas maganda
ang laro

23:11.640 --> 23:13.225
kung magkakasama lahat

23:13.308 --> 23:16.395
at di hati tulad ng nakaraang taon, kaya…

23:17.187 --> 23:19.981
Kung maaayos nila na magsasama lahat

23:20.065 --> 23:23.652
at maglalaro ulit, mas maganda sa kabuuan,

23:23.735 --> 23:27.531
kaya… ayos lang sa akin ang bahaging iyon.

23:29.408 --> 23:32.452
Ang biglaang balita ng pagsasanib
na di niya alam,

23:32.536 --> 23:35.122
ang pinakamagandang nangyari
kay Rory McIlroy.

23:35.205 --> 23:37.791
Dahil ang kawalan niya ng kaalaman

23:37.874 --> 23:40.210
ay isang malamig at mahirap na paalala,

23:40.293 --> 23:42.838
sa dulo, pag nariyan ang malalaking tao

23:42.921 --> 23:45.882
para mag-desisyon,
di ka kabilang sa kanila.

23:45.966 --> 23:47.300
Dapat gayahin mo siya.

23:47.801 --> 23:49.886
Minsan kailangan ng tough love,

23:49.970 --> 23:53.140
"Sige, oras na
para magsalita tungkol sa golf ko."

24:00.856 --> 24:01.940
Na-miss ko ang LA.

24:02.649 --> 24:04.025
Nagustuhan ko saglit.

24:05.068 --> 24:07.612
Ay. Di dapat ako didiretso.
Di ko napansin.

24:10.574 --> 24:13.452
Naging mas espesyal
ang U.S.Open dahil sa LA.

24:13.535 --> 24:15.495
Oo, pero dito ako paparada.

24:15.579 --> 24:17.581
Mula ako sa LA.

24:17.664 --> 24:19.374
Nasa LA ang puso ko.

24:20.500 --> 24:23.211
Gusto kong kasama si Dustin.
Gusto ko siyang kasama.

24:23.712 --> 24:25.839
Masaya kami. Gusto naming magkasama.

24:26.423 --> 24:29.176
Nasasabi kong,
"Gusto akong kasama ng asawa ko."

24:29.843 --> 24:31.011
'Yon ang nararamdaman ko.

24:32.512 --> 24:35.515
Natutuwa ako sa hamon ng U.S. Open.

24:36.016 --> 24:38.185
Teka lang. May tao sa likod.

24:38.768 --> 24:42.481
Ito ang pinakamahirap na major.
Kaya isa ito sa mga paborito ko.

24:44.107 --> 24:47.903
Ayos ang pakiramdam ko.
Mukhang maayos ang laro.

24:48.486 --> 24:50.280
Ayos 'to. Masaya dito.

24:50.363 --> 24:51.865
Alam kong mahirap.

24:52.365 --> 24:56.536
Kailangang galingan kung gusto mo
ang tropeo sa Linggo.

24:58.246 --> 25:00.165
Alam mo ang nakakabaliw sa LACC?

25:00.248 --> 25:03.627
Halos wala pang taga-LA
ang nakakita ng course.

25:03.710 --> 25:06.421
Kuusta ang course pag nilakad ko?

25:07.505 --> 25:10.342
Magiging interesante ito. Ewan ko. Ako ay…

25:10.425 --> 25:12.385
-Maburol ba?
-Oo, maburol.

25:12.469 --> 25:14.221
Pero maganda ang course.

25:14.304 --> 25:18.225
Pag-iigihan ko at tingin ko,
magiging maganda ang linggo.

25:20.769 --> 25:24.397
Welcome sa U.S. Open sa Los Angeles.

25:24.481 --> 25:28.485
Magsisimula na ang pagbubukas
ng ikatlong major championship.

25:29.486 --> 25:31.488
Mula sa Murrieta, California,

25:31.571 --> 25:32.906
si Rickie Fowler.

25:34.366 --> 25:36.368
Nagsisimula sa back nine.

25:37.911 --> 25:40.163
Si Fowler na isang work in progress.

25:40.247 --> 25:44.459
Bumagsak siya sa ika-185
sa world golf ranking

25:44.543 --> 25:46.544
noong Setyembre ng nakaraang taon.

