WEBVTT

00:07.720 --> 00:09.840
Ano'ng klaseng bachelor party 'to?

00:09.920 --> 00:11.400
At least bago 'to.

00:11.480 --> 00:14.960
May complete check-up pa tayo,
maganda 'yon sa edad natin.

00:15.040 --> 00:18.480
'Yong may pinakamataas na cholesterol,
siya'ng magbabayad sa detox juice.

00:18.560 --> 00:20.640
Ibiza cruise, naging health check-up.

00:21.640 --> 00:23.080
Ano'ng nangyari sa atin?

00:23.160 --> 00:27.160
Sa edad ko, mas takot akong
magka-tumor kaysa di maka-score.

00:27.240 --> 00:29.639
Bata na lang tayo para sa kamatayan.

00:31.560 --> 00:34.199
-Honey.
-Kumusta? Behave ka naman?

00:34.280 --> 00:36.680
Oo. Siyempre, boring ang tropa ko, e.

00:36.760 --> 00:39.320
Mabuti. Ayoko ng chlamydia
as wedding gift.

00:39.400 --> 00:42.320
Raúl? Colon cleanse mo na.

00:46.720 --> 00:49.080
-Tawag ako mamaya. Love you.
-Love you.

00:49.800 --> 00:52.239
-Tatandaan ko 'to.
-Akala ko, hetero-curious ka.

00:52.320 --> 00:54.760
Maganda pa nga yata sa balat 'to.

00:56.480 --> 00:58.680
Aaralin ko nang mag-juice sa bahay.

00:59.199 --> 01:00.720
Ano'ng nandito? Celery, 'no?

01:00.800 --> 01:02.279
Hindi. Luya?

01:03.879 --> 01:07.200
ALPHA MALES

01:09.960 --> 01:11.160
Bye. Salamat.

01:11.759 --> 01:14.560
-Uy! 'Ayun siya!
-Traydor ka, pare!

01:14.640 --> 01:16.759
Paano mo nagawa sa 'min 'to?

01:16.840 --> 01:18.680
Tarantado ka!

01:20.560 --> 01:22.280
-Bakla!
-Bakla?

01:22.360 --> 01:24.720
-Hayop!
-Tabi! Manahimik kayo!

01:24.800 --> 01:26.800
-Ano'ng nangyayari?
-Umalis kayo! Tama na!

01:27.920 --> 01:30.800
Ang pinakaayaw ko. Protesta ng mga incel!

01:30.880 --> 01:32.759
Nagbunga 'yong landian n'yo ng feminist.

01:32.839 --> 01:34.560
Blanca, wala ako sa mood.

01:34.640 --> 01:36.000
Nakakagulat naman.

01:36.080 --> 01:38.880
Inayos ko na 'yong week mo.
May date kayo bukas ni Sole.

01:38.960 --> 01:41.040
"Divorced at handa nang mabuhay."

01:41.119 --> 01:44.800
Ayoko. Di pa 'ko nakaka-move on kay Irene.

01:44.880 --> 01:48.119
Matutulungan ka nitong makalimot.
Di pwedeng sa bahay ka lang.

01:48.199 --> 01:50.160
Di ko gets. Bakit di siya tumatawag?

01:50.720 --> 01:52.559
Kasi sabi mo, wag kang tawagan?

01:53.039 --> 01:55.720
Iwasan mo siya
kung gusto mo siyang kalimutan.

01:55.800 --> 01:58.320
Kunwari, patay na siya. Zero contact.

01:59.479 --> 02:03.000
Hindi, tama ka.
Hindi pa katapusan ng mundo.

02:03.520 --> 02:06.759
Perfect si Irene, pero ayos lang.

02:07.280 --> 02:11.079
Makakahanap ako ng iba. O baka hindi na…

02:11.160 --> 02:12.560
Si Manu nga, nahirapan.

02:12.640 --> 02:15.320
Pero sa huli, naisip niyang
dapat siyang mag-move on.

02:15.400 --> 02:18.360
Di na siya nagte-text.
Baka nga blocked na 'ko.

02:18.440 --> 02:21.600
Parang nagugustuhan ko
tuloy ulit siya. Pero…

02:23.080 --> 02:24.560
-What the fuck?
-Bakit?

02:24.640 --> 02:26.760
May iba na ang gago!

02:26.840 --> 02:28.880
Nalimot ka na niya agad? Paano?

02:28.959 --> 02:32.320
Sabi mo, mamamatay ka
nang wala ako? Ba't buhay ka pa?

02:32.400 --> 02:34.360
Alex, zero contact.

02:34.440 --> 02:37.360
Nasa labas pa ang mga inutil.
Sabuyan ko na ng tubig?

02:39.040 --> 02:42.320
Okay lang bang
tumingin muna 'ko ng mga sapatos?

02:42.400 --> 02:44.239
-Late na 'ko.
-Ano'ng mas mahalaga?

02:44.320 --> 02:47.760
Judo class mo o 'yong pagpapaganda
ng mama mo sa premiere ng show niya?

02:47.840 --> 02:49.920
May gusto akong sabihin sa 'yo…

02:50.000 --> 02:51.519
-Hello?
-Good afternoon.

02:51.600 --> 02:54.880
Kukumpirmahin ko lang
ang appointment n'yo bukas kay Dr. Duran.

02:55.480 --> 02:58.160
-Appointment?
-Opo, under kay Jacobo Bravo.

02:59.000 --> 03:00.640
'Yong hormone blockers ko!

03:00.720 --> 03:03.600
-Ako ang nag-book.
-I-cancel mo na. Salamat.

03:03.679 --> 03:05.600
-Uy!
-Anak, suportado kita.

03:05.679 --> 03:06.560
Maliban diyan.

03:07.080 --> 03:09.480
Pero lalaki ako! Ayokong magka-boobs.

03:09.560 --> 03:12.720
Jacobo, sa panahon ngayon,
pwede kang maging lalaki kahit may boobs.

03:12.799 --> 03:13.760
Gaya ni Tito Andres.

03:13.840 --> 03:16.880
Mawawala ang custody n'yo.
Tatawag ako ng social services.

03:16.959 --> 03:18.360
-Uy, wag!
-Luis!

03:18.440 --> 03:20.519
Ulises, tama na! Utang na loob.

03:20.600 --> 03:22.760
Hoy, maaaksidente tayo!

03:22.840 --> 03:24.280
Diyos ko. Tingnan mo.

03:24.360 --> 03:26.120
Mga walang kwentang magulang.

03:27.239 --> 03:30.360
"Delayed na paglaki,
pagkabawas ng skeletal mass."

03:30.440 --> 03:33.399
"Posibleng brain damage."
Di siya pwedeng mag-inject niyan!

03:33.480 --> 03:36.239
Pinag-amphetamine natin si Ulises
para mag-behave sa klase.

03:36.320 --> 03:37.640
Magkaiba 'yon, Luis.

03:37.720 --> 03:39.799
Paano kung magpa-mastectomy siya?

03:39.880 --> 03:42.920
Di ba mas okay na 'yon
kaysa magpatanggal ng healthy organs?

