WEBVTT

00:10.959 --> 00:14.240
Ako ang sumundo. Di siya nagplano.
Gusto niya, sorpresahin ko siya.

00:14.319 --> 00:16.720
Okay daw kung sustentuhan siya ng babae.

00:16.800 --> 00:20.400
Tapos, gusto niyang hatiin 'yong bill.
Okay lang naman.

00:20.480 --> 00:24.520
Ako na lang magbabayad
para di na siya mag-compute sa phone.

00:24.599 --> 00:25.760
Prinsesa pala.

00:25.840 --> 00:27.720
-Ha?
-Sensitive, aesthetic na lalaki.

00:27.799 --> 00:30.799
In touch sa feminine side.
Nagpapaakit 'yon sa 'yo.

00:30.880 --> 00:33.519
Kuripot. Pag ikaw nag-aya, ikaw magbayad.

00:34.879 --> 00:37.080
"Daniela, di ka tumawag, bakit?"

00:37.160 --> 00:38.720
"Nasaktan ako."

00:39.360 --> 00:42.040
Ayoko sa lalaking maraming arte.

00:43.520 --> 00:45.040
Gusto ko ng Pedro na di Pedro.

00:45.120 --> 00:46.559
Linawin mo nga.

00:46.640 --> 00:48.559
Sensitive, pero hindi iyakin.

00:48.640 --> 00:51.080
Feminista, pero pinagbubuksan ako
ng car door.

00:51.160 --> 00:54.559
Okay na mas mataas ang kita ko,
pero libre ako sa lahat.

00:54.640 --> 00:56.040
Brusko, pero di sexist.

00:56.120 --> 00:59.640
Maasikaso at romantic, pero hindi cheesy.

00:59.720 --> 01:02.680
'Yong inaalagaan ako
pero di ako sinasakal.

01:02.760 --> 01:04.840
Manly na lalaking nakikinig,

01:04.920 --> 01:08.160
at di ako laging pinapayuhan sa lahat.

01:08.679 --> 01:11.080
Saka magaling sa kama,
pero sa 'kin lang natu-turn on.

01:11.680 --> 01:12.840
Madali lang, di ba?

01:17.000 --> 01:21.560
ALPHA MALES

01:21.640 --> 01:25.360
"Ang bibili, ang Patriarchal Pact LLC,

01:25.440 --> 01:27.960
at mga nagbebenta,
sina Mr. Beltran Padierna Zugasti

01:28.040 --> 01:33.280
at Mrs. Casilda Huebra Cabarrus,
ay nagkakasundong ipagbili ang lupang

01:33.360 --> 01:36.880
may rehistro at hangganang
naaayon sa naunang pinag-usapan."

01:36.960 --> 01:39.479
"Ibebenta ang lupa nang walang alalahanin

01:39.560 --> 01:42.560
at kumpleto ang kontribusyon,
buwis, at mga bayarin,

01:42.640 --> 01:45.960
sa pisikal at legal na estado nito,
gaya ng nalalaman ng mga partido."

01:46.040 --> 01:50.199
"Bilang patunay ng kasunduan,
pipirmahan nila ang dokumentong ito."

01:54.160 --> 01:55.199
Ayos.

02:05.280 --> 02:08.680
-Para kang ikinakasal.
-Manahimik ka. Baka ma-jinx mo.

02:27.560 --> 02:31.760
Guys, nasa 'tin na ang lupa
ng future home natin!

02:36.360 --> 02:37.360
Uy!

02:37.440 --> 02:38.560
Pa-picture.

02:44.000 --> 02:45.000
Ito…

02:46.360 --> 02:48.120
Hoy, ako pumili niyan.

02:48.200 --> 02:49.200
Sino'ng nagbayad?

02:49.280 --> 02:50.880
Lahat na lang?

02:50.959 --> 02:53.239
Wag tayong magtalo sa maliit na bagay.

02:53.320 --> 02:54.720
E, di wag mong kunin!

02:54.799 --> 02:57.480
Di ka ba nalulungkot na iwan
ang childhood home ng anak mo?

02:57.560 --> 03:00.560
Sobrang malungkot.
Pero di na kita makikita.

03:00.640 --> 03:03.400
Sinusubukan kong gawin 'tong
magandang paalam.

03:03.480 --> 03:04.799
Di ka nagtagumpay.

03:04.880 --> 03:07.959
Santi, pare, good luck na lang, ha?

03:08.959 --> 03:11.000
Sa 'yo din. Ay!

03:11.080 --> 03:12.560
Nakauwi na ang anak ko!

03:12.640 --> 03:14.560
-Sino 'to?
-Boyfriend ng mama mo.

03:15.760 --> 03:17.360
Kumusta ang Thailand, anak?

03:17.440 --> 03:20.399
Buti walang nilagay na drugs sa maleta mo.

03:24.160 --> 03:26.120
-Sino'ng aalis?
-Ang tatay mo.

03:27.959 --> 03:29.399
Papa.

03:29.920 --> 03:31.160
-Papa!
-O?

03:31.239 --> 03:33.640
Iiwan mo ako kay Mama at do'n sa German?

03:39.640 --> 03:41.679
Shit. Raul!

03:42.679 --> 03:43.679
Raul!

03:44.840 --> 03:47.840
Dito muna si Alex this week.

03:47.920 --> 03:50.679
Dahil nasa mga anak nila
sina Luis at Pedro…

03:51.880 --> 03:53.239
Puno ng sorpresa ang buhay.

03:53.320 --> 03:56.040
Ikaw na ngayon ang walang mapuntahan, ha?

03:56.119 --> 03:58.560
Tanda mo na, ganiyan pa din underwear mo?

03:59.600 --> 04:00.920
Di ba bawal ang babae?

04:01.000 --> 04:03.600
Anak ko 'yan, di kasali. Magbihis ka nga.

04:03.679 --> 04:05.640
Sarili mong batas, sinusuway mo.

04:05.720 --> 04:07.720
Patriarchal Pact, LLC?

04:07.799 --> 04:09.480
Project namin 'yan.

04:09.560 --> 04:12.440
Plano naming magsama-sama
sa lupang binili namin.

04:12.519 --> 04:13.359
Bawal babae.

04:13.440 --> 04:17.320
Nag-deconstruction kayo,
tapos bubuo kayo ng kuta ng mga macho.

04:17.399 --> 04:21.120
-Sexual-affective na relasyon.
-Di mo kailangang magpaliwanag!

04:21.200 --> 04:23.080
Magbihis ka na, pakiusap!

04:23.840 --> 04:25.720
Ang ganda ng apartment.

04:28.560 --> 04:30.479
-Ba't mo ibebenta?
-Downsizing.

04:30.560 --> 04:34.920
Isinuko ko na ang kasikatan at pera
para maging totoo. Nagkamali ako, oo.