25:48.338 --> 25:49.297
Para sa birdie.

25:53.635 --> 25:55.595
Three-under para sa opening nine.

25:57.806 --> 26:00.016
Palakpakan natin si Dustin Johnson.

26:01.142 --> 26:02.477
Si Dustin Johnson,

26:02.561 --> 26:05.689
isa sa mga may mataas na rank
na pumunta sa LIV.

26:05.772 --> 26:07.524
Si Dustin ay kaswal lang,

26:07.607 --> 26:10.360
pero nagmumukha siyang walang pakialam.

26:10.860 --> 26:12.571
Baka tingin niya tama siya.

26:12.654 --> 26:14.698
-Pangarap kong mapanood ka.
-Dustin!

26:14.781 --> 26:16.324
-Salamat.
-Kaya mo 'yan.

26:21.371 --> 26:24.916
Maganda ang naging simula ni Rickie.

26:27.210 --> 26:29.004
Napakagandang tira. Wow.

26:29.963 --> 26:32.549
Talagang natulungan siya ni Butch Harmon.

26:32.632 --> 26:33.758
Mas magaan na, 'no?

26:33.842 --> 26:36.803
May magagandang tira siya,
at tuloy-tuloy siya.

26:37.304 --> 26:40.265
Apat na magkakasunod, kay Rickie Fowler.
Patungong 6-under par.

26:41.641 --> 26:44.394
Buong taon, si Rickie Fowler ay nagpursigi

26:44.477 --> 26:46.730
para makabalik sa PGA TOUR.

26:47.564 --> 26:50.734
Nang makita nilang umaangat
ang pangalan niya,

26:50.817 --> 26:53.945
parang naririnig mo na.
"Uy. Ito na ba ang taon

26:54.029 --> 26:57.616
na babalik sa tuktok si Rickie Fowler?"

26:58.533 --> 27:03.872
Si Dustin Johnson, na may magandang round,
7-under, bogey-free sa ngayon.

27:03.955 --> 27:06.750
Huling hole ng araw para sa 2016 champ.

27:07.417 --> 27:09.836
Para sa 63 para kay Dustin Johnson.

27:17.886 --> 27:20.221
Wow, napakaganda no'n.

27:22.474 --> 27:24.184
Huling hole para kay Fowler.

27:25.101 --> 27:28.396
Gumawa ng kasaysayan si Rickie Fowler
sa LA Country Club!

27:28.480 --> 27:33.693
Ito ang pinakamababang round
na nakita natin sa U.S. Open.

27:33.777 --> 27:35.779
Bumalik na si Rickie Fowler.

27:35.862 --> 27:36.946
-Go Rick!
-Ayos.

27:41.493 --> 27:42.619
Kaunting lipstick.

27:44.954 --> 27:48.958
Rickie, alam mo ba ang kasaysayan
n hinahabol mo habang tumatagal?

27:49.042 --> 27:51.419
Alam kong malapit na.
Di ako sigurado sa bilang.

27:51.920 --> 27:54.339
Sinusubukan ko lang umabante.

27:55.173 --> 27:58.259
Nakatira siya ng 62. Ang astig panoorin.

27:58.343 --> 28:01.096
Minsan nakakalimutan ko na magaling siya.

28:02.263 --> 28:05.350
Pag may magandang nangyari,
minsan lumalaki ito

28:05.433 --> 28:07.060
na sana ay magpatuloy.

28:08.478 --> 28:09.896
Gutom na ako.

28:10.605 --> 28:13.233
-Gusto ko ng Javier's Tacos.
-Oo.

28:13.316 --> 28:17.153
Maganda ang simula ko,
pero di ko pangungunahan.

28:17.237 --> 28:19.280
Wag mong sirain ito,

28:19.364 --> 28:21.491
magpahinga ka at maglaro bukas.

28:24.327 --> 28:26.079
Bumalik na si Fowler.

28:26.162 --> 28:28.415
Handa na ba siyang manalo nang malaki?

28:28.498 --> 28:31.042
Mahirap ito para kay Rickie, malayo pa.

28:31.626 --> 28:33.253
Madugo ito sa huli.