03:43.000 --> 03:44.480
Ewan. Nahihilo ako.

03:44.560 --> 03:46.239
Sa puntong 'to, ewan ko…

03:46.320 --> 03:48.679
Ngayon pang umaalagwa na ang career ko?

03:48.760 --> 03:51.799
Bakit di na lang maging okay ang lahat?
Lagi na lang ganito.

03:51.880 --> 03:55.320
Nabanggit mo na lang din, meron palang…

03:56.480 --> 03:58.760
Buwisit, ang labo na ng paningin ko.

03:59.839 --> 04:02.720
-Hello?
-Esther, si Paz 'to. Fiancée ni Luz.

04:02.799 --> 04:03.640
O.

04:03.720 --> 04:06.119
Nag-organize ako ng bachelorette party
para sa kanya.

04:06.200 --> 04:08.200
Di ba dapat kaibigan niya ang gumawa no'n?

04:08.280 --> 04:11.280
-May inorganize ka ba?
-Wala.

04:11.359 --> 04:12.359
Sasali ka ba?

04:12.440 --> 04:14.880
Bukas, 10:00 sa address na isesend ko.

04:14.959 --> 04:16.159
Top-secret 'yon.

04:16.240 --> 04:20.159
'Yong anak kong si Iris kasi,
may identity crisis, tapos…

04:20.240 --> 04:21.320
Isama mo siya.

04:22.079 --> 04:24.920
-Nine pa lang siya.
-Magugustuhan niya 'yon.

04:28.120 --> 04:30.920
Sa'n tayo pupunta?
After pa ng kasal ang honeymoon.

04:31.000 --> 04:33.440
Talaga? Hindi nga? Una ka na.

04:37.160 --> 04:40.160
Pero… di ba sabi mo,
baduy ang bachelorette party?

04:40.240 --> 04:41.640
Kung magkasama tayo, romantic.

04:41.720 --> 04:43.840
Makikilala natin ang friends ng isa't isa.

04:44.360 --> 04:46.680
GOODBYE TITI FOREVER

04:46.760 --> 04:47.840
Surprise, girl!

04:49.320 --> 04:52.039
-Ba't kasama ang baby girl mo?
-Baby boy.

04:55.400 --> 04:56.400
ALPHA MALES

04:57.800 --> 05:00.720
Congratulations,
sinira mo ang marketing campaign.

05:00.800 --> 05:03.479
Sorry, Virginia. Walang kapatawaran 'yon.

05:03.560 --> 05:07.360
Maiintindihan ko anumang gawin mo,
kahit ga'no pa ka-drastic.

05:07.440 --> 05:09.280
Pedro, hindi kita tatanggalin.

05:09.360 --> 05:12.599
Nakakatuwa. Kasi pakiramdam ko,

05:12.680 --> 05:15.840
unti-unti na tayong nagkakaintindihan.

05:17.440 --> 05:19.160
Ganito, sweetie.

05:19.760 --> 05:20.840
Nag-sex tayo.

05:20.919 --> 05:24.880
Pareho tayong nape-pressure,
at naglabas lang tayo ng init.

05:24.960 --> 05:28.280
Pero wag lalaki ang ulo mo,
kasi walang nagbago.

05:28.359 --> 05:29.599
Buweno…

05:30.640 --> 05:31.880
Nagbago nang kaunti.

05:33.800 --> 05:37.200
Di ito ang unang beses na nagtaksil ako,
at di rin 'to ang huli.

05:37.280 --> 05:39.880
Di ko ipinagmamalaki
o pinagsisisihan 'yon.

05:39.960 --> 05:44.120
Pag nagsumbong ka, masasaktan man siya,
mapapatawad ako ng asawa ko.

05:44.200 --> 05:48.800
Pag sinabi mo sa mga boss,
tatanggalin ka nila dahil malas ka.

05:48.880 --> 05:50.720
Tiyak na nasabi mo na sa mga pare mo

05:50.800 --> 05:53.240
dahil nakakalalaki para sa 'yo
ang makatira ng babae.

05:53.760 --> 05:55.000
Wala 'kong pakialam.

05:56.680 --> 05:59.080
Nakaka-offend na naisip mong
iba-blackmail kita.

05:59.160 --> 06:01.880
Mabuti. Kung gayon, sang-ayon tayo pareho.

06:02.680 --> 06:06.599
Pwede na tayong umarteng adults
at pumunta na sa content meeting?

06:06.680 --> 06:08.960
Isa-suggest ko na nga sana.

06:09.039 --> 06:11.919
-Umarte tayong normal.
-Mismo.

06:12.000 --> 06:15.320
Kamuhian mo 'ko.
Wag mo lang ipaalam na kinain mo 'ko.

06:17.799 --> 06:19.160
Patingin ng tables mo.

06:19.720 --> 06:22.160
Tatlo lang para sa pamilya ko
at isa sa mga tropa ko.

06:23.520 --> 06:26.160
Teka. Ano 'tong "Luz and wife"?

06:26.240 --> 06:28.200
Polite ako, inimbita ko sila.

06:28.280 --> 06:30.720
Ayokong nasa kasal ko ang ex mo.
Baliw ka ba?

06:30.799 --> 06:32.799
Lesbian na siya, kaya naisip ko…

06:32.880 --> 06:34.760
Kahit Mormon pa siya. Di okay.

06:34.840 --> 06:36.400
Okay. Kalimutan mo na.

06:37.000 --> 06:40.160
Si Rafa na lang ang imbitahan natin.
Nalimot mo siya.

06:41.599 --> 06:45.120
Sasabihan ko na si Luz
bago pa siya bumili ng dress.

06:45.200 --> 06:46.760
Wag mong sabihing sinabi ko.

06:47.280 --> 06:48.599
Wag kang mag-alala.

06:49.680 --> 06:52.560
-Ayaw ni Marimar na nasa kasal ka.
-Okay.

06:52.640 --> 06:55.919
Ginawan mo 'ko ng pabor
kasi ayaw ding pumunta ni Paz.

06:56.000 --> 06:58.320
-Nasa'n ka?
-Sa bachelorette party.

06:58.840 --> 06:59.720
Hinay-hinay diyan.

06:59.799 --> 07:02.200
Maraming nasisirang kasalan
dahil sa ganyan.

07:02.280 --> 07:04.479
Magkasama kaming nagse-celebrate.

07:04.560 --> 07:06.520
-Pa'no kayo magsasaya niyan?
-Bye, Raúl.

07:07.039 --> 07:08.479
Saka na lang ulit, ha?

07:21.760 --> 07:23.799
Tingnan mo sila. Sobrang hot nila.

07:23.880 --> 07:26.200
Pwedeng tubig 'yong akin?

07:26.280 --> 07:28.520
Ma, alam kong naglalasing ka sa labas.

07:29.039 --> 07:30.640
Gin and tonic na nga lang.

07:30.719 --> 07:33.080
Alam mo kung saan tayo pupunta?

07:34.239 --> 07:35.400
Sa Tarragona.

07:35.479 --> 07:37.680
Tarragona? Ano'ng nasa Tarragona?