04:35.800 --> 04:36.880
Sa bangko ako dati

04:36.960 --> 04:39.680
hanggang ma-realize kong
mas kikita ako sa real estate.

04:39.760 --> 04:41.120
Romantics tayo pareho.

04:41.200 --> 04:43.760
Puwes, pag-iisipan ko, sasabihan kita.

04:43.840 --> 04:46.960
-Ayaw mong makita ang kuwarto?
-Pwede ba?

04:47.039 --> 04:49.400
Baka invasion of privacy kasi.

04:49.479 --> 04:52.000
Privacy? Wala nang gano'n ngayon.

04:52.080 --> 04:53.560
Dito.

04:54.080 --> 04:56.560
Wala naman akong natatagong sekreto.

04:58.680 --> 05:01.840
-E, di nakatago?
-Di na sekreto 'yon.

05:05.360 --> 05:08.560
-Naglalandian ba tayo?
-Oo, 'no? Medyo.

05:09.200 --> 05:11.039
Di kita bibigyan ng discount, okay?

05:20.280 --> 05:23.200
-Gusto kang makilala ni Daniela.
-Ako?

05:23.280 --> 05:25.599
Para masigurong di ka baliw

05:25.680 --> 05:27.760
na makakapinsala sa anak niya.

05:27.840 --> 05:29.800
-Ewan. Parang ang weird.
-Alam ko.

05:29.880 --> 05:32.479
Sinabi ko nang di naman 'to seryoso.

05:33.320 --> 05:35.520
-Hindi ba?
-Para sa 'yo, di sa 'kin.

05:36.200 --> 05:40.840
Sabi ng mga anak mo,
ang dami nang "papa" na nakitulog sa inyo.

05:41.560 --> 05:43.800
Single ako. Kanino ako magpapaka-faithful?

05:43.880 --> 05:47.160
Mas gusto kong wag siyang ipakilala
kung wala namang mangyayari.

05:47.240 --> 05:50.520
Ano 'to? 'Yong tipikal na "Ano ba tayo?"

05:50.599 --> 05:53.760
Hindi. Di kita pine-pressure.
Pakialamera lang 'yon.

05:56.840 --> 05:59.960
Puwes, papasa kang partner para sa 'kin.

06:01.320 --> 06:04.359
Ngayon mo na sabihing ayaw mo,
tapos wasakin mo 'ko.

06:04.440 --> 06:06.599
Hindi, gano'n din ako sa 'yo.

06:07.200 --> 06:08.479
Totoo.

06:08.560 --> 06:11.440
Ayan. May label na. Mag-kiss tayo.

06:12.039 --> 06:13.840
Mag-lunch tayo 'ka mo bukas.

06:14.520 --> 06:16.120
Pipili ako ng mga isda.

06:16.200 --> 06:20.919
Luis, karelasyon ni Ulises
ang anak ni Begoña na si Sofia.

06:21.000 --> 06:23.799
Ah… Maganda 'yan.

06:23.880 --> 06:25.039
First love.

06:25.120 --> 06:26.640
Di mo makakalimutan 'yon.

06:27.440 --> 06:29.280
-Maganda?
-Oo.

06:31.160 --> 06:32.320
Ano 'to?

06:32.840 --> 06:36.039
"Burahin mo 'yong Story mo,
gago kang puta ka."

06:36.120 --> 06:37.440
"Kita dede mo."

06:37.520 --> 06:39.720
Pero… ano 'to?

06:39.799 --> 06:43.240
"Akin na IG password mo.
May tinatago ka ba?"

06:43.320 --> 06:46.240
"Nasa'n ka? Nanlalandi ka na naman, 'no?"

06:46.320 --> 06:48.240
-Ano…?
-"Send mo location mo."

06:48.320 --> 06:50.840
"Bakit mo nila-like
'yong posts ni Julen, pokpok ka ba?"

06:50.919 --> 06:54.880
-Paano mo pinalaki ang anak mo?
-Maayos naman, sa tingin ko.

06:54.960 --> 06:56.200
Nasaan ka, pare?

06:56.280 --> 06:59.359
May mga palaboy na nag-aaway
sa park. Di ako susugod mag-isa.

07:01.039 --> 07:03.240
Sorry, trabaho.

07:03.320 --> 07:04.479
Aalis ka na?

07:04.560 --> 07:06.599
-Kailangang matigil 'to.
-Oo nga.

07:06.680 --> 07:08.479
Sige, kakausapin ko si Ulises.

07:08.560 --> 07:10.599
-Pare!
-Oo na. Papunta na ako.

07:11.359 --> 07:13.720
May short film casting ako ng surfer.

07:13.799 --> 07:15.799
Surfer? Para sa Echoes of a Wound?

07:15.880 --> 07:19.799
Oo. Imbes na patayin ang kapatid niya,
magka-kitesurfing siya para makalimot.

07:19.880 --> 07:23.919
May makikilala siyang 30-anyos na pogi
na muling bubuhay sa kanya.

07:25.320 --> 07:26.840
Gusto kong may aral.

07:26.919 --> 07:28.919
"May gantimpala ang matatapang."

07:29.000 --> 07:30.479
Marunong ka mag-kitesurf?

07:30.560 --> 07:34.440
Turuan mo 'ko. O ikaw stunt double ko.
Sama ka, i-assist mo 'ko?

07:34.520 --> 07:35.799
Sa casting?

07:35.880 --> 07:39.799
Hi, ako si Alvaro. Thirty-six years old,
ito ang side profiles ko.

07:46.560 --> 07:49.719
Okay lang bang
magtanggal ka ng pang-itaas?

07:49.799 --> 07:53.159
Importanteng may surfer body ka.

07:56.560 --> 07:58.440
Meron nga.

07:58.520 --> 07:59.599
Alam mo ang lines?

07:59.679 --> 08:03.640
-Oo. Medyo malamig dito, 'no?
-Sabihin mo, "Action."

08:04.960 --> 08:06.679
Ah, action.

08:06.760 --> 08:08.080
Pagdating sa pampang…

08:10.760 --> 08:13.039
Sobrang hirap pala nitong kitesurfing!

08:13.120 --> 08:15.159
Ang bilis mong matuto, Estefania.

08:23.560 --> 08:26.640
Maraming salamat, Alvaro.
Tatawagan ka namin.

08:29.679 --> 08:31.000
Next.

08:31.760 --> 08:33.159
Anong sahig ang gusto n'yo?

08:33.240 --> 08:36.480
Para sa air heat pump at underfloor heat,
dapat porcelain tiles. Okay?

08:36.559 --> 08:39.559
Pero kung gusto natin ng natural wood,
kailangan ng radiators.

08:39.640 --> 08:42.159
Na kokondisyon sa layout. Pero—

08:42.240 --> 08:43.520
Magde-decide na?

08:43.600 --> 08:45.280
Bahala ka na. Tiwala kami sa 'yo.

08:45.360 --> 08:48.120
Di kayo excited na i-design
ang bahay n'yo from scratch?