28:33.336 --> 28:36.047
Kakabahan lahat kay Dustin Johnson.

28:36.631 --> 28:38.675
Dustin Johnson sa ikalawa.

28:39.884 --> 28:41.970
Ay, sa kaliwa ang bola.

28:42.053 --> 28:42.887
Ay, hindi.

28:44.055 --> 28:46.474
At dumiretso ito sa bunker.

28:48.893 --> 28:51.271
Nakita mo ba kung saan lumapag ang bola?

28:51.354 --> 28:52.605
-Dustin?
-Front left bunker.

28:53.106 --> 28:53.940
Salamat.

28:55.942 --> 28:58.069
Si Dustin Johnson sa bunker sa two.

28:58.153 --> 29:01.156
Kinailangan niyang ilabas.
Naku mahirap 'yan.

29:01.239 --> 29:05.702
Sige, DJ. Kaya mo 'to.
Pinaghirapan mo ito. Sige na.

29:05.785 --> 29:09.164
Nahirapan siyang hanapin ang bola.
Ang pangit ng linya.

29:11.082 --> 29:12.041
Sige, DJ!

29:12.125 --> 29:15.962
Nakakabigla mula sa magandang laro niya
sa 64 kahapon.

29:16.880 --> 29:18.965
-Naku.
-Uh-oh.

29:20.925 --> 29:23.344
Sige na, Dustin. Ayusin mo.

29:26.347 --> 29:29.184
Ibang klaseng mapanood
na nahihirapan si Dustin Johnson.

29:30.769 --> 29:32.228
Napakapangit na quad.

29:34.272 --> 29:37.275
Naunsyami na ang U.S. Open
ni Dustin Johnson.

29:39.319 --> 29:42.113
Alam kong di n'yo gusto ang kinalabasan,
pero mahusay pa rin.

29:42.197 --> 29:44.365
-Oo, ginawa namin lahat.
-Alam ko.

29:44.449 --> 29:45.825
Kumusta naman siya?

29:46.409 --> 29:48.620
-Naiirita ba siya?
-Ayos lang siya.

29:49.370 --> 29:51.581
-Di siya masaya sa putt, pero…
-Sige.

29:52.165 --> 29:53.500
Ayos lang siya.

29:53.583 --> 29:56.753
Sabi ko sa unang round,
"Mananalo siya." Ang galing.

29:56.836 --> 30:00.507
Tapos… biglang, alam mo na,
mahirap ang golf.

30:02.467 --> 30:06.471
Handa na ang Fowler Nation
sa makikita nila sa weekend.

30:07.013 --> 30:10.683
Ito ang isa sa pinakasikat
na tagumpay sa pagkakatanda ko.

30:11.184 --> 30:14.103
Matagal nang naghahabol
ng major si Fowler.

30:14.187 --> 30:15.104
Sige, Rickie!

30:15.188 --> 30:17.482
Isa sa dahilan ng pagsikat ni Fowler

30:17.565 --> 30:21.694
ay di siya nagbabago.
Tulad pa rin siya ng dati.

30:21.778 --> 30:24.113
Rickie… ano'ng ginagawa mo?

30:24.614 --> 30:29.118
At 'yon ang isa sa dahilan kung bakit
maraming sumusuporta sa kanya.

30:29.202 --> 30:31.079
-Rickie!
-Go Rickie!

30:31.162 --> 30:34.707
Ang pinakapinapanood ngayon
maliban kay Tiger Woods,

30:34.791 --> 30:37.502
at nagdala ng mga manonood
ay si Rickie Fowler.

30:42.257 --> 30:44.133
Ang paborito ng mga manonood.

30:44.217 --> 30:46.636
Napakalakas ng sigawan.

30:46.719 --> 30:47.762
Rickie Fowler.

30:48.888 --> 30:52.183
Ten-under para kay Fowler.
Ika-18 na birdie.

30:52.267 --> 30:56.563
Ito ang pinakamaraming birdie
sa U.S. Open sa unang 36 holes.

30:57.605 --> 31:01.401
-Ang galing ng ginawa mo ngayon.
-Pahirapan doon.

31:01.484 --> 31:03.361
Di talaga mukhang madali.