07:38.919 --> 07:40.760
Puta! Wala bang ibang plano?

07:40.840 --> 07:42.680
Sana Maldives na lang.

07:42.760 --> 07:43.960
Duwag ka lang, e.

07:44.680 --> 07:46.840
Pakawalan n'yo 'ko!

07:47.560 --> 07:50.239
Mga puta kayo!

07:53.039 --> 07:54.479
Gusto ko sa Dragon Khan.

07:55.000 --> 07:56.799
Sandali lang, anak.

07:56.880 --> 07:58.000
Sandali lang.

07:58.719 --> 08:00.719
Sino'ng sasama sa 'kin sa Angkor?

08:00.799 --> 08:01.840
Ako!

08:06.200 --> 08:08.359
Ilan kaya sa friends niya
ang naka-sex niya?

08:08.440 --> 08:09.640
Lahat sila, siguro?

08:09.719 --> 08:12.359
Tinitira niya, pagkatapos,
tinatayuan ng negosyo. Pwede na.

08:13.320 --> 08:16.840
Siya lang ang nakarelasyon kong babae.
Bukod sa naka-threesome namin ni Raúl.

08:17.359 --> 08:19.560
Ewan ko. Para akong virgin.

08:19.640 --> 08:22.120
Ang ganda no'n, di ba? Ikaw ang napili.

08:22.760 --> 08:25.280
Oo. Pero di ko maintindihan kung bakit.

08:25.359 --> 08:28.080
Straight ka. Sila, berde ang dugo.

08:29.200 --> 08:30.159
Tara na.

08:31.520 --> 08:33.919
Gawin nating confidence 'yang takot mo

08:34.000 --> 08:36.159
para makontrol mo ang labor mo.

08:36.679 --> 08:38.079
Hingang-malalim,

08:39.039 --> 08:43.440
punuin ang 'yong isip at puso
ng pag-ibig at kapayapaan.

08:43.520 --> 08:47.120
At i-recite natin
ang magiging mantra mo mula ngayon,

08:47.199 --> 08:50.400
"Alam ng katawan ko kung pa'no manganak.
Alam din ito ng anak ko."

08:50.480 --> 08:54.000
"Alam ng katawan ko
kung pa'no manganak. Alam din ito…"

08:55.440 --> 08:56.920
Excuse me lang!

09:01.320 --> 09:02.400
Honey!

09:02.920 --> 09:06.400
Pwede kayang mag-paint ka kaysa mag-DJ o…

09:06.480 --> 09:08.840
May hypnobirthing class kasi ako.

09:08.920 --> 09:10.880
Ba't di mo sinabi? Samahan kita.

09:10.959 --> 09:12.240
Hindi na. Salamat.

09:12.320 --> 09:15.560
Samahan na kita
para maka-connect tayo sa bata. Tara!

09:16.760 --> 09:18.000
Magbihis ka muna.

09:19.360 --> 09:20.440
Salamat.

09:20.520 --> 09:22.560
-Ayoko na. Maghihiwalay na kami.
-Agad?

09:22.640 --> 09:25.040
Parang bigla siyang naging tanga,
at ako rin.

09:25.120 --> 09:29.040
Akala ko, two years ang kilig phase.
Two months lang sa 'kin.

09:29.120 --> 09:30.839
Lahat, pabilis nang pabilis.

09:30.920 --> 09:33.959
At pag pinatira mo sila sa bahay…
Napaka-cute!

09:34.480 --> 09:38.120
Ayaw kong umasa sa lalaki,
pero ayaw ko ring mag-alaga.

09:39.440 --> 09:40.800
May napanood ako sa TikTok,

09:40.880 --> 09:43.680
kung mahilig ka sa mga artistic,

09:43.760 --> 09:46.120
'yon ay dahil di mo ma-express
ang emotions mo,

09:46.199 --> 09:48.280
kaya pino-project mo 'yon sa kanya.

09:48.360 --> 09:49.839
Kalokohan.

09:50.440 --> 09:53.920
Sensitive si Tomás, ingat ka.
Mas maraming lalaki ang nagsusuicide.

09:54.839 --> 09:58.520
Salamat, Cynthia.
Buti na lang at nandiyan ka.

09:58.600 --> 10:00.440
Panglimang tawag ko na 'to.

10:00.520 --> 10:03.839
Kahapon pa may incel protest
sa labas ng bahay ko…

10:03.920 --> 10:04.760
Incels.

10:05.280 --> 10:06.880
Hindi, incels.

10:07.400 --> 10:11.240
Involuntary celibates, okay?
Mga hindi maka-score, kaya…

10:11.839 --> 10:14.920
Hindi, di nila 'ko gustong gahasain,
pero nakakainis…

10:16.839 --> 10:19.079
Gawin n'yo na lang
ang trabaho n'yo. Salamat.

10:22.680 --> 10:23.839
Masarap ang beer.

10:24.480 --> 10:25.480
Gluten-free.

10:25.560 --> 10:27.240
Pahingi ng Doritos.

10:29.839 --> 10:31.480
Parak! Tara na!

10:31.560 --> 10:33.160
-Puta!
-Shit, pare.

10:33.760 --> 10:35.000
Takbo!

10:35.839 --> 10:36.920
Fede, takbo!

10:39.560 --> 10:41.079
Para sa'n 'yong taxes ko?

10:41.160 --> 10:44.400
Bukod sa pag-aayos ng kalsadang
di kailangang ayusin.

10:44.480 --> 10:47.839
Tingnan mo siya, mukhang cartoon.
Ang daming pinaretoke.

10:47.920 --> 10:48.959
Alex, babae ka.

10:49.040 --> 10:52.199
-Di mo dapat pinupuna ang kapwa mo.
-Makikipag-date ako.

10:52.280 --> 10:55.360
Dami kayang nagpapadala
ng fire emojis sa Stories ko.

10:55.440 --> 10:58.959
Ito, tingnan natin. "Kumusta, Ariel?"

10:59.480 --> 11:01.240
'Yon! May date na 'ko.

11:01.320 --> 11:02.320
Sa sine?

11:02.400 --> 11:05.440
Ha? Bakit sa sine?
Di pa nga kami nagse-sex.

11:06.719 --> 11:08.520
Wasak ka talaga, 'no?

11:09.079 --> 11:13.680
Blanca, natutuwa naman akong
may pakialam ka sa nararamdaman ko.

11:13.760 --> 11:17.560
Unang beses 'to siguro.
Pero wala ako sa mood makipag-usap.

11:20.680 --> 11:21.680
Party tayo?

11:21.760 --> 11:23.199
-Ha?
-Magsayaw tayo.

11:23.280 --> 11:27.000
-Basta wag sa Snobissimo. Banned ako do'n.
-Blanca, di ako lalabas kasama mo.

11:27.079 --> 11:29.400
Gusto ko lang magmukmok sa bahay.

11:29.480 --> 11:31.199
-Shi…
-Bakla!

11:31.280 --> 11:32.480
Tarantado!

11:34.160 --> 11:35.920
Hi, Papa. Okay ka lang?