08:48.840 --> 08:50.320
Pare-pareho sila sa 'kin.

08:50.400 --> 08:51.920
Ano'ng sinasabi mo?

08:52.000 --> 08:55.600
Tingnan n'yo 'to, halimbawa,
natural oak ito.

08:55.680 --> 08:58.880
Ito, oak-colored porcelain.
Mahahalata n'yo.

08:58.959 --> 09:02.680
Gusto ko ng underfloor heat.
Mahilig magpaa sa bahay si Esther.

09:02.760 --> 09:04.760
Mag-ingat ka sa sinasabi mo.

09:04.840 --> 09:07.400
Walang babae o opinyon
ang babae dito. Wala.

09:07.480 --> 09:08.959
Oo. Walang babae.

09:09.040 --> 09:11.680
Hindi, walang gano'n. Alicia.

09:11.760 --> 09:15.079
Pinatigil ni Mario ang shoot,
nagkulong sa trailer niya.

09:15.160 --> 09:16.880
Pumunta ka dito, ASAP.

09:17.920 --> 09:19.720
Mario, ako ito.

09:21.079 --> 09:22.480
Gusto nila ng flat na Pablo.

09:22.560 --> 09:23.839
Walang edges.

09:23.920 --> 09:26.360
Ayoko. Di ako nag-TV para dito.

09:27.959 --> 09:30.360
Sa set na lang natin pag-isipan 'yan.

09:31.079 --> 09:31.959
Puta!

09:32.480 --> 09:34.360
Punyeta talaga!

09:37.280 --> 09:40.959
-Anabel, di mo naman—
-Isukat mo. Tingnan mo kung kasya.

09:42.880 --> 09:43.880
Dito?

09:43.959 --> 09:46.880
O sa banyo. Kung saan ka komportable.

09:56.440 --> 09:58.240
-Hindi. Cut!
-Ano'ng ginagawa niya?

09:58.320 --> 10:01.959
Di ako attracted sa kanya.
Di ako makikipagtinginan nang ganiyan.

10:02.040 --> 10:04.240
Oo nga, pero attracted ka pa din.

10:04.320 --> 10:07.760
-Eroticism of power.
-Di ako na-attract kay Angela.

10:07.839 --> 10:10.240
Ah… kabaligtaran, para 'kong na-harass.

10:10.320 --> 10:11.760
Pangit ng pagkakasulat.

10:11.839 --> 10:15.280
Uuwi na 'ko. Sabihin n'yo
pag maayos na 'yang script n'yo.

10:16.160 --> 10:21.400
Anak… di mo pwedeng tawaging
pokpok ang girlfriend mo.

10:21.480 --> 10:22.800
Lahat nilalandi niya.

10:22.880 --> 10:26.079
Oo, pero malaya ang babae
na gawin ang gusto niya sa katawan niya.

10:26.160 --> 10:27.720
Gaya ni Mama saka 'yong naggi-gym?

10:27.800 --> 10:31.199
Oo, gaya niya at ng lalaking 'yon.
Pero di tama 'yon.

10:31.280 --> 10:33.480
-Ang mama mo, medyo…
-Malandi.

10:33.560 --> 10:38.480
Makasarili. 'Yon ang gusto kong sabihin.
Pero may karapatan siya.

10:38.560 --> 10:40.839
Kung ayaw mo ng vibe ni Sofia,
makipaghiwalay ka.

10:40.920 --> 10:42.079
Di kayo naghiwalay.

10:42.160 --> 10:44.680
Hindi, di ako nakipaghiwalay kasi…

10:46.880 --> 10:48.480
Sino ba'ng pinag-uusapan dito?

10:48.560 --> 10:50.680
-Ayokong maging loser gaya mo.
-Ano?

10:50.760 --> 10:53.079
Wag kang aalis sa kuwarto mo!
Ininsulto mo tatay mo.

10:53.160 --> 10:55.880
Wala nang ganiyan ngayon.
Gentle parenting na dapat.

10:55.959 --> 10:57.280
Grounded ka rin.

10:57.360 --> 11:00.240
Igalang n'yo 'ko sa pamamahay na 'to.

11:00.839 --> 11:01.839
Pambihira.

11:08.000 --> 11:10.120
BEGOÑA NANAY SA SCHOOL:
PWEDE TAYONG MAGKITA?

11:10.199 --> 11:13.719
Parang isyung pambata,
pero di na sila mga bata.

11:13.800 --> 11:15.680
Nag-iiwan ng marka ang ganoong relasyon.

11:15.760 --> 11:18.600
Di ko alam kung sa'n nakuha
ng anak ko 'yon.

11:18.680 --> 11:21.000
Walang ipinanganak na sexist.
Hinuhubog sila.

11:21.079 --> 11:23.480
Deconstructed na 'ko. May diploma ako.

11:23.560 --> 11:26.040
May master's ako sa gender studies.
Sociologist ako.

11:26.120 --> 11:28.480
Pulis ako. Lumalaban sa krimen.

11:28.560 --> 11:30.240
Nakita kitang naka-uniform.

11:31.120 --> 11:32.000
Sobrang sexy.

11:34.360 --> 11:35.560
Isa pa? Nagmamadali ka ba?

11:35.640 --> 11:37.839
Hindi naman. Hindi na.

11:39.959 --> 11:41.199
Dalawa pa, please.

11:46.040 --> 11:47.360
-Oops.
-Sorry.

11:47.440 --> 11:49.880
-Ayos ka lang ba?
-Hindi.

11:51.280 --> 11:52.640
Break na kami ng boyfriend ko.

11:52.719 --> 11:54.719
Wag kang umiyak sa harap ng customers.

11:54.800 --> 11:58.040
Tatlo't kalahating taon kami.
Di ko maintindihan.

11:58.120 --> 11:59.680
Girl, may iba na siya.

11:59.760 --> 12:01.839
Pero makakahanap ka ng iba.

12:01.920 --> 12:06.680
-Hot ka, saka… Mabuti ka namang babae.
-Baka hindi. Habambuhay na 'kong mag-isa.

12:06.760 --> 12:09.400
Siguradong maraming lalaki
ang gugustuhing…

12:09.480 --> 12:10.560
Ano 'yan?

12:11.079 --> 12:12.920
Break na sila ng jowa niya.

12:13.000 --> 12:14.800
Halika. May problema tayo.

12:21.000 --> 12:22.000
Bakit?

12:22.079 --> 12:24.959
Tingnan mo. Wala ka bang napapansin?

12:25.040 --> 12:27.560
Na mabenta tayo sa afterwork drinks.

12:27.640 --> 12:30.520
-Raul, puno ng prosti 'tong lugar.
-Ano ka ba!

12:30.600 --> 12:33.839
Empowered women 'yan
na umiinom pagkatapos magtrabaho.

12:33.920 --> 12:35.560
Ganiyan manamit?