31:03.444 --> 31:07.407
Parami nang parami ang record mo,
'yong 18 birdie sa dalawang round.

31:08.491 --> 31:10.159
Sinusubukan ko lang gawin.

31:10.243 --> 31:12.745
Di ko sigurado hanggang di natapos.

31:12.829 --> 31:14.289
Nakakasabik.

31:16.457 --> 31:18.835
-Suot ko na ang golf carts ko.
-Oo nga.

31:19.669 --> 31:21.421
IKATLONG ROUND
SABADO

31:21.504 --> 31:24.757
Ang huling pares
na sina Rickie Fowler at Wyndham Clark.

31:25.300 --> 31:27.844
Parehong maganda ang lagay nila,

31:28.887 --> 31:31.431
habang hinahabol ni Fowler ang panalo.

31:32.223 --> 31:35.977
Ang isa sa pinakasikat
na manlalaro sa panahon niya.

31:36.060 --> 31:38.605
Baka ito na ang linggong hinihintay niya.

31:39.480 --> 31:41.733
E si Wyndham Clark? Napakaganda.

31:41.816 --> 31:44.360
Umangat siya palapit sa tuktok.

31:46.195 --> 31:47.280
Fowler para sa birdie.

31:50.575 --> 31:52.327
Diyos ko!

31:55.246 --> 31:58.541
Alam natin mula sa mga patalastas
na maganda ang laro ni Rickie

31:58.625 --> 32:02.462
tuloy-tuloy, tapos biglang pumangit.

32:02.545 --> 32:05.465
At depende na lang kung may pakialam siya

32:05.548 --> 32:08.092
para ayusin ang mga kailangang ayusin

32:08.176 --> 32:09.385
para makabawi.

32:09.886 --> 32:12.972
At mukhang mangunguna si Rickie

32:13.056 --> 32:15.808
hanggang sa Linggo ng U.s. Open.

32:18.353 --> 32:20.980
At dumilim na dito.

32:21.064 --> 32:24.400
At dumilim na ang kalangitan.

32:24.901 --> 32:28.237
Di pa sila nakapaglaro
sa ganito. May epekto ba 'to?

32:36.412 --> 32:37.747
Muntik na iyon.

32:37.830 --> 32:41.250
Ngayon may heart-stopper na siya
pabalik sa par.

32:42.460 --> 32:46.422
Ito ang ikapitong major championship
para sa Wyndham Clark.

32:46.506 --> 32:48.800
Best finish niya na tabla sa 75,

32:49.384 --> 32:54.013
at may tsansa si Wyndham Clark
na ibalik ito sa double digits under par.

32:56.516 --> 32:59.268
At nakapasok si Wyndham Clark

32:59.352 --> 33:04.023
sa huling pares
sa Championship Sunday sa U.S. Open.

33:05.400 --> 33:06.359
Si Fowler na.

33:06.442 --> 33:09.237
At talagang madilim na dito.

33:10.154 --> 33:12.198
Ay! At di pa rin pumasok.

33:13.658 --> 33:16.911
Masakit 'yon
dahil maiisip mo 'yan sa gabi.

33:19.747 --> 33:24.627
Npaabot niya sa bogey at tabla na siya,
isang two-shot swing.

33:25.128 --> 33:26.504
Pag binabangungot ang golfer,

33:26.587 --> 33:28.756
madalas tungkol sa ganoong putt.

33:30.800 --> 33:32.343
Sino ang namamahala sa tee times?

33:33.302 --> 33:35.471
Nilaro namin
ang huling tatlong hole sa dilim.

33:35.972 --> 33:38.349
Wala silang dahilan, "May marine layer,"

33:38.433 --> 33:41.102
dahil nakita ko sa… panahon

33:41.185 --> 33:43.312
may marine layer na parating.

33:45.648 --> 33:48.609
No'ng nailawan ng scoreboard
ang ika-18 na fairway?

33:50.194 --> 33:51.029
Oo.

33:52.697 --> 33:56.367
HULING ROUND
LINGGO

33:56.451 --> 34:00.163
Ang mga naghihintay ng tee off,
maghapon silang naghihintay.

34:00.246 --> 34:02.248
Ang huling tee ay 2:30 pa.