11:36.000 --> 11:38.839
Hindi. Busy akong unti-unting mamatay.

11:39.880 --> 11:41.560
Buweno… heto.

11:43.920 --> 11:46.360
Nasa bachelorette party si Esther,

11:46.440 --> 11:48.959
kaya naisip ko,
"Kumustahin natin si boss."

11:51.280 --> 11:54.040
Paco, ano ba! Wala akong marinig!

11:54.880 --> 11:56.160
May emphysema.

11:56.240 --> 11:57.240
Okay…

11:57.880 --> 12:00.320
Pinadala mo ba 'yong sulat kay Mama?

12:00.920 --> 12:02.839
Oo. Pero di pa siya sumasagot.

12:02.920 --> 12:06.360
Busy siguro. Panay ang travel niya.

12:06.440 --> 12:09.000
Kahit kalahating oras lang
para sumagot, wala? 'Sus!

12:09.520 --> 12:10.560
Carmen!

12:12.079 --> 12:13.040
Ano?

12:14.480 --> 12:15.320
Ano?

12:17.199 --> 12:18.560
Na-stroke si Mama.

12:25.000 --> 12:27.480
Gagawin ba natin 'yong Harassed o hindi?

12:27.560 --> 12:29.240
-Sabihan mo kami.
-Ewan ko.

12:29.320 --> 12:30.760
Pedro, ano sa tingin mo?

12:34.000 --> 12:36.280
Nakakatawa naman 'yong series.

12:36.360 --> 12:41.199
Masyadong insecure 'yong bida,
pero totoo namang

12:41.880 --> 12:44.640
nakakatawa talaga 'yong ibang sitwasyon.

12:44.719 --> 12:46.560
Pwede kayang "Base sa tunay na buhay?"

12:46.640 --> 12:47.480
Hindi.

12:47.560 --> 12:50.000
Kailan ang pitch sa network?

12:50.079 --> 12:52.280
Bukas. Pero si Pedro ang magpi-pitch.

12:52.360 --> 12:53.719
Pero sa 'min 'to.

12:53.800 --> 12:57.800
Alam ko. Pero maniwala kayo,
si Pedro lang ang makakapagbenta nito.

12:58.760 --> 12:59.640
Ayusin mo.

13:03.199 --> 13:04.400
Sige!

13:08.280 --> 13:10.360
-Ang cool nito!
-Di ba?

13:10.440 --> 13:13.839
Sa boat ko sana ang party,
pero mas masaya 'to, di ba?

13:13.920 --> 13:15.040
May boat ka?

13:15.920 --> 13:18.800
Dalawa. At private jet.
Binabayaran ko na lang.

13:18.880 --> 13:20.000
Ingat!

13:22.040 --> 13:24.440
Pagtanda ko, gusto ko ring magnegosyo.

13:24.520 --> 13:25.560
Siyempre.

13:25.640 --> 13:29.000
Baka manalo ka rin
ng Woman of the Year award.

13:29.599 --> 13:30.959
Pero lalaki ako.

13:33.680 --> 13:35.079
Ayokong magpalda.

13:35.160 --> 13:37.240
Ako rin. Mas komportable ang pants.

13:37.320 --> 13:39.839
At mas malaki ang kita
ng male soccer players.

13:39.920 --> 13:44.360
Hindi ako nagsa-soccer,
pero di ako nawawalan ng pera.

13:45.320 --> 13:47.480
Mas gusto ko ng babae kaysa lalaki.

13:47.560 --> 13:48.480
Ako rin!

13:48.560 --> 13:50.880
Nakita mo kung ga'no kaganda
ang pakakasalan ko?

13:50.959 --> 13:51.800
Sige.

13:54.280 --> 13:55.480
Iwasan ninyo!

13:56.079 --> 14:00.000
Nakakalungkot, kasi minsan,
wala akong tiwala kay Raúl sa ex niya.

14:00.599 --> 14:01.520
Sa akin?

14:01.599 --> 14:03.839
Ininvite niya 'yong ex niya
nang walang paalam.

14:03.920 --> 14:05.480
Iisa lang ang proposal namin.

14:06.320 --> 14:08.160
Parang mahal pa niya 'yon.

14:09.240 --> 14:10.440
Totoo ba 'yon, Raúl?

14:10.520 --> 14:12.480
Mahal mo pa rin ba si…

14:12.560 --> 14:14.479
-Ano'ng pangalan niya?
-Luz.

14:15.000 --> 14:15.839
Si Luz?

14:16.479 --> 14:18.680
Maganda ang nararamdaman ko
sa kanya no'n.

14:20.560 --> 14:21.680
Pero di na ngayon.

14:22.280 --> 14:23.599
'Yon pa.

14:23.680 --> 14:25.520
Kung di na niya siya mahal,

14:25.599 --> 14:27.680
pa'no kung tumigil din siyang mahalin ako?

14:27.760 --> 14:28.599
Okay, ganito.

14:29.400 --> 14:31.520
Sa totoo lang,
di ka dapat magtiwala kay Raúl.

14:32.280 --> 14:33.719
Magtiwala ka sa Diyos.

14:33.800 --> 14:37.079
Wala sa damdamin ang sakramento ng kasal.
Nasa commitment 'yon.

14:37.160 --> 14:39.360
Pabago-bago ang damdamin.

14:39.959 --> 14:42.479
-Ang commitment, pagkukusa 'yon.
-Mismo.

14:44.719 --> 14:46.800
-Gusto mo bang mangumpisal?
-Opo.

14:52.199 --> 14:55.680
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

14:55.760 --> 14:57.160
Sumaiyo ang Panginoon,

14:57.240 --> 14:59.880
upang maikumpisal mo ang iyong mga sala.

14:59.959 --> 15:00.959
Wala naman gaano.

15:01.959 --> 15:03.439
White lies lang.

15:03.520 --> 15:05.199
Mga maruming naiisip.

15:05.839 --> 15:07.280
Parang nanggagaling 'yon

15:07.360 --> 15:09.959
sa bagay na di ko pa masolusyunan.

15:10.920 --> 15:12.120
Ano 'yon, Raúl?

15:12.199 --> 15:14.599
Mahilig ako sa mga babae. Sobra.

15:14.680 --> 15:17.240
Tuwang-tuwa akong naimbento ang babae.

15:18.199 --> 15:20.520
Pinakamaganda sa lahat
ang isang magandang babae.

15:20.599 --> 15:22.719
Walang makakatalo ro'n. Wala.

15:22.800 --> 15:25.920
-Ginugulo nila ang isip ko.
-Karaniwan 'yan.

15:26.439 --> 15:28.560
-Tipikal kang babaero.
-Tama.

15:28.640 --> 15:31.640
Pero sa lahat ng 'yon,
isa lang ang talagang gumugulo sa isip ko.

15:32.839 --> 15:35.040
-Ewan kung ano'ng na kay Luz…
-Raúl.

15:35.880 --> 15:38.079
Nasa harap mo na ang solusyon.

15:38.160 --> 15:39.280
Kasal.

15:40.360 --> 15:41.199
Tama.