12:35.640 --> 12:38.040
Nangingialam ka ng pananamit?
Wag kang patriarchal.

12:38.120 --> 12:40.360
-Raul, mga puta sila.
-Hindi.

12:42.839 --> 12:44.920
Shit, puta 'yang isang 'yan.

12:45.959 --> 12:49.240
Wala pa 'kong nagiging
stable relationship. Wala pa.

12:49.320 --> 12:52.560
Wala pang naka-live in.
Kinokompara ko sila sa nanay ko.

12:52.640 --> 12:53.760
Alam ko, di patas.

12:53.839 --> 12:57.040
Napakahusay niyang babae, kaya…

12:58.920 --> 13:00.880
Close ka ba sa nanay mo?

13:00.959 --> 13:03.079
Oo. Sakto lang.

13:04.360 --> 13:05.440
Tatawagan ko siya.

13:05.520 --> 13:07.959
Ano'ng hinahanap mo sa lalaki, Daniela?

13:12.199 --> 13:13.839
'Yong mabuting tao.

13:15.520 --> 13:17.520
"Yelong nagbabaga"

13:17.599 --> 13:19.240
"Bagang nagyeyelo"

13:19.320 --> 13:22.000
"Mahapding sugat
Na hindi maramdaman"

13:22.640 --> 13:25.320
"Kabutihang asam-asam
Regalo ng kasamaan"

13:25.959 --> 13:28.560
"Pahingang nakahahapo"

13:29.880 --> 13:31.079
Ang ganda.

13:32.160 --> 13:33.719
-Galing 'yon kay…
-Quevedo.

13:34.760 --> 13:37.160
'Yong makata, di 'yong singer.

13:40.640 --> 13:43.400
Uy, di ka pa ba uuwi?

13:45.640 --> 13:47.079
Shit!

13:48.240 --> 13:50.120
Ano'ng ginagawa mo? Maligo ka.

13:50.199 --> 13:51.560
May dala kang shampoo?

13:51.640 --> 13:53.640
Ah… ayaw mong ipagamit 'yong iyo?

13:53.719 --> 13:57.320
Huy, di ka pwedeng umuwi
na iba ang amoy. Cheating 101.

13:57.920 --> 14:00.120
Hala… buwisit, nakalimutan ko.

14:00.719 --> 14:02.560
Sabihin mo, nag-gym ka.

14:03.280 --> 14:06.719
Ako, nag-gym?
Ano… wala na lang akong sasabihin.

14:08.199 --> 14:11.079
-Akin 'yang Mazinger Z na tasa.
-Walang pangalan.

14:11.160 --> 14:12.760
Nagtanong ka sana. Di mo bahay 'to.

14:12.839 --> 14:17.199
Di ba kayo pwedeng mag-usap
nang normal, tipong parang adults?

14:17.280 --> 14:18.959
Ano'ng pag-uusapan namin?

14:19.040 --> 14:23.320
-Di mo pa rin alam kung ano'ng gusto mo?
-Katatawanan ka pa rin kay Luz?

14:23.400 --> 14:25.400
Hindi na, 'no. Friends na kami.

14:25.479 --> 14:27.880
Nag-aaral na 'kong
magmahal ng babae nang tama.

14:27.959 --> 14:30.719
Para saan pa?
Sa misogynistic n'yong compound, wala na.

14:30.800 --> 14:34.240
-Idea niya 'yon. Siya sisihin mo.
-Idea mo? Magsusumbong ako kay Patrick.

14:34.319 --> 14:37.240
Ayoko ng gulo. Nahirapan na 'ko.

14:37.319 --> 14:39.839
At ang solusyon mo,
tumira kasama ng baliw mong friends?

14:39.920 --> 14:42.959
Wag mong bastusin ang tatay mo.
Face the wall!

14:43.040 --> 14:44.959
Parang lagi mong ginagawa?

14:45.040 --> 14:48.680
O, sige! Sige pa! Paluin mo. 'ko!

14:48.760 --> 14:50.640
Ha? Ano?

14:50.719 --> 14:52.680
I-dominate mo 'ko!

14:52.760 --> 14:54.680
Angkinin mo akong hayop ka!

14:57.079 --> 14:58.319
Paluin mo nga 'ko!

14:59.400 --> 15:00.920
O! Sige pa!

15:01.000 --> 15:02.640
Sigurado ka? Ayokong…

15:02.719 --> 15:04.120
-Tawagin mo akong puta.
-Ay…

15:04.719 --> 15:05.599
Puta!

15:05.680 --> 15:08.000
Oo… Puta mo nga ako!

15:09.000 --> 15:10.760
Sige, sige pa! Palo pa!

15:10.839 --> 15:12.920
Sige pa!

15:13.000 --> 15:16.680
Puta! Puta! Puta!

15:20.520 --> 15:21.959
Parang okay lang naman.

15:22.479 --> 15:25.880
Gusto niya paluin siya,
insultuhin siya, duraan sa bibig.

15:25.959 --> 15:27.760
May pahintulot naman ba?

15:27.839 --> 15:28.920
Oo, meron, pero…

15:29.000 --> 15:31.360
Ang nakakaakit sa babae, mga dominante.

15:31.439 --> 15:32.560
Nasa DNA nila.

15:32.640 --> 15:35.839
Cavemen nga dati,
hinihila sa buhok ang mga babae nila.

15:35.920 --> 15:36.760
Ang akin lang…

15:36.839 --> 15:38.920
Lagi kong ginagano'n si Luciana.

15:39.000 --> 15:42.920
Gusto niya 'yon.
Daddy ang tawag sa 'kin parati.

15:43.479 --> 15:45.800
-Tinawagan mo na si Yaryángelis?
-Ano…?

15:46.880 --> 15:48.160
DALA KA NG POSAS, AGENT

15:48.240 --> 15:51.040
-Ngayon nagpapaposas siya.
-Hayaan mo na, p're.

15:56.319 --> 15:58.719
-Hinihintay ka ni Virginia.
-Sumbungera.

16:01.240 --> 16:03.199
Good morning. Kakausapin mo daw ako?

16:03.280 --> 16:05.719
Hindi. Gusto kong ihian ang puntod mo.

16:05.800 --> 16:08.560
Dahil sa 'yo, isang buong araw
ng shooting ang nawala.

16:08.640 --> 16:10.240
Tama si Mario.

16:10.319 --> 16:13.839
Di nakuha ng writers mo
ang complexity ng character ko.

16:13.920 --> 16:15.120
Si Pablo ka na ngayon?

16:15.199 --> 16:18.079
May insecurities ako,
contradictions, rough edges…

16:18.160 --> 16:19.560
Si Hamlet ka naman ngayon.

16:19.640 --> 16:23.280
Di mo 'ko pwedeng tanggalin bigla
sa project tapos—

16:23.359 --> 16:26.079
Pedro, naka-paternity leave ka.