34:02.331 --> 34:05.793
Marami kang naiisip sa paghihintay.

34:05.877 --> 34:08.296
Puro paghihintay.
Buong linggong nanguna si Rickie.

34:08.379 --> 34:12.842
Tingin mo may epekto sa kanya
ang huling hole at nagmintis na putt?

34:12.925 --> 34:14.510
Oo, mayro'n.

34:14.594 --> 34:17.305
Walang dudang masamang alaala iyon.

34:20.058 --> 34:22.143
Medyo madilim sa mga huling holes.

34:22.935 --> 34:25.938
Katawa-tawa. Sobrang naiinis ako.

34:26.564 --> 34:30.276
Tinira ng 20 feet
'yong huling tatlong hole, 16, 17, at 18.

34:30.359 --> 34:32.069
At sinabi ko kay Harry,

34:32.153 --> 34:35.239
"Di ko alam ang mangyayari.
Wala akong makita."

34:35.323 --> 34:37.909
May kaunting ideya ako, pero literal na…

34:37.992 --> 34:41.078
Naisip ko, "Titirahin ko na lang 'to."
Katawa-tawa.

34:42.330 --> 34:45.291
Nagmintis ako
ng tatlo't kalahating talampakan sa huli…

34:45.374 --> 34:46.459
Nakita ko nga.

34:46.542 --> 34:49.796
Sabi ko, "Iyan na ang ilaw. Iyon lang."

34:50.546 --> 34:51.380
Pero…

34:51.464 --> 34:52.465
Ganyan talaga.

34:52.965 --> 34:55.009
-Sige. Galingan mo.
-Kita tayo.

34:55.092 --> 34:56.385
Magsaya tayo mamaya.

35:01.724 --> 35:04.602
Gusto natin si Rickie,
at gusto natin ang malaking kuwento.

35:04.685 --> 35:07.188
Sinusubukan niyang makabalik talaga.

35:07.271 --> 35:08.314
Napakahalaga nito.

35:08.397 --> 35:12.568
Di mo alam kung ilang pagkakataon
ang mayro'n ka para sa major.

35:12.652 --> 35:15.113
Kaya ba ni Rickie? 'Yan ang tanong.

35:15.196 --> 35:17.031
Sige, Rickie!

35:17.115 --> 35:19.075
Kung tagahanga ka ni Fowler,

35:19.158 --> 35:22.286
matagal mo nang hinihintay
ang sandaling ito.

35:25.915 --> 35:27.667
Ito ang unang hole.

35:28.251 --> 35:30.461
Mahalaga na maganda ang simula.

35:31.254 --> 35:33.214
Grabeng comeback story 'to.

35:34.215 --> 35:37.260
Ang mga matagumpay at consistent

35:37.343 --> 35:39.554
ay 'yong kayang pakawalan
ang pangit na shots.

35:39.637 --> 35:41.764
Patungo ito sa kanang rough.

35:41.848 --> 35:42.807
Mahirap manalo.

35:42.890 --> 35:47.436
Sa unang drive off ng unang tee,
ramdam ko na ang kaba niya.

35:47.520 --> 35:49.147
Nakikita kong balisa siya.

35:49.230 --> 35:51.315
Nagmintis si Fowler ng hard putt.

35:53.067 --> 35:56.237
Nakasalba ng par sa ikalawa.

35:58.865 --> 36:00.408
Naku, mahirap 'yan.

36:01.367 --> 36:02.952
Kailangang makabalik.

36:03.035 --> 36:05.538
Plus-three sa huling anim na holes,

36:05.621 --> 36:09.208
bumabalik sa tatlo't-kalahating talampakan
na mintis kagabi sa 18.

36:10.459 --> 36:11.335
Naku.

36:11.419 --> 36:15.131
Magiging mahirap 'yon

36:15.214 --> 36:17.508
para makalapit sa hole na iyon.

36:17.592 --> 36:19.552
Kailangan mo pang pagigihan, ha?

36:27.393 --> 36:30.688
Oo. Magtiwala ka.
Mabait at nakatuon lang. Good target.

36:33.149 --> 36:35.902
Natira na, sumasama sa hangin
sa isang magandang linya.