15:41.719 --> 15:43.920
Magiging mabuting tao ako sa pagpapakasal.

15:44.479 --> 15:46.000
Si Marimar ang pinakamamahal ko.

15:46.079 --> 15:48.439
Kahit hindi, di na mahalaga. Tingin mo?

15:48.520 --> 15:50.479
Na pinagbuklod kayo ng Diyos?

15:51.800 --> 15:56.479
Na sa bilyon-bilyong nasa mundo,
itinadhana kayong mahanap ang isa't isa?

15:56.560 --> 15:57.800
Oo, di ba?

15:57.880 --> 15:59.760
Iyon ang plano ng Diyos, ang…

15:59.839 --> 16:01.079
Hindi.

16:01.160 --> 16:04.760
Pumili ka ng sakto lang
at magsakripisyo ka. 'Yon ang pag-aasawa.

16:05.959 --> 16:08.479
Di ba parang patriarchal pact 'to, Father?

16:08.560 --> 16:10.479
Sampung Ama Namin lang, okay na.

16:10.560 --> 16:12.599
Sa ngalan ng Ama, ng Anak,
ng Espiritu Santo.

16:12.680 --> 16:14.880
Pinapatawad na kita. Humayo ka na.

16:17.280 --> 16:18.839
Ikaw na naman, Maricarmen?

16:19.599 --> 16:20.959
Attention, please.

16:21.479 --> 16:22.599
Salamat.

16:24.040 --> 16:28.599
Luz, napagdesisyunan kong
itali ang sarili ko sa 'yo habambuhay.

16:29.479 --> 16:31.760
Pero pakiramdam ko, malaya ako.

16:31.839 --> 16:34.240
Para sa diyosang pakakasalan ko.

16:34.319 --> 16:35.959
-Cheers!
-Cheers!

16:36.040 --> 16:37.359
-Cheers!
-Cheers.

16:40.479 --> 16:42.240
Napakaganda.

16:43.319 --> 16:45.160
Uy, may asawa ka na ba?

16:45.680 --> 16:46.880
Oo, girl.

16:46.959 --> 16:48.640
Pero faithful ka ba?

16:48.719 --> 16:52.199
Nagka-open relationship ako no'n,
pero hindi na ngayon.

16:53.839 --> 16:55.800
Sayang naman.

16:58.319 --> 16:59.880
Ma, patikim ng champagne?

16:59.959 --> 17:01.880
Anak, matulog ka na. Wala ka dapat dito.

17:01.959 --> 17:03.280
Pambabae lang 'to.

17:03.359 --> 17:06.159
Babae rin ako. Ayaw ko nang maging Jacobo.

17:06.240 --> 17:07.240
Ay!

17:12.280 --> 17:14.359
Para sa mga ikakasal!

17:20.919 --> 17:23.200
Kumusta? Ayaw mo bang makipagsayaw?

17:23.280 --> 17:26.240
-Miriam, di ako lesbyana.
-Pa'no ka nakakasiguro?

17:26.760 --> 17:29.280
Di ba sabi ng mama mo, tikman mo lahat?

17:29.360 --> 17:30.360
Ha?

17:34.800 --> 17:35.840
Ano…

17:36.360 --> 17:37.720
Excuse me lang.

17:39.680 --> 17:42.320
Uy, hinalikan ako ni Miriam sa labi.

17:42.840 --> 17:43.960
Kumusta naman?

17:44.040 --> 17:45.600
Girl, straight talaga ako.

17:46.200 --> 17:47.159
Malas mo.

17:47.760 --> 17:48.760
Oo nga, e.

17:49.840 --> 17:50.840
'Yan na siya!

17:54.919 --> 17:56.360
Mahal ko.

17:58.560 --> 17:59.560
Mag-baby tayo.

18:00.399 --> 18:01.960
-Ha?
-Seryoso ako.

18:02.600 --> 18:04.520
Pili tayo kung sino'ng magbubuntis.

18:04.600 --> 18:05.600
Wala na 'kong matris.

18:06.600 --> 18:07.800
Shit, oo nga.

18:07.880 --> 18:09.720
Sige. Ako na lang.

18:09.800 --> 18:12.000
May eggs ka ba, o akin na lang?

18:12.080 --> 18:13.560
Pwede naman ang akin.

18:13.640 --> 18:15.680
Paz, ayokong maging ina.

18:15.760 --> 18:17.480
Mapag-iisipan natin 'yan.

18:20.240 --> 18:21.640
Ang boring mo. Tara na.

18:21.720 --> 18:23.320
May rekord ka sa pulis.

18:23.919 --> 18:26.399
At mukha kang tanga,
tubig lang ang iniinom mo.

18:26.919 --> 18:28.399
Tama na 'yan.

18:28.480 --> 18:31.960
Kung hanapan kita ng malalandi
tapos, hanapan mo rin ako?

18:32.040 --> 18:35.120
Mas hindi nakakaawa,
di rin ako marereport.

18:36.760 --> 18:38.200
Sana nasa bahay na lang ako.

18:38.280 --> 18:41.600
Napaka-boring mo.
Di na kataka-takang iniwan ka ni Irene.

18:56.560 --> 18:57.679
Hey.

18:59.000 --> 18:59.960
Nagustuhan mo?

19:01.240 --> 19:03.440
Oo… Ikaw ba 'yan?

19:05.000 --> 19:06.120
Ayaw mo.

19:06.200 --> 19:08.000
Hindi mo gusto. Ang pangit.

19:08.080 --> 19:10.040
Wag mong sirain. Malay mo naman.

19:10.120 --> 19:13.720
Ang sining ay parang buhay, panandalian.
Nagpipinta ako para sa sarili ko.

19:15.280 --> 19:16.200
Okay.

19:19.280 --> 19:20.280
Usap tayo?

19:22.240 --> 19:23.640
Iiwan mo na 'ko, 'no?

19:24.159 --> 19:25.120
Gano'n kahalata?

19:25.200 --> 19:27.800
Agad? Manganganak ka na.

19:28.399 --> 19:29.360
Kaya nga.

19:30.360 --> 19:34.000
Sa tingin ko, pinakamainam
para sa mental stability ko

19:34.080 --> 19:36.040
na umalis ka sa lalong madaling panahon.

19:36.560 --> 19:38.000
May nasabi ba ako o…

19:38.080 --> 19:42.200
Hindi. Kakagaling ko lang
sa complicated relationship…

19:42.280 --> 19:44.679
at ayoko na muna ulit ng gulo.

19:47.040 --> 19:48.600
Dinudurog mo ang puso ko, Daniela.

19:48.679 --> 19:50.000
Ganiyan ang breakup.

19:50.080 --> 19:51.200
Wag mong masamain.

19:51.280 --> 19:55.960
Ang laking dagok nito.
Pero nakaka-pressure mahalin.

19:56.040 --> 19:58.280
Lagi mong sinusubukang di sila biguin.

19:58.800 --> 19:59.919
Oo. Okay.

20:01.200 --> 20:03.040
Pero para din 'to sa 'yo.