16:26.160 --> 16:28.800
Di hadlang ang pagiging tatay
sa career ko.

16:28.880 --> 16:31.240
Ano'ng susunod mong excuse? Regla?

16:31.319 --> 16:33.520
Kung di ka masaya sa 'kin,
sisantihin mo 'ko.

16:33.599 --> 16:35.359
Mami-miss kita nang sobra.

16:35.439 --> 16:37.599
Good luck kay Mario.
Kung kailangan mo 'ko…

16:37.680 --> 16:40.959
Papalitan ang bida.
Nakausap na ang platform.

16:41.040 --> 16:43.400
O… E, di ano'ng gagawin ko?

16:43.479 --> 16:46.199
Basta di ka mambasag ng bayag
ng may bayag, okay na 'ko.

16:46.280 --> 16:47.680
Patriarchal 'yan.

16:55.280 --> 16:56.680
-Hi.
-Hi.

16:57.359 --> 17:00.120
-Uh… kape?
-Hindi na, salamat.

17:00.839 --> 17:02.719
Una na 'ko… Bye.

17:02.800 --> 17:05.520
Uy… Good morning.

17:13.159 --> 17:14.159
Bakit?

17:14.240 --> 17:16.280
Alam mo 'yong abuse of power?

17:16.359 --> 17:19.599
E, pangangalunya? Pareho tayong
walang karapatang manghusga.

17:19.680 --> 17:23.240
Ang imoral mag-alok ng role
para lang maikama 'yong lalaki.

17:23.319 --> 17:26.280
Ewan. Mahina siya, e. Bilang aktor.

17:26.359 --> 17:28.399
-Girl…
-Pinagpipilian ko sila ng isa pa.

17:28.480 --> 17:30.520
-May isa pa.
-Ingat ka.

17:30.600 --> 17:32.320
Madali lang kasi para sa 'yo.

17:32.399 --> 17:35.360
Ngingiti ka lang, in love na lahat sa 'yo.

17:35.440 --> 17:38.360
Beauty privilege ang tawag diyan.
Nakita ko sa Instagram.

17:38.440 --> 17:41.159
-Ano'ng sinasabi mo?
-Naka-easy mode ka.

17:41.240 --> 17:45.000
Alam mo kung ilan ang naka-subscribe
sa OnlyFans feet account ko? Isa!

17:45.080 --> 17:46.880
May OnlyFans feet account ka?

17:46.960 --> 17:49.680
Kung gusto kong maka-score ng pogi,
dapat creative ako.

17:49.760 --> 17:54.040
Magbihis ka. May meeting tayo.
Tingnan natin kung okay na.

17:54.600 --> 17:56.159
Kalahati ng motor mo, sa 'kin.

17:56.240 --> 17:57.520
Regalo 'yon ng friends ko.

17:57.600 --> 17:59.320
-Ano, hahatiin ko 'yon?
-Luz!

17:59.399 --> 18:04.399
Kung walang patunay na para sa isa lang
'yong donasyon, pag-aari ng dalawa 'yon.

18:04.480 --> 18:07.080
Sa pangalan ko nakarehistro.

18:07.159 --> 18:10.320
-Kalahati ng jacket mo, akin din.
-Pati jacket ko?

18:10.399 --> 18:13.919
Kalahati ng mga regalo mo, akin din.
Magpaalam ka na sa anal rocket mo!

18:14.000 --> 18:15.440
At electric toothbrush mo.

18:15.520 --> 18:17.120
-Gamit 'yon!
-Papalitan ko ang ulo.

18:17.200 --> 18:20.360
Magmumungkahi ako ng alternative.

18:20.440 --> 18:26.560
Bakit di kayo umastang parang bata
nang maiwasan ang kahihiyang 'to?

18:29.120 --> 18:33.360
Pwedeng porcelain,
stoneware, vinyl, o kahoy.

18:33.440 --> 18:35.800
Kung may underfloor heating, dapat—

18:35.880 --> 18:36.840
Huy!

18:36.919 --> 18:39.040
Ano'ng ginagawa mo? Kliyente kita.

18:39.120 --> 18:40.280
Sisante ka na.

18:40.360 --> 18:41.360
Ano ka ba?

18:41.440 --> 18:43.880
Santi, kailangang mag-sex tayo.

18:44.560 --> 18:48.200
"Kailangang mag-sex tayo."
Di na cultural clash 'yon.

18:48.280 --> 18:49.880
Workplace sexual harassment 'yon.

18:49.960 --> 18:54.159
Ayon sa Ministry of Equality,
nasa empleyado na 'yan. Kliyente siya.

18:54.240 --> 18:56.080
Oo, pribadong buhay mo 'yan.

18:56.159 --> 18:58.880
Sexual harassment lang,
pero krimen pa din.

18:58.960 --> 19:02.360
Manipis ang linya
sa pagitan ng harassment at pang-aakit.

19:02.440 --> 19:04.080
Oo nga.

19:04.159 --> 19:06.720
Maraming koneksiyon ang client na 'to.

19:06.800 --> 19:11.399
Kung masiyahan siya… sa trabaho,
makakapasok tayo sa premium market.

19:11.480 --> 19:13.120
Di ka namin didiktahan.

19:13.200 --> 19:14.960
Personal choice mo 'yan.

19:15.040 --> 19:18.520
Depende 'to sa lebel
ng commitment mo sa kompanya.

19:37.960 --> 19:40.919
Bukas ang pinto. Pakisara pagpasok.

19:47.280 --> 19:49.040
-Daniela.
-Tania.

19:50.240 --> 19:52.520
-Pasok ka.
-Salamat.

19:55.080 --> 19:55.960
O, sino 'to?

19:56.040 --> 19:58.200
-Si Mama.
-Hello, mahal ko.

19:58.720 --> 19:59.880
Kumain na tayo.

20:01.159 --> 20:02.600
Nandito din ang mga anak niya.

20:02.679 --> 20:04.800
Oo, wala siyang mapag-iwanan.

20:04.880 --> 20:08.080
-Single mother nga pala.
-Single-mother family.

20:09.840 --> 20:13.520
Oo, beauty centers.
Mga pangarap ang benta ko. Parang Disney.

20:13.600 --> 20:16.320
Pero gumagana ang treatments ko, okay?

20:16.399 --> 20:17.560
Sa 'yo pa lang.

20:17.640 --> 20:19.919
Pwede kitang bigyan ng 50% discount.

20:20.000 --> 20:22.520
-Sige, salamat.
-Bakit kayo naghiwalay?

20:22.600 --> 20:23.560
Nora.

20:23.640 --> 20:25.800
Sinusubukan ko lang pagandahin ang usapan.

20:25.880 --> 20:27.760
Pedro, ang dumi…

20:27.840 --> 20:28.800
Hayaan mo siya.

20:28.880 --> 20:30.520
Lagyan mo ng bib.

20:30.600 --> 20:34.720
Hay, nakaka-miss pag ganito sila kaliit.