36:35.985 --> 36:38.905
Oo nga. Maganda 'to
pag bumagsak sa tamang lugar.

36:38.988 --> 36:41.908
Galingan mo. Dick ball! Go!

36:43.284 --> 36:44.160
Hindi.

36:45.661 --> 36:48.915
Di kapani-paniwalang kinulang.

36:48.998 --> 36:50.416
Sige, Rickie!

36:50.499 --> 36:53.794
Matagal na siyang di nakasali
sa major championship.

36:53.878 --> 36:57.381
Ganoon talaga,
at kailangan mo lang subukan.

36:57.465 --> 37:01.510
Pag lagi kang sumusubok,
mas nagiging komportable ka.

37:02.011 --> 37:05.973
Muntik na para kay Dustin Johnson,
ang ikalawang hole niya sa eight.

37:06.057 --> 37:08.935
Nalaro niya ang hole
ng 6-over ngayong linggo

37:09.018 --> 37:12.772
Di pa siya nakakabawi.
Wala pa siyang nagagawa.

37:13.272 --> 37:15.441
Sabihin mo sa dad mo akin na ang bag niya.

37:15.524 --> 37:17.318
-Bakit?
-Dahil gusto ko ito.

37:17.818 --> 37:19.904
-Gusto ko 'to.
-Gusto mo? Sa 'yo na.

37:19.987 --> 37:21.322
Isang deal. Sige.

37:22.198 --> 37:23.032
Drop.

37:24.075 --> 37:25.201
Kailangan niya ng yakap.

37:26.160 --> 37:27.411
Mahigpit na yakap.

37:30.164 --> 37:32.250
Magaling, DJ!

37:38.589 --> 37:41.175
Gusto ko sana ng mas magandang laro.

37:41.259 --> 37:43.594
Di ko naibigay lahat.

37:43.678 --> 37:46.138
Baka tinamad ako. Ewan ko.

37:46.222 --> 37:48.557
Ang guwapo, pare. Gusto ko ang hat mo.

37:48.641 --> 37:51.435
Kaya pag-iiggihan ko pa para makabalik ako

37:51.519 --> 37:54.730
sa tulad ng dati
noong lumalaban pa ko linggo-linggo.

37:55.773 --> 37:59.735
Napakaraming fans
na umasang makakabawi si Fowler

37:59.819 --> 38:03.114
para sa unang major
at unang panalo niya sa apat na taon.

38:03.197 --> 38:07.159
Sa halip, baka ang nakasama niya
buong araw, si Wyndham Clark,

38:07.785 --> 38:09.912
ang lumabas na panalo.

38:11.163 --> 38:13.332
Matatapos ito ng dalawang putt.

38:20.756 --> 38:21.716
Ayos iyon.

38:22.425 --> 38:26.429
At ngayon, malinis na ang stage
para kay Wyndham Clark…

38:32.226 --> 38:36.230
na tumalo sa lahat ng stars sa Los Angeles

38:36.314 --> 38:38.607
para manalo ng United States Open!

38:40.985 --> 38:41.902
Rick…

38:42.611 --> 38:43.696
Salamat, pare.

38:44.447 --> 38:45.281
Congrats.

38:45.364 --> 38:47.408
-Salamat.
-Salamat sa magandang laro.

38:47.908 --> 38:53.289
At isang magandang linggo pa rin
para kay Fowler at Rory McIlroy.

38:53.372 --> 38:55.750
Isa na namang pagtatapos,
isa pang close call.

38:55.833 --> 38:59.628
Si McIlroy sa ikatlong runner-up sa major.

39:05.634 --> 39:07.345
-Si Daddy.
-Gusto mo doon?

39:07.845 --> 39:12.475
Siyempre gusto niyang iba ang kalabasan
at gusto din 'yon ng iba,

39:12.558 --> 39:14.894
pero walang nabago iyon

39:14.977 --> 39:17.480
sa kaya niyang gawin.

39:18.230 --> 39:20.775
Alam kong kaya niya 'yan.

39:27.531 --> 39:28.783
Ang hirap do'n.

39:29.283 --> 39:30.201
Naging mahirap.

39:31.035 --> 39:33.788
Ang hirap kontrolin ng bilis ng putt.