20:03.120 --> 20:05.120
Kasi pakiramdam ko, parang…

20:05.200 --> 20:08.320
nasisira ko 'yong creativity mo
sa kasiyahan ko.

20:08.399 --> 20:10.640
Oo nga. Medyo, sa totoo lang.

20:14.320 --> 20:16.960
Pwede kang mag-alay
ng heartbreak song para sa akin.

20:17.040 --> 20:19.880
Revenge song ala-Taylor Swift.

20:28.880 --> 20:29.880
Sige.

20:31.120 --> 20:32.840
-Pwedeng humingi ng pabor?
-Sige.

20:33.720 --> 20:35.159
Pwedeng tabi tayo matulog?

20:36.280 --> 20:37.440
Ang weird no'n.

20:37.520 --> 20:38.760
Ang ganda no'n.

20:56.440 --> 20:57.600
Buwisit na Stefan.

21:06.360 --> 21:07.720
Good morning.

21:07.800 --> 21:10.159
Alex, nagkamali ako.

21:10.240 --> 21:12.560
Naku. Tinawagan mo si Irene.

21:12.640 --> 21:13.919
Mas malala pa do'n.

21:14.000 --> 21:15.320
Good morning.

21:15.399 --> 21:18.480
Ang sweet mo naman. Salamat.

21:22.200 --> 21:23.919
Akin na ang pera ko. Aalis na 'ko.

21:24.000 --> 21:26.560
Hindi, tama ka. Maling magmukmok sa bahay.

21:26.640 --> 21:29.040
Tuloy pa rin 'yong Tinder date kay Sole?

21:29.120 --> 21:31.560
Nag-cancel ako. Tatanungin ko siya.

21:42.520 --> 21:43.480
Pedro.

21:44.679 --> 21:45.919
Welcome.

21:47.040 --> 21:49.240
-Kumusta?
-Ako si Marta, assistant ni Angela.

21:49.320 --> 21:51.399
Halika. Hinihintay ka niya.

21:52.600 --> 21:53.640
Dito.

21:54.919 --> 21:55.840
'Ayun siya.

21:56.360 --> 21:58.320
Uy, Pedro. Long time no see.

21:59.200 --> 22:01.040
-Hello.
-Dala mo ang pepper spray mo?

22:01.120 --> 22:02.760
-Pwede kang ibeso?
-Hindi.

22:02.840 --> 22:05.600
Dala ko lang 'yon
pag nagba-bike, para sa aso.

22:08.159 --> 22:10.640
Okay. Maupo ka.

22:10.720 --> 22:13.760
-Gusto mo ba ng tsaa o kape?
-Tubig, please.

22:15.159 --> 22:18.040
Di ko alam na dito ka nagtatrabaho.

22:18.120 --> 22:21.480
Film and Series Content Director.
Nasa 40-plus ang projects ko.

22:21.560 --> 22:24.439
Ang laki ng inangat sa career ko. Salamat.

22:25.040 --> 22:27.640
-Walang anuman.
-Ano'ng ipapakita mo sa 'kin?

22:28.159 --> 22:31.320
Series siya. Harassed ang title.

22:32.640 --> 22:33.560
Thriller?

22:33.640 --> 22:36.880
Tragicomedy. Ito 'yong pilot.
Basahin mo na lang.

22:36.960 --> 22:38.200
Hindi, pahingi ng pitch.

22:38.280 --> 22:40.480
Balita ko, magaling kang salesman.

22:47.159 --> 22:48.679
Okay. Tingnan natin.

22:49.600 --> 22:52.200
Kuwento ito
ng 40-something male executive

22:52.280 --> 22:54.520
na nagtrabaho sa isang kompanya,

22:55.120 --> 22:57.760
at 'yong boss niyang matalino at maganda,

22:58.919 --> 22:59.960
hinarass siya.

23:00.480 --> 23:01.360
Aha.

23:02.159 --> 23:05.840
Akala niya, hinaharass siya
kasi may mga ginagawa siyang

23:05.919 --> 23:08.919
maituturing ngayong harassment.

23:09.000 --> 23:10.840
Bale, hindi malinaw ang isyu.

23:11.439 --> 23:14.200
Hindi. Para sa kanya,
pero di niya alam ang gagawin.

23:14.280 --> 23:15.280
Ano,

23:16.280 --> 23:17.399
medyo lost siya.

23:17.480 --> 23:18.600
Kawawa naman.

23:20.600 --> 23:24.360
Sa huli,
dahil sa social pressure at iba pa,

23:24.960 --> 23:29.600
inireport niya 'to,
at naging complicated na lahat.

23:29.679 --> 23:30.640
Tama.

23:32.399 --> 23:34.439
Feminist 'yong perspective.

23:34.520 --> 23:37.080
Bale, gago 'yong bida.

23:37.159 --> 23:39.280
Sweet… na gago.

23:39.360 --> 23:42.480
Mangmang na gago
at clueless social climber.

23:42.560 --> 23:43.720
Parang gano'n.

23:45.720 --> 23:47.840
Mukhang masaya.
Babasahin ko, sasabihan kita.

23:47.919 --> 23:48.960
-Ayos.
-Perfect.

23:49.040 --> 23:52.240
Buweno, masaya akong
makita ka ulit, Angela.

23:52.880 --> 23:54.840
Pakibati na lang si Virginia.

23:57.080 --> 23:58.200
Magkakilala kayo?

23:58.280 --> 23:59.640
Naikuwento ka niya.

24:00.240 --> 24:01.320
Ako?

24:01.399 --> 24:02.600
Na sakto ka lang.

24:02.679 --> 24:04.360
Wala akong panghihinayangan.

24:10.040 --> 24:12.919
Pina-pitch mo talaga sa 'kin
ang Harassed kay Ángela?

24:13.000 --> 24:15.760
Bayad 'yan sa presscon. Patas na tayo.

24:15.840 --> 24:16.880
Patas?

24:16.960 --> 24:18.600
Alam mo kung ga'no kahirap 'yon?

24:18.679 --> 24:20.480
Muntik na akong atakihin.

24:21.880 --> 24:24.960
Pedro, siguradong ipo-produce niya 'yon.

24:25.040 --> 24:27.200
Biopic niya ang ibinenta natin.

24:28.880 --> 24:30.720
Bakit mo kinuwento 'yong nangyari?

24:30.800 --> 24:32.560
Ano'ng sasabihin ko?

24:32.640 --> 24:34.159
Dapat magdiwang tayo, di ba?

24:35.000 --> 24:36.000
May idea ka ba o…

24:37.720 --> 24:38.840
Biro lang.

24:38.919 --> 24:41.720
Hindi. Wag kang magbibiro
ng ganito, Virginia.

24:41.800 --> 24:43.040
Relax.

24:44.360 --> 24:46.600
Magkaka-meaning lang ang sex
kung bibigyan mo.

24:46.679 --> 24:47.600
Oo nga.

24:47.679 --> 24:51.200
Ipapaalam ko sa scriptwriters
na matagumpay ang meeting mo.

24:51.280 --> 24:54.080
Siya nga pala,
pag-isipan na natin ang cast.

25:06.480 --> 25:07.439
Paz?