20:34.800 --> 20:35.880
Ayan na.

20:35.960 --> 20:38.840
Tapos magiging pasaway sila,
magiging mabaho na.

20:38.919 --> 20:41.120
-Ikaw 'yon.
-Aba, nagsalita.

20:41.200 --> 20:43.120
-Kukuha ako ng tubig.
-Upo ka na.

20:43.200 --> 20:44.880
-Ha?
-Ako na.

20:44.960 --> 20:46.560
-Talaga?
-Oo.

20:49.960 --> 20:52.440
Nakakatuwa 'to, 'no? Sobrang civil.

20:52.520 --> 20:54.480
Siyempre. Pamilya tayo.

20:54.560 --> 20:57.880
Pumasa ba ako sa mental stability test mo?

20:57.960 --> 21:01.040
Maaga pa, Tania.
Pero mas panatag na ang isip ko.

21:02.919 --> 21:04.399
-Sige!
-Etong sa 'yo!

21:04.480 --> 21:08.159
-Pinupuruhan ka nila!
-Etong sa 'yo. 'Yan.

21:08.240 --> 21:09.640
Lakasan mo!

21:10.240 --> 21:11.960
-Ano ba?
-Huwag!

21:12.040 --> 21:15.000
Ang sakit sa pusong may kasama siyang iba.

21:15.080 --> 21:18.159
Wag kang maawa sa akin, Patri.
Maawa ka sa babae.

21:18.240 --> 21:20.640
Kung di lang kayo ma-pride…

21:25.520 --> 21:26.679
In love kaya siya?

21:29.520 --> 21:31.800
Sobrang lambing ni Ms. Tania sa kanya.

21:33.399 --> 21:34.919
Masaya ako para sa kanya.

21:35.000 --> 21:36.919
Wag mo silang sisirain.

21:37.000 --> 21:40.080
Ako? Ang bait ko kaya, Patri.

21:40.159 --> 21:42.480
Deserve niyang maging masaya.

21:45.000 --> 21:47.280
At ikaw. Ikaw din.

21:47.360 --> 21:49.679
Parang ang tagal-tagal na nila.

21:49.760 --> 21:52.120
Parang di nga 'ko nakatira do'n.

21:52.200 --> 21:54.480
-E, do'n ako nakatira.
-Hirap niyan.

21:54.560 --> 21:57.720
Pero bakit? Kung may feelings ka pa
kay Pedro, pero…

21:58.320 --> 21:59.520
Meron pa ba?

21:59.600 --> 22:00.600
Wala na.

22:00.679 --> 22:02.800
Pero ibang Pedro na siya.

22:02.880 --> 22:05.640
Ako ang nagtanim, ibang babae ang umani.

22:05.720 --> 22:10.280
-Masayang bumago ng macho para sa iba.
-Sisterly 'yon. 'Yon ba ang tawag do'n?

22:10.360 --> 22:13.040
-Kumusta ang date mo?
-Si Gonzalo?

22:13.720 --> 22:17.679
Forty-two na siya,
wala pang nakaka-stable relationship.

22:17.760 --> 22:19.480
Pero magaling ba sa kama?

22:19.560 --> 22:23.000
-Di kami nag-sex.
-Girl, ano'ng iisipin niya sa 'yo?

22:23.080 --> 22:24.120
Na masungit siya.

22:24.200 --> 22:27.000
Hindi na negotiable ang sex.
Pangit pag di kayo nauwi sa kama.

22:27.080 --> 22:29.560
Marami nang nagbago. Fifteen years ago…

22:29.640 --> 22:31.679
Kasalanan mo. Oo, kasalanan mo.

22:31.760 --> 22:34.919
Dahil sa mga babaeng gaya mo,
di na nag-eeffort ang mga lalaki.

22:35.000 --> 22:38.399
Kung nakaka-score sila sa first date,
ba't pa sila maghihintay ng tatlo?

22:38.480 --> 22:39.520
-Totoo.
-Excuse me.

22:39.600 --> 22:42.560
Salamat sa mga gaya ko,
nakaka-score tayo nang di napapahiya.

22:42.640 --> 22:44.840
-Kasi normalized na.
-Totoo din.

22:44.919 --> 22:48.000
At napapatunayan nating
di lang tayo hanggang doon.

22:48.080 --> 22:50.480
-Higit pa tayo sa vagina.
-Naman.

22:50.560 --> 22:53.840
Kung tatawag siya, tatawag siya.
Di na 'ko maghahabol.

22:56.360 --> 22:57.360
Pwede din naman.

22:58.800 --> 22:59.679
'Yong surfer ko.

22:59.760 --> 23:01.280
-Esther.
-Tantanan mo ako.

23:02.200 --> 23:04.280
Grabeng match 'yan.

23:04.360 --> 23:05.560
Di niya match 'yan.

23:05.640 --> 23:07.880
-Asier, kumusta ka?
-Mabuti.

23:07.960 --> 23:11.120
Napanood ko ang tape mo, pwede na.

23:11.200 --> 23:12.600
May potensiyal ka.

23:12.679 --> 23:14.439
Salamat. Kinakabahan ako.

23:14.520 --> 23:16.280
Oo, kasi di ka pa sanay.

23:16.360 --> 23:20.120
Kung gusto mo, tara sa bahay.
Rehearse tayo.

23:20.200 --> 23:21.240
Gay ako.

23:22.520 --> 23:23.760
Ay.

23:23.840 --> 23:25.040
Di, huwag na.

23:25.919 --> 23:30.399
May sliding, may folding, tinutulak…

23:30.480 --> 23:32.080
Kaya mo kami dinala dito?

23:32.159 --> 23:35.439
Ano'ng ginagawa sa window factory?
Mamimili ng bintana.

23:35.520 --> 23:37.159
Bakit di na lang tayo iba-iba?

23:37.240 --> 23:39.919
Hindi. Pag pare-pareho tayo, may discount.

23:40.000 --> 23:41.360
Ewan. Ikaw na bahala.

23:41.439 --> 23:42.560
Una na 'ko.

23:42.640 --> 23:45.360
Ano? Ang masaya dito,
'yong sama-sama tayo.

23:45.439 --> 23:46.840
Send mo 'yong photos sa GC.

23:46.919 --> 23:49.040
-Parang di kayo excited.
-Excited kami!

23:54.520 --> 23:58.399
Perfect. Hihintayin namin kayo.
See you later.

24:00.640 --> 24:01.800
Okay ka na?

24:01.880 --> 24:05.720
-Tama ka. May iba na siya.
-Mga straight talaga.

24:05.800 --> 24:09.080
Ang tanga ko.
Dapat nagpalaki ako ng dibdib.

24:10.560 --> 24:11.720
Okay naman, ah.

24:11.800 --> 24:13.280
Di ba maliit masyado?

24:13.360 --> 24:16.720
Hindi, tama lang. Maganda, bilugan.