39:33.871 --> 39:34.705
Oo.

39:35.331 --> 39:38.125
Nahirapan din naman ako
nitong mga nakaraan.

39:39.001 --> 39:40.836
Parang mas mabilis sila, pero…

39:40.920 --> 39:42.588
-Sige.
-Kita tayo next week.

39:42.671 --> 39:43.756
Oo, sige.

39:46.467 --> 39:49.595
Makakakuha din tayo ng isa nito.

39:50.888 --> 39:51.722
Lintik.

39:52.848 --> 39:53.682
Maya.

39:54.683 --> 39:55.768
-Pre.
-Ano?

39:55.851 --> 39:59.271
Noong paalis ka… naluha ako.

40:00.940 --> 40:01.857
Ang astig.

40:02.608 --> 40:05.694
Parang naiinis ka at nalungkot pagkatapos

40:06.654 --> 40:08.906
nakita mo si Maya, at biglang, "Okay."

40:09.949 --> 40:10.950
-"Ayos na."
-Oo.

40:19.083 --> 40:22.002
Para sa PGA TOUR, ang U.S. Open
ay isang pangarap.

40:22.086 --> 40:24.505
Pinatunayan nito na kaya pa rin nila

40:24.588 --> 40:27.550
na mangibabaw sa majot championships
at nailagay sila sa posisyon

40:27.633 --> 40:29.635
habang nagpapatuloy ang negosasyon sa LIV.

40:30.136 --> 40:30.970
Dada?

40:31.470 --> 40:34.265
Ang magagawa lang
ng mga tulad ni Rickie Fowwler

40:34.348 --> 40:38.102
ay mag-focus sa sarili at mag-alala
na makabalik sa winner's circle.

40:41.897 --> 40:46.193
Rickie!

40:46.277 --> 40:48.696
Mula sa Detroit Golf Club
sa Detroit, Michigan,

40:48.779 --> 40:52.408
ito ang huling round
ng Rocket Mortgage Classic.

40:53.659 --> 40:55.035
Malinis na simula

40:56.120 --> 41:02.543
at isang three-man playoff sa pagitan
nina Morikawa, Fowler, at Hadwin.

41:03.335 --> 41:08.757
Parang hinihimok ng mga tao
si Fowler na manalo.

41:09.258 --> 41:11.927
Ang unang playoff hole ay sa 18,

41:12.011 --> 41:14.513
at kung umabot sa ikalawang playoff hole,

41:14.597 --> 41:15.973
'yon ay sa ika-15 hole.

41:18.309 --> 41:20.311
Ay, sa kanan sila nakaturo! Tama!

41:21.395 --> 41:23.606
Ilang milya 'yon sa kanan.

41:24.690 --> 41:26.275
Pumunta sa mga tao.

41:27.526 --> 41:28.402
Sige, Rick!

41:28.486 --> 41:30.613
Kailangang maging agresibo.

41:31.739 --> 41:34.074
Marami akong natutunan sa U.S. Open.

41:34.158 --> 41:37.661
Ito ay ang matutunan
na di kailangang maging perpekto.

41:37.745 --> 41:40.206
Pakiramdam ko maraming tao,
pag nasa ganoong sitwasyon,

41:40.289 --> 41:44.001
pakiramdam mo kailangan mong gumawa
ng mga bagay na mabuti.

41:44.710 --> 41:46.670
Hindi. Kailangan mo lang maging sapat.

41:46.754 --> 41:49.215
Iba't ibang pressure kay Rickie Fowler.

41:54.136 --> 41:56.305
Ito ay nasa magandang linya.

41:57.306 --> 42:00.017
-Grabeng golf shot!
-Aabot ba? Umabot!

42:01.310 --> 42:03.229
Grabeng shot mula kay Fowler!

42:10.402 --> 42:13.280
May putt si Fowler para manalo.

42:13.948 --> 42:15.074
Twelve feet.

42:22.373 --> 42:25.542
At bumalik na si Rickie
sa winner's circle!

42:30.881 --> 42:35.219
Sampung buwan na ang nakalipas,
pang-185 siya sa mundo.

42:35.719 --> 42:38.973
At ngayon… nakabalik siya sa taas.