25:08.600 --> 25:09.560
Ano 'yon?

25:11.800 --> 25:14.360
Na-realize kong mahal na mahal kita.

25:14.880 --> 25:16.960
Buong araw na 'kong nagseselos.

25:17.040 --> 25:19.760
Ang cute mo, mahal ko. Maganda 'yan.

25:20.960 --> 25:22.960
Ilan sa mga kaibigan mo ang naka-sex mo?

25:27.439 --> 25:28.640
Mahalaga pa ba 'yon?

25:30.399 --> 25:31.399
Okay.

25:37.880 --> 25:38.760
Luz.

25:39.280 --> 25:41.399
Gusto kitang pakasalan. Hm?

25:41.480 --> 25:43.880
Ako rin. Kaya nga 'ko nag-aalala.

25:43.960 --> 25:47.000
Di ba dapat hintayin nating
humupa muna 'yong kilig?

25:47.080 --> 25:49.080
Para makapagdesisyon tayo nang objective.

25:50.960 --> 25:52.640
Tara. Maglakad-lakad tayo.

25:53.159 --> 25:55.840
-Magbabad ka para di ka mag-isip.
-Wag! Ayoko!

26:00.040 --> 26:01.240
Papatayin kita!

26:01.760 --> 26:02.760
Musta ang tubig?

26:06.520 --> 26:10.120
Napakasuwerte mo
at nakagawa ka ng buhay sa katawan mo.

26:10.800 --> 26:12.399
Kilala ng anak mo ang boses mo.

26:12.480 --> 26:15.080
Ramdam niya ang emosyon mo, mga haplos mo.

26:15.159 --> 26:17.120
May panlasa na rin siya.

26:17.199 --> 26:19.840
Parang napakasama kong tao.

26:19.919 --> 26:22.439
Focus tayo
sa pakikipag-ugnayan sa anak mo.

26:22.520 --> 26:25.040
Pero di ko kaya. Ang pangit ng tulog ko.

26:25.120 --> 26:27.399
Sure kang gusto mo ng natural birth?

26:27.480 --> 26:29.240
Sure na sure na 'ko.

26:29.320 --> 26:31.560
Ngayong mas kalmado ka na,

26:31.640 --> 26:35.600
mag-record ka ng video message
para sa sarili mo habang nanganganak.

26:35.679 --> 26:37.840
Pero… Record ng video?

26:37.919 --> 26:38.880
Ng sarili ko?

26:38.960 --> 26:41.000
Matutulungan ka no'n.

26:44.280 --> 26:47.320
Pangit yata ang timing. nito
kasi baka nagle-labor ka na…

26:47.399 --> 26:49.640
Pero paalala ko lang 'to sa 'yo

26:49.720 --> 26:52.320
na ginusto mo 'to
at mahusay ang ginagawa mo.

26:52.399 --> 26:54.000
Na napakasuwerte mo.

26:54.520 --> 26:55.800
At…

26:55.880 --> 26:57.600
Alam ng katawan mo paano manganak…

26:59.000 --> 27:02.240
Alam ng katawan mo paano manganak.
Alam ng anak mo kung paano ipanganak.

27:02.320 --> 27:04.439
At isipin mo na ang pangalan niya.

27:04.520 --> 27:07.320
Kasi lagi mong ipinagpapabukas at…

27:07.399 --> 27:09.960
I love you. Okay. Bye.

27:11.720 --> 27:12.880
-Okay ba 'yon?'
-Oo.

27:12.960 --> 27:13.880
Talaga?

27:16.199 --> 27:18.320
Sorry, 'yong tangang ama ng anak ko.

27:19.159 --> 27:21.159
Tandaan, naririnig ka ng anak mo.

27:21.240 --> 27:22.679
Grabe, sobrang pressure.

27:24.840 --> 27:27.080
-O, Pedro.
-Kumusta ka?

27:27.600 --> 27:31.280
-Ilang araw tayong di nag-usap.
-Sawa na 'ko, sa totoo lang.

27:31.360 --> 27:33.600
Handa na 'kong makita
at pangalanan siya.

27:33.679 --> 27:35.360
Kailan ang due date mo? Malapit na?

27:35.439 --> 27:37.679
Oo. Pero mukhang komportable siya sa loob.

27:37.760 --> 27:41.040
May listahan ako
ng mga makakatulong sa panganganak.

27:41.120 --> 27:43.679
"Maglakad nang dalawang oras,
kumain ng maanghang,

27:43.760 --> 27:46.480
i-stimulate ang nipples
para magka-oxytocin."

27:46.560 --> 27:48.840
Nag-aalala ka lang
na baka sumabay sa premiere mo.

27:48.919 --> 27:50.040
Hindi.

27:50.520 --> 27:53.439
Nandiyan naman si Tomás
para hawakan ang kamay mo.

27:53.520 --> 27:54.800
Hiwalay na kami.

27:55.320 --> 27:56.800
Ikaw na lang.

27:57.480 --> 28:00.399
Magdesisyon ka na. Kung di ka pupunta,
sasabihin ko sa anak mo.

28:00.480 --> 28:03.040
Gusto kitang aluin, pero ayoko.

28:03.120 --> 28:05.280
Ibig sabihin, may pag-asa pa 'ko?

28:06.199 --> 28:07.760
Pumutok ang panubigan ko sa gulat.

28:07.840 --> 28:10.399
-Balitaan mo na lang ako.
-May choice ba ko?

28:10.480 --> 28:11.560
Kumain ka ng maanghang!

28:12.880 --> 28:13.960
Ikaw na lang.

28:14.480 --> 28:15.800
Di mo ba nararamdaman

28:15.880 --> 28:18.960
na para nang job interviews
'yong mga date ngayon?

28:19.480 --> 28:23.720
Parang market kung saan bumababa
ang halaga ng lahat.

28:23.800 --> 28:26.399
'Yong mga nararamdaman, sex…

28:26.480 --> 28:27.840
Totoo, oo.

28:31.080 --> 28:33.480
May isa pang nakakanginig talaga ng laman.

28:33.560 --> 28:35.959
Di ng itlog, patriarchal 'yon.

28:36.640 --> 28:38.199
Wala nang nakikinig sa isa't isa.

28:38.280 --> 28:40.320
Di na namamansin ang mga tao.

28:40.399 --> 28:43.439
Para na tayong nasa ibang lugar.

28:44.439 --> 28:46.439
Akala ko, natuto na tayo sa pandemic.

28:47.120 --> 28:48.760
Ano'ng mga hilig mo, Santi?

28:50.000 --> 28:51.760
Buweno, ano nga ba?

28:51.840 --> 28:55.760
Oo, favorite hobbies ko ang mag-travel,

28:55.840 --> 28:59.919
lumabas kasama ng tropa,
mamugot ng madre, manggahasa ng hamster..

29:00.000 --> 29:00.879
Ayos 'yon.

29:02.439 --> 29:06.560
Gusto kong tinatali sila
nang mahigpit gamit ang duct tape.

29:06.639 --> 29:08.679
Para di sila sumabog. At bam!