24:17.240 --> 24:18.439
Salamat.

24:18.960 --> 24:22.000
Mahal. Sorry. Pwede tayong mag-usap?

24:23.120 --> 24:25.640
Parang di na kailangan ng hostess.

24:26.399 --> 24:27.520
Objectifying.

24:27.600 --> 24:29.919
Wag mo siyang tanggalin.
May pinagdadaanan siya.

24:30.000 --> 24:31.640
Masisira mo 'to. Ramdam ko na.

24:31.720 --> 24:33.520
Hindi, ayoko na sa babae.

24:33.600 --> 24:35.800
Para mo na siyang anak. Kadiri ka.

24:37.159 --> 24:39.520
Misogynist na, ageist pa. Nakakadismaya.

24:42.600 --> 24:43.720
Diana, kumusta?

24:43.800 --> 24:46.360
-Okay lang. May hinihintay.
-Ano'ng plano mo mamaya?

24:46.439 --> 24:48.679
-Puno na ang sched ko.
-Buwisit.

24:48.760 --> 24:51.439
Ipapakilala na lang kita dito kay Claudia.

24:53.840 --> 24:55.080
Bakit hindi?

24:55.159 --> 24:58.040
Ako? Hihingi ng tawad?
Siya dapat kasi malandi siya.

24:58.120 --> 25:00.880
-Hoy.
-Si Mama dapat kasi nangingialam.

25:00.960 --> 25:04.080
-Kung suspendihin ko kayo?
-Tama na. Bawal na kayong magkita.

25:04.159 --> 25:05.200
Mahal ko siya.

25:05.280 --> 25:07.399
Anak, mapapalitan ang taste.

25:07.480 --> 25:08.640
Wag mo siyang diktahan!

25:08.720 --> 25:09.560
Ulises!

25:09.640 --> 25:12.720
Sofia, di mo dapat hinahayaang
ipahiya ka ng lalaki.

25:12.800 --> 25:15.360
Ang babae, dapat ginagalang.

25:29.040 --> 25:30.240
Kumusta?

25:30.320 --> 25:33.960
Eto, inaayos ang agreeement n'yo,
kaya pirmahan n'yo na sana.

25:34.040 --> 25:37.439
Irerepresent mo ba 'ko
kung kasuhan ako ng aktor ng harassment?

25:38.000 --> 25:40.720
Nag-suggest akong mag-rehearse
sa bahay, nagalit siya.

25:40.800 --> 25:42.720
-Kasi gay siya.
-Shit, Esther.

25:42.800 --> 25:46.439
Aalisin ko na ang surfer sequence.
Pinatay ng bida ang kapatid niya. Tapos.

25:46.520 --> 25:48.520
Walang saysay ang katapangan.

25:48.600 --> 25:50.040
E, 'yong isa?

25:50.120 --> 25:52.080
Kakausapin ko. Ano pa bang magagawa ko?

25:52.600 --> 25:53.960
Naku, Alvarito.

25:56.080 --> 25:57.320
Kailan ang shooting?

25:57.919 --> 26:00.560
Pupunta kami ng friends ko
sa Lanzarote next month…

26:00.640 --> 26:02.439
Di tayo pwedeng maging magkatrabaho.

26:03.560 --> 26:04.560
Bakit hindi?

26:04.640 --> 26:07.919
Pag binigay ko sa 'yo ang role,
ang dating, nagpagamit ka para do'n.

26:08.840 --> 26:10.679
Pero 'yon ang ginawa ko.

26:12.120 --> 26:13.240
Parang ako ang nagamit.

26:13.840 --> 26:14.960
Ikaw talaga?

26:15.040 --> 26:16.199
Umalis ka na.

26:17.439 --> 26:18.800
Layas!

26:19.320 --> 26:21.919
Nagtataka ka yata
kung ba't tayo nasa hotel. Di ako kasal.

26:22.000 --> 26:24.240
Wala akong niloloko. Para klaro lang.

26:24.320 --> 26:25.399
Okay.

26:25.480 --> 26:27.320
Nag-aaral akong magmahal.

26:27.399 --> 26:31.880
Sa ngayon, naghahanap ako ng mas…

26:31.960 --> 26:32.800
Professional.

26:32.880 --> 26:34.000
Oo na, sige na.

26:34.080 --> 26:36.720
Una na 'ko
bago pa madagdagan ang singil ko.

26:36.800 --> 26:39.040
Nag-enjoy ka din, di ba?

26:39.120 --> 26:40.240
Naman.

26:40.320 --> 26:42.320
-Nilabasan ka?
-Dalawang beses.

26:49.280 --> 26:52.120
Wala ka bang games
na di puro driving o patayan?

26:53.439 --> 26:55.720
-Akin na 'yan.
-Teka, di ako nag-save!

26:55.800 --> 26:57.280
Gumawa ka ng profile?

26:57.360 --> 26:59.480
Sabihan mo siyang
tantanan ang PlayStation ko.

26:59.560 --> 27:01.360
-Hayaan mo na.
-Akin 'yan.

27:01.439 --> 27:04.520
Ang laking turn-off ng 40-anyos
na naglalaro niyan.

27:04.600 --> 27:05.640
Wala akong paki.

27:05.720 --> 27:07.199
-Akin na 'yan.
-Ayoko.

27:07.280 --> 27:10.399
Sige. Bawal PlayStation
hangga't di kayo nagse-share.

27:10.480 --> 27:12.840
-Ano? Sa'n ka pupunta?
-Sa storage room.

27:12.919 --> 27:15.480
Santi, 'yang babaeng 'yan o ako.

27:16.080 --> 27:18.960
Fragile masculinity.

27:19.760 --> 27:21.520
Pwedeng wag mo na siyang asarin?

27:21.600 --> 27:24.640
Sarap niyang asarin, e.
Dapat binigyan mo 'ko ng kapatid.

27:27.080 --> 27:28.520
Well, nag-sex na tayo.

27:29.240 --> 27:31.399
Di natin natuloy kahapon, 'no?

27:31.919 --> 27:33.040
Hindi.

27:34.520 --> 27:36.600
Gusto kong nagdahan-dahan ka.

27:36.679 --> 27:38.520
Ang romantic.

27:38.600 --> 27:40.040
Bihira na 'yon ngayon.

27:46.080 --> 27:48.320
Nagutom ako. Pwedeng mangialam ng ref?

27:48.399 --> 27:49.600
Sige.

28:02.800 --> 28:03.800
Hello?

28:23.679 --> 28:25.080
Hala, natakot mo 'ko.

28:25.159 --> 28:26.240
Sorry.

28:26.320 --> 28:27.679
Ma, ba't gising ka pa?

28:27.760 --> 28:31.959
Di ako makatulog, kaya naisip ko,
"Magdidilig ako ng halaman."

28:32.040 --> 28:34.320
-Okay 'yon.
-Si Daniela po.