42:40.891 --> 42:42.726
Apat na taon,

42:42.810 --> 42:45.521
apat na buwan,
at dalawampu't siyam na araw na

42:45.604 --> 42:48.274
mula nang manalo
si Rickie Fowler sa PGA TOUR.

42:50.234 --> 42:53.612
Matagal ko nang gustong manalo
na nariyan si Maya,

42:53.696 --> 42:56.824
ang magkaroon ng videos
at pictures sa sandaling iyon.

42:56.907 --> 42:58.450
Espesyal 'yon.

42:59.201 --> 43:02.746
At sana, marami pang gano'n
at mga maaalala niya.

43:07.876 --> 43:10.713
Pag naiisip ko lahat ng ginawa niya,

43:10.796 --> 43:15.009
nakakatuwang makita na magtagpo lahat.

43:15.593 --> 43:19.680
Marami akong dapat pasalamatan.
Siyempre, si Butch.

43:20.347 --> 43:24.268
Masaya akong makasama siya,
at alam kong nasasabik siya.

43:24.351 --> 43:27.646
Kailangan kong magpasalamat
sa asawa at sa anak ko.

43:30.399 --> 43:34.987
Naging mahirap ang daan sa golf course…

43:36.780 --> 43:39.325
pero lagi silang nariyan.

43:43.495 --> 43:45.956
Parang mas magaan na.

43:46.624 --> 43:51.086
Di ko sinasabing walng hirap sa hinaharap.

43:51.170 --> 43:56.258
Pero naiisip ko
na pakiramdam niya kung mayroon man,

43:57.676 --> 43:58.927
magagawan niya ng paraan.

43:59.011 --> 44:02.306
Ano'ng ang panalong ito
a natitirang goals mo sa season?

44:02.931 --> 44:07.186
Isa sa pangunahing layunin
ngayong taon ay manalo.

44:07.269 --> 44:11.023
Bukod doon ay,maging bahagi
ng Ryder Cup team,

44:11.106 --> 44:13.859
iyon pa rin ang tinututukan namin ngayon.

44:15.819 --> 44:18.781
Kailangan pang manalo.
Wala na 'yon. Tapos na 'yon.

44:18.864 --> 44:22.242
Matagal na kaming di nanalo.
Masaya kami. Itutuloy namin.

44:22.326 --> 44:25.079
Kailangang magtuloy-tuloy.
Kailangang manalo ng majors.

44:25.162 --> 44:28.290
Para may ipakita siya
pag tapos na ang lahat.

44:28.374 --> 44:30.584
dapat may majors sa résumé.

44:30.667 --> 44:32.461
Ano? Gusto mo nang umuwi?

44:33.045 --> 44:35.339
Dahil lang sa lahat ng pinagdaanan ko,

44:35.422 --> 44:39.843
at kung gaano na katagal, itong
mga nakaraang taon at lahat ng trabaho,

44:39.927 --> 44:43.639
ay parang nakahinga ako nang malalim.

44:46.850 --> 44:47.976
Joel!

44:48.060 --> 44:50.896
Malaki ang ipinagbago
ng buhay ni Joel Dahmen.

44:51.730 --> 44:52.564
Ano'ng bago?

44:52.648 --> 44:54.483
-Mas sikat na 'ko.
-Joel, ikaw na!

44:54.566 --> 44:57.694
At sa tingin ko, dahil iyon
sa tagumpay ng Full Swing.

44:57.778 --> 45:00.155
Nag-major si Joel noong isang taon,

45:00.239 --> 45:02.783
pero di 'yon nagtuloy-tuloy.

45:02.866 --> 45:05.202
Ito ang pinkapangit na laro ko.

45:05.786 --> 45:07.746
Ito na ang pinakamalala.

45:07.830 --> 45:08.664
Lintik!

45:08.747 --> 45:10.916
Pakiramdam ko may nangyayari.

45:10.999 --> 45:12.793
-Tapos na ako sa golf.
-Ano'ng plano?

45:12.876 --> 45:14.712
Di gumagana ang ginagawa namin.

46:07.264 --> 46:09.266
Nagsalin ng Subtitle: Rexie Quizon
o?