29:10.199 --> 29:11.040
Excuse me?

29:11.120 --> 29:14.600
Pwede mo bang ibaba ang phone mo
habang kausap kita?

29:16.000 --> 29:18.520
Hindi diyan. Ilagay mo sa bag mo.

29:19.120 --> 29:21.120
Sorry, nagreply lang ako sa work email.

29:21.199 --> 29:22.800
Pwede tayong magpanggap.

29:22.879 --> 29:24.800
At umastang parang tao.

29:24.879 --> 29:27.600
Na parang may malasakit sa isa't isa.

29:27.679 --> 29:29.560
Empathy lang ang hinihingi ko!

29:29.639 --> 29:30.639
Buwisit!

29:33.520 --> 29:34.879
Phone mo ang ipambayad mo.

29:37.720 --> 29:40.399
Sawa na 'ko sa walang saysay na relasyon.

29:40.919 --> 29:42.679
Gusto kong bumalik sa 19th century.

29:51.399 --> 29:53.000
IRENE CASTRO

29:54.639 --> 29:58.639
KUMUSTA KA NA? I MISS YOU…

30:07.760 --> 30:09.919
PAPA, ZERO CONTACT

30:11.919 --> 30:13.520
Binura mo ang number niya?

30:13.600 --> 30:14.840
You're welcome.

30:14.919 --> 30:16.159
Pero di ko kabisado!

30:16.240 --> 30:18.040
Papa, zero contact.

30:20.000 --> 30:22.439
Mga mahal, nakauwi na kami!

30:22.520 --> 30:23.399
Esther!

30:24.159 --> 30:25.199
Magandang balita.

30:26.040 --> 30:29.679
Paglaki ko, magiging businesswoman ako
at magkakabangka at private jet.

30:32.720 --> 30:34.320
Businesswoman?

30:34.399 --> 30:37.199
Naguluhan lang siya
dahil gusto niya ng babae.

30:37.280 --> 30:39.040
Gusto na niyang maging gaya ni Paz.

30:39.120 --> 30:41.199
Paglaki ko,
magiging Woman of the Year ako.

30:41.879 --> 30:43.240
Tomboy ang anak natin!

30:43.840 --> 30:45.000
Tomboy siya.

30:45.679 --> 30:48.840
Mahalaga nga namang may role model!

30:48.919 --> 30:51.280
Kailangan niya lang ng hahangaang babae.

30:51.360 --> 30:52.800
Ano'ng ibig mong sabihin?

30:52.879 --> 30:55.639
-Di kasali ang ina.
-Tingnan natin kung di niya 'ko hangaan.

30:55.720 --> 30:57.879
Pag nakita niya ako sa Alpha Males.

30:57.959 --> 30:59.639
Siya nga pala…

30:59.720 --> 31:01.040
Ang galing, 'no?

31:01.120 --> 31:02.679
Sa wakas, maayos na ang lahat.

31:02.760 --> 31:05.280
Isa na akong aktres,
umalis na ang papa mo,

31:05.360 --> 31:06.399
Iris na ulit si Iris…

31:07.000 --> 31:08.720
Honey, tungkol sa…

31:11.000 --> 31:12.520
Ba't nandito ang mama mo?

31:13.600 --> 31:14.840
Na-stroke siya.

31:16.919 --> 31:18.120
Sarap sa pakiramdam.

31:18.199 --> 31:21.480
Huling kumpisal ko, Communion ko pa.
Parang nalinis ang loob ko.

31:21.560 --> 31:24.320
Ayoko sa relihiyong
napapatawad agad si Raúl.

31:24.399 --> 31:27.760
May mas patriarchal at sexist pa ba
kaysa sa Simbahan?

31:28.280 --> 31:30.439
Alam mo kung ilan na ang niloko mo?

31:30.520 --> 31:32.520
Di ko binibilang. Di ako gano'n.

31:32.600 --> 31:34.159
Pero 'yong naikama mo, bilang mo.

31:34.240 --> 31:35.520
Lahat naman tayo, a.

31:36.720 --> 31:38.600
Mula ngayon, magiging tapat na ako.

31:38.679 --> 31:40.399
Bagong buhay. Walang kasinungalingan.

31:40.480 --> 31:42.679
Bale, wala nang Luz.

31:48.600 --> 31:50.399
-Hello.
-Ay! Raúl, buwisit!

31:50.480 --> 31:52.399
-Pwede tayong mag-usap?
-Ngayon?

31:52.480 --> 31:53.639
Mahalaga 'to.

31:54.120 --> 31:57.560
Wag kang mag-scooter,
hindi nakaka-sexy 'yan.

32:00.480 --> 32:01.439
Makinig ka, Luz.

32:04.040 --> 32:06.600
-Grabe, ang hirap nito.
-Ano 'yon?

32:06.679 --> 32:08.399
Nandito ako para magpaalam.

32:08.480 --> 32:10.639
-Saan ka pupunta?
-Di ako aalis.

32:11.520 --> 32:16.520
Pero di na tayo pwedeng magkita
as friends. Bilang respeto kay Marimar.

32:18.399 --> 32:20.840
Ikakasal na ako at magbabagong-buhay.

32:20.919 --> 32:22.199
Ayoko siyang saktan.

32:22.959 --> 32:25.000
Kahit sino. Ayoko na.

32:27.679 --> 32:28.679
Okay. Kuha ko.

32:29.280 --> 32:31.120
'Yon lang, kaya…

32:32.439 --> 32:35.919
Marami akong masasabing
maganda sa 'yo, pero wag na lang,

32:36.000 --> 32:39.320
kasi sasama ang loob ko mamaya.

32:39.399 --> 32:40.760
Wag mo na lang sabihin.

32:41.719 --> 32:42.560
Yakap?

32:43.240 --> 32:44.240
Sige.

32:55.320 --> 32:57.280
-Sana maging masaya ka.
-Ikaw din.

33:00.280 --> 33:02.040
Sige na, lalamigin ka.

33:13.199 --> 33:14.240
Salamat.

33:14.320 --> 33:15.879
-Daniela, question.
-Hello.

33:15.959 --> 33:17.679
Kumusta? Manganganak ka na, di ba?

33:17.760 --> 33:20.199
Oo. Pero eto ako, nagtatrabaho.

33:20.280 --> 33:22.240
Sumpa ng pagiging self-employed.

33:22.320 --> 33:23.600
May pangalan na siya?

33:23.679 --> 33:25.560
Hinihintay kong makita ang mukha niya.

33:30.959 --> 33:32.159
Okay ka lang?

33:32.240 --> 33:34.040
Pumutok na yata ang panubigan ko.

33:34.120 --> 33:35.959
Cynthia! Cyn!

33:38.480 --> 33:39.879
-Congratulations!
-Salamat!

33:39.959 --> 33:41.600
Sabihin mong nakuha mo 'yon.

33:45.280 --> 33:46.480
Diyos ko po.

34:15.000 --> 34:16.000
Honey.

34:19.480 --> 34:20.480
Ano 'yan?

35:31.839 --> 35:34.240
Nagsalin ng Subtitle: Jessica Ignacio