28:34.399 --> 28:36.560
'Yong kinukuwento ko.

28:36.640 --> 28:38.080
Sobrang ganda.

28:38.159 --> 28:41.040
Gagawa ako ng passionflower tea.

28:44.679 --> 28:46.679
Di mo sinabing kasama mo siya sa bahay.

28:46.760 --> 28:48.720
Mula nang mamatay si Papa,
ang lungkot niya.

28:48.800 --> 28:49.919
Kailan pa?

28:50.000 --> 28:53.480
-No'ng five ako.
-Anak, gusto mo ng chocolate milk?

28:53.560 --> 28:55.399
Sige, Ma. Okay.

28:55.919 --> 28:58.159
Hindi na. Ah…

28:58.240 --> 28:59.320
Aalis na 'ko.

29:03.320 --> 29:06.679
Uy, gusto ko ang ex mo.
Sa tingin mo, galit siya sa akin?

29:06.760 --> 29:08.720
May boyfriend siya no'ng buntis siya.

29:08.800 --> 29:11.679
Si Tomas, Renaissance man.

29:12.760 --> 29:14.040
Mahal mo pa ba siya?

29:14.959 --> 29:16.560
Hindi ako magagalit, okay?

29:17.720 --> 29:20.240
Hindi, stressed ako sa trabaho.

29:20.320 --> 29:22.320
Araw-araw kaming nag-aaway ng boss ko.

29:22.399 --> 29:25.560
Alis ka na.
Masyado na tayong matanda para mabuwisit.

29:25.639 --> 29:26.959
Di gano'n kadali.

29:27.040 --> 29:29.280
Nawalan na 'ko ng trabaho dati.
Nahirapan ako.

29:29.360 --> 29:33.520
Isa pa, may investment ako nito lang
na nag-ubos ng pera ko.

29:34.800 --> 29:37.600
Tutulungan kita.
Hanggang makahanap ka ng iba.

29:43.560 --> 29:47.360
Inaalok mo bang… sustentuhan ako?

29:47.439 --> 29:49.000
Couple tayo, di ba?

29:49.760 --> 29:51.320
Gagawin mo rin 'to sa 'kin.

29:57.240 --> 29:58.639
Huwag, maawa ka!

29:58.720 --> 30:01.720
Tama na!

30:03.439 --> 30:04.600
Wag kang tumigil.

30:04.679 --> 30:06.560
Sabi mo, tama na…

30:06.639 --> 30:08.639
Ituloy mo lang.

30:10.080 --> 30:11.520
-Takpan mo ang bibig ko.
-Ha?

30:11.600 --> 30:12.959
Takpan mo ang bibig ko.

30:15.600 --> 30:16.560
-Sakalin mo 'ko.
-Ha?

30:16.639 --> 30:18.240
Dapat di ako makahinga.

30:18.320 --> 30:20.720
-Pero konti lang, ha?
-Sakalin mo 'ko.

30:20.800 --> 30:22.879
Sakalin mo 'ko. Lalabasan na 'ko.

30:22.959 --> 30:26.280
-Sakalin mo 'ko!
-Hindi… Ayoko ng ganito…

30:26.360 --> 30:27.760
Ano ba, malapit na, e.

30:27.840 --> 30:30.879
Begoña, mahilig ka sa mga medyo…

30:30.959 --> 30:32.760
Kinukuwestiyon mo ang sexuality ko?

30:32.840 --> 30:35.760
Hindi, pero naisip mo na ba
kung bakit gusto mong—

30:35.840 --> 30:37.040
Luis!

30:37.120 --> 30:38.879
Wag mong i-problematize ang gusto ko.

30:40.520 --> 30:41.520
Sino 'yon?

30:41.600 --> 30:42.679
Pulis 'to!

30:43.320 --> 30:44.360
Puta!

30:46.000 --> 30:48.760
-Kalagan mo 'ko.
-Hinahanap ko 'yong susi.

30:48.840 --> 30:51.120
-Buksan n'yo 'to!
-Shit, di ko mahanap!

30:51.199 --> 30:53.360
Buksan mo. Masisira na nila 'yong pinto.

30:53.439 --> 30:54.280
Sige na!

30:55.040 --> 30:55.879
Anong—

30:57.080 --> 31:00.120
Ay… Rocio! Kumusta?

31:00.199 --> 31:02.760
Meron daw babaeng nanghihingi ng saklolo.

31:02.840 --> 31:04.120
Ano? Wala…

31:04.199 --> 31:05.840
Ano kasi…

31:05.919 --> 31:08.040
Kasama ko 'yong kaibigan ko at…

31:08.560 --> 31:09.720
Naglalaro kami.

31:10.520 --> 31:12.639
Ma'am, okay ka lang ba?

31:12.720 --> 31:15.320
Oo, okay lang ako. Salamat.

31:15.399 --> 31:17.879
-Ayos lang siya.
-Pwede ka bang lumabas?

31:17.959 --> 31:20.199
Ay… Hindi pwede, e.

31:21.280 --> 31:24.439
Pero… Rocio, sa'n ka pupunta?

31:24.520 --> 31:26.399
Sabi niya, okay lang siya.

31:27.439 --> 31:28.760
Hi. Kumusta?

31:30.639 --> 31:32.280
Posas mo ba 'yan?

31:32.360 --> 31:34.600
Ano… Di ko lang mahanap ang susi.

31:36.120 --> 31:37.320
Okay ka lang talaga?

31:37.399 --> 31:40.760
Rocio, wag mong i-problematize
ang gusto niya.

31:50.840 --> 31:51.919
Anak!

31:52.000 --> 31:53.959
May solusyon na sa titirhan natin.

31:54.040 --> 31:56.159
Buti naman! Kailan tayo aalis?

31:56.240 --> 31:59.000
Kahit kailan. Halika, ipapakita ko.

32:04.480 --> 32:05.480
Ano?

32:06.600 --> 32:08.159
Pansamantala lang 'to.

32:08.240 --> 32:11.439
Pag tapos na 'yong bahay,
ibebenta ko 'to para walang sayang.

32:11.520 --> 32:12.360
Seryoso ka?

32:12.439 --> 32:14.639
Anak, pang-apatan 'to.

32:14.719 --> 32:16.080
Marami tayong espasyo.

32:16.159 --> 32:18.520
Pwedeng ikaw sa taas, ako sa baba.

32:18.600 --> 32:20.879
Saan natin ipapark 'to?

32:24.520 --> 32:26.080
Sa gitna ng kalikasan.

32:26.600 --> 32:29.080
Para mabantayan ko
ang site 24 oras kada araw.

32:30.080 --> 32:31.280
Pa, nag-aalala na 'ko.

32:31.879 --> 32:34.280
Pakinggan mo 'yong mga ibon.

33:38.360 --> 33:40.760
Nagsalin ng Subtitle: J. Ignacio
as kada araw.
